Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

"Pasensiya na kung ito lang kinaya ko, ah." Nahihiyang kumamot sa kaniyang batok si Javien at nagbaba ng tingin sa kaniyang tsinelas.

Umiling ako at hinampas siya sa braso. "Huy, ano ka ba? Ako dapat ang magpasalamat sa 'yo. Hindi mo naman kailangan na ilibre talaga ako–"

"Gusto ko, eh. Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba?" Tumawa siya at binasa ang pang-ibabang labi.

Napangiti ako at kumapit sa strap ng aking bag. Mabagal lang ang hakbang namin habang naglalakad pauwi. May kaunting distansya kami sa isa't isa at sinisikap talaga niyang hindi magbanggaan ang braso naming dalawa.

Kagagaling lang namin sa food court at at kagaya ng sinabi niya ay inilibre nga niya ako.

"Sobrang nabusog ako sa kwek-kwek, kikiam, fishball at palamig, Vien," sabi ko pa at hinimas ko ang aking tiyan. "Feeling ko nga hindi na ako makakakain ng hapunan nito!"

Napasimangot ako.

"Kumain ka pa rin. Merienda lang iyong kinain natin, Amora," malumanay na sagot ni Vien.

Ngumisi na lang ako at tumango. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hanggang ngayon ay namamangha at napapaisip pa rin ako kung paano napagkasya ni Javien ang singkwenta pesos para sa aming dalawa. Sinabihan ko naman siya na ako na lang ang magbabayad ng sa akin pero hindi siya pumayag.

"Nagwalis ako sa parlor nina Tamara kanina. Binigyan niya akong tip," proud na sabi niya nang itanong ko kung paano siya nagkapera.

"Ang bait ni Tamara. May gusto ba iyon sa 'yo?" kuryosong tanong ko pa.

Hindi ko lang maiwasang magtaka. Masungit kasi ang baklang iyon sa lahat lalo na sa magagandang babae. Halos buwan-buwan nga iyong mayroong inirereklamo sa barangay at karamihan ay puro chismosa o hindi kaya'y iyong kalaban niyang parlor sa kabilang kalye.

Napahawak sa dibdib si Javien bago marahas na umiling. "Ebarg ka naman! May gusto agad? Eh, parang anak nga turing n'on sa akin! Sadyang mabait lang talaga siya sa aming kanto boys,"

"Straight ako, Amora, pero hindi rin naman ako homo erectus," dugtong pa niya, dahilan para matawa ako nang malakas.

"H-Homo what?" kunot noong tanong ko, pinipigilan ang sariling humagalpak pa nang sobra.

Pabiro siyang umirap at pinagkrus ang braso. "College student ka pero dehins mo alam 'yon? Homo erectus 'yong mga ayaw sa bakla, tomboy... gan'on."

I laughed harder. Sa sobrang lakas ng halakhak ko ay napapatingin na nga sa amin ang ibang taong nadadaanan at nakakasalubong namin. Salubong na salubong naman ang kilay ni Javien at tila ba wala siyang ideya kung bakit ganito ang reaksyon ko.

Pinunasan ko ang luhang namuo sa gilid ng aking mga mata bago inayos ang sarili. Grabe, only Javien could make me lose my poise!

"M-Mali pala ako! Hindi pala homo erectus tawag 'don!" Napasabunot si Javien sa kaniyang buhok at ikinaway pa ang kamay sa akin. "Homo sapiens nga pala! Pinag-aralan namin 'yon noong grade three ako,"

Umiling-iling pa siya at kinaltukan ang sarili. Gusto kong matawa ulit pero pinigilan ko na ang sarili. He looked so cute, tho. Minsan nakakatuwa rin ang pagiging inosente niya.

"It's homophobic, Vien. Not homo erectus or homo sapiens," I corrected him in a gentle way.

His lips parted and I noticed his both cheeks turned red as a tomato. "Pucha, ebarg! Hindi man lang ako tumama," bulong niya sa sarili at nahihiyang kumamot sa ulo.

Hinatid niya ako sa bahay at pagkatapos n'on ay dumiretso na siya sa tambayan nilang magkakaibigan. Sumilip ako sa teresa namin at nakita kong naroon ang tatlong kumag. Mayroon din silang iba pang kasama. Nagkukumpulan at nagkakantahan na naman sa harap ng tindahan.

Nasipat pa ng aking paningin si Javien na naninigarilyo at parang sigang bumubuga ng usok. Wala siyang suot na pang-itaas sa isang tainga niya ay may nakasuksok na yosi.

Nang hindi nito sinasadyang mag-angat ng tingin sa direksyon ko ay mas mabilis pa sa alas-kwatro niyang itinapon ang sigarilyo at tinapakan iyon gamit ang tsinelas. Inayos ko ang suot kong reading glasses at inilingan siya.

Umalis na ako sa teresa at dumiretso na sa kwarto para mag-aral at mag-advance reading.

Kung pag-uusapan ang ugali, wala naman akong problema kay Javien. Maloko siyang tao pero mayroong mabuting puso. Madiskarte rin siya at matalino. Iyon nga lang... magulang mismo niya ang may problema. Ang mga naunang tatlong kapatid kasi ni Javien ay pinag-aral sa mga kilala at prestihiyong paaralan.

Hindi sila mayaman pero pilit namang kinakaya nina Tita Crisanta, pero ang masakit lang sa parte niya ay nagloko ang mga iyon sa pag-aaral. Iyong dalawang babae ay nabuntis nang maaga habang iyong isang lalaki naman na dapat ay magse-seaman sana ay nagbulakbol hanggang sa nakabuntis na rin at nagkaroon na ng sariling pamilya.

Simula noon ay nadala na si Tita Crisanta dahil imbis daw na gumaan ang buhay nila ay mas lalo pang nadagdagan ang bigat dahil hanggang ngayon ay kargo rin niya ang mga apo niya. Si Javien na lang sana ang bukod tanging pag-asa kaso nawalan na siya ng gana.

Pakiramdam daw kasi nilang mag-asawa ay masasayang lang ang pera nila kung pag-aaralin pa nila si Vien dahil paniguradong wala rin daw pinagkaiba ang lalaki sa mga kapatid niya.

Kapag nalalaman nilang gumagawa ng paraan si Javien para makapag-aral sa kolehiyo, bugbog ang inaabot nito. Idagdag pa na puro pangungutya rin sa ibang tao ang inaabot niya na siyang ikinaiinis ko minsan na kesyo pariwara raw si Vien, Enzo at Diego. Pasasaan daw ba't masisira rin ang buhay ng tatlong 'yan.

Lahat ng tao may kani-kaniyang dahilan kung bakit hindi makapag-aral. Hindi puwedeng basta-basta manghuhusga kung hindi naman natin alam kung ano ba talaga ang totoong kwento nila.

May ilang gustong mag-aral, katulad ni Javien, pero hindi siya binibigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili niya. May ilang walang sapat na pera at kinakailangang talikuran ang sariling pangarap dahil mayroong mga umaasa sa kanila. May ilang hindi nabibigyan ng sapat na oportunidad. May ilan ding swerte dahil biniyayaan ng karangyaan at talino. Pero hindi maitatangging mayroon ding mga tao na kahit sobra-sobra na ang mga nakalatag na pagpipilian, mas pinipili pa rin ang magtamad-tamaran.

"Curious lang ako, Rara." Tinawag niya ako sa nickname ko noong bata pa ako!

Nilingon ko si Rory. "Saan naman?"

Katatapos lang ng exam namin sa Philippine History at nandito na kami sa cafeteria para kumain ng lunch. Ibinaba ko ang tray sa lamesa at maingat na umupo sa upuan.

"Kahit maliit na porsyento ba... hindi mo talaga nagugustuhan si Javien?"

Muntik na akong mabulunan sa sariling laway dahil sa tanong niya. Heto na naman tayo!

Tamad ko siyang tiningnan. "Ano na naman 'yan, Rory? Alam mo na ang sagot ko riyan."

"Kahit katiting lang?" pangungulit pa niya, mababakas ang pag-asa sa kaniyang mukha.

Natutop ko ang aking bibig at umiling sa kaniya. "Hindi nga talaga. Bakit ba pinagpipilitan mo sa akin 'yan?"

Bumagsak ang kaniyang balikat at inambahan akong babatuhin ng tissue. "Hindi ba obvious, 'teh? AmVien shipper ako!" sarkastikong aniya.

Inirapan ko siya at bahagya akong natawa. "Tigilan mo ako. 'Yong ship mo parang grades lang natin ngayong sem..."

"Bakit? Lalayag ba?" she asked with a glint of hope in her eyes.

I shook my head and smirked devilishly. "Parehong lubog."

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang kaniyang mukha dahil sa sinabi ko. Hindi raw magandang biro iyon, eh hindi naman talaga ako nagjo-joke. Kasunod na dumako ang usapan namin sa next audition na sasalihan ko. Medyo mabigat at malaking role iyon.

"Hindi kita masasamahan," malungkot na saad niya sa akin. "Birthday 'yon ni Mommy at may pupuntahan kami."

"Gan'on ba? Sayang naman. Paniguradong hindi rin papayagan ni Mama kapag hindi ka kasama." Nanghihina akong bumuntonghininga.

Malaki ang tiwala ng mga magulang ko kay Rory. In fact, parang anak na nga ang turing nila sa kaibigan kong ito. Kampante sina Mama kapag siya ang kasama ko. At isa pa, siya lang naman ang palagi kong kabuntot kapag ganitong mga audition.

"Wait, may naiisip ako! Omg!" Naningkit ang mga mata niya sa kawalan habang sumisimsim sa kaniyang blue lemonade juice.

My forehead knotted in confusion. "Ano 'yon? Siguraduhin mong hindi 'yan kabulastugan, ha. Kilala kita," may pagbabantang wika ko.

"Basta. Tutuloy ka audition na may kasama. Akong bahala..." paninigurado niya na sinundan pa ng isang nakakakilabot na ngisi sa labi.

Tumambol ang dibdib ko sa matinding kaba at alam ko nang sa tingin pa lang na iyan ay mayroon na naman siyang naiisip na hindi maganda.

At totoo nga...

Dahil nang sumapit ang linggo, madaling araw pa lang ay binulabog na ako ng sunod-sunod na katok. Binuksan ko ang pinto at gan'on na lang ang pagkalaglag ng aking panga nang tumambad sa akin ang nakangiting pagmumukha ni Javien.

Bihis na bihis ang loko. Basa at magulo rin ang kulay mais niyang buhok. Langhap na langhap ko ang matapang niyang pabango.

"V-Vien, anong ginagawa mo rito?" naguguluhang tanong ko at muli siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Mas lalong lumawak ang ngiti sa kaniyang labi at halos umabot na iyon sa kaniyang mga mata.

"Sasamahan kita sa audition mo. Ano, tara na? Naghihintay na ang four wheels ko." Masigla niyang inilahad ang kamay sa akin.

"Four wheels?"

"Hmm." He nodded happily and pointed the tricycle outside. "Ayan oh. Tatlong gulong niyan tas 'yong isang extra ay nandoon sa likod kaya bale apat."

Mariin kong ipinikit ang aking mata at hinilot ang sentido. Rory, ano na naman ba itong kalokohan mo?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro