Kabanata 8
Pagpaparamdam
•••
Halos isang buwan na ang lumipas at napagpasyahan ko na rin na mag move-on mula kay daniel pagkatapos niya ako i-ghost. Oo kahit wala kaming label kailangan ko pa rin mag move-on, pinaasa ako, eh! Kaasar, isang Lance Sebastian Alejandres Jimenez...pinaasa! First time 'yon!
"Itono mo nga ulit 'tong gitara ko..." sambit ni erick sa akin habang inaabot ang gitara niya.
Nandito na naman kami sa may parke nakaupo sa may fountain ledge para sa cigarette session naming dalawa bago umuwi.
"Parang mahigit tatlong buwan mo na 'to pinag-aaralan, ah? May progress naman ba?"
"Oo, alam ko na patugtugin 'yong kisapmata pero hindi ko kaya ayusin 'yong tono ng gitara...feeling ko wala sa tono, eh."
"Akin na nga!"
Kinuha ko sakaniya ang gitara at sinubukan kalabitin ang bawat nota nito.
"Sigurado ka ba ang gitara ang wala sa tono o ikaw?"
"Gagu nasa tono naman ako! Sige, iwan muna kita rito, ah?" aniya.
"Bakit? Tinatawag ka na naman ba ni santa clause?"
"Oo, eh hahaha pasensya na, wait mo ko, ah!"
"Bilisan mo!"
"Oo bibilisan ko!"
Mabilis na tumakbo paalis si erick at ako naman ay seryosong itinotono ang kaniyang gitara. Potang erick na 'yon dapat turuan ko na rin siyang magtono, eh. Teka...singilin ko na lang kaya siya? At least naman may pakinabang 'tong pagtotono ko palagi sakaniya!
Seryoso pa rin ako sa pagtotono ng biglang may kumalabit sa balikat ko.
"Ahhh wait lang ho, ah?" itinigil ko saglit ang aking pagtotono at aking kinuha ang barya na mayroon ako sa aking bulsa.
"Oh, heto lang ho barya ko, eh, thirteen pesos--" pagkaabot ko sa kumalabit sa akin ng pera ay nanlaki ang mata ko no'ng makita ko siya, nakangiti sa harapan ko.
"Ohh, it's okay, I have money." sambit niya sa malumanay niyang boses.
Maganda pa rin siya at golden brown pa rin ang kulay ng buhok niyang nakapusod.
"Ahh! Akala ko kasi ikaw 'yong..."
"Who?"
Naka fitted na dress siya na halos makikita mo 'yong curves niya at napapatungan ito ng itim na coat. Naka heels din siya at may bitbit na paper bag.
"Iyong ano...babaeng pulubi na palaging nanlilimos sa akin dito."
"Ahh, okay."
Napakamot na lang ako sa batok ko dahil bigla akong nailang sakaniya.
Pota naman kung kailan napagdesisyunan ko na mag move-on tsaka siya lilitaw at magpaparamdam! Tapos ano? Papaasahin na naman ako? Kitang pagdating sakaniya ang tanga ko sa pag-ibig, eh!
Umupo siya sa tabi ko at medyo napaurong ako ng kaunti.
"So, how are you?" tanong nito sa akin.
"Ayos lang naman..."
"This is for you...I bought it from bulacan." Inabot niya sa akin 'yong paper bag at akin naman itong tinanggap dahil isa sa mga motto ko sa buhay ay; Kapag may blessing na dumating tanggapin agad dahil baka mamaya mapunta pa sa iba, pagsisisihan ko pa!
"Salamat." sambit ko pagkatanggap ng kaniyang binibigay.
"It's a bunch of sweets. I hope you like macapuno?"
Banas! Alam naman na mas I like you kaysa macapuno, eh! Asar!
"Ahh, oo gusto ko nga 'to...salamat, ah? Ang bait mo naman. God bless sa'yo palagi."
Pero mas gusto kita pero pinapaasa mo ako! Naguguluhan na ako sa'yo!
Inilapag ko ang paper bag sa aking tabi at binalik ko ang aking atensyon sa pagtotono ko sa gitara. Tahimik lang kaming dalawa rito at hindi nagkikibuan...baka naiilang din siya kagaya ko.
"Hmm, I was in Ciudad de victoria for a month..." bigla niyang pagsira sa nakakailang na katahimikan.
"Saan?"
"Bocaue, Bulacan. Took me longer there, works keep piling on my desk...can't control it."
"Bakit mo naman sinasabi sa akin 'yan?" medyo pagtatampo ko pero hindi ko pinapahalata.
"I don't know...it feels like I need to explain things to you because you're so distant towards me now."
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Gano'n ba kahalata? Banas!
"Ang tagal mo naman kasi sa bulacan tapos alaws ka pa paramdam, feeling ko na-ghost na ako." nakanguso ko pang sambit.
"I was actually waiting for you to contact me."
Pagkasabi niya no'n, eh, napatingin ako sakaniya ng may pagtataka.
"Huh? 'di nga?"
"Then, I thought maybe you're busy...or you found someone new?"
Luh! Potek! All this time pareho lang pala kaming naghihintayan na magparamdam! Bwiset! Nasayang 'yong isang buwan kong pagkalugmok! Kung inapproach ko na pala siya noon pa baka kami na pagbalik niya...hay nako!
"Huy wala yata akong bagong pinopormahan, ano! Hindi ka pa nga nagiging akin, eh! At hindi ako gano'n kadali sumuko!"
"Even after that one month of me being away and with no communications with you?"
"Pfft! One month lang? Panis! Hindi mo lang alam pinaglihi ako ng nanay ko sa waiting shed!"
"Waiting shed?"
"Oo, kasi I'm always willing to wait."
At ayun na naman siya sa nahihiya niyang pagtawa. Namiss ko lang marinig iyon at makita 'yong kumikinang niyang mga mata na kulay brown na para bang kumikinang lang sa tuwing kasama niya ako.
"You know...you can always contact me." aniya.
"Paano kung busy ka? Mga bussiness minded people palaging busy, eh?"
"That's true but you said you're born to wait."
Yawa! Ayaw ko pa naman sa mabagal magreply...jusko sebastian, willing to wait ka pa, ah? Ano ka breathing form ng waiting shed? Hangal! Bobo!
"Hahahaha oo naman! Isa rin naman akong tao na madaming inaabala...alam mo na, work work work. So mga ilang oras ako mag-hihintay sa reply mo?"
"Hmm, maybe...I don't know...but I promise to reply as soon as I read your message."
"Promise?"
"I promise."
"Peksman mamatay man buong angkan mo?"
"What?"
"Just kidding, just kidding. Joke only!"
Inilahad ko sakaniya ang aking kamay na naka pinky promise. Oo alam kong napaka isip bata kung maniniwala ako sa ganito kaso heto lang ang magiging matibay na paraan na puwede kong panghawakan. Ayoko naman makipag blood compact sakaniya dahil ayoko masugatan ang makinis niyang balat.
"Pinky promise?" sambit ko.
Ngumiti siya sa akin at nakipag lock ng pinky promise.
"Pinky promise." nakangiti niyang sabi.
"EHEMM!" napatingin kami sa istorbong nilalang na nakatayo sa aming harapan.
Si erick nakabalik na mula sa jollibee. Dali-dali kong tinanggal ang pinky promise namin dahil baka mamaya asarin lang ako ni erick na masyado akong feeling bata sa gano'n bagay.
"Akala ko ba sebastian mag mumove-on ka na sakaniya? Na maghahanap ka na ng kapalit---"
Dali-dali akong lumapit kay erick at tinakpan ang bunganga niya.
"Gago ka hindi ka mananahimik?" pabulong ko sabi sakaniya bago bitawan ang pagtatakip sakaniyang bibig.
"Inamo scam ka rin, eh, noh. Iniiscam mo sarili mo." mahinang sabi ni erick sa akin.
"Anyways, it was good meeting you again...I have to go now." ani daniel habang tumatayo sakaniyang pagkakaupo.
"Teka...hindi tayo mag street food date?" pagkadismaya ko.
"I'm sorry maybe not today, I have lots of paper works to be finished tonight. Maybe next time?"
"Awts gege."
"See you...then."
Kumaway pa siya sa amin ng bahagya bago maglakad paalis. Sinilayan ko pa ang likod niya hanggang sa makatawid siya sa kabilang bangketa patungo sa may building ng tinitirhan niyang condo.
"Kingina lance, kinain mo rin sinuka mo." sambit ni erick sa akin.
"Alam mo wala kang pake, desisyon ko 'to! Lahat ng isuka ko kakainin ko dahil sayang."
"May padrama drama ka pa sa akin na kakalimutan mo na siya tapos nagpakita lang sa'yo bumigay ka na? Rupok mo tol!"
"Alam mo, bwisit ka rin. Hindi ako marupok! Kusa siyang lumapit sa akin alangan naman ibugaw ko pa siya palayo? Mas tanga na ako kapag ginawa ko pa 'yon!"
"Sabagay...iyong nakalipas na mga araw akala ko nga nagkakagusto ka na ro'n sa babaeng nanlilimos palagi sa'yo, eh."
"Gagu!"
"Kinakausap mo rin kasi...getting to know each other peg niyo hahahaha!"
"Ewan sa'yo, mas maganda pa kausap mga pulubi at baliw kaysa sa normal na tao minsan, eh."
"Nasubukan mo na ba kausapin sarili mo?"
"Oo! Sa tapat ng salamin!"
"Mabuti naman...baliw ka rin kasi HAHAHAHA!" pang-aasar ni erick.
"Sakaniya lang ako nabaliw ng ganito HAHAHAHA!" wika ko na may pagtukoy kay daniel.
"Weh? Mamatay ka man?"
"Syempre joke lang! Hahahaha! Hindi 'to mabiro ampota."
Syempre no'ng nakilala ko si bea sinabi ko rin sa sarili ko na sakaniya lang ako nabaliw pero naghiwalay pa rin kami. Siguro gano'n talaga sa pag-ibig...mababaliw ka sa taong magpapatibok sa puso mo.
"Tara na madami na naman tao sa MRT nito, eh!" aya ni erick sabay bitbit ng gitara niya.
•••
Busy na naman kami sa pag gawa ng game. Kasalukuyang inaayos ni lucas ang flow chart ng aming system dahil sa mga ideya namin na pabago bago. Bumili na rim kami ng dalawang malaking white board at dinikit sa pader nila niccolo para doon isulat ang mahabang flow chart.
"Kumusta na pala iyong babae na sinasabi niyong i-re-recruit mo sa atin boss lucas?" tanong ni jaq.
"Hindi ko pa naaalok." sagot ni lucas.
"Bakit?"
"Nakakalimutan kong tsempuhan, eh."
"Mukhang naiilang ka sa batang 'yon, ah? Nako po, lucas!" pang-aasar ko.
"Pakyu ka lance, hindi."
"Alam mo lucas, wala naman masama kung patulan mo 'yong estudyante mo...ang pagmamahalan ay hindi nababase sa edad! Kagaya no'ng una mong girlfriend, 'di ba?" ani niccolo.
"Huwag mo na i-open up 'yon...bangungot 'yon para sa akin." sambit ni lucas.
"Hindi nga nababase sa edad pero nababase naman sa magulang hahahaha!" sambit ni jaq
"Bakit mo pa poproblemahin ang magulang? Sila ba 'yong mahal mo? Sila ba 'yong pakakasalan mo? Sila ba 'yong pangangakuan mo ng 'til death do us part? Sila ba aanakan mo? Jusmiyo!"
"May punto ro'n si lance, lucas. Kaya kung gusto mo talaga 'yong babaeng 'yon, e di go! Ligawan mo! Support ka namin brotha!" sambit ni niccolo.
"Tama tama, support ka pa rin namin lucas. Atsaka ilang taon lang naman agwat niyo yata, eh? Twenty-four ka na 'di ba?" saad ni jaq.
"Ilang taon 'yong babae?"
"Nineteen." sagot ni lucas.
"Five years lang naman pala! Atsaka kaya ng buhayin ni lucas 'yon! Hahahaha!" pagbibiro ko.
"Baka nga si lucas pa magpaaral do'n hahahaha!" pagbibiro ni niccolo.
"Kayong dalawa siraulo kayo...huwag niyo ko guluhin, nag-iisip ako para sa laro natin." ani lucas na seryoso pa rin nakatingin sa may flow chart na nakasulat sa board.
Maya-maya napagpasyahan namin na mag pahinga muna. Tinignan ko saglit 'yong newsfeed ko at laganap ang mga pagpaparinigan ng mga Team DDS at Team Dilawan sa facebook.
"Pambihira, heto na naman 'tong mga pro politics sa newsfeed ko!" reklamo ko.
"Akin nga rin, eh." ani jaq.
"Bakit ano bang side ninyo? DDS o Dilawan?" tanong ni niccolo na busy sa hawak niyang cellphone.
"Alam niyo, huwag tayo maging DDS at huwag din tayo maging Dilawan." sabi ni jaq habang prenteng nakaupo sa sopa.
"Tama, mayroong isang side palagi na kung saan ang ating katapatan ay para sa ikabubuti ng bansa na may transparency, patas na hustisya, at responsibilidad. At doon tayo kailangan, doon tayo nararapat. Hindi natin kailangan pumanig sa ano mang team dahil ang importante aware tayo sa mga nangyayari sa bansa natin." saad ni lucas na nagyoyosi at nakaupo sa may airbag chair.
"Agree ako sa'yo, pare! Tama ka palagi!"
"Ako pa ba?"
"Naknampotsa!" biglang pagsigaw ni niccolo at pag tapon niya sa cellphone niya ng mahina sa mesita.
"Bakit?" tanong sakaniya ni jaq.
Nakatakip lang ang mukha ni niccolo gamit ang dalawa nitong kamay na nakapatong sa kaniyang tuhod.
"Anong drama na naman 'yan niccolo?" ani lucas sakaniya.
"Tangina..." madrama nitong bigkas.
"Bakit tol?"
Kinuha ko ang cellphone niya at nakabukas ang messenger nito. Walang pa-a-paalam ay binasa ko ang convo nila ng syota niya.
"Oh men!" sambit ko at pinasa ko 'yong cellphone kay jaq, pagkabasa niya medyo nagulat pa siya ng kaunti. Pinabasa rin niya ito kay lucas na pagkatapos basahin ay napatingin sa amin.
"Isang bote ng san mig light lang ba iyo?" ani jaq habang hinahaplos ang likod ni niccolo.
"Sagot ko na san mig light mo, niccolo." sabi ni lucas.
Tinanggal ni niccolo ang kaniyang kamay na nakatakip sakaniyang mukha.
"Kingina...parang tama nga si abel no'ng sinabi niya, you gave me comfort but falling for you was my mistake!" patuloy na pagdadrama ni niccolo sa amin.
"Kingina kasi boy, sabi ko sa'yo bihira lang ang mga nagseseryoso sa tinder...mga internet love na 'yan! Tignan mo, ginawa ka lang panakip butas!" sambit ko.
"Ginawa kang rebound guy nang hindi mo man lang alam, aruy ko po!" sambit ni jaq.
"Hindi ko kasalanan na mahulog ako sakaniya kasi naman tuwing gabi palagi kaming magkausap at magka VC! Tapos pumayag naman siya maging kami...hindi ko lang maintindihan bakit niya ako ginamit? Nasa akin naman na lahat, eh!"
"Puwera lang utak..." mahina kong saad pero narinig pa rin niya kaya nag dirty finger siya sa akin.
"Hindi porket nasaiyo na lahat, eh, pipiliin ka na niya hanggang sa huli. Lagi mong tatandaan na mas may hihigit pa rin. Hindi 'yon natatapos." pangangaral ni lucas sakanya.
"Tinder pa kasi! tsaka hindi mo pa talaga siya kilala sa personal, may mahahanap ka rin diyan sa tabi-tabi maghintay ka lang kasi!"
"Naging loyal naman ako sakaniya...awts pa rin!"
"Alam mo niccolo, kung nandito lang si salem panigurado ako tatawanan ka lang no'n sa katangahan mo." ani jaq.
"Niccolo, hindi mo dapat pinahihintulutan ang isang tao na maging prayoridad mo habang pinapayagan mo yung sarili mo na maging pagpipilian nila. Kung hindi pa sila sigurado sa'yo, huwag ka rin maging sigurado sakanila. Sabi ko sa'yo tigilan mo na pagiging hangal sa pag-ibig, eh." saad ni lucas.
Sinimulan kong pinatugtog 'yong kanta ni Nina na Someday para kay Niccolo...wala lang para medyo kumalma naman siya at syempre mang-asar na rin.
"'cause, someday someone's gonna love me...the way I wanted you to need me, someday someone's gonna take your place...One day I'll forget about you, you'll see I won't even miss you...someday, someday..."
"Tangina nina, oo na! Someday someone's gonna love me na!" sigaw ni niccolo.
Natawa lang kaming tatlo sakaniya dahil para na siyang lasing kahit wala pa naman siyang naiinom ni-isang alak. Nang makakalma na si niccolo, naalala kong bigyan sila ng macapuno na pinasalubong sa akin ni daniel. Isang paper bag kasi na puno ng macapuno balls ang binigay niya.
"Kanino galing 'to?" tanong ni niccolo sa akin pagkatanggap niya ng isang balot.
"Kay daniel, 'yong sinisinta ko."
"Akala ko ba ghinost ka no'n kaya mag mu-move-on ka na sakaniya?" ani jaq.
"Gagu syempre joke lang 'yon!"
"Ano, wala pa rin kayong label?" sambit ni lucas.
"Huwag niyong tawagin 'yon na walang label, tawagin niyo kaming more than friends but less than lovers para sosyal naman pakinggan!"
"Dami mong alam, lance! Kaya ang rupok rupok mo, eh!" sabi ni niccolo.
"Wow coming from you na pati sa tinder naghahanap?"
"Pakyu ka sagad."
"Pakyu ka rin to the square root of infinity!"
•••
Pagkauwi ko sa bahay, sakto hapunan na. Pagkatapos kumain ay ibinigay ko sakanila ang macapuno balls at kinain namin 'yon bilang dessert. Umupo ako sa sala, katabi ko si tatay na nanonood ng palabas sa TV.
Kinuhanan ko din ng litrato ang macapuno na binigay ni daniel sa akin kanina dahil balak ko ito i-myday sa fb.
Lance Sebastian Jimenez
Macapuno ka ba?
Baka kasi ikaw na ang MACAPUNO sa nalulungkot kong puso!
Mamats sa pasalubong, sinta. <3 HAHAHAHA jk! JusKo!
Nag scroll rin ako sa newsfeed ko at nakita ko ang napaka gandang pangalan sa lahat ng nasa friend list ko...pangalan lang niya makita ko wala na akong pake sa 3,689 kong fb friends.
Daniel Elizabeth Valdez
The Garden, Ciudad de Victoria Bocaue, Bulacan.
Nag heart react ako sa picture na pinost niya. Kahit na hindi ako unang nag heart react dahil siguro mga pang kwarenta na ako sa mga reactors niya sa loob lamang ng twenty-five minutes. Famous din pala ang isang 'to sa fb. I-istalk ko din sana kung sino mga nag heart react kaso halos lahat heart react, katamad i-stalk ang kwarentang account.
Maya-maya tinignan ko ulit yung myday ko at kung sino na ang mga nag view. Sa baba ng pangalan ni ligaya na nag wow react ay ang pangalan ni daniel na may dalawang heart react.
Lance Sebastian Jimenez: Hi po! Ganda mo po!
Daniel Elizabeth Valdez: Hello :)
Lance Sebastian Jimenez: Ask ko lang po bakit dalawang heart lang? hindi mo pa tinatlo para I love you? hahahaha just joking!
Kita sa aking puwesto si nanay na naghuhugas, wala kasi si esperanza nasa overnight at syempre graduate na ako sa hugasan ngayon kaya wala siyang choice kundi ang maghugas ngayong gabi.
Daniel Elizabeth Valdez: because the last one will be given to you by me personally :)
Pota, wait! Ibig sabihin ba no'n may pag-asa ako na maging...hala! Jusko po! Panginoon, totoo ka nga po!
Lance Sebastian Jimenez: Hintayin ko yan ah! When kaya? May clue po ba? :<
Daniel Elizabeth Valdez: Soon...you're almost there.
Para akong tanga na abot tainga ang ngiti ngayon, lumapit na rin ako kay nanay...
"Nay, ako na diyan..." inagaw ko sakanya ang scotch brite at hinawi siya paalis.
"Ano nangyayari sa anak mo sevi?" rinig kong sabi ni nanay mula sa sala.
"Bakit?"
"Nakangiti habang naghuhugas..."
"Nung nakasimangot yung anak mo, ayaw mo tapos nagagalit ka pa. Ngayong nakangiti, nagtataka ka? hayaan mo na 'yan nasarapan lang 'yan si sebastian sa luto mo! manood ka na lang dito!"
you're almost there sebastian...konting push na lang!
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro