Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Babysitter 1.2


***

"A-Adan?"

"Ate Lara!" sigaw ko sa sobrang saya at hindi ko na napigilan at niyakap ko ng napakahigpit si Ate Lara. Finally! After so many years nagkita na kami ulit sa wakas!

"Ate, I missed you!" sabi ko habang nakabaon ang mukha ko sa leeg niya.

"Na-miss din kita, Adan." narinig kong sabi ni Ate Lara at bumitaw na ako sa pagkayakap ko sa kanya.

"Kailan pa kayo nakauwi dito?" nakangiti kong tanong kay Ate.

"Uh, actually, di ko kasama sila Mama at Papa pag-uwi. Kakadating ko lang kagabi." sagot ni Ate Lara habang nakangiti.

"Ahh, okay. Uh, baka nagugutom ka, tara. Kain tayo." anyaya ko sa kanya pero iniling niya lang ang ulo niya habang nakataas ng bahagya ang kanyang mga kamay.

"Hindi na. Okay lang ako." pagtanggi niya sa alok ko at sakto namang narinig kong tumunog ang kanyang tiyan at ngumiti na lang siya habang nakahawak sa kanyang tiyan.

"Hmm... wag ka nang mahiya, Ate. Lilibre kita. Tara." tapos hinawakan ko ang kamay niya at pumunta na kami sa isang malapit na fast-food restaurant.

***

"So, kamusta naman ang buhay niyo sa Canada, Ate? Masaya ba?" tanong ko habang kumakain kami.

"Ha? Ah, oo. Masaya naman. Pero mas masaya talaga dito sa Pilipinas." nakangiting sagot ni Ate  Lara tapos kumain siya ng isang kutsarang puno ng rice at isang piece ng chicken.

"Ah, ganun ba? Mabuti naman at naisipan mo nang umuwi dito, Ate Lara. Talagang na-miss kita." nakangiti kong tugon sa kanya, nginitian niya rin ako tapos napatingin siya sa inorder kong pagkain.

"Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo ah. Di ka ba kakain?" tanong niya nang mapansin niyang hindi pa ako nagsisimulang kumain.

"A-Ah. Sorry, Ate. It's just that... I couldn't resist not to look at you. Hindi kasi tayo masyadong nag-usap o nagkasama bago kayo umalis eh." sagot ko naman, hindi ko pa rin tinatanggal ang mga mata ko mula sa pagkakatitig sa kanya.

"Ah, oo nga noh? S-Sensya na, Adan. Medyo may problema kasi ako noon kaya ganun. Sorry talaga." paliwanag ni Ate while showing her sweet smile that really brings warmth in my heart.

"Oh, I see. Akala ko pa naman, iniiwasan mo na ako eh. Kasi hindi mo na kasi ako pinansin matapos..." napatigil ako sabay tingin kay Ate Lara at nakita kong medyo nagulat siya at tumungo. Siguro ay naalala niya iyong iniibig kong sabihin. Iyong araw na iyon; ang araw na umamin ako sa kanya.

"Ahm... Adan?" narinig kong pagtawag sa akin ni Ate Lara.

"B-Bakit po, Ate?" tanong ko, ramdam ko ang pangingnig ng boses ko.

"T-Talaga bang... may g-gusto ka sa... sa akin?" baka sa boses niya ang kaba at panginginig nito. Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko pagkatapos ay napangiti ako.

"Opo. Gusto po talaga kita, Ate Lara." sagot ko sabay abot sa kamay niya na medyo ikinagulat niya kaya napatingin siya sa akin at nagtama ang mga mata namin "At hindi iyon nagbago dahil hanggang ngayon ay may gusto pa rin ako sa iyo." dagdag ko.

"Adan..." sabi ni Ate Lara.

Naghintay ako ng ilang minuto bago tumayo si Ate Lara at hinila niya ako mula sa upuan ko tapos tumakbo siya palabas ng restaurant habang nakabuntot lamang ako sa kanya.

"O-Oy! Ate! Saan po tayo pupunta?" tanong ko habang tumatakbo kami sa daan papalayo sa restaurant. Hindi ako sinagot ni Ate Lara at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo.

***

Tumigil mula sa pagtakbo si Ate Lara sa harap ng World of Fun "Bakit po tayo nandito, Ate Lara?" tanong ko nang makapaghabol na ako ng hininga.

"Okay lang ba kung... maglaro muna tayo dito?" tanong ni Ate Lara sabay lingon sa akin.

Tinignan ko siya na may pagtataka bago ako tumango bilang tugon sa sinabi niya tapos pumasok kami ng World of Fun.

Ako na ang nag-alok na magbayad para sa mga tokens namin kahit na tinanggihan ni Ate Lara at sinabi niya na siya na raw ang magbabayad. Pero, in the end, ako pa rin ang nagbayad.

Una kaming naglaro sa parang basketball game. Magkaiba kami ng booth at nagpustahan pa kami kung sino ang mas makakarami ng score. Nakakatuwa si Ate Lara habang naglalaro siya. Abot-langit ang saya niya, para bang naging bata muli siya.

Natapodms ang aming laro at nakuha ni Ate Lara ang mas mataas na score. Pero, okay lang yun para sa akin. Basta masaya si Ate Lara, masaya rin ako.

Pagkatapos ay naglaro naman kami sa parang racing game. Magkaiba ulit kami ng booth pero nanghingi kasi ng tulong si Ate Lara dahil hindi niya daw maintindihan kung paano ba iyon i-navigate. Syempre, tinulungan ko siya.

"Okay, ganito yan, Ate Lara." pinatong ko ang mga kamay ko sa mga kamay niya na nakahawak sa manibela habang nasa balikat niya naman nakapatong ang baba ko. Pinaliwanag ko sa kanya kung paano i-navigate iyon at nakuha niya naman agad.

"Yan. Kuha mo na, Ate." nakangiti kong sabi.

"Haha! Ang saya. Thank you, Kuya Adan." pagpapasalamat ni Ate at napatingin ako sa kanya sakto namang napatingin siya sa akin. Dahil sa nakapatong pa rin ang baba ko sa balikat niya ay nagkalapit ang mga mukha natin at nagkatitigan kami sa aming mga mata. Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang oras at para bang tanging tibok na lamang ng puso ko ang nadirinig ko ng mga panahong iyon.

Sa tingin ko ay unti na lamang ay maglalapat na ang mga labi namin, mabuti na lang ay narinig namin ang sound ng game kaya bigla kaming natauhan at umayos na ako ng tayo.

Kakaiba talaga ang naging pakiramdam ko habang nagkaganun kami ni Ate Lara. Para bang sa pamamagitan lamang sa pagtitig sa mga mata niya ay sinabi na niya sa akin ang nararamdaman niya. Na para bang... may gusto rin siya sa akin!

Ay! Tumigil ka nga, Adan! Panigurado ay wala namang gusto sa iyo si Ate Lara eh. Kaya wag ka nang umasa. Okay na siguro kahit ako na lang ang nagkagusto sa kanya. Besides, I believe she deserves someone better than me. Isip ko.

***

Pagkatapos namin sa World of Fun ay naglakad-lakad kami ni Ate Lara sa mall. Nang gumabi na ay nilibre ko siya sa Foodcourt. Habang kumakain at naglalakwatsa ay nagkwentuhan din kami ni Ate Lara tungkol sa buhay namin these last years.

Nakwento ko sa kanya na madaming babae ang nanligaw sa akin pero hindi ko sila sinagot dahil hinintay ko ang pagbalik niya. Tumawa lamang siya.

"Wow. Heartthrob pala ang alaga ko nung Highschool at College. Ibang klase." natutuwa niyang sabi tapos uminom siya ng coke niya.

"Haha! Siguro nga. Eh, ikaw, Ate? Panigurado, madami kang manliligaw sa Canada noh? Baka may boyfriend ka pa noon?" patuksong tanong ko sa kanya.

"Well... oo. Marami ngang nanligaw sa akin sa Canada. Pero busted silang lahat."

"Eh? Bakit naman? So, wala kang naging boyfriend?" gulat na tanong ko sa kanya, tumango siya.

***

Natapos kami sa pagkain at naisipan na naming umuwi. Inalok kong ihatid si Ate pauwi kaso habang padaan ki sa Condo building ko ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya sinuggest kong sa Condo ko muna kami maghintay ng pagtila ng ulan.

"Wow! Ang ganda naman ng Condo mo, Kuya Adan! Asensado ka na talaga!" namamanghang sabi ni Ate Lara habang nililibot ng mga mata niya ang paligid.

"Thanks, Ate." sagot ko habang sinasara at nila-lock ang pinto ng condo ko "Mauna ka nang maligo, Ate. Ihahanda ko na ang pamalit mo." alok ko sa kanya.

"Ha? Hindi. Ikaw na. Mas nabasa ka kaya kesa sa akin. Sige na, baka magkasakit ka pa." pagtanggi naman niya.

"Hindi. Ikaw na, Ate. Wag ka nang mag-alala, okay lang ako." pagpipilit ko. Hindi na nakapagsalit si Ate Lara nang tulakin ko na siya papasok ng CR sabay sara nito.

Habang naliligo si Ate Lara ay naghanap ako ng pampalit niya. Pinasuot ko sa kanya ang isa kong mahabang T-shirt na blue na may nakalagay na logo ng Tribal tapos boxer shorts ko. Nang matapos na siya ay ako naman ang naligo at nagbihis.

Matapos kong maligo ay laking gulat ko nang makita kong nakahiga sa sofa si Ate Lara at mahimbing ang kanyang pagtulog. Napangiti ako tapodms dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Umupo ako sa sahig at tinitigan ko ang magandang mukha ni Ate habang natutulog siya. Gigisingin ko ba siya o hindi?

Matapos ang ilang minuto ay dahan-dahan ko siyang kinarga mula sa sofa at hiniga ko siya sa higaan ko. Saktong paglapag ko sa kanya ay narinig ko siyang nagsalita.

"Adan..." nilapitan ko siya nang marinig ko iyon.

"Ate?"

"Adan... wag..." bakas sa mukha at sa boses ni Ate Lara ang takot, ano kaya ang pinapanaginipan niya?

"Ate? Bakit? Okay ka lang?" pag-aalala ko.

"Adan... Adan!" sigaw ni Ate Lara at agad-agad siyang gumising at napaupo siya habang hingal na hingal na para bang kanina pa siya takbo ng takbo.

"Ate Lara? Okay ka lang? Bakit?" para akong nataranta sa pagsigaw ni Ate Lara. Parang takot na takot kasi ang tono ng boses niya.

"Adan..." nanlaki ang mga mata ko nang makita kong umiiyak siya at agad-agad niya akong niyakap ng mahigpit.

"Adan... sorry. Sorry talaga. Hindi ko sinasadyang iwasan ka ng ganun! Natakot kasi ako. Natakot akong magbago ng tuluyan ang tingin mo sa akin. Ayoko sanang iwasan ka pero natakot kasi akong dumating yung araw na tuluyan nang mahulog ang loob sa akin tapos masaltan lang kita. Natakot kasi akong saktan ka! Sorry na!" nangingiyak na sabi sa akin ni Ate Lara.

"Ha? Anong pinagsasabi mo, Ate?"

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin sabay pahid ng mga luha niya "Sorry, Adan. Sorry talaga dahil iniwasan kita dati. Inisip ko kasi na baka masaktan ka lang pag nalaman mong wala akong gusto sa iyo." pakiramdam ko ay may malaking bato na dumurog sa isang parte ng puso ko. Hindi ko maintindihan amg sakit na naramdaman ko nang sabihin ni Ate Lara iyon.

"Pero... nagkamali ako. Hindi ko naisip na ako pala ang masasaktan sa ginawa ko. Nang umalis kami nila Mama papuntang Canada, pakiramdam ko parang may naiwan akong napaka-importante dito sa Pilipinas. Ilang gabi akong hindi nakatulog kakaisip doon hanggang sa malaman ko na kung ano iyong naiwan ko."

Tumigil ng saglit si Ate Lara bago siya nagpatuloy sa pananalita "Ang naiwan ko pala sa Pilipinas... ay... ang puso ko."

"Naiwan ko dito ang puso ko." tapos tinignan niya ako, isang luha ang tumulo mula sa mata niya "At ikaw ang may hawak noon, Adan."

Nagulat ako sa narinig ko at pakiramdam ko ay nabuo muli ang puso ko na nasira "I guess, all I'm trying to say is... I-I.. I... lo-lo--"

Hindi ko na siya pinatapos dahil agad kong hinawakan ang mga pisngi niya sabay halik sa kanya sa kanyang mga labi. Ilang minuto ring nakalapat sa mga labi niya ang mga labi ko. At natuwa naman ako when she kissed me back. I felt her hands on the back of my neck and she pulled me closer to deepen our kiss.

Lumipas ang halos kalahating minuto bago naghiwalay ang mga labi namin at parehas kaming naghahabol ng hininga namin.

"Adan" narinig kong pagtawag sa akin ni Ate Lara kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin "I Love You."

Pakiramdam ko biglang tumigil ang pagtakbo ng utak ko hanggang sa bumaon na sa utak ko ang sinabi niya kaya napangiti ako "I Love You too, Ate Lara." tugon ko.

Bumungisngis si Ate Lara tapos humiga siya at hinila niya ako kaya napahiga ako sa tabi niya. Niyakap ako ni Ate Lara habang nakapatong sa aking dibdib ang ulo niya. Binalot ko siya sa braso ko tapos hinalikan ko siya sa ulunan niya.

"Adan" narinig kong pagtawag sa akin ni Ate Lara "promise mo sa 'kin na di mo ako sasaktan ha? Ako lang ang mamahalin mo at di ka na maghahanap ng iba pang babae, ha?"

Napabungisngis ako sa sinabi ni Ate Lara "Don't worry, Ate. Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay. Hinding-hindi kita sasaktan o paiiyakin." sagot ko naman.

"Promise?" tapod tinignan niya ako habang naka-pout.

"Honesto. Promise, swear to God." tapos sabay kaming napatawa ng mahina sa sinabi ko.

Iyon na talaga ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Even after 10 years of not seeing or talking to each other, I didn't expect it to be like this. I guess it is true that: Absence makes the heart grow fonder.

I never imagined that I'd completely fall in love with my Babysitter, and she did the same.

THE END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro