Chapter 2
There was nothing exciting about my life, but I do love it. Habang patuloy ang pag-ikot mundo, paulit-ulit lang din ang mga pangyayari sa buhay ko. Gumigising sa umaga na kabisado na ang mga dapat gawin sa buong maghapon. Kung paano uubusin at saan gugugulin ang bawat oras at segundo.
Paulit-ulit ngunit kuntento ako. Simple ngunit magaan ang lahat para sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba iyon ang buhay na nakasanayan o dahil sadyang mas pabor ako sa kapayapaang dinudulot nito... kabaliktaran sa tunay na pangarap na hinahangad ko.
"Kapag itinuloy mo ang pangarap mong pag-a-artista, malaki talaga ang kikitain mo pero malaki rin ang mawawala sa iyo," wika ni Mama habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng almusal.
Nabanggit ko kasi na balak kong lumuwas ng Maynila sa darating na weekend dahil mayroong gaganaping audition para sa isang brand endorsement. Gusto kong subukan dahil kapag nagkataon ay may malaking posibilidad na kapag nakilala ako ay may lumapit sa akin na mas malaki pang oportunidad.
Sumimsim ako sa mainit na kape samantalang si Mama ay patuloy pa rin sa pagsasalita habang iniinit ang ulam na binaon niya pauwi galing sa birthday ni Tita Crisanta kagabi.
"Privacy at kalayaan. Iyon ang mawawala sa iyo at sa ibang taong nasa paligid mo. Dahil sikat ka, ang lahat ng mga mata nasa iyo. Ang iba ro'n ay inaalam ang bawat galaw mo dahil hinahangaan ka ngunit ang iba ay nagbabantay lang kung kailan ka magkakamali. Gano'n kagulo ang mundo ng showbiz." pagpapatuloy niya.
My lips pressed together tight. "Alam ko naman iyon, Ma. Pero anong magagawa ko? Iyon talaga ang gusto ko noon pa man. Hindi ba't napagkasunduan na natin 'to? Pumayag ako na mag-take ng nursing at kapalit no'n ay hindi mo na tututulan ang totoong pangarap ko," asik ko pa.
Sumulyap siya sa akin bago nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga. "Oo, sinasabi ko lang ulit, Amora, baka sakaling magbago pa ang isip mo."
"There's no way I would change my decision, Ma. Gusto kong mag-artista at hindi ako titigil sa pag-abot niyon," may pinalidad kong tugon.
Hindi ako titigil hanggang sa makulitan na ang pangarap ko at siya na mismo ang umabot sa akin...
Hindi na muling sumagot pa si Mama dahil siguro'y alam din niya na kahit anong sabihin niya o ng ibang tao ay wala na isang makakagawang pagbitiwin ako sa nais kong gawin.
Matapos kumain ng almusal ay agad na akong naligo para pumasok sa klase. Sa hapon pa naman ang pasok ko ngunit alas nueve pa lang ay nagsisimula akong gumayak dahil isang oras ang biyahe patungo sa Unibersidad kung saan ako nag-aaral.
Alas-diyes na ng umaga nang magpaalam ako kay Mama. Pagbukas ko ng pinto ay sakto rin naman ang paglabas ni Javien sa kanilang bahay. Bagong ligo ito ay bahagyang magulo ang kaniyang kulay mais na buhok. Nakasuot ito ng itim na t-shirt na medyo hapit, dahilan para mapansin ko ang katikasanan ng kaniyang katawan. Naka-tuck in ang pang-itaas niyang iyon sa kupas na maong na pantalon.
"Magandang umaga, Amora," pagbati niya at ginawaran ako ng isang malawak na ngiti.
"Magandang umaga rin, Vien..." I gave him a tiny smile. "Saan ka pupunta? At para saan 'yan?" Nginuso ko ang hawak niyang brown envelope.
Bumaba ang tingin niya roon bago nahihiyang itinago sa kaniyang likod. Tumawa siya nang matipid. "Ah, ito ba? Pupunta sana ako sa SLSU. Itatanong ko kung puwede pa akong humabol sa pag-e-enroll..." he trailed off and licked his lower lip. "Pero kung hindi na puwede, baka dumiretso na lang ako paghahanap ng trabaho."
Ang kaninang maliit na ngiti sa aking labi ay unti-unting lumawak. Umisang hakbang ako papalapit sa kaniya na siyang ikinabigla niya. Bahagya siyang napaatras kasabay ng panlalaki ng dalawang mata. At halos sumabog ang mukha niya sa sobrang pula lalo na nang dumampi ang aking palad sa kaniyang balikat para tapikin ito.
"Good luck! Kaya mo 'yan! Hangga't may makapal na mukha, may pag-asa!" Pagpapapalakas ko sa kaniyang loob habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
Dahan-dahang umaliwalas ang kaniyang mukha. Tumango-tango siya sa'kin. "Tama, mas tama pa 'yan sa true! Hangga't may pag-asa, may mukha!" saad siya sa mariin at puno ng determinasyon na tono.
Ngumiwi ako at napakamot sa batok. Sumulyap ako sa wristwatch at nang makita ang oras ay saka ko lang napagtantong kailangan ko nang umalis. Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya at nagpaalam. Saktong pagtalikod ko sa kaniya ay saka ko naman natanaw ang dalawa pa niyang kaibigan na papalapit sa direksyon namin. Kagaya ni Vien ay pusturang-pustura rin ang dalawang kumag.
May naglalarong ngisi sa labi ni Enzo habang si Diego naman ay papalit-palit lang ang tingin sa amin ni Vien. Hindi ko sila pinansin at dire-diretso na ang lakad paalis doon, ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay narinig ko na ang masakit sa taingang tili ni Vien. Nang lingunin ko ito ay nakahawak na ito sa kaniyang dibdib, nagpapanggap siyang nahihimatay habang ang dalawa naman niyang kaibigan ay sinasalo siya.
"Ambulansya! Tumawag kayo ng ambulansya! Kinikilig ako!" sigaw ni Javien.
Natatawa na lang ako't napailing dahil sa kalokohan nila.
"Alam mo sa tuwing kinu-kwento mo sa akin si Javien, naaalala ko 'yong ginawa mo sa kaniya 'nong graduation natin ng SHS,"
My forehead knotted with Rory's remark.
Tumigil ako sa pagsusulat at taka siyang nilingon. "Anong ginawa ko?"
"Duh! Iyong tinapon mo 'yong bulaklak na binigay niya! Buti hindi siya nagalit sa'yo 'no?"
"Nag-sorry naman na 'ko sa kaniya, Rory. At saka hindi ko naman sinasadyang gawin iyon kaso nga lang—"
"Kaso nga lang allergy ka sa mga lalaki na nagbibigay ng bulaklak dahil naaalala mo 'yong mabantot mong first love!"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Itigil mo nga ang katatawag kay Trevor ng ganiyan!" pagbabanta ko.
She mockingly looked at me and scoffed. "Bakit ko naman ititigil? Eh, ano ngang full name niyan?"
"Trevorcio Tabayoyong Batumbakal," mahinang ani ko kasabay ng pag-iwas ng tingin.
"Oh diba, ang bantot ha!" she then roared with laughter.
Pinilit kong isimangot ang aking mukha ngunit sa huli ay natagpuan ko na lang ang sarili kong sumasabay sa pagtawa ni Rory.
Trevor was my first love and eventually became my first boyfriend. I was on my second year in high school when I met him. Nagkakilala kami sa isang audition at mabilis kaming nag-click dahil halos hindi naman kami nagkakaiba ng mga hilig at pangarap.
Our relationship lasted for almost three years. He used to give me flowers everyday... but in the long run of being together, we need to separate our ways. Na-discover kasi siya ng isang talent manager at iyon ang naging daan upang matupad ang pangarap niya... ang pangarap naming dalawa.
Kinailangan naming bitawan ang isa't isa dahil makakasira raw ako ng imahe at pangalan niya pero pinangako niya sa'king babalik siya.
Kahit sobrang layo na ng narating niya, umaasa pa rin ako sa pangako niya. At isa rin iyon sa dahilan kung bakit patuloy akong nagpupursigi sa pangarap kong maging artista... kasi hanggang ngayon umaasa pa rin akong posible pang maibalik ang lahat sa aming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro