Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

Saksi si Juan Luna

•••

Lumipas ang dalawang taon ng pagtitiyaga sa pag-iipon kaya nakatayo na ako ngayon sa harap ng nabili kong bahay sa isang subdivision.

Bumusina ang isang sasakyan sa likuran ko. Napalingon ako at nakita ko ang pamilya ko na bumababa sa isang rentang UV. Lumapit ako kina nanay at tatay at inakbayan silang dalawa.

"Nay, Tay! May bahay na tayo!" masaya kong sambit.

"Nako! Ang laki! Mukhang malinis pa!" ani nanay.

"Para sa atin 'to."

Three-storey house ang binili ko, may garage rin para paradahan ng bagong bili kong motor. Sa likod may pool din at sigurado akong magugustuhan ni nanay ang malawak niyang hardin.

Naghanap ako ng bahay na rito lang din sa makati. 200K ang presyo dahil sira-sira ang bahay kaya napagastos pa ako sa pagrenovate at tumagal ang pag-aayos sa loob ng anim na buwan. Halos isang milyon at higit pa ang aking nagastos pero salamat din kay kuya sevestre dahil tinulungan niya ako sa pag-iipon.

"Ang ganda! Para na tayong mayaman!" rinig kong sigaw ni nanay no'ng makapasok sa loob.

Nakatayo lang kami sa may harap ni kuya steven.

"Kuya...salamat sa pagpapatuloy mo sa amin sa bahay niyo, ha, pasensya na natagalan...kailangan ko na kasi bumili ng motor para mas lalong makatipid, eh." sabi ko kay kuya.

"Ayos lang tanga...alangan naman patuluyin ko kayo sa lansangan? E di ang sama ko namang anak at kapatid no'n?"

Oo nga naman, may point siya ro'n. Natakwil na sana siya ni nanay kapag nagkataon nga na gano'n.

"Madaming kuwarto naman ang bahay na ito, sinigurado ko na magkakarsya tayong lahat kaya umalis na kayo ro'n, dito na lang din kayo tumira." alok ko sakaniya.

"Kung gano'n, saan floor kami?"

"Sila nanay at tatay sa baba, may tatlong kuwarto sa second floor at tatlo rin sa third floor."

"Doon na lang kami sa second. Si Miranda doon na sa kuwarto namin, si stephen doon sa isang kuwarto...bali may extra pang isa sa second floor."

"Hayaan mo na 'yon, baka doon patulugin si tatay kapag nag-away sila ni nanay dahil sa manok niya." natatawa kong bigkas.

"Hindi kaya nakakahiya sa mga yayamanin natin na kapitbahay kung may manok sa atin?"

"Ayaw nila no'n? May free alarm tone sila tuwing umaga?"

Nag-alanganin rin ako na bumili ng bahay sa isang subdivision dahil ang mga nakatira sa mga ganitong klase ng lugar ay mga taong mayayaman. Sa panahon kasi ngayon, ang interes ng tao ay nababase sa laman ng bulsa mo at hindi sa laman ng utak mo.

Pumasok kami ni kuya sa loob at kitang-kita ang mga ngiti nila sa kanilang labi. Worth it lahat ng naging desisyon ko. Sa wakas may napatunayan na rin ako! Hindi ako mahirap lang, hindi rin ako mayaman pa, pero masaya ang pamilya ko ngayon at iyon ang importante.

Sabado, inimbitahan ko sina ismael at ricky upang bumisita sa bagong bahay namin bilang pangako ko sakanila. Nag-inuman kami sa may veranda magdamag at nagkuwentuhan din.

"Sa susunod na bagong taon, doon ba ulit kayo sa baras makikicelebrate?" tanong ni ricky.

Last new year kasi sa baras kami nakicelebrate dahil hindi kumpleto ang bagong taon namin kung hindi kasama ang mga taga looban.

"Oo naman! tradisyon na yata natin, 'yon!" wika ko.

"Congrats pare sa bagong bahay, ha! Sana sa susunod bagong syota na ang ipapakilala mo sa amin!" sambit ni ismael na natatawa pa nga.

Napangisi na lamang ako at napakamot sa aking batok.

"Wala akong oras para sa gano'n...lalo na malapit na namin matapos 'yong game na ginagawa namin no'ng mga tropa ko no'ng college."

"Aysus! Twenty-five ka pa lang! Dapat ineenjoy mo pa ang buhay, hindi mo pa dapat sineseryoso masyado 'yan!" ani ricky.

"Huwag kang makinig kay ricky, sebastian. Kung ano ang plano mo sa buhay, sige lang push mo lang!"sabi ni ismael.

"Salamat ismael, ha, buti ka pa naiintindihan ako hindi kagaya ng isa r'yan...gagu."

"Ano? Halata naman na hindi mo pa rin nalilimutan si daniel, eh!" sabi ni ricky natatawa pa nga.

"Gagu ka talaga ricky!"

"Bakit? Totoo naman, eh?"

"Pakyu ka talaga!"

Tinawanan lang ako ni ricky ng malakas. Ewan ko ba sa isang 'to lakas siguro agad ng amats.

"Paano mo pala nasabi sa magulang mo na hiwalay na kayo ni daniel? Botong-boto sila ro'n 'di ba?" tanong ni ismael.

"Hindi ko sinabi sakanila...siguro nahalata na lang din nila sa huli tapos hindi na lang nila ako tinanong. Obvious naman kasi! Hindi na bumibisita si daniel sakanila!"

"Nagsisisi ka ba, ha? Nagsisisi ka ba na pinakawalan mo siya?" tanong ni ismael.

Nagsisisi ba ako na pinakawalan ko siya? Hindi ko alam.

"Sa tingin ko...tama lang na pinakawalan ko siya kasi kung hindi, hindi ko mahahanap 'yong sarili ko." tugon ko.

Napatingin ako sa dalawa, nakatingin lang din sila sa akin habang umiinom.

"If we accept being talked to any kind of way, then we are telling ourselves we are not quite worth the best." dugtong ko.

"Tangina sebastian...ikaw ba talaga 'yan? Spokening rich ka na ngayon, ha? Hahahaha!" sabi ni ricky na tawang-tawa kaya natawa na rin ako.

"Yayamanin na talaga 'tong kaibigan natin, ricky!" ani ismael.

"Hahaha sira! Narinig ko lang 'yon sa isang katapat na bahay namin! May inuman din kasi tapos mga spokening in english ang mga gagu!"

"Hahahaha dapat nakisama ka ro'n!"

"Nako, huwag na! Baka hindi ako sa alak mahilo kundi sa pakikipag inglesan sakanila!"

Nagtawanan na naman ulit kami. Tapos kapag umay na sa kakatawa babalik na sa pag-inom ulit. Iyong tiyan ko lumolobo na rin dahil siguro sa alak. Hays...baby fats.

"Eh, sebastian, paano kung bumalik siya? Halos dalawang taon na rin kayo hindi nagkikita, 'di ba?" tanong ni ismael.

Huling beses kong nakita si daniel ay sa fountain park kasama si bryce. Pagkatapos no'n hindi na ako tumungtong sa parke na iyon. Kapag napapadaan naman kami ni erick, napapatingin ako sa fountain kaso wala naman siya palagi doon.

Kahit sa facebook, wala akong balita sakanya kasi hindi naman siya nagpopost. Friends pa rin naman kami sa facebook tapos nakafollow pa rin naman ako sa twitter. Ewan ko pero no'ng mga nakalipas na taon, stalker niya ako. Naghihintay ng update kasi baka mamaya kasal na pala siya tapos hindi ko man lang siya binati. Buti na lang may picture siya sa akin na hindi ko pa rin binubura sa cellphone ko. Wala man siya sa piling ko, nasa gallery ko pa rin naman siya.

"Kung magkita kami? Imposible na yata 'yon...dalawang taon na nakakalipas pero hindi pa kami ni isang beses nagkita, kahit magkabunggo nga hindi, eh."

"Pero kung magkita kayong muli, anong gagawin mo?" tanong ni ismael.

"Anong gagawin ko? Hindi ko alam...ewan ko. Baka kapag handa na kaming dalawa ay magtagpo ulit ang landas namin."

At meron pa rin konting pag-asa sa puso ko na kung magtagpo ulit ang aming kaluluwa, sana ang kuwento namin ay magwakas ng pareho kaming masaya.

•••

Linggo, nagsuggest si lucas na mag-unwind sa national museum of fine arts dahil national museum month daw ngayon. Kaniya-kaniya kaming motor sa pagbiyahe, F4 na riders ang datingan namin. Dahil linggo ngayon at national museum month, madaming tao ang bumisita.

"Kailan natin ilalagay sa playstore at appstore iyong laro natin?" tanong ko sa tatlo.

Final touches na lang kasi at test run ang kailangan gawin.

"Kapag working na lahat...kapag ayos sa mobile, sunod na target natin ay ang pc gaming." ani lucas.

"Nice! At goodluck na lang sa pag promote ng laro, magsisimula na rin tayo maging streamer!" sabi ni niccolo.

"Mas bagay sayo maging stripper, niccolo." pagbibiro ko.

"Pakyu ka lance, ikaw 'yon!"

"Hahahaha pikon pa rin ampotek!"

"Kuwento mo sa pagong, at least ako may ka-M.U! Hahahaha!"

"Gagu, hanggang do'n lang kayo! Hindi ka no'n sasagutin hahahaha!"

Nakakatuwa isipin na si niccolo ay nahanap na rin ang kaniyang katapat. Si lucas, hindi ko alam kung may plano pa ba siya makipagrelasyon...huling relasyon niya ay no'ng first year college pa namin at malupitang lihim pa 'yon. Itong si jaq at si xowie going strong pa rin...hinihintay na lang namin kung kailan ba siya magpopropose kay xowie kasi mukhang walang balak. Hindi ko naman siya masisisi, kung si xowie ang babae pag-iisipan ko talaga 'yon ng mga sampung taon!

"Gusto ko makita 'yong mga gawa ni juan luna...anong floor ba 'yon?" tanong ni jaq.

"Ewan...ngayon nga lang ako nakapunta rito, eh."

"Libot-libutin na lang natin! Makikita rin natin 'yon!" sambit ni niccolo.

"Bakit ba gusto mo makita 'yong mga gawa ni juan luna, jaq? Doon ka ba pinaglihi?" tanong ko.

"Seb, gagu ka. Maganda kasi mga gawa ni juan luna!"

Natawa na lang ako sa sinabi ni jaq.

"Nakita mo na 'yong spolarium sa may entrance pa lang? Gawa ni juan luna 'yon." sabi ni lucas.

"Kaya nga, spolarium lang alam kong gawa niya pero madami yata siyang ibang gawa na nandito rin." saad ko.

"Osya, osya, hanapin na lang natin 'yon!" sabi ni niccolo.

Nagpalibot-libot kaming apat sa museo. Nagpicture-picture na rin para may maipost sa myday. Ilang hallway, ilang kuwarto, at ilang hagdan ang aming tinahak hanggang sa marating namin ang kuwarto ng mga gawa ni juan luna.

"Sabi sainyo meron, eh." ani jaq.

"Ayos, ah! Nandito rin 'yong mga brush niya pati palette...pati mga oil paint..." sambit ni lucas.

Iniwan ko ang tatlo sa may gitna, tinitignan nila 'yong mga kagamitan ni juan luna. Inikot ko ang buong kuwarto hanggang sa napatigil ako sa isang display sa pader.

Display ng mga gamit ni Juan Luna at kasama rin dito ang tungkod niya at ilang mga I.D.

Matagal ko itong tinitigan, lalo na 'yong mga I.D niya dahil gusto ko malaman kung legit ba o fake.

"Huy seb, lalabas na kami, bibili na kami tubig nauuhaw na kami. Hintayin ka na lang namin sa labas, ah?" sambit ni jaq.

"Sige sige...susunod ako."

"Dahan lang sa pagtitig baka magpalit kayo ng mukha ni juan luna, ah!" pang-aasar ni niccolo na hindi ko naman pinansin.

Naiwan ako mag-isa na tinitignan ang nakadisplay sa pader. Hindi pa rin ako makapaniwala sa itsura ni Juan Luna...itsura niya ba talaga 'yon?

Napaatras ako ng kaunti dahil sobrang lapit ng mukha ko sa frame. Napatingin ako sa bandang kanan, tsaka ko na lamang napansin na may kasama pala ako at napakapamilyar ng side profile ng babaeng ito.

Nakatingin siya sa cover ng libro ni aguilar cruz. Tinitingnan ko lang ang pamilyar niyang side profile na napaka ganda hanggang sa bigla na lamang magtama ang aming mga mata. Pareho kaming nagulat, iyong mata namin nanlaki. Hindi namin inaasahan na magkita muli rito.

"Ahmm...kumusta ka?" sambit ko.

"Fine, you?"

"Ano...ayos lang din." naiilang kong pagsagot.

Napakamot na lamang ako sa aking batok dahil sa sobrang pag-ilang.

"Anong...anong ginagawa mo rito?"

"Looking for inspiration, I told you before...right?"

"Ahh! Oo nga pala...juan luna...designing..."

"Yes."

Halata rin sakanya ang pagka-ilang dahil nilalayo niya ang kaniyang tingin sa akin.

"Masaya ka naman ba?" bigla-bigla kong tanong.

"Hmm?"

"May nagpapangiti naman ba sa'yo?"

Kasi kung meron sana mabungi na siya!

"I...I don't know."

"Elizabeth! There you are!"

Napatingin kaming dalawa sa lalaking kakapasok lang sa loob.

"Bryce..." mahinhin na bigkas ni daniel.

"I was looking for you...oh! Mister sebastian?" aniya no'ng mamukhaan niya ako.

"Ahh, oo, long time no see." nakangiti kong bati kay bryce.

"Yeah, Its been a while since I last saw you."

"Oo nga, same. Osya! Maiwan ko na kayo...hinihintay na yata ako ng mga tropa ko sa labas...nice meeting you ulit. Enjoy the view na lang."

Iniwan ko na silang dalawa sa silid na 'yon at tinahak ang daan papuntang exit.

Nakita ko ang tatlo nakaupo sa mga baitang ng hagdanan.

"Oh! bakit ang tagal mo?" reklamo ni niccolo.

Hindi na lang ako umimik at tinignan silang tatlo.

"Bakit ganiyan itsura mo, seb? anong nangyari sa'yo?" tanong ni jaq.

Bigla na lamang nagraragasa sa pagbuhos sa pisngi ko 'yong mga luha ko at para akong bata na pinupunasan ito. Lumapit ang tatlo sa akin at tinapik-tapik ang likod ko.

"Bakit? Ano bang nangyari sa'yo, lance, ha?" tanong ni lucas.

"Huy lance, ang pangit mo kapag umiiyak kaya tumahan ka na! May nang-away bang bata sa'yo sa loob, ha?" ani niccolo sa akin na medyo nagpatawa sa akin.

Huli na ba ang lahat? Baka nagkakamali lang ako sa nakita ko? Bakit naman sila magkasama, eh, sinabi na ni daniel sa akin na mag-isa siya palagi kung pumunta sa museum.

Sinubukan kong kumalma upang tumahan na rin. Twenty-five na ako, hindi bagay sa akin ang umiyak in public. Lalo na ang daming tao ngayon dito baka isipin nila para kaming tangang apat dito.

"Gusto mo ba ng tubig, seb? Meron nagtitinda ro'n sa kanto..." sabi ni jaq habang tinuturo 'yong mga nagtitinda sa gilid.

Isa lang ang gusto ko...gusto kong marinig ulit yung boses niya na binabanggit ang pangalan ko.

"Sebastian!"

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro