Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

"Kumapit ka sa 'kin. Baka mahulog ka," utos niya nang makasakay kami sa tricycle na kaniyang minamaneho.

"Ayaw mo bang mahulog ako?" pagbibiro ko at halos matawa ako nang makita kung paano mag-init ang kaniyang dalawang tainga kahit nakatalikod siya sa akin.

He froze for a moment before letting out an awkward laugh. "Kung sa akin ka mahuhulog, why not, choco nut? Pero kung dito sa tricycle, aba dehins edewup 'yon!"

"Para kang tanga!"

"Aba't tingnan mo 'to. Natanga pa nga."

Hindi ko na napigilan ang matawa nang bahagya. Agad naman akong tumalima. Iniyakap ko ang aking braso sa kaniyang baywang at halos manigas naman ang katawan niya dahil sa ginawa ko. Napailing na lamang ako dahil sa lakas ng epekto ko sa kaniya.

Nagsimula na niyang paandarin ang tricycle sa malumanay na takbo lamang. Maya't maya niya akong sinusulyapan at tinatanong kung okay lang ako kaya hindi ko maiwasan ang mangiti sa pagiging praning niya.

"Kumain ka na ba? Gusto mo bang tumigil muna tayo saglit—"

"Masiyado pang maaga. Wala pang bukas na kainan, Vien," putol ko sa sinasabi niya pero hindi siya nagpatalo.

"Norem namang mga convenience store riyan na 24/7 bukas. Gusto mo bang ibili kita?"

Sumulyap ako sa aking wrist watch bago umiling. "Mamaya na lang siguro. Hindi pa naman ako nagugutom."

Bumuntonghininga lang siya at tumango.

"Sige na nga po, boss," he uttered, smirking.

I grinned and bowed my head to hide my smile.

"Kumapit kang mabuti. Bibilisan ko na," aniyang muli kaya mas lalo kong idinikit ang katawan ko sa kaniya upang mayakap siya nang mas mahigpit mula sa likod.

Kahit nakatalikod ay kita ko ang tagumpay niyang pagngisi na para bang nanalo siya sa lotto. Nakarating kami on time sa lugar kung saan gaganapin ang audition. Mula sa labas ay tanaw ko agad ang mga kababaihang papasok sa studio. Katulad ko'y bakas din ang kaba at excitement sa kanilang mukha. Mas doble nga lang 'yong sa akin dahil nakakainsecure ang ganda ng mga babaeng nakikita ko. Kung itatabi ako sa kanila, siguradong walang-wala ako.

"Kinakabahan ka," ani Vien habang nakasandal sa motor at pinapanood akong magretouch.

Napakurap ako. "Huh? Hindi ah," pagtanggi ko pero bahagya lamang siyang tumawa at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang butas-butas na pantalon.

"Lelang mo, Rara. Memorya ko lahat ng kilos mo, 'no," kumpiyansang saad niya kaya naman ibinaba ko ang aking lipstick at naghahamon ang tinging humarap sa kaniya.

"Sige nga, Javien. Paano mo nasabi?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Hindi nawawala ang ngisi sa kaniyang labi. Umayos siya ng pagkakasandal sa motor at mataman akong tinitigan.

"Basta ang alam ko lang nanginginig ang kamay mo kapag kinakabahan ka..." panimula niya at wala sa sariling nagbaba ako ng tingin sa aking kamay na nanginginig nga at namamawis pa.

"Pinipisil mo ang tungki ng ilong mo sa tuwing naiinis o naiiyamot ka. Kinakagat mo ang labi mo kapag masaya ka at tahimik ka lang kapag malungkot ka, pagod, o di kaya'y wala ka sa mood," tuloy-tuloy na litanya.

Nalaglag ang aking panga at hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya. Talagang napansin pa niya ang maliliit na detalyeng 'yon? Eh si Rory nga, hirap na hirap na basahin ako.

"What the heck, Vien?" Iyon na lang ang nasabi ko kaya humalakhak siya at nagpeace sign sa akin.

"Sorry, boss. TL talaga ako sa 'yo, eh," walang prenong pag-amin niya at agad kong naramdaman ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi.

Mahina ko siyang hinampas at nagpaalam ako na papasok na sa loob. Pero bago tuluyang tumalikod ay sinabi ko rin sa kaniya na hindi na niya ako kailangang hintayin pa dahil tiyak na aabutin ako ng ilang oras sa loob. Ayaw ko namang paghintayin pa siya ng gan'on katagal.

"Good luck, Rara! Hangga't may mukha, may pag-asa!"

Natawa ako nang banggitin niya ang linyang palagi niyang sinasabi sa akin. Kahit puro siya kalokohan ay nabawasan naman n'on ang matinding kaba sa dibdib ko. Habang nasa kalagitnaan ng mahabang pila sa audition ay saka ko lang naramdaman ang pagkalam ng aking sikmura. Ngayon ko lang naalala na hindi pa nga pala ako kumakain ng almusal.

"Ikaw ba si Amora?"

Nag-angat ako ng tingin sa matabang babae na base sa suot niyang ID ay isang staff. Nagtataka man ay tumango ako sa kaniya. "Uhm... ako nga po."

Inabot niya sa akin ang isang plastic bag. "May nagpapabigay nito. Para sa 'yo raw iyan."

"P-Po? Sino?" Kumunot ang aking noo.

"Aba'y ewan ko. Ipinakisuyo lang sa akin noong lalaking may kulay mais ang buhok," ma-attitude niyang sagot at inirapan ako.

Doon pa lang ay alam ko na agad kung sino. Tinanggap ko ang plastic at pagkatapos n'on ay tinalikuran na niya ako. Nagpasalamat ako sa kaniya pero hindi na niya ako pinansin pa. Hinalungkat ko ang laman ng plastic bag at halos matawa na naman ako nang makita ang samu't saring mga pagkain at mayroon ding tubig. Hindi ko ito kayang ubusin.

Si Javien talaga! Dumadami na ang utang ko sa kaniya!

"Ang sweet naman ng boyfriend mo," someone commented from my left side. Nilingon ko ang isang magandang babae na nasa likod kong pila.

She has soft and angelic features. Halos perpekto ang pagkakahulma ng kaniyang mukha at ang kaniyang dress naman ay humuhulma sa bawat sulok ng kaniyang katawan. Pinagpala rin siya sa hinaharap. If ever man na hindi ako pumasa sa audition na 'to, I knew she could ace this by just looking at her.

Nangingibabaw siya sa lahat, eh.

Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala yata siya nakikiusyoso sa akin. Umiling ako at nahihiyang kumamot sa aking ulo.

"A-Ah, hindi ko siya boyfriend."

She raised her brows at me. "Oh, so manliligaw pa lang?"

My cheeks flushed as I shook my head again. "Hindi rin..."

"Oh, maybe your husband—"

"Kapitbahay," putol ko sa sinasabi niya at namilog naman ang kaniyang bibig.

"O-Oh..." She coughed and teased me. "Sana all may generous na kapitbahay."

"Magkaibigan din kasi ang parents namin, that's why," I told her.

"Oh my gosh, sorry for being nosy pala. I didn't mean na magfeeling close. Hope you don't mind," sabi pa niya kaya binigyan ko siya ng sinserong ngiti.

"It's okay. Natutuwa nga ako, eh. At least hindi tayo mabo-bore while waiting. Medyo matagal pa tayo bago tawagin," tugon ko sa kaniya at muling nagbaba ng tingin sa plastic bag para kumuha ng tinapay. Inialok ko ang iba sa kaniya na tinanggap naman niya.

"By the way, I'm Cessie." She extended her hand to me and I gladly took it.

"I'm Amora. You have a unique name, huh?"

We shook our hands and let go of each other afterward. She playfully rolled her eyes at me.

"Oh, screen name ko lang 'yon. Pangit kasi ng real name ko."

"Bakit? Ano bang totoong pangalan mo?"

Bahagya siyang lumapit sa aking tainga para bumulong. "Princess Diane..." Halos umingos pa siya nang banggitin niya iyon.

Kinagat ko ang labi para pigilan ang mapahagikhik. Tumango-tango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon.

"Baduy nga," I muttered, at huli na bago ko mapagtanto ang sinabi ko.

Eventually, we clicked. Nalaman kong ito palang ang unang beses niyang sasabak sa audition. Wala lang daw siyang magawa sa bahay nila. Kung tanggapin man siya o hindi ay ayos lang. Trip trip lang naman daw niya.

Pareho kaming madaldal kaya hindi ako nakaramdam ng pagkainip at kaba. Malapit nang lumubog ang haring araw nang tawagin ang numero ko at pinapunta ako sa stage.

Cessie was the only one who's cheering me loudly. Walang pakialam kahit sinasamaan na siya ng tingin ng ibang babae at mga staff.

Huminga ako nang malalim. Pinasadahan ko ng tingin ang tatlong judges na nasa aking harapan habang nakaplaster ang matamis na ngiti sa aking labi.

They scanned me from head to foot. My heart almost jumped in joy when I saw their eyes dancing in amusement.

"Go on, Miss. Introduce yourself." Malamig na tumango sa akin ang baklang judge habang pinaglalaruan niya ang ballpen na hawak niya.

Halos mapunit na ang labi ko sa lawak ng ngiti. "Hi! I'm Amora Gayle Dizon, 19 years old—"

"Enough. Do you have experience in cameras?" singit ng isang matandang lalaki na nasa kanang bahagi.

Nagulat man ay nakuha ko pa rin siyang ngitian at titigan sa kaniyang mga mata. "Yes, Sir. I've been auditioning since I was a child and I already made a few commercials for well-known brands."

"Few?" A woman on the left side interrupted me as she chuckled mockingly. "You said you were auditioning since then yet you only have a few commercials? How come was that?"

Natigilan ako. Napakurap-kurap ako kasabay ng marahas na paglunok. Kita ko rin ang pagkatahimik ni Cessie at ang mahihinang tawanan ng iba.

"Jessica..." sinaway siya ng baklang nasa gitna at pinanlakihan ng mga mata. Nang ibaling niya ang tingin sa akin ay tipid niya akong nginitian. "Sorry with that. Anyway, we'll get straight to the point, Miss Amora."

"We've been eyeing you since earlier in the morning. Based sa portfolio mo, mukhang marami-rami ka na ring experience at napakaganda rin ng rehistro mo pagdating sa camera. You all have the qualifications na hinahanap namin para sa magiging modelo ng aming high-end clothes..."

I gasped and smiled widely at him. Bigla akong nabuhayan ng dugo. This is it! I can feel it! This will gonna be a big break for me!

"But..." Nagkatinginan silang tatlo at dahan-dahang nabura ang saya sa aking puso.

Agad iyong napalitan ng matinding pagkalabog ng dibdib. Ikinuyom ko ang aking kamao at palihim na nagdadasal.

"But it's also in our qualifications that our model should have big boobs, Miss, since that will be highlights of the products..." marahang saad ng bakla.

"So you mean po..." I trailed off and the woman took that opportunity again to speak.

"You're flat chested, so clearly, you're not fit for the role. Maybe you can try again your luck next time," dire-diretsong wika niya at palihim pa akong sinimangutan. "Makakaalis ka na. Next, please!"

Matipid akong ngumiti at nagmamadaling bumaba ng stage. Dinedma ko na lang ang mga naririnig kong hagikhikan sa paligid. Dinig ko rin ang pagtawag ni Cessie sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Agad akong dumiretso sa restroom. Ini-lock ko ang pinto at napasandal na lamang doon sa labis na panghihina.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at paulit-ulit na huminga nang malalim upang pigilan ang mga luhang gustong kumawala.

"C'mon, Amora. Huwag kang iiyak," natatawa kong bulong sa sarili at suminghot-singhot pa.

I'm used to rejections. Hindi lang naman ito ang unang pagkakataong nabigo ako't napahiya sa harap ng maraming tao. Sa ilang libong beses kong sumubok, bilang lang sa kamay na naging matagumpay ako.

Ayos lang naman sa akin na hindi ako makapasa, pero what happened earlier, I felt extremely shamed and disrespected. I was having low confidence in being flat-chested. That was one of the biggest insecurities in my body. And now, I am turning to hate the size of my boobs.

Ayon na sana, eh. Nakita na ako. Pipiliin na sana ako. Abot kamay na sana pero naging bato pa. Pero siguro nga'y gan'on talaga. May mga bagay na akala mo ay para sa iyo na pero hindi pa pala. Siguro nga ay ganito talaga sa industriya. Palakasan ng loob. Pakapalan ng mukha.

In the end, it was Cassie who got the big role and I'm genuinely happy for her. Pinuntahan pa talaga niya ako sa restroom para siguraduhing okay lang ako. I could see the concern through her monolid brown eyes... and I appreciated it so much.

Sabay kaming lumabas ng studio matapos ng audition. Unlike earlier, tahimik na lamang akong naglalakad palabas. Hawak ko ang aking phone at abala ako sa pagbabasa ng mga message galing kay Rory. Kinukumusta ang nangyari sa audition ko.

Maybe it was a good thing na hindi siya sumama dahil kapag nagkataon at nakita niya ang nangyari kanina ay tiyak na maghihisterikal iyon kahit na sa gitna ng maraming tao.

"Does your neighbor has the same age as us?" Cessie asked, and I nodded my head.

"Yes, nineteen din siya."

Mas lalo kong nabakas ang pagiging interesado sa kaniyang mukha. "What's his course, then? For sure, big time rin iyan! Nag-aaral ba siya sa big universities? Sa ganda mong 'yan, I know you would never settle for less."

I know she was just certainly curious about Javien but it somehow made me uncomfortable.

"Uhm, sa totoo niyan ay stop siya ngayon sa pag-aaral," I told her the truth.

Suminghap naman siya at namimilog ang mga matang tumitig sa akin. "So nagwowork muna siya ngayon?"

I shrugged my shoulders. "Minsan may mga racket siya pero madalas tambay."

"Ohh..." Ngumuso siya pero hindi nagsalita pa.

Buti naman. Sa totoo niyan ay wala talaga ako sa mood kumausap ng kahit na sino pero ayaw ko rin namang maging bastos kay Cessie lalo na't maayos din ang pakikitungo niya sa akin. Pakiramdam ko nga'y nakahanap ako ng bagong kaibigan.

Sumulyap ako sa aking pambisig na relo at napagtantong medyo lumalalim na ang gabi. Sana lang ay may jeep pa akong masasakyan pauwi—

"Amora!"

Kumunot ang aking noo at agad na nilingon ang pamilyar na boses na sumigaw. And there, I found Javien standing near the tricycle he rented, smiling, and waving his hand at me.

I gasped as my eyes widened. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba'y umalis na siya? Don't tell me...

"OMG, is he the guy you're talking about, Amora?!" Napalingon ako kay Cessie nang tumili niya.

Mariin kong pinikit ang mga mata nang makalimutang kasama ko nga pala siya. I heaved a sigh and nodded my head lazily. "Y-Yeah, siya nga. Tara, ipapakilala kita sa kaniya."

Maraming katanungan ang gusto kong ibato kay Javien pero mas pinili ko munang ipakilala sila sa isa't isa. Dumako ang tingin ko sa kamay ng lalaki na may hawak na libro. Hindi ko lang masiyadong maaninag kung ano 'yon.

"Ah, Vien, ito nga pala si Cessie. Bagong kaibigang nakilala ko roon sa loob," pakilala ko sa kaniya.

Nakatitig lang siya sa akin na para bang tuwang-tuwa siya nakahanap ako ng kaibigan. He smirked proudly at me before he darted his gaze at Cessie.

"Magandang gabi po. Ikinagagalak kitang makilala." Magalang siyang yumuko at ngumisi sa dalaga.

Pansin ko ang pagkislap ng mga mata ni Cessie, pati na rin ang pamumula ng kaniyang magkabilang pisngi. Inilahad niya ang kaniyang kamay kay Vien. "Nice meeting you, too, Vien."

Tinanggap naman iyon ni Vien pero agad ding bumitaw. Kita ko ang panghihinayang sa mukha ng babae. May kung anong pait akong naramdaman sa aking sikmura pero binalewala ko iyon.

"Javi na lang po, Ma'am," nahihiyang sabi ni Vien at sinulyapan ako.

Cessie's brows furrowed as she grinned cutely. "Oh, why? Uncomfortable ka ba sa Vien? I'm sorry."

"Hindi naman po." Bahagyang natawa ang lalaki, muling sumulyap sa akin at napakamot sa ulo. "Ano po kasi... uhm, si Amora lang ang hinahayaan kong tumawag sa akin niyan."

Nabura ang ngiti sa mukha ni Cess bago dahan-dahang tumango at pekeng tumawa. "I-I see. Sige, mauna na ako. Hope to see you around."

She gave me a warm smile as she bid her goodbyes on us. Tinapik pa niya ang pisngi ni Vien at kitang-kita ko naman ang gulat sa mukha ng lalaki. Medyo napaatras pa nga siya at napatago sa likuran ko na parang takot na pusa.

Tahimik naming pinagmasdan ang papalayong bulto ng babae. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay sakto naman ang pagtunog ng kaniyang tiyan dahil sa gutom. Sabay kaming nagkatinginan at natawa.

"Hindi ba sabi ko naman sa 'yo na umuwi ka na? Ang kulit mo rin talaga..." Marahan kong ipinatong ang sabaw sa lamesa. Ang isa'y inabot ko sa kaniya at agad naman siyang humigop doon.

"Sayang ang renta ko sa tricycle kung uuwi agad ako," dahilan pa niya bago dinampot ang kutsara't tinidor upang magsimula nang kumain.

"Pero kahit na... tingnan mo nga, oh. Inabot ka pa tuloy ng gutom. Dapat nauna ka nang kumain," sermon ko pa.

"Eh okay lang 'yon. Mas mabuti na 'tong kasabay kita para at least celebration kahit nasa karinderya lang tayo. Bawi ako sa susunod kapag marami na akong pera, huh?" He laughed.

Sa sinabi niyang iyon ay muling nanumbalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Napabuntonghininga ako at sunod-sunod na sumubo sa pagkain ko. Natigilan naman siya at nabura ang malawak na ngisi sa labi.

"Amora... may nangyari ba?" maingat niyang tanong.

Matamlay akong umiling. "Wala naman."

But of course, he's Matteo Javien. He wouldn't buy it.

His eyes narrowed at me and I pretended that I'm busy eating.

"Tss. Ano nga? May umaway ba sa 'yo roon? Gusto mo resbakan natin—"

"Javien nga!" saway ko at medyo natawa na.

Napangiti rin siya at binasa ang pang-ibabang labi. "Ano nga kasing nangyari?"

Bumuntonghininga ako. "Wala, nagu-guilty lang ako kasi feeling ko nasayang ko lang ang oras mo sa pagsama sa akin dahil hindi naman ako pumasa sa audition. It was Cessie who got accepted."

Tho, I'm genuinely happy for her because she deserved it, hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng kaunting pait sa dibdib. Ito pa lang ang unang beses niyang mag-audition at trip trip pa pero siya ang nabigyan ng magandang break. Paniguradong mas madali na siyang madi-discover ng mas malalaki pang tao sa industriya. Samantalang ako'y simula pagkabata pa lang ay sumusubok na pero wala pa rin.

Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung darating pa kaya ang oras na para sa akin? O ang mas kinakatakot ko ay paano kung hindi naman pala talaga ako para sa industriyang ito?

Akala ko'y kagaya ng iba ay pagtatawanan at kukutyain din ako ni Vien pero mali. Nakalimutan kong iba nga pala siya.

"Hindi naman nasayang ang oras ko dahil napunta 'yon sa bagay na gusto mong gawin, Rara." Tumigil siya sa pagkain upang ibigay ang buong atensyon sa akin. "Hindi ko alam kung paano pagagaanin ang loob mo pero siguro gan'on talaga? Baka kaya hindi ibinigay sa 'yo kasi may mas bongga pang dadating?"

Malungkot akong ngumiti. "Sa tingin mo?"

Nanlaki ang mga mata niya at suminghap. "Oo naman! Ngayon ka pa ba susuko? Ang dami mo nang sinakripisyo."

"Pero bakit si Cessie?" I heaved a sigh.

"Si Cessie 'yon, si Amora ka. Magkaiba kayong dalawa..." he pointed out.

"Nagagandahan ka ba sa kaniya?" Hindi ko alam kung anong naisip ko at bigla ko iyong naitanong. Hindi ko inaalis ang paningin sa kaniya habang humihigop siya ng sabaw.

Kita kong natigilan siya pero kapagkuwan ay ibinaba ang mangkok at namamanghang nag-angat ng titig sa akin. "Anong klaseng tanong 'yan?"

"Sagutin mo na lang!"

Binasa niya ang pang-ibabang labi bago marahang tumango sa akin. "Uh... maganda siya."

Nalukot ang aking mukha pero totoo naman ang sinabi niya.

"Eh ako ba—"

"Magandang-maganda!" sigaw niya, dahilan para mapatingin sa amin ang ibanga kumkain dito sa karinderya.

Sinaway ko siya at pabirong pinanlakihan ng mga mata. Alanganin naman siyang ngumiti at nagpeace sign sa akin.

I smirked. Hindi ko alam kung binobola niya lang ba ako o ano pero dalang-dala ako pang-uuto niya.

"Eh 'di gusto mo siya?"

"Ano?" Umingos siya na para bang isang nakakatawang joke ang tanong ko. "Amora naman, anong klaseng tanong 'yan?"

"Sagutin mo na lang. Bakit hindi mo masagot—"

"Dehins ko siya gusto, Rara. Ikaw lang palagi ang gusto ko kahit wa epek lagi pagpapacute ko sa 'yo..."

Humalakhak ako. "Oh sige na nga, dahil magaling kang mang-uto, sagot ko na 'tong dinner natin. Kahit umorder ka pa ng kahit ano!" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro