Babysitter 1.1
Hey, guys! So, may iba siguro familiar na sa story na to kasi nakapost sya dati kina Blackpurpleblue123 pero nirepost ko sya dito kasi plano na naming i-delete ni MsLilPrincess17 yung account na yun..
So yeah! Hope you'll like this one!
***
Tila hindi ako mapakali sa sobrang excitement habang nakasakay kami ni Mommy sa kotse. Papunta kami ngayon kina Tita Lizzie dahil may usapan sila na magma-mall daw sila kasama ang ibang nga kasamahan nila noong college sila. Hindi daw ako pwedeng sumama sabi ni Mama kaya maiiwan ako kina Tita Lizzie.
Siguro ang iba sa inyo ay nagtataka kung bakit excited ako gayong hindi naman ako sasama kina Mommy sa mall. Sasabihin ko sa inyo mamaya kung bakit.
Nang makarating kami sa bahay nila Tita Lizzie ay agad akong bumaba ng kotse at tumakbo papunta sa pinto ng bahay nila sabay katok. Matapos kong kumatok ay bumukas ang pinto at bumungad sa harapan ko ang isang babaeng nasa 30s na ang itsura na may suot na orange na blouse at long blue jeans. May perlas na hikaw naman siya sa tenga at may light na make-up sa kanyang mukha.
"Oh, Kuya Adan, andyan ka na pala. Pasok ka, anak." anyaya sa akin ni Tita Lizzie tapos tumabi siya upang papasukin ako "Where's Mommy, Kuya?" tanong sa akin ni Tita nang maka-upo na ako sa sofa nila habang luminga-linga naman siya sa labas.
"Nasa car po. She said she'll waut for you there." sagot ko tapos tumango naman si Tita Lizzie. Nilabas ko ang iPad ko mula sa shoulder bag na karga ko at nagsimulang maglaro ng Minecraft.
"Lara, anak! Andito na si Adan! Lumabas ka na dyan!" narinug kong sigaw ni Tita Lizzie tapos sumunod naman doon ang sigaw ng isang medyo matinis na voses ng babae na nagsasabing "Opo!"
Napunta ang atensyon ko sa pinagmulan ng boses na iyon at nakita kong lumabas ng silid ang isang babaeng nakasuot ng puting T-shirt na may nakalagay na 'Freshmen Dragons' in green writing at striped shorts na umaabot sa tuhod niya. Naka-headband lamang siya pero may kaunting buhok naman na lumalabas mula sa bangs biya habang nakalugay ang kanyang hanggang-bewang na buhok.
"Hi, Kuya Adan! How are you?" nakangiting bati sa akin ni Ate Lara habang naglalakad siya papalapit sa kin tapos umupo siya sa tabi ko habang hawak-hawak ang cellphone niya.
"I'm okay po." sagot ko habang pinapanuod kong ibinagsak niya ang sarili niya sa sofa. Nagpatuloy ako sa paglalaro ng Minecraft habang nagtetext naman si Ate Lara, every once in a while, hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kanya at madalas ay nakikita ko siyang nakangiti, dahil siguro sa ka-text niya.
"Okay, alis na kami, ha? Tawagin mo na lang kami kung may kailangan kayo. Lara, ikaw na bahala kay Adan, ha? Wag mo siyang papalabasin, dito lang kayo sa loob, okay?" paalala ni Tita Lizzie kay Ate Lara bago niya buksan ang pinto.
"Opo! Ingat po kayo, Ma!" sagot naman ni Ate Lara. Nginitian kami ni Tita Lizzie bago siya lumabas at nagsara ng pinto. Nang makalabas na si Tita ay hinarap naman ako ni Ate Lara.
"Okay, Kuya Adan, ano gusto mong gawin natin? Gusto mo bang manuod? Maglaro? Baka nagugutom ka, tell me." sunud-sunod na tanong ni Ate Lara.
"Uhm... can I watch uh... Jurassic Park?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Okay." tapos tumayo si Ate Lara at binuksan ang LED TV nila. Nilagay niya sa AV ang source ng TV tapos binuksan na rin niya ang DVD player nila. Kinuha niya mula sa lalagyan ng DVDs at CDs nila ang bala ng Jurassic Park tapos isinalang niya iyon.
"Maupo ka lang diyan, okay, Kuya? Kuha pang si Ate ng snacks nayin." sabi niya sa akin at tinungo na niya ang direksiyon ng kusina nila Habang naglalakad siya ay sinundan ko lamang siya gamit ang mga mata ko. Narinig ko nang magsimula ang opening credits ng movie pero hindi ko pa rin inaalis ang nga mata ko kay Ate Lara.
To be honest, si Ate Lara ang dahilan kung bakit ako excited laging pumunta dito sa bahay nila. Gustung-gusto ko siyang makita at makasama lagi. Aaminin ko na, crush ko si Ate Lara. Pero wala namang masama doon, diba? Crush pang naman eh, not love or infatuation.
Atsaka, hindi ko naman maiiwasang hindi siya magustuhan eh. Maganda siya, matalino, mabait, masipag... siya na talaga! Pero sabi ni Mommy, hanggang crush na lang daw muna ako. Masyado pa daw akong bata para sa love, accept ko naman eh. Besides, 14 years old siya, 10 pa lang ako. Kahit na may mga nagsasabing Age doesn't matter, feel ko pa rin, incompatible kami eh. Oh well, okay na sa akin ang makasama siya kesa naman sa hindi. At least, masaya ako.
***
"Talagang po bang lilipat na kayo, Ate Lara?" tanong ko kay Ate, bakas ang lungkot sa boses ko habang nakatingin sa nakatungong Ate Lara. Nandito kami ngayon sa bakuran nila, naisipan naming dito mag-usap habang nag-iimpake sila sa loob.
"Oo eh. Hindi talaga maiiwasan iyon eh." sagot naman ni Ate Lara, medyo malungkot din ang tono ng boses niya "Pero wag kang mag-alala. Magkikita pa naman tayo eh. Atsaka, pwede naman tayong mag-usap sa internet, diba?" sinubukan niyang pasayahin naman kahit papaano ang usapan namin.
"Alam ko po. Pero mami-miss ko po kayo." nakanguso kong sabi habang nakatingin sa mga daliri kong nagsusulat ng pangalan ni Ate Lara sa damuhan "Ilang years po ba kayo sa Canada?" tanong ko sabay tingin kay Ate Lara tapos bumalik sa daliri ko.
"Mga 5 or 7 years siguro. Depende rin yun eh."
"Ay, ang tagal po pala kayong mawawala."
"Wag kang mag-alala Kuya Adan. Promise, sa iras na bumalik kami sa Pilipinas, hahanapin talaga kita para magkita agad tayo." paniguradong sabi sa akin ni Ate Lara sabay patong ng kanyang kamay sa ulo ko.
"Promise po yan ha?"
"Of course." tapos nag-pinky swear kami upang mapatunayan nga na tutuparin talaga niya ang pangako niya sa akin.
Namagitan sa amin ang katahimikan. Walang ivang tunog na maririnig maliban sa mga dahon na nakikisabay sa hangin, sa mga ibon na nagliliparan sa himpapawid at sa mga sasakyan at traysikel na nagdadaanan.
Sa mga oras ng katahimikan ay pinag-isipan ko kung aaminin ko na ba kay Ate Lara na may gusto ako sa kanya. Kasi kapag umalis sila na hindi ko naaamin ang nararamdaman ko, edi baka pagsisihan ko pa ang sarili ko dahil sinayang ko ang mga pagkakataon na maaari kong nagamit upang sabihin sa kanya iyon. Siguro nga dapat sabihin ko na, kasi panigurado pag nasa Canada na sila, madaming maaaring manligaw kay Ate Lara at maaaring magka-boyfriend na rin siya sa mga panahong naroon sila. At least kapag nasabi ko nang may gusto ako sa kanya, alam niya.
Huminga ako ng malalim bago ako nagsimulang magsalita "Uhm... Ate Lara... ma-may gusto sana akong sabihin sa iyo." ramdam ko ang panginginig ng boses ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Ano yun?" tanong naman ni Ate Lara.
"Kasi... uhm... sa haba ng... pagsasamahan natin... na-napansin ko na... o na-realize ko na... uh... na may... uh... may..." grabe! Nauutal na talaga ako sa kaba. Hindi ko malaman kung paano ko sasabihin sa kanya.
"May? Wag ka nang mahiya, Kuya Adan, sabihin mo na." paghihikayat niya sa akin, kinagat ko ang labi ko sabay inhale tapos exhale.
"Ate Lara..." tapos tinitigan ko siya sa kanyang mga light-brown eye s na kumikintab sa liwanag ng araw "I-I like you." diretso at seryoso kong sabi sa kanya.
Hindi ko maipinta ang reaksyon ni Ate Lara, para siyang nagtataka na ewan. Para bang hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
"A-Ah, parang tinatawag ata ako ni Mama. Sige, pasok na tayo sa loob." tapos agad na tumayo si Ate Lara, nagpagpag ng short at tumungo sa loob ng bahay habang ako naman ay naiwan sa labas.
Nagpabuntong-hininga ako at napapunas pa ng mukha ko. Grabe! Todo kaba ang naramdaman ko nun! Pakiramdam ko, masyado nang mabilis ang tibok ng puso ko. Pero sa tingin ko nagulat ko ata si Ate Lara eh. Sana naman matapos kong sabihin iyon ay hindi maging awkward ang atmosphere naming dalawa.
Pero nagkamali naman ako ng hinala. Naging awkward nga ang atmosphere sa oagutan namin ni Ate Lara. Mukhang hindi naman pansin nila Tita Lizzie at Mommy eh.
Nang araw na aalis na sila ay hindi pa rin ako kinakausap masyado ni Ate Lara. Hanggang sa pinanuod ko na lang silang maglakad papalayo sa amin at maglaho sa loob ng airport. Umaasa ako na sana magkaayos na kami ni Ate Lara, ayoko talagang maging awkward ang atmosphere namin eh. Hindi ako sanay na hindi siya nakakausap o nakakasama na gaya ng dati.
***
Lumipas ang mahigit 10 taon. Naka-graduate na ako ng College at ngayon ay nagtatrabaho na ako as a CEO of my Tito's company. Mag-isa na akong nakatira sa sarili kong condo matapos maisipan nila Mommy at Daddy na magbakasyon sa States.
Pero sa bawat taon na lumipas ay umaasa pa rin ako na makakauwi na agad sila Ate Lara. Gusto ko na talaga siyang makausap at malinawan kung okay lang ba kami. Dahil kahit sa internet ay hindi niya ako kinakausap eh. Hindi kami nagtatagpo ng time na naka-online kami parehas. Hindi rin siya sumasagot sa mga emails at messages ko sa kanya.
Minsan ay halos hindi na ako makatulog kakaisip kay Ate Lara. Hanggang ngayon kasi ay siya pa rin ang gusto ko eh. At, call me crazy, pero wala pa talaga akong naging girlfriend. Promise! Si Ate Lara lang talaga ang babaeng umiikot sa isipan ko at sa tingin ko ay hindi lang paghanga, crush, infatuation, like or anything close to those ang nararamdaman ko para kay Ate Lara. I think I have fallen for my babysitter.
Sa tingin niyo ba weird ako? Oh well, ganun talaga eh. Wala naman aangal, okay?
Isang araw ay naisipan kong maglakad-lakad sa park dahil wala naman akong magawa sa condo ko at wala rin akong pasok sa opsina ko ngayon. Sinaksak ko ang earphones ko sa tenga ko at nakinig sa kanta ng Boys Like Girls na "Two is Better Than One" featuring Taylor Swift.
Sa bandang chorus ay bigla akong nakabangga ang isang babaeng hanggang balikat ko lang ang height na may suot na blue jacket na may hoodie at black skinny jeans. Sa pagkabangga niya sa akin ay nabitawan niya ang hawak niyang papel kaya dinampot ko iyon bago pa liparin ng hangin tapos inabot ko sa kanya.
"Uhm, sorry about that, Miss. I wasn't looking where I was... going." napatigil ako sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang babaeng nakabangga ko.
"Hindi, okay lang. Salamat ha?" sabi naman ng babae tapos kinuha niya sa akin ang papel.
"A-Ate Lara?" agad na napatingin sa akin ang babae at tinignan niya ako na may pagtataka.
"Paano mo alam ang pangalan ko?" tanong niya. Meaning, tama nga ako! Siya nga si Ate Lara! Ang Ate Lara ko!
"Ate Lara, ako 'to. Si Adan. Remember?" nakangiti kong sabi sa kanya at napalitan ang pagtataka niya ng halong gulat at saya.
"A-Adan?"
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro