Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)


Kabanata 11


"ROSENDA, ANO BA?!" untag sa akin ni Mama. Gusot na ang kanyang mukha nang mapaharap ako sa kanya. "Kanina pa kita tinatawag, ha. Bakit hindi ka sumasagot? Ano bang nangyayari sa'yo, huh?"


Ano nga bang nangyayari sa'kin? Nakita ko lang naman si Jumbo kanina sa parke na naroon pa rin at naghihintay sakin. Ni hindi ko nga alam kung paano pa ako nakauwi gayong nanginginig ang mga tuhod ko pagkatapos ko syang makitang nadun - naghihintay pa rin sa'kin. And it's been three days!


"Rosenda!" Pumamewang na si Mama.



"Po?" Nagising ang naglalakbay kong diwa.


"Ang sabi ko, kailan ba ang 13th month mo? December na ah, bakit wala pa rin?"


Oo nga pala. Kinakausap lang ako ni Mama kapag involve na ang pera. At dahil December na, mapapadalas ang pag-uusap namin. Napakagat-labi ako. "Baka po nextweek, Ma."


"O sige, iabot mo agad sa akin dahil marami akong utang. Isa pa, nagamit ko yung puhunan ko sa tindahan. Kailangang palitan agad, huh?"


"Opo." Napayuko ako. "Ah, Ma. Si Ruby po?" natanong ko pa bago sya tuluyang makalayo sa akin.


Nangunot ang noo nya. "Nasa school."


"Gabi na po, ah. Nasa school pa rin?"


Sumimangot sya. "Pwede ba, Rosenda? Ang asikasuhin mo ay ang trabaho mo, at hindi ang anak ko." Pagkasabi'y tinalikuran na nya ako.


Anak ko? Oo, anak nya. At hindi ako kabilang sa mga anak nya? Litsi, ang sakit, huh? Ngunit katulad ng paulit-ulit kong ipinagsisiksikan sa aking utak - sanay na ako. Ganito talaga sila sa akin kaya - sanay na ako.


...



"ANO ITO, MAXINE?" Kinuha ko sa kamay ni Maximus ang isang papel na iniabot nya sa akin. Halos hindi ko pa iyon maaninag dahil masakit ang mga mata ko. Hindi kasi ako nakatulog kagabi sa kakaisip kay Jumbo.


"Warning paper yan, for dismissal." Hindi sya makatingin sakin nang diretso. "Isang absent pa, Rosenda at matatanggal ka na. Bumaba na rin kasi ang sales mo."


Napalunok ako nang mariin. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho lalo na ngayon.


Narinig kong napabuntong-hininga si Maximus. "Ikaw naman kasing bruha ka. Umayos ka nga dyan..."


Napatango na lang ako kahit bakas sa mga mata ko ang labis na kalungkutan. Alam kong madali akong makakahanap ng trabaho once na matanggal ako rito. May hitsura ako at may height. Pero ang pagiging isang promoter ay hindi mahirap na trabaho at may malaking sahod.


Bukod kasi sa basic salary, may comission pa kami sa mga nabebenta namin. May TF pa ako depende sa product na pino-promote ko. Kaya masasabi kong maganda na ang trabahong ito para sa naarok lamang ng pinag-aralan ko.


Hinawakan ni Maximus ang mga kamay ko at malamlam na mga mata ang iniharap nya sa akin. "Kung gusto mo, dalhan natin ng pagkain si Jumbo dun sa parke..."


Napangiti ako sa kanya. Sabi na nga ba. Mababasa't mababasa nya ang nasa sinasaloob ko.


Ngumiti rin sya akin. "Don't worry. Everything's going to - " hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang bigla ko syang talikuran.


Heto na naman kasi sya at nag-e-english. At ayoko nang marinig iyon, please.


...

NATUTOP KO ANG aking bibig nang makita ko si Jumbo sa parke at prente pa rin syang nakaupo kung saan ko sya iniwan apat na araw na ang nakakalipas. Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang aking pagkabigla.


Nagulat ako dahil puro pasa ang kanyang mukha at may putok sya sa kanyang mga labi. Anong nangyari? May gumulpi ba sa kanya? May nan-trip ba sa kanya?


Narito kami ngayon sa parke. Balak sana naming dalhan ng pagkain si Jumbo pero ito ang nadatnan ko. Akma na akong hahakbang upang lapitan sya nang awatin ako ni Maximus.


"Rosenda, wag. Ako na lang ang lalapit..." kinuha nya sa akin ang mga sandwiches na pinagtulungan pa naming gawin kanina.


Ito naman talaga ang plano namin. Ayaw ko ring magpakita kay Jumbo dahil baka tuluyan na naman itong sumama sakin at sumununod hanggang sa bahay. Kapag nangyari yun, yari na naman ako kina Mama.


Lalapit na sana si Maximus kay Jumbo nang ito naman ang matigilan. Mayamaya lang kasi ay may lumapit na tatlong malalaking lalaki at isang babae kay Jumbo. Sa uri ng pananamit nito ay makikitang sa kalye rin naninirahan ang mga ito. Marurungis at pulos mga walang saplot ang mga paa.


Lumapit kay Jumbo iyong pinakamalaking lalaki at agad syang binatukan. "Hoy! Talaga bang matigas ang bungo mo, huh?! Di ba sinabi na namin sa'yo na amin ang lugar na ito?! Teritoryo namin ito!"


Nakatanaw lang si Jumbo sa malayo at para bang hindi natitinag.


Naglakad na ako kahit napakalakas ng kabog ko sa aking dibdib. Hindi ko hahayaang masaktan ng mga ito si Jumbo. Hindi ko sya dapat iniwan dito. Ngunit humarang si Maximus sa daraanan ko.


"Maghunusdili ka, Rosenda..."


"Maxine, tumabi ka." Habol ko ang aking hininga.


"No, Rosenda. Pinag-usapan na natin ito. Unless kung kaya mo talagang ipagpalit ang tulad nya sa pamilya mo."


Shit! Kamuntik ko nang makalimutan. May pamilya nga pala ako. At sa oras na lumapit ako kay Jumbo, sya na ang pinili ko. Mawawala sa akin ang pamilya ko. Mawawala rin ang lahat ng pangarap ko. Sabay kaming napabaling sa kinaroroonan ni Jumbo nang makarinig kami ng tunog - tunog ng suntok.


Nang sapakin si Jumbo nung malaking lalaki, napahandusay agad sya sa lupa. Hindi doon natapos ang lahat. Dahil ilang segundo pa lang ang lumilipas ay nilapitan pa sya ng mga kasamahan nito at pinagtatadyakan sya sa sikmura. Namimilipit sa sakit si Jumbo.


"Jumbo!" Nahawakan ako ni Maximus dahil balak ko nang awatin ang mga gumugulpi sa kanya.


Takot na takot ako. Baka mapatay nila si Jumbo? Malalim na pa naman ang gabi at wala ng gaanong tao sa parke. Wala na rin sigurong mga security guards na rumoronda.


"Rosenda, ano ba? Gusto mo bang mapahamak?!" sermon sa akin ni Maximus.


"Pero si Jumbo..." piyok na ang tinig ko. Kitang-kita ko kasi na ayaw pa rin syang tigilan ng mga gumugulpi sa kanya. Nangangatal ako.


Natahimik ako. Ganoon din si Maximus. Kapwa kami napatanga dahil sa sumunod naming nakita.


Pansamantalang huminto ang mga umaatake kay Jumbo. "Ano? Magtatanda ka na?" tanong nung tila pinuno sa apat.


Marahang bumangon si Jumbo. Kahit hirap, pinilit nyang bumangon. Kahit iika-ika, pinilit nyang maglakad. At nang matumba sya, pinilit nyang gumapang. Upang bumalik sa kanyang kinauupuan. Kinauupuan kung saan pinangakuan ko syang babalikan.


At nang makapabalik sya roon, bigla nang naglandas ang mga luha ko. Parang sinasabi nya kasi sa akin na maghihintay sya roon kahit anong mangyari. Na naniniwala syang babalikan ko sya kahit na anong mangyari.


Na kahit gaano katagal, doon lang sya kahit na anong mangyari.


"Aba matigas ka ha!" isang malakas na suntok pa ang muling pinakawalan nung isang lalaki. Bagsak si Jumbo mula sa pagkakaupo.


Ngunit mukhang di talaga papatinag si Jumbo. Dahil kahit lupaypay na ang kanyang katawan sa pagtayo ay bumalik pa rin sya sa pagkakaupo.


"Diyos ko... " napahagulhol na ako.


"Shhhh..." alo sa akin ni Maximus. "Dito ka lang..."


"Ha?"


"Basta dyan ka lang!" Utos sa akin ni Maximus bago sya humakbang at lumapit sa mga pulubi. "Hoy!"


Napabaling sa kanya ang apat.


Really? Ang tapang pala ni Maximus.


"I-ibibigay ko sa inyo itong mga sandwich pero may kondisyon." Parang maiihi na sya.


Matapang nga.


"Anong kondisyon?" tanong ng babaeng pulubi.


"L-lalayuan nyo ang lalaking yan." Kandautal si Maximus.


Napahalukipkip ang apat na para bang hindi sang-ayon sa gusto nya.


"L-lalayuan nyo ang lalaking yan kahit - ngayong gabi lang... whew..." tagaktak na ang pawis nya.


Tumango ang isang pulubi at kinuha ang mga sandwiches na bitbit namin. "Ngayong gabi lang, huh?" pagkatapos ay naglakad na sila palayo kay Maximus.


Lalapit sana ako nang senyasan ako ni Maximus na wag na. Lumapit sya kay Jumbo. Naririnig ko ang sinasabi nya rito. "Jumbo, makinig ka. Hindi ka na babalikan ni Rosenda. Kaya umalis ka na rito."


Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan si Jumbo. May mga mantsa ng dugo ang suot nyang t-shirt at maga ang kanyang guwapong mukha.


Mataman syang nakikinig sa sinasabi ni Maximus. Muli lang akong napaiyak nang makita ko sa mukha nya na wala syang pakialam sa mga sinasabi ng kaibigan ko.


Para na rin kasing sinasabi nya na sa akin lang sya makikinig at hindi sa ibang tao.


Napailing si Maximus nang mapatingin sya sa akin. Nakita ko pang sinilip nya ang abs ni Jumbo. Pisti talaga ang juding na ito! Nakuha pang mananching!


Gulung-gulo tuloy ang isipan ko. Kahit na alam kong may puwang na si Jumbo sa puso ko, kailangan ko pa rin syang tikisin. Hindi ko sya maaaring piliin.


Pero hanggang kailan ko sya titiiisin? Malapit na kasi akong bumigay. Sa kabila non, ayokong mawala sa akin ang pamilya ko. Bagay na binubuno ko na nang maraming taon makamit ko lang wala pa si Jumbo sa buhay ko.


Kaya kahit masakit, pilit akong tumalikod sa kanila. Humakbang ako palayo hangga't kaya ko. Mabigat ang aking mga paa pero kakayanin ko ito.


Ang nakita kong determinasyon ni Jumbo ngayon ang lalong nagpahirap sa akin ngunit hindi ito sapat para ipagpalit ko ang pamilya ko.


Bakit ko pipiliin ang puso ko? Kung alam kong mawawala naman sa akin ang mga mahal ko? Magtitiis ako.


At ito ang choice ko.


Tsk. Kaya ko ito.


Kaya ko.


Kahit tigmak ng luha ang mga mata ko.


..


NAKAKAPAGTAKA. SARADO ANG tindahan ni Pektong. Siguro ay abala ito sa iba nya pang sideline. Dumeretso ako sa bahay.


Natanaw ko si Dangdang na nakatanghod sa pintuan ni Going Marry. "Anong ginagawa mo dyan? Gabi na ah." Tanong ko sa kanya habang tinitingala ko sya sa itaas ng puno.


Hindi nya ako tinugon. Nanatiling malungkot ang kanyang mukha. Kinabahan tuloy ako. Mukhang may masamang nangayari.


Dali akong pumasok sa bahay. Nadatnan ko si Amang na nakatanaw sa malayo. Si Mama naman ay inaalo ang umiiyak na si Ruby.


"Ma, ano pong nangyari?" bungad ko agad sa kanila.


Hindi sumagot si Mama. Si Amang naman ay hindi makatingin sa akin.


Napabaling ako kay Ruby. "Bakit ka umiiyak?"


Nanatili lang umiiyak si Ruby at hindi makatingin sa akin. Nanginginig ang mga kamay nya habang panay ng haplos si Mama sa kanyang likuran.


Lalo akong kinabahan.


Tumikhim si Amang. "B-buntis si Ruby."


Naestatwa ako sa aking narinig.


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro