Kabanata 10
Kabanata 10
"ROSENDA!"
Napapiksi ako sa pagsigaw ni Maximus. Kanina nya pa pala ako tinatawag.
"Rosenda, ano bang nangyayari sa'yo? Kahapon ka pa wala sa sarili." Sermon sa akin ni Maximus habang inaayos nya ang mga produktong ipo-promote namin.
Hindi ko sya kinibo. Pinili ko na lang na manahimik.
Nanlaki ang mga mata nya nang mapatingin sya sa bintana. "Si Jumbo oh, nasa labas!"
"Asan?!" mabilis ko iyong nilingon. Pero wala naman akong Jumbo na nakikita ron. Yamot na titig ang ipinukol ko sa kanya.
"See? Eh di si Jumbo pala ang dahilan, bakit hindi mo pa sabihin sa'kin, tungkabin ko yang mata mo dyan eh!" humalukipkip pa sya habang pinandidilatan ako.
"Nag-aalala lang ako dun sa tao." Matamlay kong tugon.
"Really? Or maybe you mess him."
Baka miss, hindi mess. Saka ko na sya babarahin. Baka ma-offend. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paggawa ng report namin.
Narinig kong napabuntong-hininga sya. "Sorry, Rosenda. Kung pwede ko lang syang itira sa amin pansamantala ay ginawa ko na. Kaya lang, kilala mo naman si Luisito."
Si Luisito ay iyong bansot nyang boyfriend. Ka-live in partner nya rin ito at alam kong sobrang possesive nito sa kanya. Sigurado akong pagseselosan din nito si Jumbo kapag nakita nya ito. Pero kilala ko si Maximus. Hangga't kaya nya akong tulungan ay tutulungan nya ako. Nilapitan ko sya at saka niyakap.
"Paano si Paolo? Sa susunod na linggo na iyong birthday party nya." tanong nya sa akin nang nagkalas kami.
Si Paolo? Ugh. Akalain ko nga naman. In two days nakalimutan ko ang mokong na yun. Kamuntik ko ng makalimutan ang birthday party nya. O marahil nakalikdaan ko na pati kasi sya. Wala kasing ibang laman ang isip ko nitong nakaraang araw kundi si Jumbo.
"Rosenda, ano? Pupunta ba tayo?" untag sa akin ni Maximus.
Tinanguan ko sya. "Oo. Pupunta tayo."
..
MINABUTI KO NA lang lakarin ang papasok sa lugar namin pagbaba ko ng jeep. Gusto ko rin kasing magmuni-muni. Sa totoo lang kasi, hindi ko maintindihan ang aking sarili. Bakit ba ako nagkakaganito simula nang mawala si Jumbo sa akin? Nami-miss ko ba sya o nagi-guilty lang ako dahil iniwan ko sya sa park? Grrrrrr! Bakit ba sya na lang ang laging laman ng isipan ko?
Kailangan kong mag-isip ng kakaibang bagay. Katulad ng – ano ba? Hayun! Tulad nitong baon kong sandwich!
Damn! Very good, Rosenda. Ang sandwich ay hindi related kay Jumbo. Never! Anyway, speaking of sandwich. May naalala ako.
Naalala ko yung unang karanasan ko kay Jumbo... ahihihi. Doon. Doern sha Going Marry naganerp... ahihihi.
Tumatagilid na naman ang dila ko. Focus Rosenda! Focus! Hindi iyong lumalandi ka na naman!
Anong gagawin ko? Binabagabag talaga ako ni Jumbo, huhuhu.
"Hi, Rosenda!" bati sa akin ni Pektong. Nadaanan ko kasi itong tindahan nya malapit sa amin.
Hindi ko sya pinansin.
Lumabas sya ron at lumapit sa akin. "Rosenda, kumusta? Hindi na ba nanggulo ulit ang lalaking iyon?" ang tinutukoy nya pihado ay si Jumbo.
Inisnab ko pa rin sya. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Gusto mo ba mangutang?" humarang sya sa daraanan ko. "Pwede mong utangin ang puso ko." Sabay ngiti nya na ang kita lang naman sa bunganga nya ay ang kanyang gilagid.
Napasimangot ang noo ko. "Bayug."
Pero walang Bayug na dumating.
Lalong lumawak ang ngiti ng gilagid ni Pektong.
"Bayug!" lumaki ang aking boses. Ngunit wala pa ring Bayug na dumarating. Nasaan kaya iyon? "Bayug!!!" sumigaw na ako pero wala talaga.
"Sorry, Rosenda. Nakalimutan kong sabihin na may alaga na rin pala akong aso." Napahalukipkip pa si Pektong.
"Ha?"
"Pukaka ang pangalan nya. Hayun sya oh." Inginuso ni Pektong ang nguso nya sa likuran ko.
Nang lingunin ko iyon, naroon nga si Bayug at may kinakadyot na aso. Itong aso na ito marahil si Pukaka na alaga ni Pektong. Napailing ako. Kaya pala hindi ko matawag si Bayug kasi abala. At nadali ako ni Pektong don ah.
"Ngayon, Rosenda. Solo na kita. Wala ng Bayug na – " hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang tumilapon sya. Shoot sya sa loob ng sarili nyang tindahan nang mabangga sya Lucas na kakarating lang.
"Who's that guy?" tanong ni Lucas sa akin na hinihingal pa. Hindi nya siguro sinasadyang mabunggo si Pektong.
Mabuti na rin at dumating itong si Lucas. Bukod sa nakaligtas ako kay Pektong, malilibang ako kahit pansamantala'y mawala lang sa isip ko si Jumbo. "Ah, he's no one." Niyakag ko na sya papasok sa bahay namin.
Nadatnan kong umiiyak si Ruby. "Bakit ka umiiyak?" tanong ko agad sa kanya.
"Wala kang pakialam!" pagkabulyaw nya sa akin ay agad syang tumalilis papasok ng kanyang kwarto.
Napapailing na lang ako. Pero ayos lang, sanay naman na ako.
"Are you all right?" ani Lucas na nasa likuran ko lang.
Ngumiti ako sa kanya. "Have a seat."
Ngayon ko lang napansin. May dala pala syang flowers at basket of sandwiches. Inilapag nya iyon sa tabi bago sya umupo sa sofa.
Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Naalala ko na naman kasi si Jumbo. Oh, Rosenda! Please, kahit saglit, kalimutan mo muna si Jumbo! Nagulat na lang ako nang biglang magtanggal si Lucas ng suot nyang coat. Naka-sando na lang sya nang hubarin nya iyon na para bang ibinabandera nya sa akin ang kanyang katawan. "I want to tell you that I'm starting to go to a gym. What do you think?"
Hindi ako makasagot sa tanong nya. Kinikilabutan kasi ako don sa buhok nya sa dibdib. Kulay dilaw rin iyon tulad ng kanyang buhok.
Akala nya siguro namangha ako sa katawan nya. "Did you see the muscle?" napangisi pa si gago.
Muscle? Muscle sa panga may nakikita ako. Other than that, wala na.
Marami kaming katarantaduhang napag-kwentuhan ni Lucas. Actually, wala syang kaalam-alam na katarantaduhan iyon. Sa buong oras na iyon, wala rin akong ibang ginawa kundi pakatitigan ang ngipin nya. Kakaiba na kasi ito. Kulay orange na. Ibig sabihin ba nun mas malala na ito kaysa noong una? Ang alam ko kasi, nag-start iyon sa kulay white. Kapag hindi nasepilyuhan, magiging dilaw. Kapag hindi pa rin, magiging orange. Siguro ang malala kapag naging red na 'to. Ew!
Maige na lang at dumating si Amang. Galing ito marahil sa sugal. Nakabihis kasi ito ng maayos.
Agad tumayo si Lucas at sinalubong si Amang. "Goodevening, Mario."
Tinanguan naman sya ni Amang. "Good ebning, Sir."
Napatingin si Lucas sa kanyang wrist watch. "It looks like I should head out. It's already midnight."
Nginitian lang sya ni Amang. "Tek care."
...
"SI JUMBO YUN ah!" sigaw ni Maximus na nakatingin sa aking likuran habang kumakain kami sa isang karinderya. Nawala ako sa sarili. Nilingon ko iyon.
"Nasaan?" pero wala akong Jumbo na nakita. Inirapan ko si Maximus.
Nakatirik lang ang mga mata nya. "Aminin mo na kasi na nami-miss mo si Jumbo."
Hindi ko sya pinansin. Alam kong nang-aasar lang sya. Badtrip pa naman ako ngayon dahil napagalitan ako ni Amang kagabi. Kung anu-ano raw ang itinuturo ko kay Lucas. Amo pa naman nya iyon. Tsk.
[ A novel by Jamille Fumah ]
Tapos narito pa kami sa karinderya na kinainan namin noon ni Jumbo. Haist. Nalulungkot tuloy ako lalo.
"Hoy, bruha. Tumayo ka dyan at samahan mo ako sa parke." Untag sa akin ni Maximus.
"S-sa parke?" kandautal ako. Hindi nya kasi alam na sa parke ko iniwan si Jumbo.
"Oo. Sa parke. Para naman malibang ka at hindi iyang lagi ka na lang mukhang namatayan. Halika na!" hinatak na nya ako.
"P-pero – " hindi na ako nakapalag nang makasakay na kami ng tricycle papunta roon.
Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ako kinakabahan? Whew! Imposible namang naroon pa si Jumbo eh tatlong araw na. Alangan naman hindi sya makahalata na na hindi ko na sya talaga babalikan.
Pagbaba namin ng tricycle, namilog agad ang mga mata ni Maximus habang nakatingin sya sa aking likuran. "Si Jumbo, oh!"
Napabuga ako ng hangin. "Hindi mo na ako maloloko, Maxine."
"Seryoso ako, Rosenda. Si Jumbo nga yun, oh."
Umiling-iling ako habang nakangiti. "Hindi na ko papauto sa'yo."
Napamewang sya sa akin. "Dito mo sya iniwan, nuh?"
"Ha?" napanganga ako. Paano nya nalaman?
Nabasa nya ang iniisip ko. "Paano ko nalaman? Kasi, hayun talaga sya. At kilala ko si Jumbo, hindi sya umaalis sa pwesto nya kapag binilin mo sa kanya."
Napalunok ako. Napalunok ako nang mariin bago ko ipinihit ang aking katawan paharap sa aking nililikuran.
It's been three days. Oh, Lordie, it's been three days! Ganoon na lamang kalakas ang eratikong tunog sa puso ko nang makita ko si Jumbo.
Doon.
Sa pwesto nya kung saan ko sya iniwan –
––noon.
Bigla na lang naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Dahil si Jumbo, naghihintay pa rin sa akin – doon. Tulad ng binilin ko sa kanya – noon.
Si Jumbo! Nandoon pa rin siya...
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro