Chapter 3
Weekend came and I pursued my plan. Alas-tres pa lang ng madaling araw ay tumungo na ako sa Maynila kasama si Rory para sa nasabing audition. Gaganapin iyon sa isang studio sa loob ng sikat na tv network building.
"Muntik ko nang makalimutan 'tong camera ko kanina. Buti na lang naalala ko bago umalis," ani Rory habang tinatahak namin ang abalang pasilyo.
"Bakit kasi nagdala ka pa niyan?"
She looked at me with disbelief before smacking my arm. "Siyempre, magpapa-picture ako sa mga artistang makikita ko! Ulaga ka!"
Natatawa akong umiling sa sinabi niya.
"Ah basta, galingan mo sa audition ha? Kapag naging artista ka na, huwag na huwag mo 'kong kakalimutan. Gawin mo 'kong manager o kahit personal assistant mo lang."
"Paano kung ayaw ko?" I smirked.
"I-ba-bash kita! Ilalabas ko lahat ng epic pictures mo–"
"Manahimik ka! Subukan mo lang!"
She just then roared with laughter.
Mula noon, si Rory ang palaging kasama ko sa aking pag-a-audition. Siya lang naman ang may pakialam sa pangarap kong ito. Sa lahat ng tao, sa kaniya lang ako humuhugot ng lakas sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob. Ni kahit minsan ay wala akong narinig na reklamo mula sa kaniya; kahit na ilang oras siyang maghintay, abutin man kami ng pagkalam ng sikmura o umuwi man kami ng luhaan.
"Hintayin kita rito sa labas! Galingan mo, ah!" My best friend gave me a two thumbs up and so I nodded my head eagerly.
Dala ang buong tapang, lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili ay tumungo na ako sa loob ng studio. Ngunit ang lahat ng positibong damdamin na nararamdaman ko ay agad naglaho nang makita ang ilang daang magagandang babae na nagkalat sa malawak na silid.
With their physical structure, beauty and stance... I couldn't help myself from getting nervous. One look at them, you'll know they can ace the role. Malamig ang buong silid ngunit hindi nito napakalma ang naghuhurementado kong sistema. Pasimple kong pinupunasan ang butil-butil na pawis na malayang tumutulo sa aking noo. Maingay ang paligid; samu't saring boses, mahihinang tawanan at kwentuhan ang bumubuo sa silid ngunit ang bukod tanging naririnig ko lang ang malakas na tambol ng aking dibdib.
Upang libangin ang sarili, pinili ko na lang na busugin ang mga mata sa mga nakikita sa apat na sulok ng kwarto. Puti ang kulay ng dingding at kisame. Mayroong stage sa unahan at sa baba nito ay ang may kahabaang lamesa at mga upuan kung saan uupo ang mga kilalang judges.
Eventually, my body slowly loosen up as the minutes go by. Nagagawa ko nang makipag-usap sa iba pang mga babaeng kasama ko sa pila. Nang magsimula na ang audition ay doon na ako muling natahimik.
"Anong oras na ba?" tanong ng babaeng nasa likuran ko na si Brenda.
I took a glance at my wristwatch. "Mag-a-alas dos na."
Alas-otso ng umaga nang magsimula ang audition. Sa dami ng mga nagbabakasakali, matagal umuusad ang pila. Ngunit mula sa aking pakikipag-kwentuhan ay pumalakpak ang organizer, dahilan para mapabaling sa kaniya ang buong atensyon namin.
"Okay, listen! Tapos na ang audition!" The organizer shouted.
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatayo sa sobrang gulat. "Po?! Bakit?"
At a slow pace, his eyes darted in my direction. "We already found a girl who fits the role..." he muttered as he scanned me from head to foot. "Salamat sa oras niyo, puwede na kayong umuwi."
Tumalikod na siya samantalang naiwan kaming tahimik at nakanganga, hindi pa rin ma-proseso sa utak ang sinabi ng lalaki... Ngunit sa bandang huli ay wala na kaming nagawa ni Rory kundi ang lumabas ng gusali na bagsak ang balikat.
People always showered me praises for the good shape of my body, suntanned skin, narrower facial shape, roundish-almond eyes, long and dark eyelashes, higher cheekbones and thinner lids or even on my long and black shiny hair.
Palagi nilang sinasabi na hindi na nga raw sila magugulat o magtataka kung makikita nila ako sa telebisyon, dahil sa hugis at hulma pa lang daw ng mukha't katawan ko ay hindi malabong makapasok ako sa gano'ng klaseng industriya... and that keeps my passion burning in desire.
Nonetheless, some say that I should give up on my dreams. O kaya saka na lang daw nila ako susuportahan kapag sikat na ako. Kapag kilala na. Kapag may pangalan nang maipagmamalaki.
Hypocrite... but those kinds of people do exist. Kilala at mahal ka lang nila kapag nasa itaas at tagumpay ka na. Pero 'nong mga panahong nasa ibaba ka pa at nangangapa, wala sila.
"Marami pang next time. Baka hindi lang para sa'yo ang araw na 'to pero malay mo bukas o sa susunod na araw, 'di ba?" Ginulo ni Rory ang aking buhok, dahilan para tipid akong mapangiti. "Ano nga 'yong motto natin?"
"Hangga't may makapal na mukha, may pag-asa," I said with so much conviction.
Muli kong sinalubong ang kinabukasan dala ang bagong pag-asa sa buhay. Inabala ko ang aking sarili sa pag-aaral, pag-a-advance reading, at pag-i-improve sa pag-arte. Minsan nga ay nagugulat na lang sina Mama sa mga ginagawa kong pag-acting sa harap ng salamin ngunit sa huli ay napapakamot na lang sila sa ulo.
"Kapagod ang retdem kanina! Tapos ngayon tambak pa ng readings!" Rory heaved a long sigh as we continued walking along the street.
Kabababa lang namin ng jeep at kasalukuyan na naming tinatahak ang magulong kalsada. Nakaputing uniporme pa rin kaming dalawa ngunit nakalugay na ang aking buhok habang yakap ang tatlong makakapal na libro.
"Deserve ko ng pahinga at kumpletong tulog!" daing ko pa.
Mula sa malayo ay natatanaw ko na ang grupo ng Kanto Boys na nakatambay sa harap ng isang malaking tindahan sa tapat ng bahay namin. Panay ang talak ni Rory sa aking tabi ngunit napako ang mga mata ko sa tatlong lalaki. May iba ring tambay na naroon na nakapalibot pa sa tatlong kumag.
Habang papalapit kami nang papalapit ay mas lalong lumilinaw sa aking pandinig ang usapan nila.
"Gago, dapat tumakbo ka na agad o tumawag ka man lang ng resbak! Napakahina mo talaga, Javien, kahit kailan!"
My forehead creased when I heard Enzo's words.
"Oo nga! Paano natin gagamutin ngayon 'yan? Wala tayong arep, tol. Ayaw ding magpautang ni Aling Bebang ng band aid. Napakadamot! Ang kukunat naman ng mga chichirya niya!" dinig kong saad pa ni Diego.
"Mas tama pa sa true! Kapag ako yumaman, ipapasara ko 'yan!" wika naman ni Javien na sinundan ng malalakas na tawanan.
And for Pete's sake, they're all not wearing shirts! Talagang ipinaglalandakan pa ang mga katawan!
"Anyare sa mga 'yan?" Itinuro ni Rory ang mga lalaki gamit ang nguso.
Sinulyapan ko siya bago nagkibit-balikat. "Malay ko? Sa 'kin mo itatanong eh magkasama tayo?" I rolled my eyes heavenwards.
Inayos ko ang pagkakayakap sa libro at mas binilisan ang paglakad hanggang sa malampasan ang Kanto Boys. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagtawag ni Javien sa aking pangalan ngunit hindi na ako nag-abala pang lingunin siya, dahilan para mas lalo siyang pagtawanan ng mga kaibigan niya.
"Ang babait n'yo talaga, ba't hindi pa kaya kayo sunduin ni Kamatayan?"
"Pwede naman pero... ano bang gamit niyang sasakyan? Pass kung lakad. Dapat naka-sports car," pang-aalaska ni Enzo at muling sinundan ng malalakas na halakhak.
Kahit nang makarating na kami ni Rory sa loob ng bahay ay dinig na dinig pa rin namin ang ingay na nagmumula sa labas. Nagmano ako sa aking magulang at pati na rin sa mga magulang ni Javien na kasalukuyang nag-iinuman.
"Kumusta ang klase?" nakangiting tanong sa'kin ni Tita Crisanta.
I smiled back at her. "Okay naman po, pagod."
"Bakit kasi nag-aaral ka pa? Nag-a-aksaya ka lang ng oras mo," tugon niya at unti-unting nawala ang nakapaskil na ngiti sa aking labi.
Naramdaman ko ang pagkulbit sa'kin ni Rory at nang nilingon ko siya ay sinenyasan niya 'kong mauuna na siya sa kwarto ko.
Pagak na tumawa si Papa. "Para 'yan sa future niya, Crisanta. Hayaan mo na anak ko."
"Huh!" Tita Crisanta scoffed. "Amora, pagsabihan mo nga 'yang si Javien. Sabihin mo riyan sa magaling kong anak na tigil-tigilan na niya ang ilusyon niyang makakapagtapos pa siya ng pag-aaral. Aba nitong nakaraang araw lang ay nabalitaan kong naghahanap na naman ng trabaho!"
"Hindi po ba't dapat ay matuwa kayo ro'n?" naguguluhang tanong ko.
She then gave me a lazy stare as she pointed to herself using her index finger. "Ako? Matutuwa? Buti sana kung gagamitin niya iyong pera para mabuhay kami araw-araw kaso alam kong iipunin niya iyon para sa lintek na pag-aaral."
"Kaya ayon sa gigil ko, nabugbog ko tuloy kanina," dagdag pa ng asawa nito na bahagyang natawa.
Umawang ang aking labi sa gulat at mayroong gumuhit na pag-aalala sa aking dibdib. Hindi ko na pinatapos pa ang pag-uusap at agad na akong umakyat sa kwarto para kunin ang medicine kit box.
"Oh? Saan ka pupunta?" takang tanong ni Rory na nakadapa na sa kama habang nagbabasa ng libro sa Anaphy.
"Basta, dyan ka muna. Babalik ako," I uttered and stormed out the room swiftly.
Dire-diretso ang hakbang patungo sa labas ng bahay. Narinig ko pa ang pagtawag ni Mama sa pangalan ko ngunit hindi ko na sila nilingon pa. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga nang makitang nasa ganong disposisyon pa rin ang magkakaibigan.
"Tabi." Tinulak ko palayo ang nakapamewang si Enzo dahilan para ma-out of balance ito at mapayakap sa katabing si Diego.
"Lumayo ka sa'kin, Kuya Enzo! Kilabutan ka!"
"Amora?" Nahigit ni Javien ang kaniyang hininga nang lumuhod ako sa harapan niya at walang salita na binuksan ang medicine kit. "Anong ginagawa mo?" halos pabulong na aniya ngunit sapat na para marinig ko.
"Gagamutin ang mga sugat mo," tugon ko.
Ilang beses niyang binuka ang kaniyang bibig para magsalita ngunit sa huli ay natutop na lang niya iyon. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha at saka ko lang malinaw na napansin ang ilang pasa at sugat.
Putok ang gilid ng kaniyang labi, mayroon din siyang ilang gasgas sa braso at iba pang bahagi ng katawan. I shook my head in disappointment as I started cleaning his wounds.
At sa buong oras na ginagawa ko iyon ay hindi niya ako nilulubayan ng malamyos na titig. Binalewala ko na lang iyon, maging ang hagikhikan ng dalawang lalaki sa gilid.
Madilim na ang kalangitan nang matapos ko siyang gamutin. Sa panghuling beses ay muli ko siyang pinasadahan ng tingin bago ko tuluyang iligpit ang mga gamit. Nang tumayo ako ay pasimple niyang hinawakan ang aking braso para alalayan ako.
In spite of that, he remained seated and looked up at me like an innocent child.
"Pumunta ka bukas ng hapon sa bahay. Papalitan ko 'yang gauze bandage mo sa noo," I uttered.
Namula ang kaniyang magkabilang pisngi bago dahan-dahang tumango. Matagal bago alisin ang titig sa kaniya kaya naman ngumuso siya upang pigilan ang mumunting sa labi.
"S-Salamat, Amora..." aniya sa maliit na boses.
I nodded my head in response as I ruffled his hair. "Walang problema, Vien. Ingat ka na lang sa susunod."
Humigpit ang hawak ko sa medicine kit box bago tumalikod sa kaniya. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng hakbang ay muli niya akong tinawag.
"Amora..."
The cold breeze of wind blew as I turned around on him. "Bakit?"
Humawak siya sa kaniyang batok at binasa ang pang-ibabang labi. "Salamat ulit. Pangako, kapag may pera na 'ko babawi ako sa'yo."
"Hindi na—"
Pinutol niya ang sinasabi ko.
"Babawi ako, Amora. Malaking bagay ito para sa akin kaya gagawa ako ng paraan para makabawi sa iyo," aniya gamit ang may pinalidad na tono.
Kaya naman sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang bumuntonghininga at tumango, dahilan para sumupil ang malawak na ngisi niya sa labi. Walang paalam akong tumalikod at naglakad pabalik sa bahay.
"Diego, ang kaibigan mo nahimatay na na naman sa kilig! Tumawag ka ng ambulansya!" huling sigaw ni Enzo na nahagip ng tainga ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro