Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

Tayo noon

•••

"Tangina ano 'yang pormahan mo?" sambit ni erick habang naniningkit ang mata niyang nakapukaw sa akin.

"Bagay ba?"

"Bakit ka naka coat, ano ka boss?"

"Mukha na ba akong rich guy, ha? Kamukha ko na ba si Henry Golding ng Crazy Rich Asians?"

"Pinagsasabi mo r'yan? Naka coat ka lang naman pero panloob mo white t-shirt, tapos tignan mo naka jeans ka lang tapos sneakers...hindi mukhang crazy rich asian, mukhang crazy semi-poor asian kuya will ka!"

"Alam mo, gago ka." asar kong sambit.

Umupo na ako sa aking puwesto sa office, binuksan ang PC ko at nagsimula ng magtrabaho. Sinuot ko ang aking headset at nagpatugtog sa Spotify ng Best of '00s Pop.

One hundred fifty pesos lang bili ni nanay sa coat na suot kong ito sa UK-UK. Maganda pa ang quality at kulay kaso may problema lang...amoy downy passion lang ang suot ko! Kaya sana totoo 'yong commercial ng downy na napapanood ko sa tv kasi kapag hindi naakit si daniel sa amoy nito, ibabash ko sila sa soc med! Keyboard warrior pa naman ako!

Pagka-out namin sa office nagpasama pa si erick sa akin sa mcdo dahil gusto niya akong ilibre, tapos kaasar pa roon, nilibre niya lang ako ng isang McCafe Iced Coffee Original.

"Alam mo erick salamat sa panlilibre pero gago ka talaga." sabi ko habang hinihigop ang nilibre niya sa akin.

"Pasensya ka na, hindi ko alam na mahaba pala pila hahaha! Osya, baka hinihintay ka nang future bebe mo sa meeting place niyo."

Napahampas ako sa noo dahil muntik ko ng makalimutan si daniel. Dali-dali akong pumunta sa may park kaso wala siya roon sa fountain ledge, buti na lang at may daniel vision ako dahil nakita ko siya sa may starbucks malapit, sa may glass wall nakaupo at umiinom ng kape. Siga akong pumasok sa loob ng starbucks na bitbit ang McCafe ko at hinanap ang puwesto ni daniel.

Nakafocus siya sa cellphone niya kaya hindi niya alam na nandito ako ngayon.

"Hi miss, is this seat taken?" sambit ko at napatingala siya.

Tapos ayon na naman 'yong maganda niyang mata na tumatama sa maganda ko ring mata.

"No." mahinhin niyang sagot habang nakangiti.

Umupo ako sa harap niya at inilapag sa table ang aking kape.

"Eh ikaw, are you taken?"

"Taken for granted? I don't know." nakangisi niyang sagot.

Naka pusod na naman ang kaniyang buhok na may antenang dalawa sa harap, naka corporate attire rin ulit siya at ngayon ko lang napansin na may tatlong piercing siya sa kaliwang tainga at dalawa sa kanan dahil sa suot niyang kumikinang na maliit at star shaped na hikaw.

"Huy hindi kita tene-take for granted, ah! Ikaw nga yata laging laman ng puso't isip ko hahahaha!" sambit ko.

"Really?"

"Kahit bulwakin mo pa!"

Natawa lang siya sa sinabi ko at humigop sa kanyang inumin.

"Nice coat." sambit niya no'ng mapansin niya iyong pormahan ko.

"Mukha na ba akong mayaman?"

"Why? You look good without it."

"Huh? Hindi ba bagay sa akin?"

"It suits you."

"Naka coat habang naka mcCafe hahaha! Pasensya na ito lang naafford ko." kahit nilibre lang naman 'to sa akin.

"How much is that?"

"Fifty-nine pesos mga gano'n, gusto mo tikman?"

"Ahmm no, I'll buy my own next time."

"Luh, wala naman lason 'yong laway ko atsaka pupunasan ko naman iyong straw..."

"Hahaha it's okay, I just...are we going to have a street food date today?"

Napangisi ako sa sinabi niyang iyon. Pota, gusto niya ako makadate! Sebastian, lumelebel up ang karisma natin everyday, ah?

"Tara?" pag aya ko.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo at inilahad sakaniya ang aking isang kamay na kaniya namang tinanggap, pero agad din bumitaw no'ng nakatayo na siya. Banas! Holding hands while walking na sana 'yon! Nilibot namin ang lugar hanggang sa nakahanap kami ng nagtitinda ng chicken skin na malapit lamang dito.

"Gusto mo ng may suka?" alok ko.

"No, thank you."

Ililibre ko sana siya kaso lang binayaran niya 'yong kaniya kasi may barya na raw siya. Ayos lang naman, nakatipid ako. Atsaka mukha kaming couple kasi nakacorporate attire siya tapos ako naka coat habang naglalakad kami at kumakain ng chicken skin na tig-twenty-five pesos. Dream date ko na siguro 'to!

"This is delicious I swear! This goes well when I'm watching movies."

"Eh, kaso wala naman nagtitinda ng chicken skin sa mga sinehan..."

"Yeah that's true."

"Gusto mo manood ng sine? May gusto kasi ako panoorin na movie, horror siya."

Tama sebastian, horror nga! Madami akong napapanood sa mga movies at dramas na iyong mga bidang lalaki ay niyayakap ng babae kapag natatakot sila!

"I don't really like horrors, I want to watch a re-run of end game."

"Marvels?"

Tumango-tango naman siya. Napanood ko naman na 'yong marvels end game dati, niyaya kami ni niccolo manood no'n no'ng pagkalabas pa lang sa sinehan at sagot niya pa nga, eh. Para nga kaming tangang apat na umiiyak dahil sa pagkamatay ni Iron Man!

"Osige! Hindi ko pa 'yon napapanood, eh. Saan ba may re-run no'n? Sa Netflix?"

"There's already a re-run of the movie, I saw one showing in MOA - SM Cinema?"

"Kailan ka ba free? I'm always free basta para sa'yo." napangisi siya sa sinabi kong 'yon.

"This sunday? I think I will be very busy tomorrow until saturday, I have so much work to finish."

"Ahh, So, hindi kita ma-de-date ng limang araw?" natawa na lang siya ng medyo mahina. Jusko po iyong tawa niya talaga ang sarap i-ringtone tapos alarm tone! Kapag narinig ko 'yon every morning, kumpleto na agad araw ko!

"Ang sad naman no'n..." pagdadrama ko at natawa lang ulit siya.

•••

Akala ko magiging malungkot din ako dahil hindi ko makaka-date si daniel ng ilang araw kaso hindi pala, nastress din ako sa trabaho no'ng buong weekdays! Kailangan pa nga namin mag OT ni erick para matapos 'yong inventory system na working at walang error. Tapos iyong game pa na ginagawa naming apat hindi pa nangangalahati, estimated namin na baka two or three years pa bago namin ito matapos dahil tuwing gabi lang namin ito ginagawa at kulang kami sa tao, apat lang kami!

"Sa wakas makakapahinga na rin! Weekend na bukas!" masiglang sambit ni erick.

Nakapila kami ngayon sa waiting line ng MRT Line 3 - Taft Station.

"Sana lahat nakakapagpahinga...stress na ako sa maraming bagay!" bulyaw ko.

"Bakit? kulang sa harot time, ha?"

"Harot? busy kami pareho."

"Hindi ka pa ba niya sinasagot?"

"Alam mo, hindi naman minamadali ang mga bagay-bagay, Erick. Everything takes time nga 'di ba?"

"At sino niloloko mo? Nabasa ko mga tweets mo sa twitter, may pa sinta-sinta ka pang nalalaman d'yan...followback mo ko!"

"Paloback? Paluin kita r'yan, eh! Ayoko nga! Ano kita kabit?"

"Grabe ka naman magmahal! Bakit selosa ba iyong pinopormahan mo? Follow back lang naman sa twitter atsaka tropa mo naman ako!"

"Bahala ka r'yan, atsaka bakit mo ba ako finallow? Wala naman akong patutunguhan sa buhay! Don't follow me!"

Pero syempre joke lang 'yon baka patayin ako ng nanay kong real life machine gun kung wala talagang patutunguhan ang buhay ko!

Ilang minutong pakikipagsapalaran sa pagcommute, eh, nakarating na rin ako kina niccolo, as usual ako ang parating late. Mi-ne-maintain ko lang iyong titulo kong hari ng lateness!

"Pasensya na mga erp!" bungad ko sakanila pagpasok ng bahay habang nagkakamot ng ulo.

"Tangina ka sanay na kami sa'yo simula pa no'ng college!" sambit ni jaq sa akin.

Agad naman namin ginawa ang trabaho namin. Planado na ang story line ng aming game, ang designing ay medyo nasa ten percent pa lang...masyado kasi kaming konti para sa malakihang project na ito. Pagkalipas ng tatlong oras, sinayang namin ang isang oras na pahinga namin sa paglalaro ng COD.

"Tangina ka lance! Bakit mo sa akin binato iyong molotov cocktail! Bwiset ka namatay tuloy ako!" galit na sambit ni niccolo na nakaupo sa tabi ko.

"Pasensya ka na ha, Godbless hahahaha!"

"Ina mo talaga!"

Magkakampi kasi kaming apat, sinali ko na rin 'yong tropa ko no'ng highschool na si ismael kasi gusto magparank up.

"Magdasal na kayo...nuclear bomb is coming!" masiglang saad ni lucas.

"Wala na, alam na kung sino mvp niyan." saad ni jaq.

"Ay maduga! Hindi organic kills!"

"Kupal ka kasi lance! Pinatay kakampi naknampotsa!" angal ni niccolo.

"Hahahaha duda kasi ako sa itsura, eh, mukhang terorista!" pang-aasar ko sa character ni niccolo.

"Bonak!"

Sa huli nanalo kami at iyon na rin ang huling game sa oras na ito, balik ulit kami sa pagcocode. Umiikot na lang talaga ang buhay ko sa pagcocode, pagiging gwapo, at pagiging malandi kay daniel.

Nag-aabang ako ng jeep sa may kanto, nakasabit ang strap ng aking backpack sa kanang braso ko kahit na may laptop itong laman at pati na rin ang buong mundo kong Flashdrive. Sumakay ako sa isang jeep at may isang babae akong namukhaan. Sinitsitan ko siya kaso tinignan niya lang ako ng masama. May isang lalaki na nakapagitan sa amin ni ligaya, pauwi na rin yata siya galing trabaho, kumuha ako ng barya upang pambayad sa jeep at inabot ito sa harap ni ligaya.

"Pasuyo..." sambit ko.

"Bakit, tampo ka?"

"Luhh?"

Kinuha niya iyong eleven pesos na bayad ko na para bang ayaw niya pang isuyo dahil sapilitan pa. Kalagitnaan ng biyahe, pumara na 'yong lalaki na nasa gitna namin ni ligaya kaya umurong ako malapit sakaniya kaso tinignan niya lang ako ng masama.

"Bakit ba ang suplada mo sa akin? Inaano ba kita d'yan?" mahina kong sabi sakaniya.

"Nakakainis kasi iyong existence mo rito sa planet earth."

"Oh talaga? Sabagay, pinaglihi ka nga pala sa sama ng loob ni aling carol."

"Ha-Ha, ikaw pinaglihi sa manok, talak ng talak."

"Coming from you pa talaga, ah? Ibang klase ka neneng."

Kinagat niya 'yong ibaba niyang labi, ganiyan parati ang ginagawa niya kapag nagtitimpi ng inis...alam ko kasi parati niya 'yong ginagawa sa harap ko dati.

"Parang tanga 'to si sebastian, ah. Wala ka bang magawa?"

"Meron, para ngang pinanganak ako para inisin ka, eh, hahahaha!"

"Alam mo ang gago mo talaga...sana bentong na lang palayaw mo para maramdaman mo ang inis ko."

"Ahh patawad, neneng."

Nagbuntong hininga na lamang siya at hindi ako pinansin.

"Sorna ex bebe my loves..." ani ko.

Sabay kaming pumara sa jeep at magkasabay rin kaming naglakad papasok sa eskinita namin dahil nga mag katapatan ng bahay lang kami.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!" isang pag-awit mula sa kaibigan namin na si ismael na nakatambay sa tindahan ni aling yoli.

"Yuck!" sabi ni ligaya na diring diri sa narinig niya.

Dirediretso lang si ligaya habang ako tumigil ako sa tapat ni ismael. Inalukan niya ako ng isang stick ng yosi na akin namang tinanggap...sinindihan niya rin ito para sa akin.

"Mukhang galit pa rin sa'yo si ligaya, ah?" aniya.

"Pfft! bitter, eh, buti nga sa lahat ng ex ko siya lang pinapansin at kinakausap ko ulit."

"Gagu ka kasi, baka nakokonsensya ka lang sa ginawa mo sakaniya no'ng highschool?"

"Pfft! Highschool nga 'di ba, mga bata pa! Atsaka gano'n naman na siya makipag-usap sa akin simula bata pa, 'di ba?"

"Sabagay, oo nga noh, suwerte mo! Kahit ginago mo hindi nagbago pagtingin sa'yo hahaha!"

"Anong hindi, tingin nga niya sa akin demonyo na yata...kampon ni satanas gano'n kahit na I'm a God's child!"

"Gano'n naman talaga tingin niya sa'yo simula pa lang hahaha! Puno ka kasi ng kasamaan!"

"Hahahaha! Mas mainam na kasi maging masama na lang kaysa maging mabuti, inaabuso kasi kapag mabuting tao! Atsaka masama akong tao with limits, I know my limits as a bad boy hahahaha!"

Tumango-tango lamang si ismael sa akin at may pailing-iling pa nga. Hindi yata naniniwala sa sinasabi ko.

"Atsaka crush kasi ako no'n ni ligaya hanggang ngayon, ayaw lang umamin."

"Gago, pagkatapos mo lokohin no'ng highschool, crush ka pa rin? Hangal!"

Nagtawanan kami ng malakas ni ismael, naisipan ko rin na ilibre siya ng inumin.

"Pabili po!" malakas kong sigaw sa may tindahan.

"Ano 'yon?" saad ni aling yoli na may katandaan na, naalala ko isa ito sa mga masusungit na tao rito sa lugar namin no'ng bata ako, eh. Siya iyong palaging nagbubugaw sa amin kapag naglalaro kami sa tapat ng tindahan niya.

"Dalawa nga pong carbonated drink." sambit ko.

"Ano 'yon?"

"Softdrinks po aling yoli iyong tig-teten."

"Hayop ka pare hahahaha!" saad ni ismael sabay hampas sa akin sa braso.

Ibinigay na ni aling yoli sa amin ang softdrinks na nakalagay sa plastic na may straw.

"Nagtatrabaho ka pa rin ba sa jollibee?" tanong ko sa katabi ko.

"Hindi na, call center agent na ako ngayon."

"Akala ko ba mag-aabroad ka pagkatapos mo sa tesda?"

"Tangina kasi ang mahal ng requirements, pare!"

"Ahh, sayang 'yon! Iyong pag-tesda mo, pre!"

Nagiging busy na kami sa madaming bagay, nakakalimutan ko na silang kumustahin. Kahit papaano maayos naman ang buhay nila. Hindi man kami parepareho ng estado at sa tingin ko napaka suwerte ko sakanila sa edukasyon pa lang na natapos ko at sa trabaho na mayroon ako, 'di hamak na baka deep inside naiinggit sila sa akin pero hindi lang nila sinasabi.

"Naalala ko no'ng nakaraan, iyong isang baliw roon malapit sa ATM machine sa bayan, iyong katabi ng generika? Napadaan ako roon tapos binigyan ko siya ng siomai at gulaman, tapos may sinasabi siya na ewan ko, hinintay ko talagang matapos iyong sinasabi niyang 'yon!" sambit ko.

"Anong sinasabi?"

"Sabi niya, ang isang mahirap na tao para sakanila ang trabaho ay buhay. Sabi ng isang mayaman, pera ang buhay. Sabi naman ng isang manliligaw, pag-ibig ang buhay. Ngunit sabi niya sa akin, para sakanya raw, ang mga kaibigan niyang baliw ang kaniyang buhay."

"Oh tapos, friends na kayo? For lifetime na ba 'yon? hahahaha!"

"Alam mo, gago ka rin, eh, noh?"

Nagtawanan na lang kami hanggat maubos iyong iniinom naming softdrinks. At syempre pag-uwi ko sinermonan na naman ako ng nanay ko, tinanong niya kasi kung uminom na naman daw ba ako, sinagot ko ng oo...akala niya alak, eh, umiinom naman ako ng tubig at softdrinks araw-araw!


Boss Jimenez @lansebaskun

Hi crush, inom ka lagi ng water para sa akin ka na later! HAHAHAHAHAHA!


D.E Valdez liked your tweet.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro