Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

Pagpunta

•••

Sa pagkakataon naman na ito, ako naman ang naging abala ulit. OT sa trabaho tapos abala sa system namin. Doon ko na lang napagtanto na time is precious at time is gold.


Daniel Elizabeth Valdez: Can we go for a street food date today?


"Oh hala!" pagkabigla ko no'ng makita ko ang message ni daniel sa akin mga fifteen minutes ago.

"Bakit?" tanong ni erick.

Pinakita ko sakaniya ang message ni daniel at kinilig din siya para sa akin.

"Ayos ka lance, improving na ang love life mo!" aniya.

"Umuusad ako pare! Hahahaha!"


Lance Sebastian Jimenez: Sige wait mo ko sa tagpuan natin ha!

Daniel Elizabeth Valdez: Noted.


Alas sais na natapos ang shift namin ni erick dahil pinalitan pa namin ang mga UPS ng bawat pc station ng mga empleyado tapos may limang CPU pa na RAM ang problema pero buti RAM lang kasi madali lang ayusin 'yon sa pamamagitan ng mahiwagang pambura ng lapis.

"Pasensya ka na, kanina ka pa ba?" bungad kong tanong sa magandang dilag na nakaupo sa may fountain ledge.

Nakasuot ito ng corporate attire, heels, at nakapusod na naman ang golden brown nitong buhok.

"It's okay...It hasn't been that long."

"So, ano ba gusto mong kainin? bukod sa akin...hahahaha! Joke only!"

Pota Sebastian urong sulong palagi! Tapos bakit ba gano'n naisip kong banat? Medyo nakaka-ilang 'yon, boy!

"I really don't know...I think we have tried every street foods here."

"Oo nga noh...bukod lang sa ihaw."

"Yeah, I haven't really tried one of those."

"Sakto! Alam mo 'yong katapat naming bahay, nagtitinda sila no'n tuwing gabi! May tusok tusok pa nga, eh, tapos balut at penoy!"

"Should we go there?"

"Sa amin? Luh! Ang layo no'n! atsaka baka hindi mo magustuhan 'yong lugar...ano kasi..."

"Why?"

"Ano kasi...crowded 'yong lugar tapos alam mo na, informal settlers...squatters area...shanty town..."

"So? I never been in that kind of place. I want to see it before I believe in such things..."

"Such things na?"

"You know...about people who lives there?"

Pota naman...ngayon lang yata ako nahihiyang magpapunta ng bisita sa bahay. Paano kung mapangitan siya sa bahay namin? Hindi pa naman gano'n kaganda 'yon! Oo sementado hanggang second floor at pinturado pero 'yong bubong namin bulok na...tapos may mga trapal na nakapatong doon...dagdag pa 'yong mga bunso ni tatay sa gilid ng bahay! Oh shit! Nakakahiya rin 'yong mga kapitbahay namin masyadong mga palengkera...baka matakot siya sa mga 'yon...jusko po!

"Gusto mo ba talaga?" tumango tango lang siya at ayon na naman siya sa mga ngiti niyang nakakaakit! Hindi ko mahindihan!

"I also want to try commuting."

"Seryoso ka ba talaga?"

"Dead serious. I want to know how you do it."

"Do what?"

"How you live your life."

"Pfft! E di humihinga! Inhale tapos exhale lang gano'n! Walang kahirap-hirap hahahaha!"

Bigla na lamang nawala 'yong pagkasabik sa kaniyang mga mata at napalitan ito ng pagkalungkot. Ewan ko ha baka sa akin lang gano'n 'yong napapansin ko...umiwas na rin kasi siya ng tingin sa akin, eh.

"You know...if you really don't want me to see your place it's okay." medyo malungkot niyang sambit.

Napakamot na lamang ako sa aking batok habang mahigpit na nakakapit ang kaliwa kong kamay sa strap ng backpack ko.

"Sige na nga, tara na, baka maabutan pa tayo ng siksikan sa MRT, eh."

Nang marinig niya ang aking pagpayag ay tumingin siya sa akin na nakangiti, naniningkit ang mga mata. Pota naman nagpacute pa! Kaasar!

"Tara na?" aya ko, inilahad ko sakaniya ang aking kamay pero humawak lang siya sa laylayan ng t-shirt ko.

"Huh?" pagtataka ko.

"I can't hold your hand yet..."

"Bakit naman? Nag alcohol naman ako kanina bago lumabas ng office."

"Because we're not yet a couple."

"Pffft! Doon din naman hahantong 'to, eh! Osya sige kumapit ka lang ng mahigpit sa t-shirt ko ha, huwag ka papahatak sa iba!" ani ko. "Ayoko mahatak ka ng iba, akin ka lang." mahina kong dugtong pero hindi siya kumibo, hindi niya siguro narinig.

Sinagot ko na ang ticket niya para sa MRT. Natatawa nga rin ako kasi ang inosente niya sa pagtap ng ticket na nagdulot pa ng traffic sa pila.

"Ohh, gender separated?" tanong nito sa akin ng marating namin ang pila.

"Oo nga pala...kalimutan ko..."

"Are we gonna go separate lines?"

"Hindi noh! baka hindi ka niyan makababa sa guadalupe station, eh, osya osya sa lalaki tayo pipila."

"Are you allowed to take that line?"

"Puwede 'yan, pwede 'yan! it's a free country I can do what I want! Atsaka alam ko pwede 'yon kapag male companion..."

Pumila kami ng maayos, nasa harapan ko si daniel. Nakahawak ako sa balikat niya, ayos lang naman nakacoat naman siya kaya pinayagan niya ako.

"Nasaan pala 'yong cellphone at wallet mo?" tanong ko sakaniya.

"In my coat pocket...why?"

"Ingatan mo baka mawala...teka..."

Kinuha ko ang bag ko at binuksan ito.

"Dito mo muna ilagay sa bag ko para hindi mawala."

Matagal pa siyang napatingin sa akin na para bang nag-iisip pa kung itatabi niya ba 'yong gamit niya sa bag ko o hindi.

"Huwag kang mag-alala hindi ko 'yan itatakbo...promise, peksman, cross my heart, kunin pa ako ngayon ni lord sa harap mo!"

"Okay..."

Inilagay niya ang wallet niya na kulay itim na kulay gold ang mga zipper at ang cellphone niyang iphone pa nga. Binitbit ko ang aking bag, nakapwesto ito sa aking harapan. Dala-dala ko rin ang laptop ko pero hindi naman mabigat. Pinagmasdan ko lang si daniel mula sa likod kahit back view ang ganda niya pa rin sa tignan.

"Naka heels ka pala..." wika ko no'ng mapansin ko ang suot niya.

"Hmm?"

Tinuro ko ang suot niyang kulay puti na heels...manipis pa nga ang takong.

"Hindi ba nananakit paa mo? kanina pa tayo nakatayo rito, ah? Pati sa pag-akyat kanina sa hagdan?"

"It's okay...don't worry, I'm fine."

"Hubarin mo 'yan."

"What? why?"

Lumuhod ako sa harapan niya at aking tinatanggal ang pagkasintas ng aking sapatos.

"What are you doing, sebastian?"

"Hubarin mo 'yong heels mo...suotin mo muna 'tong sapatos ko tapos pagdating natin sa guada bili ka na lang tsinelas mo ro'n."

"What will you wear then?"

"Nakayapak lang ako hanggang makabili na tayo ng tsinelas mo sa guada..."

"But..."

"Ayos lang, sanay na ako magyapak simula no'ng bata ako! Don't worry, It's fine."

"Okay..."

Pagkatanggal ko ng aking sapatos ay lumuhod na rin siya sa harap ko at itinanggal ang kaniyang suot na heels. Isinuot ko sakaniya ang sapatos ko na halatang malaki sakaniya pero ayos lang naman, kaya niya naman tiisin ang sukat...buti na lang at may stockings siyang suot. Ipinasok ko sa maliit na bulsa ng aking bag ang suot kong medyas.

"I'll hold it..."

"Hindi huwag na, ako na lang...ayos lang." sambit ko dahil bitbit ko ang kaniyang heels.

Pagkapasok namin sa MRT Train, pumuwesto kami malapit sa may pinto. Nakaupo si daniel sa harap ko habang ako ay nakatayo, nakahawak ang aking kaliwang kamay sa pole at 'yong kanang kamay ko ay bitbit ang heels niya.

"Give me your bag." ani daniel habang nakaturo sa bag ko.

Inabot ko naman ito sakanya ng walang tanong-tanong. Ipinatong niya ang aking bag sa kanyang hita. Puwede naman ako na lang ikandong niya hindi 'yong bag ko...hays. Ramdam ko rin ang pagtitig sa akin ng ibang mga pasahero sa loob dahil nakikita nila na nakapaa lamang ako.

"You know...I'm really fine wearing the heels. It really doesn't hurt."

"Ano ka ba, hihintayin ko pa na masaktan ka para ipagtanggol kita? Alam mo prevention is better than cure!"

"Well...thank you."

"Maliit na bagay, daniel."

At ayon na naman siya sa nahihiya niyang ngiti. Pagkadating namin sa guada, agad-agad kaming naghanap ng mabibilhan ng tsinelas.

"Ayon!" turo ko sa isang tindahan ng isang muslim na nagbebenta ng mga clone branded na tsinelas sa murang halaga.

"Magkano po sa ganito?" turo ko sa isang slide slipper na nike.

"One-fifty po, boss!" sabi ng isang binata.

"Hindi ba puwedeng one-twenty na lang? Dalawa naman bibilhin ko."

"Hindi po boss discounted na po 'yong one-fifty, eh!"

"May size po ba nito na pambabae? Para sa kaniya..." turo kay daniel na nakatayo sa tabi ko.

"Tignan ko lang boss, ha, ipapasukat ko kay ma'am."

"Sige sige salamat."

Kinuha ko ang isang tsinelas at sinukat ito.

"You're going to buy too?"

"Oo para couple tayo hahahaha!"

"I'm gonna pay..."

"Huwag na, noh! Sagot ko na."

"No, I insist."

"Sige na nga mapilit ka, eh!"

Pagkabalik no'ng binata ay sinukat ni daniel ang mga bitbit nitong tsinelas at mayroon naman na kumarsya sakanya. Gaya ng sabi niya, siya ang nagbayad sa dalawa. Nanghingi rin ako ng plastik sa binata upang paglagyan ng sapatos ko at maipasok ko sa bag. Bitbit ko pa rin ang heels ni daniel at siya ay nakahawak sa laylayan ng t-shirt ko habang papunta kami sa pilahan ng jeep.

•••

Pagkasakay namin no'n sa jeep, para siyang inosente. First time niya lang daw makasakay sa gano'n kaya siya nagbayad ng pamasahe namin. Ang nakakatawa pa ro'n magkatabi kami tapos pareho pa kami ng suot na tsinelas. Dagdag pa na siksikan kasi imbis na sampuan lang dapat ay ginawang labing isahan...todo tuloy dikit namin sa isa't isa!

Pota sebastian, kinikilig ka naman? Wala pa kayong label ipapakilala mo na siya sa buong looban niyo? Hangal! Paano kung hindi ka sagutin nito? Luhh huwag naman sana!

Pagkababa namin ng jeep at pagtawid namin sa eskinita papasok sa looban ng lugar namin ay unang tumambad ay ang mga kakilala kong tambay, nag-iinuman.

"Oy sebastian!" tawag sa akin ni ricky na kaklase at kaibigan ko mula pagkabata.

Sumenyas pa siya na pinapalapit ako sa puwesto nila. Nakita ko rin si ismael na nandoon nakikipag inuman din sakanila.

"Pota..." mahina kong sambit, napakamot na lamang ako sa aking batok at napakagat sa aking labi.

"Wait lang daniel, ha? Dito ka lang muna kakamustahin ko lang 'yong mga tropa ko."

"Okay..." kinuha ni daniel ang hawak-hawak kong sapatos niya. "I'll hold this for now." aniya.

Lumapit ako kina ismael, may kasama rin sila na dalawang matanda, si Kuya Nonoy at Kuya Pedring.

"Tagay boy!" alok sa akin ni ricky sa isang shot glass.

"Gagu kayo boy, wrong timing naman kasi kayo!" sabi ko pero tinanggap ko pa rin ang tagay at tinungga ito.

"Sino 'yon, sebastian?" tanong ni kuya nonoy habang nakanguso kay daniel.

"Chixx pare, ah! Chixx mo?" tanong ni ismael.

"Oo chixx ko 'yan."

"Anakanang! Iba rin pala standards mo boy! Hands down ako sa'yo!" sabi ni ricky tapos tumayo pa sa pagkakaupo at nagbro hug sa akin.

"Pakilala mo naman kami, sebastian!" wika ni kuya pedring.

"Ayoko nga, ang dudugyot niyo, eh! Atsaka inglesera 'yon kakayanin niyo ba?"

Literal na nakakahiya sila ipakilala kay daniel dahil si kuya nonoy ay walang pang itaas na suot at kitang kita ang malaki at bilugin nitong tiyan at makintab na kalbo nitong ulo. Si kuya pedring naman ay medyo patpatin na panot, na wala ring pang itaas na suot. May tattoo ito sa kaliwa niyang braso na simbolo ni batman. Ang dalawa ay may asawa't anak na at mga nasa mid forties na rin. Silang dalawa ang malakas uminom sa lugar namin, maganda rito lagi nilang sagot ang alak at pulutan kaya sumasama kami nila ricky sa tuwing iinom sila.

"Walang bilib sa atin ampotek!" angal ni kuya nonoy.

Lumapit ako kay daniel at inalok ko siya na ipakilala sa mga kaibigan ko.

"Oh mga tol, si daniel." pagpapakilala ko.

"Hello, nice to meet you." sambit ni daniel sakanila na medyo ilang at nahihiya.

"Hi daniel!" bati ng apat sakanya.

"Si ricky at ismael, mga kababata ko tapos sina kuya nonoy at kuya pedring mga ano...master namin dito...gano'n."

"Ahhh..."

"So, daniel?" sambit ni kuya nonoy.

"Yes...po?"

"Where your live?" tanong ni kuya nonoy.

Bigla kaming natawa nila ismael at ricky ng malakas dahil sa maling sinabi nito. Nakakahiya pero nakakatawa rin lalo na sa boses lasenggo nito.

"Ahm, I live in pasay city po."

"Ahh pasay!"

"Yes po."

"Nonoy here, his english very good!" ani kuya pedring habang tinuturo si kuya nonoy.

Kumukuha lang ako ng pulutan nila na chicken skin na nakapatong sa maliit na mesa.

"Yes, I'm very fluent! I studied...since birth!" pagmamalaki ni kuya nonoy.

"Since birth ampota!" natatawa kong sambit.

"You're fluent kuya noy?" tanong ni ismael.

"Yes!" sagot nito loud and proud pa nga.

"Sige nga, introduce yourself!" hamon ni ricky.

"My name is Antonio Salapin, you know broom broom?"

"Is it a car?" sagot ni daniel.

"I drive broom broom...tricycle! Me and pareng pedring, driver!"

"Wow that's a unique job, sir."

"Yes, and basta driver sweet lover! Motto ko hahahaha!"

"In english kuya noy!" hamon ko.

"Basta...ano, my motto maybe driver but sweet lover! Hahahaha! Pota!" ani kuya noy sabay tagay.

"Osya osya, una na kami...next time na lang ako makikisali sainyo, ha?"

"Sige sige sebastian! Nice to meet you daniel...beware of that bulldog!" ani ricky.

"Gagu!" pabulong kong sabi kay ricky at palihim na nagdirty finger sakaniya.

"Take care of yourself, daniel. You so beautiful!" hirit ni kuya pedring.

"Thank you for the compliment po."

"Very very beautiful! You take care of sebastian, ha?"

"Ha? Iingatan niya si sebastian?" ani ismael.

"Hindi...mag-ingat siya kay sebastian!"

"Beware of that bulldog nga!" ani ricky.

"Ohh beware of dogs, daniel! And ice for sale!" sambit ni kuya nonoy.

"Ice for sale?" pagtataka namin.

"Anong Ice for sale kuya noy?" tanong ko.

"Ice for sale, paiba ibang panahon!" sagot niya.

"Paano naging ice for sale 'yon kuya noy?" tanong ni ricky.

"Minsan wala, minsan ice tubig pa lang na kakalagay, minsan malamig na tapos tsaka lang magyeyelo!" pag-e-explain ni kuya noy na hindi ko pa rin maintindihan.

"Are you saying po that besides being aware of sebastian, I should also be careful with my surroundings? Just like the process of making ice? Is that what you meant po?"

"Oo that's right! That's right! You get it! Very good! Beautiful and smart, ha? You!" masayang wika ni kuya noy na pumalakpak pa nga.

"Thank you for the warning and for the compliment, sir."

"Pota kuya noy, naintindihan mo ba sinabi ni daniel?"

"Hindi nga, eh!" natatawang sabi ni kuya noy.

"Nice sebastian mas maganda pa siya kay ligaya, ah." saad ni ismael na agad ko naman siyang isiniko para manahimik.

"Siraulo ka ismael, quiet ka na lang hahahaha!" ani ricky

"Alis na kami, salamat salamat!" paalam ko.

"Last tagay muna!" hirit ni kuya pedring na akin naman tinanggap ang shot glass na may laman na alak.

"Sige sige...mamats!" pagpapaalam ko ng tuluyan.

"Thank you, goodbye." paalam ni daniel sakanila.

Sa paglalakad namin sa lugar akala mo artista kami ni daniel kung makatitig ang mga chismoso't chismosa kong mga kapitbahay na nakakakilala sa akin.

"Sebastian syota mo?"

"Aba! himala! Nagdala ka na naman babae mo rito, ah!"

"Mukhang foreigner sebastian, ah! Makakaahon ka na sa kahirapan! Yipee!"

"Jowa mo sebastian?"

"Bago mong syota?"

"Saan mo nabingwit 'yan?"

"Jackpot sebastian! Hayup!"

"Lods ayos 'yang isang 'yan, ah! Baka may kaibigan pa 'yan? Reto mo 'ko!"

Nginingitian lang namin sila sa mga tanong nila. Kasalanan ko ba na kilala ang angkan ko rito na pati pala pagdala ko ng babae, eh, big deal sakanila? Sabagay maganda rin kasi si daniel, nakakapagtaka nga na isang tulad ko nag-uwi ng isang jackpot prize! Kung tutuusin, hindi naman siya ang unang babaeng ipinakilala ko sa pamilya ko...pero siya kasi iyong mas nangingibabaw.

"Hoy Esperanza!" sigaw ko sa pamangkin ko na bumibili kina aling yoli.

Napatingin siya sa amin at nanlaki ang mata niya no'ng makita ang kasama ko. Hinawakan ko si daniel sa palapulsuhan at hinila siya papalapit kay esperanza.

"Daniel, pamangkin ko pala, si esperanza."

"Hi po..." bati ni esperanza.

"Hello, esperanza." nakangiting bati ni daniel, naniningkit pa ang mata.

Parang tangang nakangiti sa akin si esperanza 'yong tipong may gusto siyang sabihin sa akin.

"Siya ba 'yon tito?" tanong niya.

"Siya ba 'yong ano?"

"Iyong sinasabi mo na crush mo?"

Agad ko naman na tinakpan ang bunganga ni esperanza dahil nakakahiya 'yong sinabi niya pero natawa lang sa amin si daniel.

"Kayo na ba tito?" tanong esperanza sa akin no'ng binitawan ko ang pagtakip sakaniyang bibig.

"Tanungin mo siya..."

"Kayo na po ng tito ko?"

"Hmm," nakangiti lang siyang tumingin sa amin ni esperanza at sabay nag kibit balikat.

"Tsss ang slow tito, ah!" pabulong na sabi sa akin ni esperanza.

"Maghintay ka lang magiging tita mo rin 'yan." bulong ko.

"Siguraduhin mo lang, ha, bet ko ang isang 'to."

Ginulo ko ang nakalugay na buhok ni esperanza habang nakanguso...nainis lang siya sa ginawa ko.

"I-uwi mo nga muna 'to sa bahay..." iniabot ko sakanya ang backpack ko at ang sapatos ni daniel. "Bibili lang kami ng ihaw-ihaw...may ulam na ba sa bahay?"

"Mayroon nang ulam sa bahay." sagot niya habang kinukuha ang gamit ko.

"Ano?"

"Ginataang talbos ng kamoteng kahoy."

"Gusto makatikim ni daniel ng ihaw-ihaw, eh, bili lang kami tapos kakain din kami no'n...sabihin mo kay nanay."

"Hay nako!" pagmamaktol ni esperanza pero sinunod pa rin ang utos ko.

Nakita ko ang pagpasok ni esperanza ng bahay dahil katapat lang naman ng bahay namin ang nagtitinda ng ihaw-ihaw na pagmamay-ari nila ligaya.

"Bahay namin 'yan!" turo ko kay daniel sa kulay violet na may dalawang palapag at may mga manok sa tapat.

"Wow, It looks nice and enviroment friendly."

"Pasensya ka na sa ibang bahay rito, ha, tagpi-tagpi tignan at gawa sa kahoy 'yong iba pero mga mababait naman 'yong mga tao...may hospitality naman...wala lang hospital...atsaka hindi mga nangangagat...nananahol lang...joke hahaha!"

"Yeah, I see that, and obviously you look very well known here."

"Ahhh 'yon ba? Nanay ko kasi dating kagawad sa baranggay kaya gano'n...atsaka rito na talaga ako lumaki."

"Hmm, that's cool."

Tumingin ako sa mga binebentang ihaw at pinili ko ay dalawang adidas, dalawang helmet, apat na isaw, apat na bituka, dalawang betamax, at dalawang tainga ng baboy.

"Ito lang po ate carol---ayy! Akala ko si ate carol magkamukha kasi pota!" sambit ko sabay pagtawa.

Naniningkit ang mga mata ni ligaya na nakatingin sa akin na napagkamalan kong si ate carol na nanay niya.

"Ayan lang? Wala ka na bang idadagdag?" aniya, malamig.

"Wala na...ikaw may gusto ka bang idagdag? Libre mo?" pagbibiro ko.

"Gagu hindi na uso libre ngayon, lalo na sa'yo!"

Kinuha niya ang mga pinili ko at iniluto iyon.

"Ilang isaw pa ba ang kakainin, oh giliw ko..." pagkanta ko.

"Puwede ba? tigil tigilan mo pagkanta at baka malasin kami...kitang breathing form ka ng kamalasan!"

Pota talaga ng isang 'to...parating galit sa akin, ah!

"Wala kang pasok sa trabaho mo ngayon?" tanong ko.

"Kung meron, makikita mo ba akong pinagluluto ka ng binili mo? Bobo ka ba?"

"Kingina nagtatanong lang ng maayos, eh, suplada ka?"

"Nakita kasi kita, nasira tuloy gabi ko!"

"E di pumikit ka!"

At ayon na naman siya sa pagkagat niya sa ibaba niyang labi...nagtitimpi na naman siya ng galit.

"May I ask..." biglang salita ni daniel.

"Ano 'yon, daniel?" tanong ko. "Ahhh! Oo nga pala! Daniel, si ligaya nga pala...kababata ko at kaklase ko no'ng high school." pagpapakilala ko sakanila.

"Hi." bati ni ligaya na bahagyang inangat ang kanang kamay.

"Hello, ligaya?"

Tumango tango si ligaya kay daniel.

"Ano itatanong mo, daniel?" ani ko.

"Hmm? Ahmm, nothing...nevermind...I just...find her pretty to be a vendor, that's all."

"Pretty? Me? Sigurado ka? Well, thank you." sabi ni ligaya na medyo nahihiya pa nga dahil sa pagkamahinhin nitong kilos na parang hindi siya.

"No problem."

"Pffft, hahahaha! Siya? Maganda? Luhh saan banda, daniel? 'di hamak na mas maganda ka kaysa sakanya!" pagbibiro ko.

"Hindi hamak na ang pangit mo para sakanya!" bulalas ni ligaya.

"Pasmado bibig mo, ha, dalian mo na nga r'yan!"

"Hindi ka makapaghintay? Sabagay mainipin ka nga palang nilalang."

"He actually knows how to wait." biglang saad ni daniel.

"Him? You're joking!" ani ligaya na may pagturo pa nga sa akin at may pagngisi.

"No."

"Have he waited for you?"

"He did...I guess..."

"Hay nako, don't be fooled by him! He doesn't know how to be serious. Manloloko 'yan! Kitang kita naman sa itsura na manloloko siya."

"Alam mo, ligaya, bitter ka!" sabi ko.

"Guilty pota." aniya.

Parehas kaming dalawa na naniningkit ang tinginan pero unang kumawala sa aming nag-aaway na titigan ay si ligaya. Ilang minuto pa ang tinagal namin at mukhang sinasadya pa ni ligaya ang pagpaypay papunta sa akin ng usok.

Pota talaga ng isang 'to! Hindi ko rin maintindihan ay ang pagiging madaldal ni daniel kay ligaya. May top si ligaya sa klase namin no'ng high school kaya hindi na ako magtataka kung bakit magaling siya mag ingles.

"Thank you for cooking our food, ligaya." ani daniel no'ng ibinabalot na ni ligaya ang binili namin.

"No problem, just doing my job."

"How much was it?"

"Why? Are you gonna pay for all of this?"

Tumango tango lang si daniel. Hawak-hawak na niya kasi 'yong pitaka at cellphone niya kanina pa bago ko iabot 'yong bag ko kay esperanza.

"Luhh nako! Ako na magbabayad, daniel!"

"No, I insist."

"Hindi na nga, ako na! Nakakahiya ano ka ba!"

"I invited you for this date, so I'm the one whose gonna pay. You pay for the next date, is that okay with you?"

"Ay nako, bahala ka nga! Mukhang 'di ka na maaawat, eh."

"Aysuuus!" ani ligaya na masama na naman ang tingin sa akin. "Sanay ka talaga na babae nanglilibre sa'yo ano, gwapo ka?" pagtataray nito.

"Narinig mo siya 'di ba? salitan daw kami. Atsaka oo gwapo ako!"

Agad kong kinuha ang binili namin at kumuha rin ako ng tatlong hindi maanghang at tatlong maanghang na nakaplastic na sawsawan nila.

"Daniel, don't get fooled by that fool, okay?" pahabol na advice ni ligaya.

"Noted, thank you!"

Pota, papampam talaga 'to si ligaya, ah, kapag ako hindi sinagot ni daniel, aasarin ko siya palagi sa palayaw niya!

"Shut up, neneng!" sigaw ko.

"Gagu!" tugon niya.

Natawa ako ng malakas sa reaksyon niyang iyon.

"Huwag kang maniniwala ro'n kay ligaya, papampam lang 'yon." sambit ko kay daniel.

"You two...are you guys an...you know...a couple before?"

Bigla akong napaubo sa tanong niya kahit wala naman akong ubo.

"I just feel it...that there's something between you two."

"Pffft! May crush kasi 'yon sa akin dati, gano'n...tapos friends lang kami! Ayon talaga ang totoo, friends lang kami! No more than friends, just friends."

Nakakaguilty ang pagtanggi na iyon pero ayoko lang mag-isip ng kung ano ano si daniel tungkol sa nakaraan namin ni ligaya...lalo na't alam niyang close kami. Ayoko naman maging dahilan pa si ligaya sa misunderstanding na naranasan ko na rin sa iba kong mga naging karelasyon. Iba ang samahan namin ni ligaya...magkakilala na kami simula pagkabata. Sa lahat ng naging ex ko, siya lang ang hindi ko kayang burahin sa buhay ko.

"I see..." aniya.

Nakatayo kami sa tapat ng bahay. Hindi ko alam kung tutuloy ba kami kasi paano kung makalat sa loob? Paano kung makalat 'yong kwarto ko? Biyernes pa lang ngayon kaya panigurado 'yong mga labahan sa CR nandoon pa...nakakahiya! Sana naligo ngayon si tatay at nanay! Sana nasabihan agad sila ni esperanza kanina! Jusme! Kinakabahan ako pota!

"Aren't we going inside?" aniya na tinitignan ako na parang inosenteng bata.

Nagbuga ako ng isang mabigat na buntong hininga...hindi ko alam kung papasok ba sa standards ni daniel ang pamilya ko pero paano ko malalaman kung hindi ko susubukan mag take ng risk?

Binuksan ko ang pinto at ang bumungad sa amin sa sala ay ang bukas na tv at si tatay na nakahiga sa sopa, nakadantay ang isa nitong paa sa sandalan at walang suot na pang-itaas. Kingina naman...negative impression agad! Salamat tatay!

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro