Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

"Why is blood called a river of life?" The stern voice of our instructor lingered the whole room.

Sobrang tahimik ng paligid at wala ni isa sa mga kaklase ko ang nangahas na sumagot. Tila natigil ang aming paghinga sa mga sandaling iyon. Ang lahat ay nagsisikap na iiwas ang tingin sa takot na matawag sa oral recitation. Tanging ugong ng elisi ng electric fan at mahihinang paglunok lang ang maririnig sa apat na sulok ng silid.

At hindi naman ako naiiba sa mga kaklase ko dahil kung anong gawin nilang pag-iwas ay siya ring ginagawa ko. Palihim akong nagdadasal sa mga santo na sana ay mabilis na lumipas ang oras para matapos na ang subject na ito.

I wasn't prepared for this... or should I say, we weren't prepared for this surprise oral recitation.

"Wala bang sasagot? Didn't I tell you last meeting to do advanced reading?" aniya sa nakakakilabot na tinig habang sinusuyod kami ng tingin gamit ang nanlilisik niyang mga mata. "Sobrang dali lang ng tanong ko."

"Oh madali lang pala. Ba't mo pa tinatanong sa amin?" bulong ni Rory at hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko.

Nilingon ko siya at pinandilatan ng mga mata bilang babala na huwag nang magsalita pa, ngunit ang loka-lokang babae ay sumenyas lang ng finger heart sa akin. I was about to say something but I immediately shifted my seat when our Instructor spoke again.

"I wasn't informed that this BS Nursing - 1B could be so irresponsible..."

She heaved a disappointed sigh and slowly walked towards the table. Halos magimbal ang buong katauhan ko nang dahan-dahan niyang damputin ang mga index card at nagsimulang balasahin iyon.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata kasabay ng pagkuyom ng aking mga kamao sa ilalim ng armdesk.

"Please Lord, kahit si Rory na lang po ang matawag, huwag na ako. Hindi ba't mas favorite n'yo naman ako kaysa sa kaniya?" I muttered a prayer inside my head.

At halos pumalakpak ako sa tuwa nang matawag nga ang pangalan ni Rory. Hindi ko tuloy mapigilan ang lumingon sa kaniyang gawi at bigyan siya ng malawak na ngiti na siyang ipinagtaka niya.

"Again, Miss Aurora Anne, why is blood called a river of life?" pag-uulit ng Instructor sa unang tanong.

Rory cleared her throat before speaking. "Blood... Blood is the river of life that surges within us. It transports everything that must be carried from one place to another within the body- nutrients, wastes that are headed for elimination from the body and body heat through blood vessels. Blood was viewed as magical, because when it drained from the body, life departed as well," she smoothly explained and I stopped myself from clapping my hands.

Our instructor nodded her head in satisfaction. "Alam niyo naman pala ang sagot, gusto pa ay tatawagin. Okay, next question!"

"Miss Amora Gayle Dizon, for 100 points, can you please give and elaborate the functions of the blood?"

Unti-unting nabura ang apoy ng kasiyahan sa aking dibdib nang marinig ko ang aking apelyido. Matagal bago ako makatayo sa aking kinauupuan. Bahagya ko pang binasa ang aking labi, nagbabakasakali na maiibsan nito ang panginginig at pamumutla dahil sa matinding kabang nararamdaman.

"Ayan, deserve mo. Tatawa-tawa ka pa ah!"

Hindi ko pinansin ang pang-aalaska ni Rory sa'kin.

"First, blood is the carrier of gases, nutrients, and products. Oxygen enters blood in the lungs and is transported to cells. Carbon dioxide, produced by cells, is transported in the blood to the lungs, from which it is expelled. Ingested nutrients, ions, and water are carried by the blood from the digestive tract to cells, and the waste products of the cells are moved to the kidney for elimination. Second, clot formation, clotting proteins help stem blood loss when a blood vessel is injured. Third, blood transport of processed molecules. Most substances are produced in one part of the body and transported in the blood to another part..." And my long explanation continued.

My day went on and ended feeling like I was completely exhausted. Ilang linggo pa lang ang nakakalipas nang magsimula ang klase sa kolehiyo at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masiyadong nakakapag-adjust.

Patuloy pa rin akong nangangapa at naninibago. Malayong malayo kasi ito sa mga bagay na nakagisnan ko.

"Grabe noong nasa senior high school tayo feeling ko ang bobo ko pero ngayong nasa college na tayo... na-realize ko na mayroon pa pala akong mas ibobobo," pagtatalak ni Rory habang naglalakad kami papalabas ng campus.

"I couldn't agree more,"

Kaya naman pagkatapos ng klase ay palagi na kaming dumi-diretso pauwi sa kaniya-kaniyang bahay dahil wala na kaming energy at oras para gumimik pa kung saan-saan.

Pagkababa ng jeep, sumalubong sa akin ang napakaingay na kalsada na nakasanayan ko na. Mula pagkabata ay niyakap ko na ang maiingay na tunog ng mga motor at iba pang sasakyan, ang mga batang naglalaro at naghahalakhakan, ang mga marites na seryoso sa kanilang pagkukumpulan na animo'y talagang may kabuluhan ang kanilang mga pinag-uusapan, ang pagsalubong sa aking ng usok na nagmumula sa isawan, at siyempre, hindi mawawala ang mga tambay na halos inuubos ang oras sa pag-upo at pagkakamot ng tiyan sa tindahan.

"Hindi ka ba talaga sasama sa amin, Amora?"

Pagod akong umiling kay Mama na kanina pa ako kinukulit na sumama papunta sa bahay nina Tita Crisanta, ang nanay ni Javien. Sa katabing bahay lang naman iyon ngunit masiyadong ubos ang enerhiya ko para makihalubilo pa sa ibang tao. Kailangan ko ring mag-advance reading dahil paniguradong gigisahin na naman kami ng mga tanong sa Anaphy bukas.

"Sigurado ka ba? Puwede ka namang mag-eat and run lang eh!" suhestiyon pa ni Papa kaya nakatanggap siya ng malakas na batok mula sa asawa.

"Tinuruan mo pa ng kalokohan ang anak mo! Hindi ka na nahiya!"

Ngumiwi si Papa at hinimas ang ulo. "Bakit kailangan manakit? Nag-suggest lang."

Nilingon siya ni Mama at muling inambahan ng suntok. "Ayusin mo suggestion mo! Tara na nga! Hayaan mo na ang anak mo rito!" aniya at naglakad palabas sa bahay.

"Anong anak ko? Anak natin! Tayong dalawa ang gumawa riyan, ah!" Narinig ko pang asik ni Papa kaya natatawa akong umiling sa walang kwentang bangayan nila.

They were always like that and I'm used to it. Natural na ang sigawan at asaran sa kanilang dalawa kaya naman natatawa na lang ako sa mga inaasta nila. Kung minsan naman ay tinalo rin nila ang teenager sa tindi ng paglalampungan.

Saglit akong nagpahinga bago kinuha ang libro sa ilang subjects para magbasa, ngunit hindi ako makapag-focus masiyado dahil mula rito sa sala ay dinig na dinig ko ang lakas ng tawanan at tugtugan na nanggagaling sa kabilang bahay.

I gently removed my eyeglasses and massaged my temple. Ilang sandali pa ay napagdesisyunan kong sa kwarto na lang ipagpatuloy ang ginagawang pag-aaral. I then instantly gathered all my things and stood up.

Dala ang lahat ng gamit ay tumungo na ako sa hagdan, ngunit bago pa man ako tuluyang makatapak sa unang baitang ay napigil ako ng sunud-sunod at malakas na katok. Umingos ako sa labis na pagkainis at padabog na tumungo sa pinto para buksan ito.

Sa tagal-tagal kong naninirahan dito, pamilyar na sa akin ang lahat ng kilos at galaw ng mga taong nasa paligid ko. At hindi nga ako nagkamali dahil bumungad sa akin ang walang hiyang si Javien.

"Balak mo bang sirain ang pinto namin?!" singhal ko sa lalaki na siyang ikinabigla niya.

Lumipad ang isa niyang kamay sa sa sariling dibdib at ang isang kamay ay may hawak na tupperware na punong-puno ng pagkain.

"Grabe ka naman kung makasinghal! Ano, galit na galit lang?" natatawang wika niya at inabot sa'kin ang pagkain. "Nandito lang naman ako para dalhan ka ng pagkain. Hindi ka kasi sumama kina Tita kaya ako na ang nagdala sa'yo nito. Dinamihan ko ang shanghai niyan, ah! Alam ko kasing paborito mo iyan," dire-diretsong paliwanag niya.

Ang simangot kong mukha ay agad na lumambot dahil sa sinabi niya. I smiled as I took the tupperware from his hand. Bahagya pa siyang suminghap nang magtama ang daliri namin ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.

Ang isang daang porsyento ng atensyon ko ay nasa pagkaing hawak ko at nang mag-angat ang tingin ko sa kaniya para magpasalamat ay nahuli ko ang malamlam na titig nito sa'kin.

"Salamat dito." Itinaas ko ang tupperware kasabay ng pagsupil ng maliit na ngiti sa aking labi.

Ngumuso siya at namumula ang buong mukhang umiwas ng tingin. "Okay lang, walang anuman. Basta ikaw, shaking, shaking pa."

My forehead creased. "Shaking, shaking?"

"Ang ibig kong sabihin, basta ikaw, nanginginig pa!"

I don't hella know if it was a joke or not. Hindi ko man lubos naintindihan ang sinasabi niya ay tumango na lang ako at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka-orange na 'customized' muscle tee siya. Oo customized, iyong tipo ng t-shirt na ginupit ang manggas hanggang tagiliran, ang pambaba niya ay maiksi at checkered design na boxer shorts. Medyo magulo ang kaniyang kulay mais na buhok dahil na rin siguro sa suot niyang itim na hairband.

"Bakit ganyan ang buhok mo?" Hindi ko mapigilan ang magtanong. "Para kang tambo!"

Wala sa sarili niyang hinawakan ang buhok at sumimangot nang may mapagtanto. "Grabe ka, ang sakit mo magsalita! Uso 'yan 'no! Si Tamara pa ang nagkulay niyan!" pagtukoy niya roon sa baklang nagmamay-ari ng parlor sa kabilang kanto.

Ngumisi ako at mas lalong ginanahan sa pang-aasar sa kaniya. "Oh? Medyo masakit kasi sa mata tapos idagdag pa na kulay orange pa 'yang damit mo. Mukha kang preso."

A devilish smirk plastered on his lips as our eyes met. "Preso naman kasi talaga ako dahil nakabilanggo ako sa puso mo. Owshi, mic drop—"

Muling nalukot ang aking mukha at hindi na pinatapos pa ang kalokohan niya. Agad ko nang sinarado ang pinto at dire-diretso akong pumasok sa kusina para kainin ang dala niya.

"Hoy ibalik mo 'yong tupperware! Papagalitan ako ni Nanay!" sigaw niya habang sunud-sunod ang ginagawad na katok sa aming kawawang pinto. "Oh kung trip mo 'yong tupperware, sige sa'yo na 'yan! Ibalik mo na lang 'yong pagkain!"

Umirap na lang ako at nanatiling walang pakialam kahit naririndi na ako sa ingay niya. Wala akong panahon para sa mga kalokahan mo, taong mais.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro