Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

Tayo sa ulan

•••

Nakatanggap ako ng mga mensahe mula kay daniel no'ng gabing iyon ngunit hindi ako nag-reply sakanya. Wala ako sa mood upang makipag-usap ng tungkol sa nangyari.

Miyerkules, balak ko rin naman makipag-usap kay daniel kasi baka kung ano ang isipin niya kaya hindi ako nag-reply sakanya kagabi. Nauna ako sa may fountain at umupo ako sa isang bench. Nililibot ko ang aking paningin sa paligid no'ng makita ko si daniel papasok sa starbucks.

"Sinta---" sisigaw na sana ako upang mapansin niya ngunit nakita kong kasunuran niya si bryce.

Lumapit ako ng kaunti, nagtago sa isang poste kung saan malapit sa strabucks at kitang-kita ko silang dalawa na umoorder ng kape. Nakatalikod sila sa aking paningin at habang tinititigan ang kanilang likuran at mga pasimpleng gestura, kapansin-pansin na mas bagay nga silang dalawa. Mula sa porma, ayos, at tindig...pati na rin siguro sa amoy. Walang duda na mas bagay nga silang tignan dalawa.

Baka tama nga iyong daddy niya na mukha akong tanga mula bunbunan hanggang talampakan...na hindi nga talaga ako bagay sa anak niya. Masyadong malayo si daniel para sa akin...napakalayo talaga.

Palihim akong umalis sa lugar na iyon. Tahimik lamang ako sa pagbiyahe papunta kina niccolo. Tipong para bang 'yong buhay ko nawalan ng background music at tila nagblanko ang lahat.

Kumatok ako sa bahay nila at si lucas ang nagbukas ng pinto.

"Nasaan si niccolo?" tanong ko.

"Hay nako, nasa bar daw siya sabi ni jaq."

"Bakit nandoon 'yon? Nasaan si jaq?"

Tumuloy ako sa bahay at prenteng umupo sa malambot na sopa. Si lucas naman ay umupo na sa may airbag chair at nagsimula nang magcode ulit sa laptop niya.

"Papunta na si jaq kasama niya si art." ani lucas.

"Paano mo nalaman?"

"Hindi ka ba nagbabasa sa gc?"

Umiling lamang ako kay lucas dahil hindi ko tinignan ang gc namin, hindi ko nga nilabas 'yong cp ko sa biyahe.

"Papaiwan saglit ni jaq sa atin si art kasi pauwi na si xowie, magbabakasyon daw dito sa pinas kaya susunduin ni jaq sa airport. Si niccolo naman sabi niya may dinadamdam daw siya na sakit tungkol sa pag-ibig kaya ayon, uminom yata."

Si niccolo uminom? Eh, ang baba ng alcohol tolerance no'n! Pang sanmig light lang kaya no'n!

"Kung gano'n paano ka nakapasok dito?" tanong ko sakaniya.

"Nagpaduplicate key ako...mayroon kasi si jaq, ikaw lang yata walang susi sa bahay na ito."

Nilabas ko ang aking laptop sa bitbit kong backpack. Pilit kong simulan na sa pagcocode sa mga movements kaso walang pumapasok sa isipan ko kundi si daniel. Ilang buntong hininga ang binuga ko at ilan doon ay malakas. Si lucas naman ay biglang tumigil sa pagco-code at nagsindi ng yosi.

"Gusto mo ba ng marlboro black?" tanong nito sa akin habang inaabot ang isang kaha ng yosi.

"Puwede na rin 'yan..." wika ko at kumuha ako ng isang stick at akin itong sinindihan.

"Problema?" tanong ni lucas sa akin.

"Hay nako, madami akong iniisip ngayon, hindi ko alam paano simulan."

"Simulan mo sa kung anong gusto mong ibahagi sa akin at baka matulungan kita. Puwera lang sa pera ha, low on budget ako ngayon, eh."

"Sayang naman, isa rin kasi 'yon sa problema ko...hay!"

"Ano nga kasi problema mo? Hindi bagay sa'yo magdrama, tanga!"

"Inamo rin minsan lucas."

Nakaharap si lucas sa akin, tinititigan ako habang nagyoyosi. Nakasandal lamang ako rito sa sopa habang binubuga ang mga usok mula sa aking bunganga.

"Alam mo ba...parang gusto kong uminom nang uminom ngayong gabi. Hindi pala, habang buhay!" bulalas ko.

"Parang kang tanga, alam mo ba 'yon? Dapat iniingatan mo 'yang kalusugan mo para matagal ka pang gagaguhin ng buhay!"

"Gagu ka, lucas. Salamat sa advice na 'yan."

Nanatili kaming tahimik ni lucas ng ilang minuto. Halos mabingi ako sa katahimikan kaya wala akong magawa kundi magsalita na lang.

"Alam mo pare, naiinsecure ako sa madaming bagay." sambit ko.

"Tulad ng?"

"Naiinsecure ako sa itsura ko, kaya sinabi ko sa sarili ko noon na babawi na lang ako sa utak, pero hindi naman din ako matalino! Kaya sabi ko sa sarili ko, babawi na lang ako sa ugali, pero ang pangit din naman ng ugali ko! Kaya parang gusto ko na lang mabawian ng buhay!"

Bigla na lamang natawa si lucas ng malakas at dahil nakakahawa ang tawa...natawa rin ako. Ewan ko kung bakit kami natatawa kasi wala naman nakakatawa sa sinabi ko pero heto kami parang tangang tawang-tawa.

"Gagu ka lance hahahaha!"

"Tangina, alam ko! Hahahaha!"

Bigla na lamang tumigil si lucas sa pagtawa at napahithit sakanyang yosi.

"Lance, you should stop worrying about how others will see you and if they like you. The only question that should matter is...do you like you?"

Bigla akong natameme sa sinabi ni lucas. Napatingin na lamang ako sa kisame habang humihithit ng yosi.

"Kung ayaw mo sabihin sa akin ang problema mo ayos lang naman, hindi kita pipilitin." wika ni lucas.

"Nakausap ko kasi 'yong daddy ni daniel. Pare, ayaw niya sa akin! Ayaw niya sa akin kasi mahirap ako! Hindi raw kami bagay ng anak niya tapos pinagtawanan pa nila 'yonh magulang ko, iyong buhay namin! Alam mo 'yon...iyong tipong ang baba mo na nga pero mas lalo ka nilang pinapababa?"

"Mayaman ba talaga sila?"

"Oo, halata naman, eh. Siguro kasi iniisip lang nila iyong mangyayari sa business nila na baka nga malugi. Baka nakawin ng isang tulad kong mahirap. Pero pare alam mo, para sa akin napakahirap nila..."

"Bakit naman? Akala ko ba mayaman sila?"

"Sa sobrang hirap nila, ang meron lang sakanila ay pera!" sambit ko.

Tinignan ko si lucas at nakangisi siya sa akin.

"Pero alam mo 'yong nakakainis?" dugtong ko.

"Ano?"

"Pinapamukha nila na hindi ko mahal iyong anak nila...na hindi ko kayang ibigay 'yong luho ni daniel sa buhay! Na parang walang patutunguhan iyong buhay ng anak nila sa akin!"

"Ano ba talaga iniisip mo, lance?"

"Iniisip ko...kung tama pa ba kung pipiliin ko siya kahit ang kapalit no'n ay tatanggapin ko 'yong pagbababa nila sa akin...ng pamilya niya..."

"Alam mo, lance, sa huli kailangan mo rin magpasiya. You need to decide between what is right and what makes you happy."

"Ayon na nga rin, eh, kung ang pipiliin ko ba ay 'yong tama...sasaya ba ako? Kung pipiliin ko 'yong kaligayahan ko...tama naman ba?"

"Ikaw lang din makakasagot sa tanong mong iyan, lance. Ikaw lang."

Napakamot ako ng ulo dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong piliin. Habang nasa biyahe kanina, napag-isipan ko na talaga pero ngayon, hindi ko na lang alam. Ewan ko, bahala na lang!

"May pag-asa pa ba kung susuko na, larawan ba ng daddy niya ipapakulam ko na ba?" tangi kong nasabi.

"Gago ka! May kilala ka naman ba na mangkukulam sa siyudad?"

"Wala pero si google yata meron, O dapat pala sinabi ko sa daddy ni daniel 'yong katagang...don't judge a book?"

"Don't judge a book? By its cover?"

"Hindi! Don't judge a book...cover it!"

"Siraulo! Hindi naman gano'n, 'yon! Mga pauso mo talaga, noh? Tsss!"

Inayos ko ang upo ko pati na rin ang laptop na nakapatong sa hita ko. Sinubukan kong magcode, hanapin ang mga errors at ayusin ito. Si lucas ay bumalik na rin sa kaniyang gawain pagkatapos mag cigarette break. Tanging tunog ng keyboard ang maririnig sa sala.

"Lucas, tol, paano kung makita mo 'yong babaeng mahal mo na may kasamang lalaki tapos mas bagay silang tignan? Tapos magkasundo pa sila, matagal na silang magkakilala, pabor 'yong magulang no'ng babaeng sa lalaki...anong gagawin mo?"

"Hmm, lance, hindi naman sa lahat ng bagay kailangan mong manalo. Hindi sa lahat ng hamon sa buhay dapat ipaglaban mo. Contrary to popular opinion, quitting is for winners."

"Anong ibig mong sabihin, lucas? Dapat sumuko na ako?"

"Lance, knowing when to quit, change direction, leave a toxic situation, demand more from life, give up on something that isn't working and move on, is a very important skill that people who win at life all seem to have. But don't quit because it's hard...quit because it sucks."

Ilang oras pa ang tumagal nang dumating si jaq, karga-karga si art. Kinuha ko ang bata at kinandong ito dahil aabangan ni jaq si niccolo sa labas. Ilang minuto ay dumating na rin si niccolo, inaalalayan ni jaq sa pagpasok sa bahay mukhang masama nga ang lagay niya.

Habang nag-uusap sila, kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at nakatanggap ako ng isang mensahe mula kay daniel.



Sinta <3: Someone told me you needed money for stopping the demolition. Why didn't you tell me that your place is going to be demolished this friday? I could've help you! I can buy that land ASAP!



Nag-iwan na lamang ako ng mensahe kay daniel at pinagpatuloy ang pakikipaglaro kay art.

•••

Hindi kami nagtagal sa bahay dahil dumating na si xowie at nagsimula ng maging maingay ang bahay. Nawawala na 'yong pokus namin sa pagcocode buti na lang namigay si xowie ng pasalubong na chocolates sa amin. Nakabawi rin sa pang-iistorbo niya.

Habang naghihintay ng jeep, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sobrang lakas na parang nakikisimpatya pa nga sa damdamin ko. Pagkasakay ko sa jeep, tahimik lamang ako sa buong biyahe. Nakadungaw sa labas, hindi kumikibo. Atsaka ko lang naalala na wala pala akong dalang payong.

Pota, buti na lang iniwan ko kina niccolo 'yong laptop ko. Hay nako! Kamalasan, bakit mo ako sinusundan?!

Hindi naman hadlang ang ulan dahil ginawa kong pangtaklob 'yong bag ko. Pagkapasok ko sa looban may biglang sumigaw sa pangalan ko.

"Sebastian!"

Napatigil ako sa paglalakad no'ng marinig ang isang pamilyar na tinig hindi kalayuan sa tinatayuan ko.

"Lance sebastian jimenez!" sigaw niya pero hindi ako umiimik.

"Let's talk about this! Please!"

Hindi ko mapigilan na hindi siya lingunan. Nakaparada ang kotse niya sa kaniyang likuran. Nakatayo siya sa bungad ng eskinita namin, basang-basa sa ulan. Ang tanging liwanag lang dito ay ang liwanag sa may poste sa kanto at ang ilaw sa labas ng tindahan nila aling yoli na may kaunting kalayuan sa kinatatayuan ko.

"Did I do something wrong?! Tell me! Is it my fault? I don't deserve to be rejected like that! Let's talk about this!" patuloy niyang pagsigaw.

Napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi. Nakasukob pa rin ako sa aking basang-basang bag.

"Sebastian! Please! Just... just tell me what did I do wrong? Why?" Patuloy lang siya sa pagsigaw at hindi umaalis sa puwesto niya.

"At least give me an explanation! I...I...I deserve it!"

"Hindi mo ba nabasa sa chat ko? Malabo ba iPhone mo?" sigaw ko.

Tinanggal ko na ang bag sa aking ulo at sinabit ito sa isa kong balikat. Lalong lumalakas ang ulan at basang-basa na talaga siya pero nandoon pa rin siya sa puwesto niya, nananatiling nakatayo.

"Bakit ba ang bobo mo? Sinabi ko na sa'yo na hindi ako nababagay para sa'yo! Hindi ka nababagay sa isang anak ng tricycle driver na sabungero at dating kagawad na nakatira lang sa isang squatters area!" patuloy kong pagsigaw.

"And who told you that? My dad? You shouldn't believe on anything he says! I know you more than he knows you! I accepted you whole! Please don't break me...please...not like...not like this!"

"Umuwi ka na daniel, please lang umuwi ka na!"

"Why are you doing this to me? You even...I...I really can't believe this...I felt like...I felt like a trash!"

"Umuwi ka na, magbanlaw ka pag uwi mo, matulog ka ng mahimbing...salamat sa lahat!"

Lumingon na ako palayo sakanya at nagsimula nang maglakad papalayo nang may kabagalan. Baka sakaling tumakbo siya at patigilin ako...

"You shouldn't introduce me to your family if you don't plan to stay with me forever! Imagine me being attached to your brothers, being close to your parents, being friends with your friends and neighbors, celebrating occasions with your family and then one day you decided you no longer want me?! I could move on from you, but how can I unloved those people that I met because of you?! How can I be unattached to the family who treated me so damn fine?!"

Dinig na dinig ko ang mga sinabi niya at para itong mga bala ng baril na tumatama sa likuran ko. Napakasakit pero ito ang desisyon ko. Kailangan ko itong panindigan, tutal nagbitaw na rin ako ng salita sa daddy niya. Atsaka mas makakabuti ito sa amin dalawa. Hindi na kailangan mag-alala ng pamilya niya tungkol sa kinabukasan niya sa akin at hindi ko na rin kailangan problemahin kung bagay ba ako sakaniya, kung mabibigay ko ba ang luho niya sa buhay, kung gaano ako kahirap, at kung ano pa ba ang kulang sa akin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, hindi ko na rin narinig ang boses niya, hindi na siya sumisigaw. Tanging ang pagpatak lang ng ulan ang naririnig ko. Nang marating ko na ang tapat ng bahay namin, nakita ko si ligaya...nakatayo sa harapan ng kapitbahay namin, nakapayong.

"Anong ginagawa mo r'yan?" tanong ko sakanya.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin. Sinakluban rin ako ng kaunti gamit ang payong niya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin at pamilyar 'yong expression niya...nakita ko na iyon, eh, dati, kapag galit siya sa akin.

"Bakit ganiyan ka makatingin? Bakit ka galit?" tanong ko sakanya.

Bigla na lamang niya ako sinampal sa kaliwang pisngi ng malakas. Sobrang lakas na halos bigla akong natauhan. Bigla na lamang ako nakaramdam ng sakit.

"Kailan ka ba talaga magseseryoso, sebastian?"

Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya sa aking harapan. Dahan-dahan kong hinaplos ang aking kaliwang pisngi at para akong tangang nakangisi habang tumutulo na pala 'yong luha ko.

Bakit? Hindi ba ako naging seryoso kahit kailan? Kahit isang beses? Akala ba nila palagi akong nagbibiro? Na parang wala lang sa akin ang lahat? Tanginang 'yan...umay!

Pagpasok ko sa bahay, sinermonan agad ako ni nanay. Bakit daw hindi ako nagdala ng payong...hindi na raw ako bata para pagsabihan pa tungkol sa gano'n. Agad akong pumunta sa kuwarto, kumuha ng isang payong at isa kong bench and bath towel.

"Esperanza..." wika ko habang kumakatok sa kuwarto niya, agad din naman niyang binuksan ang pinto.

"Bakit? Nagrereview ako ngayon!" bungad niyang sabi.

Inabot ko sakanya ang payong at towel.

"Paki...pakibigay kay daniel sa may labasan tapos sabihin mo sakanya umuwi na siya, baka magkasakit pa siya tapos sisihin niya pa ako."

"Bakit hindi ikaw ang magbigay?"

"Pakiusap, esperanza, gawin mo na lang iyonh inuutos ko kahit ngayon lang."

Iniwan ko na lang si esperanza at pumasok sa loob ng cr upang magbanlaw. Pagkatapos, kinulong ko 'yong sarili ko sa kuwarto. Sinubukan kong manood ulit ng slam dunk tapos natsempuhan pang nasa episode 59 pa 'yong napindot ko.

No'ng nagsimula nang umiyak si sakuragi, nagsimula na rin magkarerahan iyong mga luha ko at hindi ko namamalayan na hinahaplos ko na naman ulit 'yonh kaliwa kong pisngi.

Bakit parang sunod-sunod iyong sakit? Bakit parang hindi nila ako naintindihan?

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro