Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Sarili ang pinakamatinding kalaban natin sa mundong ito. Hindi sila at kahit kailan ay hindi ang mga taong hindi naniniwala sa iyo.

It was our fear, doubts, insecurities, and mind.

Bata pa lamang ay binansagan na akong ambisyosa ng mga taong nasa paligid. Masiyado raw kasing mataas ang pangarap ko. Na sa sobrang taas ay imposible ko na raw na maabot pa.

I didn't get them, though. What was wrong with being passionate about your dreams? What was wrong with being strong-minded? Why do other people react like that being ambitious somehow offended them?

"Naku, huwag mong pinagpapansin ang mga inggiterang 'yan! Ang sabi nga ni Sean Hampton, 'A dream without ambition is like a car without gas... you're not going anywhere.'" My best friend, Aurora Anne, gave me an encouraging smile.

"Kaya fight lang nang fight! Pasasaan ba't matutupad din ang pangarap mong maging artista. At ang pinakamasaya pa ro'n ay iyang mga taong nangmamaliit sa'yo ang unang babati ng congratulations at uubos ng shanghai sa handa mo!" dagdag pa niya dahilan para bahagya akong matawa.

I am aware of that from the very start. Truth be told, I would never turn down my ambition just because someone else wasn't uncomfortable with the volume. I will never apologize as long as I know to myself that I am not hurting anyone or stepping on someone's toes.

"Amora Gayle Dizon, ba't ang tagal mo? Kanina pa nagsisimula ang program, ah! Ano ba naman 'yan! Pati ba naman sa graduation late ka pa rin!"

Hinihingal akong umupo sa bakanteng upuan sa kaniyang tabi at napakamot sa ulo nang tagpuin ang nanlilisik niyang mga mata. "Sorry naman! Sinabi ko naman sa'yo, 'di ba? Pagod at puyat ako dahil may pinuntahan ako kahapon na audition para sa shampoo commercial."

"Oh? Natanggap ka naman?" Pinagtaasan niya 'ko ng kilay.

Napanguso ako bago marahang umiling. "Hindi nga, eh."

Hindi na naman.

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga bago ako tinapik sa balikat. "Hayaan mo. May next time pa. Hangga't may makapal kang mukha, may pag-asa."

Nagkibit-balikat ako at nagpasalamat. Inasar pa niya ako na paano raw ako tatanggapin sa shampoo commercial eh hindi naman ako naliligo. Siraulo talaga! Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko 'tong Aurora Anne na 'to.

Well, I'm used to rejections. Simula noong nasa elementary pa lamang ako ay mahilig na akong pumila at magbaka-sakali sa mga auditions. Kahit ano. Basta 'yong alam kong mayroong malaking posibilidad na mabigyan ako ng malaking break o opportunity. Iyon nga lamang ay mailap pa ang bagay na 'yon sa akin ngayon. Bilang sa daliri kung ilang beses kong nakita ang sarili ko sa tv at ang karamihan pa roon ay halos parang nahagip lamang ako ng camera.

Pero kahit gano'n ay masaya pa rin ako. I still considered that as one of my achievements.

Kasalukuyang ginaganap ang graduation namin sa Senior High School. Bakas na bakas ang saya sa aming lahat ngunit may halo na ring pagkainip ang mukha ng mga narito sa convention center.

Napakahaba kasi ng program!

Mabuti na lamang ay katabi ko si Aurora kaya hindi ko masiyadong ramdam ang gutom at pagkabagot. Ngunit habang tumatagal ang pag-uusap namin ay nauubusan na kami ng topic at medyo nauumay na ako sa pagmumukha nitong kaibigan ko.

"Alam mo ba? Hindi na raw magco-college si Javien..." mahinang kwento ko kay Rory.

"Ows? Talaga? Bakit daw? Chika mo dali!" excited niyang tugon na may kasama pang hampas sa aking braso.

"Ayon lang. Hindi ko alam, eh." Ngumiwi ako at humawak sa batok.

Dahan-dahang namatay ang kasabikan sa kaniyang mukha at napalitan iyon ng simangot. "Ang pangit mo naman kausap. Magiging chismosa ka na nga lang, hindi mo pa sagarin."

"Hindi ko talaga alam! Iyon lang ang narinig ko no'ng kausap ng Mama ni Javien ang Mama ko," I answered.

She nodded. "Pero may naririnig din akong chika na kahit si Enzo ay titigil na rin daw. So it means si Diego na lang ang mag-isang magpapatuloy sa college."

"Ay gano'n? Sayang naman. Pare-pareho pa naman silang matalino."

Sabay naming palihim na nilingon ang nasabing tatlong lalaki. Suminghap ako at mabilis na umiwas ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin ni Javien.

Umayos at tumuwid ako ng upo. Patuloy sa pagtatalak si Rory habang ako'y itinuon ang atensyon sa matandang kalbong lalaki na kanina pa nagsasalita sa stage.

Pinilit kong i-concentrate ang atensyon ko roon. Nang tumawa ang mga magulang at ibang estudyante ay nakitawa na rin ako kahit hindi ko alam kung anong nakakatawa.

"Bakla, ang lagkit ng tingin sa'yo ni Javi."

My forehead creased when Rory mentioned that guy using his nickname.

Javi, huh?

"Baka nagagandahan sa'kin." I shrugged my shoulders without glancing at her.

"Ang lakas talaga ng tama sa'yo ng isang 'yan..."

Napairap ako sa sinabi niya ngunit hindi na sumagot pa. Nang muli kong lingunin ang gawi ni Javien ay doon ko napagtantong tama nga si Rory. Nakatingin nga siya sa'kin.

Pinagtaasan ko ng kilay ang lalaki. "Titingin-tingin mo riyan?" I mouthed.

Ngunit ang lokong si Javien ay inalis na ang mga mata sa akin at ibalik ang atensyon sa unahan. Mas lalong bumalatay ang pagtataka sa aking mukha nang mahuli ko itong ngumuso na tila ba nagpipigil ng malawak na ngiti.

I shook my head.

Matteo Javien Fernandez. Kilala siya bilang isang masiyahin at madaling pakibagayan na tao. Nakakahawa ang kaniyang ngiti at kahanga-hanga ang pagiging positibo niya pagdating sa mga pananaw sa buhay.

Kung pisikal na anyo ang pagbabasehan, masasabi ko namang may ibubuga siya kahit papaano. Sa kanilang tatlong makakaibigan ay madali siyang maalala dahil sa kulay mais niyang buhok. Hindi gano'n kakapal ang kaniyang kilay. Mapungay ang mga mata, may katangusan ang ilong at maninipis ang kaniyang natural na mapulang labi. Idagdag din ang medyo ay katikasan niyang katawan at ang tangkad niyang naglalaro sa 5'8 or 5'9. Kung susumahin ang kabuuan ay talagang hindi na ako nagtataka na maraming nahuhumaling at naghahabol sa kaniyang mga kababaihan.

Kapitbahay ko si Javien. Bata pa lamang ay saksi na kami sa mga buhay namin sa isa't isa. Malapit na magkaibigan ang mga magulang namin habang kami naman ay casual lamang.

Hindi kami close ngunit hindi rin naman kami magkaaway. Sakto lang. Sa totoo lamang ay alam ko talaga ang tunay na dahilan kung bakit siya titigil sa pag-aaral ngunit mas pinili kong h'wag sabihin kay Rory.

It was too personal and was not my story to tell.

And I also know that Javien has a thing on me. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto siya sa'kin. Aminado siya roon noong una pa lamang at aminado rin ako na hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya para sa'kin.

Marami nang nagsasabi sa'kin na sayang daw kung pakakawalan ko pa ang isang 'yon. Guwapo nga raw kasi. Well yes, I would not deny that, but I have my own definition of 'good-looking man.'

Matapos ang ilang oras na paghihintay ay natapos na rin ang graduation program. We sang Auld Lang Syne and that's when my schoolmates started to become emotional.

"Sus, iiyak-iyak pa eh hindi na rin naman mamamansin 'yang mga 'yan sa mga susunod na araw!" asik ni Rory at natatawa na lamang akong sumang-ayon.

Imbis na makipag-plastikan sa iba ay mas pinili na lamang namin magpakuha ng litrato kasama ang aming mga magulang.

Ngunit habang nasa kalagitnaan ako ng pagpi-picture kina Rory at sa mga magulang niya ay may narinig akong pamilyar na boses na nag-uudyukan. Hindi na kailangang lingunin, sa paraan pa lamang ng pagsasalita ay alam ko na agad kung sino ang mga ito.

"Lapitan mo na kasi! Para naman 'tong gago, eh!" It was Enzo.

"Nahihiya nga ako!" dinig kong singhal ni Javien.

"Parang ogags ba! Napaka-pabebe mo! Kaya hindi ka nagugustuhan niyan eh!"

"Sige na, Vien. Ibigay mo 'yang bulaklak na hawak mo at i-congratulate mo siya para makasibat na tayo!" ani naman ni Diego na bakas ang pagkainis sa boses.

"Eh teka, kumusta naman ang itsura ko? Hindi ba ako mukhang haggard-"

"Ayos na 'yan! Huwag mo na problemahin 'yang itsura mo, wala na tayong magagawa riyan!"

"Gago! Ganito na lang, itulak n'yo 'ko sa kaniya tas kunwari magagalit ako."

Ngumiti ako kina Rory matapos silang kunan ng maraming picture. Lumapit siya sa akin at inagaw ang cellphone ko para tingnan ang mga kuha ko sa kanila.

"Ayan ang ganda ko rito! Edit mo nga tas send mo sa'kin sa telegram o IG para hindi masira 'yong quality," utos sa akin ng magaling kong kaibigan dahilan para mapairap ako nang wagas.

"Ano ka, chix? Makautos ka-ay ano ba 'yan!" Nakasimangot kong daing nang mayroong bumangga mula sa likuran ko.

Nang lingunin ko iyon ay tumambad sa akin ang pagmumukha ng tatlong unggoy. Awtomatikong sumilay ang pilit na ngiti sa mukha ni Diego na may kasama pang kaway. Si Enzo naman ay mariing nakahawak sa magkabilang balikat ng nakasimangot at hindi makatinging si Javien.

"Bakit kayo nanunulak? Parang gago naman 'tong mga 'to! Hindi kayo nakakatuwa, ah!" Kumawala ang lalaki mula sa pagkakahawak ng kaniyang kaibigan. Humarap siya sa akin. "Pasensiya na, Amora. Nasaktan ka ba?"

Ngumuso ako para pigilan ang tawa. Ang galing ding umarte ng isang 'to, eh. Akala siguro ay hindi ko narinig iyong pinag-uusapan nila kanina. "Hindi naman, nagulat lang." I lied.

"Ay gano'n ba? Ako rin kasi eh," tugon nito at sinamaan ng tingin ang mga kaibigang kanina pa rin nagpipigil ng natatawa dahil sa kalokohan nila.

I smirked at them. Parang mga siraulo.

"Oo nga pala, congratulations! Flowers with you..." Bumagsak ang mga mata ko sa hawak niyang tatlong pirasong bulaklak na ngayo'y nakalahad na harapan ko.

"Flowers for you 'yon," Diego whispered to him.

"H'wag kang pakialamero! Gano'n din 'yon."

Nakangiti ko iyong tinanggap at nagpasalamat. Binati ko rin silang lahat ng congratulations bago ako tuluyang tumalikod at umalis dahil tinatawag na ako ni Mama.

I smiled a little as I bid my goodbyes at them. Nang lumapit ako sa parents ko ay sinabihan ko na silang mauna na umuwi dahil may pupuntahan pa kami ni Rory. Hinatid ko sila sa gate at hinintay na makasakay ng tricycle.

Hindi na ako bumalik pa sa loob ng convention center matapos no'n. Itinext ko na lang ang kaibigan na rito ko na lang siya hihintayin malapit sa gate. I didn't receive a reply but I know she already read my message. Panay ang ngiti ko sa ilang kakilalang papalabas na rin kasama ang kanilang mga magulang.

"Ay taray! Sana all may pa-flowers," one of my batchmates said.

I laughed as I felt my cheeks turn red. "Baliw."

Bumaba ang tingin ko sa aking kamay. Doon ko lamang muli naalala ang hawak kong rosas na bigay ni Javien. Natutop ko ang aking bibig bago luminga-linga sa paligid, mayroong hinahanap.

At hindi naman ako nabigo. Nang makita ang pakay ay walang pagda-dalawang isip akong lumapit sa basurahan at itinapon doon ang bulaklak.

Just like what I said earlier, I have my definition of being handsome; obviously, that was not him.

It will never be him.

Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Tumalikod na ako at balak na sanang bumalik kung saan ako nakatayo kanina ngunit agad din akong natigilan.

Umawang ang aking labi nang makita si Javien na mukhang kanina pa yata nakatayo malapit sa akin. Bagsak ang balikat niya habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa basurahan.

Utmost pain and dejection were evident in his eyes. I was about to come near him but he shook his head and gave me a reassuring smile before he turned his back... leaving me stunned in my position.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro