Kabanata 6
Tayo sa araw ng linggo
•••
Ginawa ko ang makakaya ko upang maging presentable sa movie date namin ni daniel...at problema ko pa rin ang pabango ko.
"Nakalimutan ko bumili ng pabango kahapon sa mercury drugs!" sigaw ko kay nanay.
"Mabango naman 'yong downy passion, ah?" sabi niya habang nagwawalis sa loob ng bahay.
"Wala nga yata 'tong talab...hindi naman ako nilalapitan ng mga chixx!"
"Chixx, kumuha ka ng walang laman na lalagyanan ng pabango tapos lagyan mo 'yon ng kalahating downy at kalahating tubig, puwede na 'yon pabango!"
"Ano ba 'yon nay, modern problem needs modern solution dapat! Hindi 'yong makaluma!"
"Ang dami mong arte sebastian! Bakit ganiyan porma mo? Saan ka ba pupunta?"
Naka white t-shirt lang ako na may print na play boy logo sa bandang dibdib. Naka itim na pantalon at iyong adidas kong sapatos, simpleng pormahan nga lang 'to.
"Nay, may date ako."
"Date? May pinopormahan ka na naman? Juskomiyo naman sebastian, ano naman ipapalamon mo ro'n? Kitang nag-iipon ka para mapaayos itong bahay...hay nako!"
"Nay, date pa lang hindi pa naman niya ako itatanan! Atsaka anong gusto niyo? Tumanda akong binata? Sayang lahi natin kung hindi ko paparamihin!"
Atsaka baka siya pa nga magpalamon sa akin kitang ang yaman ng babaeng 'yon! Who you nga ako sa richness no'n!
Tinignan lang ako ni nanay mula ulo hanggang sapatos na para bang hinuhusgahan niya ang malinis kong pagkatao. Sinulyapan ko muli ang aking sarili sa aming full length mirror na nakasabit sa pader. Ayos lang naman ang pormahan ko, sinimplehan ko lang baka kasi madaming magkagusto sa akin kawawa naman si daniel.
"Okay lang ba porma ko, nay?" hinarap ko si nanay habang aking itinutupi ang kulay maroon kong scarf.
"Hmmm..." lumapit sa akin si nanay, iniipit niya ang walis tambo sakaniyang dalawang naglalakihang hita. May katangkaran ako kay nanay kaya nakatingkayad siya sa akin habang inaayos ang buhok ko.
"Ayan, puwede na 'yan." aniya.
"Pogi na ba ang bunso mong anak?"
"Hay nako sebastian, hindi naman sa pinagbabawalan kita manligaw o ano man, basta huwag muna sumagi r'yan sa makitid mong utak ang mag-asawa, ha? Tulungan mo muna kami ng tatay mo!"
"Ano ka ba nay, sabi ko naman sa'yo 'di ba, wala pa naman yata siyang balak na itanan ako, eh! Sabihin ko sakaniya na strict parents ko, okay?"
"Osya osya ingat ka na lang at lumarga ka na! Tigil-tigilan mo muna ang pag-iinom, ah? kapag ikaw uminom na naman 'wag ka na umuwi rito!" natawa na lang ako sa sinabi niya.
Kahit ilang beses pa yata akong sermonan ni nanay tungkol sa pag-iinom ko hindi naman niya ako pinapalayas. Minsan nga tinatanong niya pa ako kung may problema ba ako o ako 'yong problema, eh? Nakakatuwa lang kasi hindi siya napapagod na intindihin ako, iyong mga kapatid ko at pati si tatay. Bilib talaga ako sakaniya kahit minsan nakakairita 'yong bunganga niyang akala mo mega phone sa lakas!
Hinawakan ko si nanay sakaniyang dalawang balikat at niyugyog-yugyog siya ng mahina.
"Alam mo nay, huwag kang mag-alala! Kapag nagkaroon na ako ng girlfriend o asawa...ikaw pa rin ang pinaka importanteng babae sa buhay ko!"
"Huwag mo na akong bolahin sebastian, mas okay na kung pera ang ibigay mo sa akin kahit may asawa ka na!" pabirong sabi ni nanay kahit ang totoo no'n na-touch siya sa sinabi ko, ayaw lang umamin...pinaglihi kasi sa pride powder ang nanay ko.
Bumiyahe pa ako papuntang Mall of Asia kasi ro'n namin napag-usapan ni daniel na manood ng sine. Kung ako lang mas pabor sa akin kung sa Market-Market o 'di kaya sa SM Aura na lang, eh, para mas malapit naman sa akin, ayon tuloy sasakay pa ako ng jeep papuntang guadalupe, sasakay ng MRT 'gang Taft tapos sasakay ng jeep papuntang MOA. Hay nako, tama nga si courage the cowardly dog no'ng sinabi niyang; the things we do for love.
Pagkarating ko sa cinema lobby, nakita ko na nakatayo siya ro'n at nililibot ang kaniyang paningin sa paligid habang nakanguso. Simpleng dress lang naman ang suot niya na long sleeves na hanggang hita pero bakit parang ang gara tignan kapag siya ang sumusuot? Nakalugay rin ang kaniyang golden brown hair at may bitbit din siyang maliit na sling bag at nakahawak 'yong isa niyang kamay sa strap no'n. Lumapit ako sakaniya kasi baka nangangalay na siya kasi naman nakaheels pa rin siya!
"Pasensya na late ako hahaha!" bungad kong bati sakaniya habang kinakamot ang batok ko.
"Ohh, It's okay."
"Natraffic ako eh hahaha pasensya na talaga kanina ka pa ba rito?"
"Not long enough."
Pambihira ang lupet ko naman talagang lalaki, pinaghintay ko ang isang babae na katulad ni daniel! Susmaryosep! Teka...iyong dalawa kong ex na si ligaya at bea pinaghintay ko rin naman dati pero hindi naman ako ganito nakonsensya...malakas yata talaga amats ko sa isang 'to?
"Tara bili na tayo ng ticket?" aya ko.
"I already had...let's just buy some popcorns."
"Ahh, sige sige."
Pagkabili namin ng pop corn, inumin na coke sa akin at mineral water sakaniya, pumasok na kami sa loob ng sinehan. Cinema 2 tapos middle row pa ang pinili ni daniel. Middle row na yata ang pinaka magandang puwesto sa mga sinehan, hindi malapit sa screen at hindi rin malayo. Pinuwesto namin ang aming inumin sa lagayan nito sa may hawakan ng upuan at iyong pop corn ay hawak hawak ni daniel at ito ang pumapagitna sa amin.
Madami na akong napapanood na ganitong eksena sa mga movies at telenovela sa tv. Iyong tatangkain na hawakan ng lalaki 'yong kamay ng babae habang kumukuha siya ng popcorn. Ilang beses ko sinubukan gawin 'yon kay daniel kaso 'yong kamay ko urong sulong!
Pota naman sebastian bakit ka ganiyan? Kung makita ka nila niccolo panigurado pagtatawanan ka nila! Pakshet!
Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim at uminom ng coke. Paminsan-minsan sinusulyapan ko si daniel na nakatuon ang atensyon sa screen. Grabe rin 'yong side profile niya, nakakabighani! Halata rin na may suot siyang make-up pero very very light lang.
Lord, kapag hindi pa siya ang ibinigay ninyo sa akin para maging nanay ng mga magiging anak ko, kunin niyo na lang ako!
"Why are you staring at me? The movie's in the screen at the front."
"Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda mo pala lalo kapag nakafocus ka sa isang bagay."
Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa akin. Pakshet! buking ako ro'n kanina!
"Pfft, you should focus on the movie...we paid for it."
"But your much better than the movie, eh, God made you for me...yata, for free pa nga."
Nagkatitigan muna kami saglit tapos sabay kaming mahinang tumawa kasi potek ang korni ng sinabi ko! Nakakahiya! Pakshet sebastian!
"I can't ask God about that because my parents made me, so maybe I'll ask them later if they made me for you?"
"Luh, joke lang 'yon hahahaha!"
"I know, I was just joking too." seryoso niyang sabi, pero dahil mahal ko siya ay tumawa na lang ako.
Tinuon niya na ulit ang kaniyang mga mata sa movie habang ako'y patuloy pa rin sa pagsulyap sa ganda niya. Kailan kaya ako sasagutin ng babaeng 'to?
Nagpangalumbaba ako gamit ang aking kanan kamay sa kanang arm rest ng aking inuupuan at tinitignan lamang siya.
"Don't look at me..." nakangiti niyang sambit.
"Then look at me." sambit ko in husky voice pa nga.
Nakangiti lang siya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa palabas kaya nanood na lang rin ako...inis hindi man lang na-fall sa husky voice kong 'yon! Nagpractice pa naman ako buong gabi para ma-perfect 'yon!
Kahit pala pangalawang beses ko nang napanood itong end game, eh, napaiyak pa rin ako sa ending. Gano'n din si daniel, inalok ko pa nga sakaniya 'yong scarf ko.
"Ang pangit ko umiyak, 'di ba?" sabi ko pagkalabas namin sa sinehan.
"I don't know, I actually ugly cried too hahaha!"
"Luhh, too? So pangit ako?"
"What? Hahaha no! I mean, you don't look that attractive when you cry..."
"Awts ha! pasalamat ka kahit yata hindi ka maligo ng isang linggo ang ganda mo pa rin atsaka mabango tignan!"
Ngumiti lang siya na parang nahihiya...iyong para bang numinipis ang kaniyang labi kapag ngumingiti. Ang cute niya kapag ginagawa 'yon!
"Atsaka, ayos lang na si iron man ang dahilan ng pag-iyak mo kasi hindi ako papayag na paiyakin ka! Lalo na ako, hinding-hindi kita sasaktan at paiiyakin! Peace lover ako, eh, mostly lover talaga hahaha!"
"Tsss, all men says that and they ended up hurting the girl."
"Ibahin mo ako sa mga 'yon, promise! Mamatay man buong angkan ko!"
"Why your relatives? Why not you?"
"Hindi na kailangan 'yon sa akin kasi patay na patay na ako sa'yo since day one hahahaha!"
Umiling-iling siya habang nakangiti no'ng pagkasabi ko no'n. Dahil medyo maaga pa, mga alas-syete pa lang ng gabi at syempre hindi na kami bata para magkaroon ng curfew, naglibot kami sa mall of asia. Tumingin tingin siya ng damit sa Forever 21 at Penshoppe no'ng pagkarating namin sa first floor.
"Bakit ang dami mong pinapamiling damit?" tanong ko sakaniya dahil ang dami na niyang pinili.
"Oh yeah, I forgot to tell you that I'll be leaving for bulacan tomorrow...business matter."
"Matagal ka ro'n?"
"About two or three weeks, I guess?"
"Ahh business woman ka nga pala..."
Busy-ness woman...pota sebastian sad life naman 'to! Less bebe time!
Bumalik kami sa second floor dahil may kailangan pa pala siyang bilhin na coffee maker para sa condo niya dahil nasira raw 'yong isa niya. Pumunta kami sa SM Appliance Center, bitbit ko ang dalawang paper bag na kaniyang biniling damit.
Hindi ako fan ng mga shopping-shopping kaya pinabayaan ko na lang siyang maglibot-libot sa loob dahil mas kabisado pa niya yata 'yong lugar kaysa akin. Sinubukan ko rin tumingin tingin sa ibang mga appliances hanggang sa nakuha ng isang sales clerk ang atensyon ko.
Lumapit ako sa mga naka display na samsung smart tv at pinagmasdan ito habang nakahalukipkip.
"Anong ginagawa mo rito?" mahinang sambit ni ligaya sa akin habang nakatama ang dalawa nitong kilay sa gitna.
"Oh! Akalain mo nga naman, what a small world! Dito ka nagtatrabaho?"
"Hindi, dito lang ako tumatambay tapos trip ko lang magsuot ng uniform na kagaya sa mga staff dito."
"Ha-ha-ha-ha dami kong tawa mga more than one!"
"Umalis ka na nga, baka malasin pa 'ko ngayon."
"Gusto ko makita kung paano ka magtrabaho. Dali, huwag kang mahiya sa akin, ako lang 'to! Iyong dati mong mahal."
"Para kang gago, Sebastian."
"Hahaha joke lang! Dali na! Gusto ko makita paano ka magbenta...sayang punta ko rito kapag hindi ko 'yon nakita, dali na!"
Nag puppy eyes ako sakaniya habang nakanguso. Ito dati 'yong paraan ko para gawin niya ang gusto ko, eh, pota paawa effect! Nagbuntong-hininga muna siya at sabay ngumiti, kaso 'yong tipong pilit.
"Hi sir, bibili ka ba o bibili ka?"
"Nyeeek? Ganiyan ka talaga magbenta? ano ba naman 'yan! Parang wala akong choice!"
"Hi sir, ano po hanap ninyo? Kamatayan po ba? Gusto niyo ibigay ko sainyo after ng shift ko?"
"Alam mo ligaya, bwisit ka rin talaga minsan eh, noh?"
"Bwisit ka rin."
"Alam ko hahahaha!"
Natawa na lang ako sakaniya at ginulo ang kaniyang buhok na kaniya namang ikinainis lalo.
"Magtrabaho ka ng mabuti, ha?" sambit ko.
"Magtrabaho lang kasi hindi ako mabuting tao!"
"Hahaha oo nga, noh? Osya ma'am, next time na lang po ako bibili sainyo...hindi po ba puwedeng umutang muna?" pagbibiro ko.
"Umalis ka na rito inamo."
"Hahahaha! Oo na, G na G pota."
Umalis ako sa station ni ligaya upang hanapin si daniel at nakita ko siya sa may counter nagbabayad nang pinamili niya. Lumapit ako sakaniya upang ako na lang rin ang magbitbit ng binili niya.
Pagkalabas sa mall, hindi muna kami umuwi dahil isa na yata sa pinaka paborito niyang gawin ay ang magstreet food hunting kasama ako, kaya naglibot libot kami hanggang sa mapagpasyahan namin na bumili na lamang ng sorbetes kasi ayon lang ang nakita namin.
"I haven't had dirty ice cream before..." aniya.
"Dirty ice cream? Malinis kaya 'to!"
Dirty ice cream dirty ice cream pang nalalaman, eh, ice cream lang din naman 'yon na mura. Parang dirty kitchen na kitchen lang din naman, nasa labas nga lang.
"I don't know, my friends call this dirty ice cream...so, I never really tried it."
"Pwes ngayon susubukan mo, libre ko 'to!" sabi ko. "Kuya! dalawa nga pong ice cream sa may tinapay...magkano po?" sambit ko kay kuyang sorbetero.
"Bente ho isa."
Inabot ni kuyang sorbetero ang ibinili namin.
"Kita mo na daniel, bente lang pero mas lamang sa cornetto hahaha! Wala nga lang pick up lines pero no need na para ro'n kasi ako mismo ang bahala sa pick up line!"
"Hahaha okay?"
"Safeguard ka ba?" umpisa ko sa malupitang banat na itinatago ko pa sa baul ng aking isipan.
"Why?"
"Germs kasi ako at ninety-nine point nine percent akong patay na patay sa'yo!"
Natawa lang siya sa banat ko, ako rin mismo natawa kasi ang gwapo ko namang germs kung gano'n! Inubos muna namin ang aming Ice cream in a bun bago tuluyang magpara ng taxi para kay daniel. Napadaan din kami sa may simbahan kaya napa sign of the cross ako. Napansin ko na nakataas ang isang kilay ni daniel sa akin pagkatapos kong mag sign of the cross.
Teka...huwag mong sabihin na...pakshet hindi puwede ito...
"Daniel..." sambit ko.
"Yes?"
"Nakalimutan ko tanungin...ano pala relihiyon mo?"
"Why?"
"Wala lang, nacurious lang ako..."
Why did I ask? Paano kasi baka isa itong forbidden love! Ipinagbabawal na pagmamahalan ng magkaibang relihiyon! Ayoko masaktan at ayoko rin magconvert! Katoliko ako pinanganak at mamamatay akong katoliko dahil mas malaya ro'n!
"Roman catholic, why did you ask?" sagot niya.
"Wala lang nga, naninigurado lang gano'n..."
Buti naman! Thank you, lord!
"Pffft, I'm catholic but there are certain beliefs that I totally disapproved of."
"Luh, bakit naman?"
"I don't know, we all have different perspectives in life and also belief."
Perspectives...bigla ko tuloy naalala si sir ron sa ojt ko at 'yong sinabi niya tungkol sa perspectives dati.
"Perspectives, tama ka ro'n...may iba't iba tayong paniniwala."
May pumara na isang taxi sa amin. Pinagbuksan ko si daniel ng pinto at dahan-dahan inilapag sa tabi niya ang mga pinamili niya.
"Wait lang kuya," wika ko at pumunta ako sa likod ng taxi at kinuhanan ng litrato ang plate number pagkatapos ay lumapit naman ako sa may driver.
Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato ang driver. Ipinakita ko sa driver ang picture niya.
"Ayan kuya ha, kaya kapag hindi nakauwi ng ligtas 'yang magandang dalaga na pasahero mo, ha-huntingin kita kahit sa impyerno pa, ayos ba tayo ro'n?"
"Oho boss, huwag kang mag-alala hindi naman po ako masamang tao!"
"Naninigurado lang ho kuya, iba na kasi panahon ngayon."
Tumingin ako kay daniel na nakatingin sa akin.
"Ingat ka sa pagpunta sa bulacan, ha? mamahalin pa kita, eh, hahaha!"
"Are you sure you don't want a cab?"
"Ayos lang ako...sanay ako magcommute. Salamat sa movie date ha? Sa susunod ulit."
"Yes, of course...next time. I had fun."
"Ako rin."
At ayon na naman siya sa matamis na ngiti niya na nagdadakip lalo sa puso ko.
Pinagmasdan ko lang ang pag-andar ng taxi na sinasakyan niya. Naglakad na ako patungong MRT Station. Nakalagay ang aking dalawang kamay sa magkabila kong bulsa at dahil sa sobrang saya ng mga sandaling ito...napapasipol na lang ako bigla.
Napatingin rin ako sa kalangitan at tanaw na tanaw ang mga kumikinang na bituin sa langit. Naalala ko na mahilig kumuha ng litrato si daniel ng bituin at 'yong hikaw din niya ay bituin.
"Ganito pala pakiramdam...inhale sky, exhale stars."
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro