Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Katulad nga ng napag-usapan kahapon, matapos ng klase ay muli kaming nagkita sa bahay para palitan ang gauze bandage niya sa noo. Sa pinto pa lang ay langhap na langhap ko na ang tapang ng kaniyang pabango at may ilang beses pa nga akong nabahing dahil sa tindi no’n.

Pero hindi ko na sinabi pa sa kaniya iyon.

“Salamat ulit ah?” nangingiting usal niya habang nahihiyang humawak sa batok.

Mula sa inaayos kong medicine kit ay tiningala ko siya. “Salamat? Para saan?”

“Dito...” Itinuro niya ang kaniyang noo bago muling magpatuloy sa pagsasalita. “Alam ko naman kasing marami kang ginagawa araw-araw kaya sobrang nagpapasalamat ako dahil kahit hindi mo naman responsibilidad na gamutin ako, ginawa mo pa rin,” malambot na usal niya habang hindi ako nilulubayan ng tingin.

Bahagya akong natawa bago siya hampasin nang mahina sa balikat. “Para ka namang others, Vien. Alam mo namang kahit hindi tayo gaanong ka-close ay hindi ka na rin naman iba sa akin.”

Lumiwanag ang kaniyang mukha kasabay ng paglaki ng ngisi sa labi. Malisyoso niyang sinundot ang aking tagiliran na para bang nang-aasar.

“Sinasabi ko na nga ba’t may gusto ka rin sa ’kin. Pasensya ka na, Amora. Kahit gusto kita, hindi ako easy to get,” aniya na siyang dahilan para malukot nang sobra ang aking mukha.

“Paghirapan mo muna ako,” dagdag pa niya bago tuluyang tumawa nang malakas.

Umingos ako sa labis na pandidiri at kilabot dahil sa mga sinabi niya pero hindi ko na pinatulan pa dahil marami pa akong dapat gawin. Bago siya tuluyang umalis ay sa amin na rin siya nakikain ng tanghalian, nagtawag pa ng mga kasama at higit sa lahat ay nagpaalam pa na kung puwedeng magbaon pauwi.

Pasalamat na lang talaga sila dahil malakas si Vien sa mga magulang ko.

“Amora, alaws kayong juice?” tanong ni Enzo.

Tamad ko siyang binalingan ng tingin. “Meron, nasa ref. Orange juice ’yon.”

“Ay pineapple sana, Ate,” request pa ni Diego na agad din namang sinaway ni Javien.

“Huy, mahiya naman kayo. Nakikikain lang tayo, eh. Huwag kang ganiyan,” anito bago bumaling sa akin at ikumpas ang isang kamay. “Pasensya na, Amora. Pineapple ang gusto namin baka puwede mo na rin kaming ibili?”

Napairap at napahilamos na lang ako sa aking mukha dahil sa kakapalan ng mukha nilang lahat. “Eh kung tadyakan ko kaya kayong lahat palabas ng bahay?” nagtitimping tugon ko.

Sumimangot si Enzo at sinamaan ako ng tingin. “Mamaya na. Kita mong hindi pa tapos kumain, eh!” reklamo rin nito pabalik na punong-puno pa ng pagkain ang bunganga.

Sa buong oras na iyon ay tila ba sasabog ang aking ulo sa gulo at ingay ng aming bahay. Mabuti na lang ay pagkatapos nilang hugasan ang mga pinggan at linisin ang mga kalat nila ay tumungo na sila paalis.

Lungkot na lungkot ang magaling kong ina dahil tumahimik na ulit ang bahay samantalang ako naman ay nakahinga na nang maluwag.

“May surprise quiz daw tayo sa biochem. Shet! Ikaw na ang bahala sa akin, hindi ako nag-advance study at review.” Problemadong salubong sa akin ni Rory pagkapasok na pagpasok ko pa lang sa classroom.

Umasim ang aking mukha. Naghahabol pa nga ako ng hininga dahil nakakapagod umakyat sa hagdan tapos ganitong balita kaagad ang ibubungad sa akin. “Rory, puwedeng umupo muna? Mamaya na natin problemahin ’yan!”

“Pero sobrang kinakabahan ako, Amora! Hindi ako prepared!”

Sarkastiko akong natawa sa sinabi niya. “Huwag ako, Rory. Sa ating dalawa, ikaw ang mas matalino sa atin kaya ako ang pagagayahin mo.”

“Aba’t—”

“Huwag ka nang umangal,” nakangising putol ko sa kaniya, “baka nakakalimutan mong may atraso ka sa akin ’nong isang araw? Kung hindi ko nilusutan iyong kalokohan mo sa magulang mo baka grounded ka na—”

“Oo na, oo na! Tangina naman, oh! Ba’t kailangang mangonsensya pa?” iritang tugon nito at doon na ako tuluyang nagpakawala ng tawang tagumpay.

Pagod na pagod ang utak ko nang matapos ang pang-umagang klase. Mabuti na lang at half-day kami ngayon kaya makakauwi ako nang maaga. Plano kong magpahinga dahil pakiramdam ko’y ubos na ubos na ang lahat ng enerhiya ko sa aking katawan.

Kasama pa rin si Rory, magkasabay kaming sumakay ng jeep pauwi. At habang nasa biyahe nga ay pinag-uusapan namin ang nangyaring quiz kanina. Hindi natuloy ang kopyahang napag-usapan namin dahil magkaiba ng set ng test paper ang ibinigay sa amin at isa pa ay malayo kami sa isa’t isa.

Ang ending tuloy ay mababa ang nakuha naming score pero ayos lang naman iyon. Sa kursong ito, hindi na kami maghahangad ng mataas na grado. Pumasa lang ay masaya na. Matira matibay kumbaga.

“Pst, Amora. Tingnan mo ’yon, oh! Anong ginagawa nila rito?” Siniko ni Rory ang balikat ko at nginuso niya ang labas ng bintana ng jeep.

Kumunot ang aking noo at sinundan ng tingin ang itinuturo ng nguso niya. At kahit medyo may kalayuan pa sa mismong lugar na bababaan namin ay tanaw na tanaw ko na ang grupo ni Javien na nakaabang doon. Titig na titig na siya sa jeep naming paparating. Habang si Enzo naman ay tila ba walang pakialam at nililibang ang sarili sa mga babaeng dumadaan at nakikita.

Napangiwi ako ro’n. Masasabi ko talagang sa kanilang tatlong magkakaibigan ay ang lalaking iyon ang may potential na maging gago sa lahat ng bagay at ano mang pagkakataon. Sa kabilang banda naman ay tahimik lang nakaupo si Diego na tila ba napilitan lang talagang sumama. Unlike sa dalawang lalaki, mas malambot at pino ang kilos ni Diego dahil na rin siguro sa mas bata ito ng isang taon at nagmula pa sa may-kayang pamilya noon.

“Anong ginagawa ng tatlong unggoy na iyan dito?” tanong ni Rory at nagkibit-balikat naman ako.

“Alam mo naiirita talaga ako kapag nakikita ko si Enzo, eh. Napakapangit sa mata,” dugsong pa nito.

Natawa ako’t umiling. “Eh ’di huwag mong tingnan. Pumikit ka.”

“Naku kahit pumikit ako, pangit pa rin siya!” gigil na gigil na sagot niya sa akin.

Hanggang sa pumara kami at tumigil ang jeep ay panay pa rin ang bulong niya ng mura at reklamo tungo roon sa lalaking walang kaalam-alam na sinusumpa na siya ng aking kaibigan. Mabilis na lumapit sa akin si Javien para alalayan ako pababa ng sasakyan. Ipinatong niya ang isang kamay sa bakal na nasa may uluhan ko para hindi ako mauntog. Idagdag pa na ingat na ingat din akong huwag madumihan ang aking puting uniporme.

“Anong ginagawa niyo rito, Javien? May hinihintay ba kayo?” taka kong tanong nang tuluyan nang makababa.

Palihim ko siyang pinasadahan ko ng tingin mula ulo hanggang paa. Simula sa kulay mais niyang buhok, pababa sa suot niyang itim na customized na naman niyang muscle tee, sweat shorts bilang pambaba at pares ng tsinelas. . .  masasabi ko namang mukha pa rin siyang tao sa paningin ko.

“Uhm. . .  a-ano. . .” Napahawak siya sa batok at umiwas ng tingin sa akin na para bang hindi mahagilap ang tamang kasagutan sa aking simpleng tanong.

My brows furrowed more while anticipating his answer. He, then, cleared his throat and roamed around his eyes to the surroundings.

Itinuro niya ang kaibigang si Enzo. “A-Ah, nakipagkita lang si Enzo sa sugar mommy niya,”

Namimilog ang mga mata ng lalaki at hindi makapaniwalang itinuro ang sarili. “A-Ako?”

“Grabe ka, Enzo! May sugar mommy ka?!” hindi makapaniwalang tanong ni Rory na nasa aking likuran.

Ibinuka ni Enzo ang kaniyang bibig para magsalita ngunit mabilis siyang inakbayan ni Javien at Diego na parehong may mga pilit at pekeng ngiti sa labi.

“Oo, totoo ’yon. Sa katunayan nga ay paalis na rin kami tapos ito nga. . .  nakita namin kayo,” Javien let out an awkward laugh as he pressed his friend closer to him. “Ang galing, ’di ba? Destiny.”

Hindi ako makasagot at naguguluhan na palipat-lipat lang ang mga mata sa kanila. Ang weird.

Tumikhim si Diego at umayos ng tindig. “Mas mabuti pa magsi-uwi na tayo. Ihahatid ni Enzo si Rory tapos kayo na ni Javien ang sabay,” wika nito sa akin.

“Putangina ano?!” singhal ni Enzo na pilit na kumakawala sa akbay ng mga kaibigan. “Ba’t ko ihahatid si Rory eh ang layo ng bahay niyan?!”

“Excuse me? As if namang papayag akong magpahatid sa ’yo! Pangit!” Rory fired back.

“Ay wow! Kung pangit ako, ano ka pa?” asik na naman ng lalaki.

Dahil nga sa sinabi ni Enzo ay mas lalo lang umusok ang ilong ng aking kaibigan. Nagkada-buhol-buhol na ang aking utak at parang lalo lang yatang sumakit ang ulo ko sa ingay nila kaya naman bago pa ako tuluyang sumabog ay hinawakan ko na ang kamay ni Javien, balak na sana siyang hilahin papalayo kung hindi lang siya nagsalita na siyang nakapagpatigil sa akin.

“Mamaya na tayo umuwi. A-Ano... kain muna tayong dalawa. Libre ko na kasi nakadelihensya ako!”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro