Chapter 7
I enjoyed Javien's companionship. Okay naman pala siyang kasama. Simple lang, hindi boring. Walang dull moments at tawa nga lang ako nang tawa habang pauwi kami.
I somehow forgot about what happened on the auditions. Nakatulong siya para kahit papaano'y mabawasan ang sama ng loob ko sa nangyari.
Aaminin kong medyo nailang ako sa kaniya noong una kasi hindi naman kami gan'on ka-close pero mabilis din iyong naglaho. Sobrang napalagay ang loob ko sa kaniya.
"He really took care of me the whole time, Rory..." pagkuwento ko sa aking kaibigan.
Tinakpan niya ang kaniyang bibig upang pigilan ang pagkawala ng matinding kilig. Hinampas-hampas pa niya ako. "OMG, I told you! Okay si Javien. Ikaw lang talaga 'tong mailap at rude sa kaniya!" Ngumiwi pa ang loka.
"Hoy, hindi ah!" agad kong depensa.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin at pinaningkitan ako ng mga mata. "Talaga? Sure ka? Final answer?"
I cleared my throat and avoided her gaze. "Well . . . a bit."
"See!" She roared with laughter and I rolled my eyes.
Fine, sige na! Totoo namang mailap ako sa kaniya noon pa man. Hindi ko kasi alam kung paano siya pakikitunguhan, eh. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na mayroon siyang gusto sa akin. Lantaran niya rin naman iyong sinasabi at ipinapakita.
And I purposely made myself rude when it comes to him. Ayaw ko lang ma-misinterpret niya ang mga bagay; na baka kapag naging mabait ako sa kaniya, isipin niyang may pag-asa siya sa akin o hindi kaya'y gusto ko rin siya.
"Bakit? Pinipilit ka ba ni Javien?" untag pa sa akin ni Rory.
Napabuntonghininga na lang ako dahil sa walang katapusan niyang tanong. Pinapunta ko siya rito sa bahay namin para sana mag-aral. We should be reviewing by now . . . pero heto siya, walang umay sa pang-uusisa.
My forehead knotted in confusion. "What do you mean?"
"Eh 'di ba vocal nga siya sa nararamdaman niya para sa 'yo? Dumating na ba siya sa point na pinipilit ka niyang magustuhan mo rin siya?"
Dagli akong natigilan at napaisip nang malalim. Javien and I only have few interactions. He was always soft and gentle.
"Hindi naman. Wala naman akong maalalang gan'ong pangyayari." Sunod-sunod akong umiling.
"See?!" Muli na naman niya akong hinampas ng librong hawak niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ay sorry!"
"Sigurado ka bang magnu-nurse ka, Aurora? Mukhang sa 'yo pa ako magkakasakit sa katawan sa kahahampas mo!"
"Sorry na nga! I was just carried away. Ikaw naman kasi, hindi kita ma-gets! Hindi ka naman pala pinipilit ni Javien. Malay mo naman . . . gusto lang niyang maging vocal sa feelings niya sa 'yo pero wala naman talaga siyang balak i-pursue ka, 'di ba?" dire-diretsong litanya pa niya.
Umawang ang aking labi kasabay ng pagsasalubong ng dalawang kilay. Tila may kung anong pait ang dumaloy sa aking sistema. Hindi ko nagustuhan ang huling sinabi ni Rory.
That's bullshit! What's the point of liking me if he wouldn't pursue me? Kung gan'on naman pala, sana'y hindi na lang niya sinabi.
"Tama na nga. Magreview na lang tayo. Huwag na nating pag-usapan 'yan." Inirapan ko siya at padabog na binuksan ang librong hawak ko.
From my peripheral vision, I noticed her smirk. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay agad ding nabura iyon at nagpanggap siyang abala sa ginagawa.
Nakakainis talaga 'tong si Rory!
Nakakailang minuto na akong paulit-ulit sa aking binabasa ngunit wala pa ring pumapasok sa kokote ko. Ang bukod tanging laman pa rin nito ay ang huling sinabi ni Rory.
Bakit ba ako affected? Eh ano naman kung hindi ako ipursue noong tao? Hindi ko naman siya gusto.
Hanggang sa lumalim na ang gabi at umalis na si Rory, iyon pa rin ang laman ng utak ko. Ako na lamang ang sumuko.
"Argh!" Pabagsak kong sinarado ang libro at ginulo ang aking buhok.
Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago lumingon sa bintana.
Kanina ko pa rin naririnig ang ingay sa labas ng mga lalaking nagkakantahan at nagtatawanan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ako makapagreview nang maayos.
Tama, iyon nga!
Tumayo ako sa kinauupuan at nakasimangot na sumilip sa bintana. At hindi nga ako nagkamali, doon sa tindahan nagmumula ang ingay. Naroon nagkukumpulan ang grupo nina Javien.
Nakaupo sila sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy. Siya ang may hawak ng gitara habang ang mga kasama niya'y kumakanta na may halong kalokohan at tawanan.
Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw . . . pero hindi ko magawa. Dahil mula rito sa kinatatayuan ko, nagagawa ko siyang malayang pagmasdan.
There was nothing special about him. Kung ikukumpara, walang-wala siya sa lalaking nagustuhan ko noon. Malayo ang estado ng kaniyang pamumuhay. Oo, gwapo siya—sa t-shirt niyang ginupit ang magkabilang manggas para maging sando, sa kulay mais niyang buhok na laging naka-hairband, at sa angas niyang tila palaging naghahanap ng gulo sa kanto.
"Halos limang oras na akong nag-aantay sa'yo
Nag-aabang ako sa labas ng bahay n'yo
Sipat ng sipat kung sisilip ka ba sa bintana
Magpakita ka'y parang 'di yata..." rinig kong panimulang pagkanta niya sabay sulyap sa gawi ko.
Napasinghap ako, nanlaki ang mga mata at mabilis na nagtago.
Shit! Nakita niya kaya ako?!
"Ilang beses ka nang lagi na lang gan'yan
Kung iwasan ako'y parang ayaw akong nand'yan
Sa susunod na punta ko'y pagbuksan mo na sana
Kasi kahit anong mangyari ay 'di ako mawawalan ng pag-asa..." Ngayon ay boses na iyon ng kaibigan niyang si Diego.
Halos hindi ko na marinig at maintindihan ang kantahan nila sa lakas ng kalabog ng aking dibdib . . . dahil sa kaba at hiya.
"Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa
Sa susunod na lang, sa susunod na lang
Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang
Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang..." si Javien muli iyon.
Dahan-dahan akong sumilip at nakita ko siyang nakatingin pa rin sa aking bintana habang patuloy sa paggigitara at pagkanta. Ang kaibahan lang, ngayon ay abot-langit na ang ngisi niya at naiiling na ibinalik ang paningin sa kaniyang mga kasama.
I even saw him lick his lip as he averted his gaze.
What was that?!
Napailing na lang ako at nagpasyang bumalik na sa ginagawa. Marami pa akong kailangang tapusin! Titiisin ko na lang ang ingay nila!
"Ano?! Hindi mo na naman ako masasamahan?" nakasimangot kong daing kay Rory habang naglalakad kami sa papunta sa bahay namin. Nag-early dismissal sa last subject kaya maaga kaming nakauwi ngayon, so it means may kaunting oras ako para makapagpahinga. Deserve ko naman siguro iyon kahit papaano dahil buong linggo kaming bombarded ng quizzes and other activities.
"Eh, oo..." She sighed and held my arms. "May inuutos sa akin si Mommy at Daddy. Babawi na lang ako sa susunod."
Ngumuso ako. "Pero..." Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil ano pa bang magagawa ko?
"Pasama ka na lang kaya ulit kay Javien?" suhestiyon pa niya na lalong nagpalukot sa aking mukha.
"No!"
"Oh, bakit? Kung makailing ka naman dyan parang ayaw na ayaw mong kasama iyong tao," aniya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi naman sa gan'on. Nahihiya lang ako. Ayaw kong maging abala roon sa tao."
"Hindi ka abala kay Javien! Pustahan pa tayo!"
At talagang ipinipilit niya, huh?
Akmang ibubuka ko pa lamang ang bibig para magsalita nang sikuhin ako ni Rory sa tagiliran.
"Speaking of the devil..."
Kinunotan ko siya ng noo at pasimple niyang inginuso ang grupo nina Javien na naglalakad patungo sa direksyon namin. Sa malayo pa lang ay halos masilaw na ako sa lawak at liwanag ng kaniyang ngiti.
Tumikhim ako't umiwas ng tingin.
"Magandang hapon, Amora! Ang aga natin, ah? Pauwi ka na?" Salubong sa akin ni Vien.
Tumango ako at matipid na ngumiti. "Oo . . .kayo? Saan kayo pupunta?" Bumaling ang tingin ko kay Enzo na nahuli ko pang inismiran ang kaibigan ko. Si Diego naman ay nahihiyang kumaway sa akin.
"Ah, wala naman. Naglalakad-lakad lang kami. . ." sagot ni Javien.
Muli kong ibinalik ang mga mata sa kaniya at marahan akong tumango. "Oh sige. Ingat kayo. Una na kami—"
"Javien, may sasabihin nga pala sayo si Amora!" pagsingit ni Rory sa usapan. Nanlalaki ang mga mata kong nilingon siya at bahagya pa akong suminghap.
I saw Javien grin. "Talaga? Ano naman 'yon?"
What the fuck, Rory?!
"Aysus, epal!" pabulong na patutsada naman ni Enzo na narinig naman ng kaibigan ko kaya nagsimula na naman silang magsabong.
"Eto na naman po sila," naiiling na komento naman ni Diego.
"Rara, ano 'yong sasabihin mo?" untag ni Javien.
"H-Ha?" I swallowed hard and blinked my eyes repeatedly.
Para akong napako sa aking kinatatayuan at ramdam kong pinagpapawisan na ako nang malamig.
"Wala naman. . ." Nanginig pa ang aking boses.
"Magcoconfess ka na ba kay Javien, Ate Amora?" si Diego na natatawa pa.
Umingos ako at pinanlisikan siya ng mga mata. "Hindi 'no! Wala nga akong sasabihin. Mema lang 'yang si Rory. Huwag n'yo na lang pansinin." Inirapan ko ang dalawa.
"Anong mema? Javien, nahihiya lang 'yan." Bigla na namang sumulpot sa usapan ang magaling kong kaibigan. "Ganito kasi 'yan, hindi ko siya masasamahan sa audition niya kasi mayroon akong kailangang gawin ulit. Puwede bang ikaw muna ulit?"
"Oo naman! Walang problema sa 'kin!" agarang tugon ni Javien sa masiglang boses. Halos mapunit na ang labi niya sa kakangiti.
"Javien, no need. Nakakahiya. . ."
"Rara, ano ka ba? Para ka namang others diyan. Walang problema sa akin iyon. Wala naman akong ginagawa."
"Omsimnida!" Tumango-tango si Enzo.
Yumuko ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata at hinilot ang sentindo. Nakakahiya talaga!
"Good! At least kahit papaano'y mapapanatag ako na safe si Amora kahit hindi niya 'ko kasama." Humagikhik si Rory.
"Sama rin kami Enzo!" dagdag pa ni Diego at wala na akong nagawa nang sumang-ayon ang lahat.
Mabilis na umusad ang mga araw at sumapit na nga ang araw ng audition. Hindi ko na nga napigilan pa ang tatlong kumag. Madaling araw pa lang ay kumakatok na sila sa bahay namin para sunduin ako. Si Javien ang magmamaneho ng tricycle dahil siya lang naman ang marunong. Si Enzo at Diego naman ay panay ang daldal sa akin na nakatulong para mabawasan ang aking kaba.
Sa pacific mall lang naman ang audition. Isang oras ang layo mula sa bayan namin. Sakto lang din ang oras ng pagdating namin. Hindi pa masiyadong mahaba ang pila. Mula sa gilid ng aking mga mata'y nakikita ko kung paano makaagaw ng atensyon ang tatlong kalalakihan.
"Puwede n'yo na akong iwan dito. Mamaya pa siguro 'to magsisimula at baka matagal pa rin bago matapos." Itinuro ko ang dami ng taong nakapalibot sa amin.
Sabay-sabay silang umiling.
"Hindi kami aalis. Hihintayin ka namin hanggang sa matapos . . . kahit anong oras pa 'yan." Javien gave me a reassuring smile and gently pat my head. "Good luck, huh?"
"Oo nga, Amora. Dito lang kami. Huwag mo kaming isipin. Magfocus ka lang sa audution mo," dagdag pa ni Diego.
"Omsimnification! Kapag may kailangan ka, sabihan mo lang kami!" sabi naman ni Enzo.
"At kapag kinakabahan ka, tingin ka lang sa amin. Doon lang kami sa sulok. Hindi kami mag-iingay o manggugulo." Itinuro ni Javien ang pinakadulo ng silid.
Pabalik-balik ang paningin ko sa kanilang tatlo at hindi ko napigilan ang matawa nang bahagya. I was kinda moved and I found them adorable. Kitang-kita ko sa kanila na seryoso talaga sila sa pagsuporta sa akin kaya mas lalo akong naging determinado sa gagawin ko. Nagkaroon ako ng sapat na lakas ng loob para rito.
Sunod-sunod ang ginawa kong pagtango. "Sige! Pagkatapos nito, kakain tayo!"
Nagsigawan sila na may kasama pang palakpakan kaya agad ko silang sinaway at pinatahimik. Tingnan mo 'tong mga 'to! Kasasabi lang, eh!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro