Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

Naiibang nilalang

•••

Pumasok kami ni daniel sa venue nang magkahawak ang kamay. Napakagara ng lugar, napakalaki at napakamakulay.

"My families over there, come on." ani daniel at tinungo namin ang mahabang table sa gitna.

Napapalibutan ang mesa ng mga high-class na tao at siguro mga nasa 30's or 40's na ang mga ito. Tinititigan nila ako mula ulo hanggang sapatos habang nakataas ang isa nilang kilay sa akin. Ang tataray nilang tignan, kahit iyong mga lalaki ang tataray rin tignan. Kumbaga sa isang pelikula o drama, ako iyong bida tapos sila iyong mga kontrabida na gusto akong ipakulam.

"Hi po, good evening po..." nahihiya kong bati sakanila.

Isa-isa akong lumapit sakanila at nagmano na kanila namang ikinabigla.

"And whose this guy, elizabeth? Why did you bring him here?" ani ng isang lalaki na seryoso ang titig sa akin.

"Oh dad, mom, aunties, uncles, and board members...this is lance sebastian jimenez, my boyfriend."

Wala akong masabi, bigla akong sinapian nang espiritu ng kaba at hiya. Iyong paa ko parang sinimento sa sahig at lalo akong nahiya sa sinabi ni daniel, hindi man lang siya nabulol sa pagpapakilala sa akin na boyfriend niya ako sa harap ng mga mayayaman niyang kamag-anak.

"Is he?" ani ng isang matandang babae na madaming porselas.

"Yes, auntie. He is."

"I thought it would be bryce? I mean...he likes you for a long time right?"

"Yes elizabeth, I thought things are going well with bryce?" sabi naman ng isang matandang lalaki na katabi no'ng babaeng madaming porselas.

"Bryce and I, we're just co-workers and friends, that's all uncle."

"Hmm..." sagot ng tito niya na parang disappointed pa.

Halos lahat sila parang disappointed na ako ang pinakilalang boyfriend ni daniel. Sino ba kasi ang impaktong bryce na 'yon at halata naman sa pangalan ko na mas guwapo ako ro'n!

"Elizabeth, would you please help bryce accompany your grandmother? His waiting for her at the back, she'll be here any minute." sambit ng matandang lalaki na nakaupo sa kabisera.

"Okay dad...would you like to come?" ani daniel sa akin.

Pota, daddy niya pala 'yon! Mukhang kakainin ako ng buhay!

"He'll stay. We would like to get to know your boyfriend a bit more, darling." ani isang babaeng nakangiti na kamukha ni daniel, mommy niya yata.

"You'll be fine?" tanong ni daniel sa akin.

"Oo naman, hintayin mo na 'yong lola mo sa labas baka dumating na 'yon."

"Okay..." hinawakan niya ako saglit sa palapulsuhan tsaka lumarga.

Dapat ba sumama ako sakanya? Tama ba magpaiwan dito? Help me lord!

"So, mister..." ani no'ng daddy ni daniel.

Nakakakaba siya kausapin dahil bukod sa english speaking, eh, para siyang isang husgado kung makapagsalita.

"Lance sebastian jimenez po, sir."

Nakatayo pa rin ako rito sa gilid para akong nasa isang oral recitation na bawal umupo hanggat hindi nasasagot ng tama ang mga tanong.

"What is your job, young man?" tanong nito sa akin.

Nakatingin silang lahat sa akin inaabangan ang sagot ko. Nakatingin lang ako sa daddy ni daniel na seryoso ang tingin sa akin na akala mo, everything I say or do will be used against me. Mabuti pa iyong mommy niya nakangiti sa akin pero mabalik tayo sa daddy niya...nakakakaba iyong mga titig niya. Dinaig niya pa iyong panelist namin sa defense dati noong college.

"Ahmm, support specialist po sa B.I.R." sagot ko.

"Support specialist?"

"I.T related po, sir."

"An I.T! Hmm...interesting." patango-tango pa niyang banggit.

Gano'n rin iyong ibang matatanda. Mukhang all goods ako sa question number one.

"How about your parents? What do they do for a living? Are they into business?"

"Ahm...ex-politician po 'yong nanay ko."

"Ohhh!" pagkamangha nila.

"What position in the congress?"

"Dating kagawad po sa baranggay namin."

Bigla na lamang silang nagtawanan lahat, puwera 'yong isang lalaki sa dulo.

"How about your father? Ex-politician din ba, iho?" patuloy sa pagtanong ng daddy ni daniel.

"Dating driver naman po siya ng ex-politician..."

"Who did he drive?"

"Nanay ko po."

Nagtawanan ulit sila. Hindi ko alam kung all goods ba 'yon o hindi...iyong tawa kasi nila parang nang-aasar.

"Dating driver po siya pero may sarili na rin siyang sasakyan."

"A car?"

"Tricycle."

Tumawa na naman sila. Feeling ko iniinsulto na ako ng mga tawa nila...iniinsulto nila ang sagot kong makatotohanan.

"Where do you live, young man?" patuloy na tanong ng daddy ni daniel.

"Sa makati city po."

"Makati...a sub-division? Urban?"

"Squatters...area."

Halata sakanila ang pagkabigla at nagsisimula na rin ang mga bulungan ng mga matatanda sa mismong harapan ko.

"Young man, let me tell you this now. I do not approve of you being my daughter's boyfriend. I do not approve your relationship with her and that's it." seryoso niyang sambit, walang utal-utal.

Pota, bigla akong nalungkot doon. Bakit? Anong nagawa kong mali? Wala naman akong nasabing mali, ah? Hindi ko pa nga sila napapabilib sa talent ko!

"Pero bakit naman po sir, wala naman po akong nagawang mali..."

Nakatayo pa rin ako rito sa puwesto ko, iyong dalawa kong kamay nakatago sa likod ko, namamasa na nga yata dahil sa kaba.

"Can't you see yourself? Elizabeth isn't worthy of you. Sabihin mo sa amin kung ano ba talagang pakay mo, iho. Ang mahihirap na tulad niyo madaming gustong kunin, gusto mo hawakan ang business namin para mapaahon mo sa hirap ang pamilya mo? Gagamitin mo ang anak ko para makuha ang gusto mo? Tell me, what is your motive, young man?"

Hindi ko alam pero bigla akong napipe. Ito ang ayoko sa ibang mayayaman, eh, matapobre at masakit pa rito ay sinasabi niya na agad na parang isa akong magnanakaw. Siguro kung hindi lang siya daddy ni daniel nasagot ko na siya ng walang galang.

"I want you to leave this party early, you don't belong here." dugtong niya pa.

"I can't believe elizabeth picked this man over bryce, niel!" ani ng isang matapobreng babae na madaming porselas at makapal ang kolorete sa mukha.

Tsss...akala naman nila kinaganda nila 'yong porselas nila, eh, ang pangit naman ng ugali nila!

"I also can't believe it." ani daddy ni daniel.

Nakatayo pa rin ako rito sa puwesto ko habang kagat-kagat ang ibaba kong labi. Nagtitimpi ng inis.

"I'm sorry na-late ako hahahaha!" sambit ng bagong dating na matanda kasama ni daniel at ng isang lalaki.

Tumayo lahat ng mga naka-upo kanina. Siya siguro ang big boss nila.

"It's okay, ma, we saved you a sit." sabi ng daddy ni daniel habang tinuturo ang upuan na malapit sakanya.

Pinanood ko lang ang pag-upo ng matanda ng biglang may kumalabit sa akin.

"Why are you standing there? Sit here." ani daniel sa isang extrang upuan na katabi niya.

"That sit is for bryce, sit over there." sambit ng daddy niya sabay turo sa extrang upuan sa may dulo.

"But dad..." ani daniel.

"Okay lang, huwag ka mag-alala paborito kong puwesto talaga ang dulo." sinabi ko na lang para iwas gulo.

Lumipat ako sa upuan na itinuro ng daddy ni daniel, sa may bandang dulo katabi ang isang lalaki na naiiba ang kasuotan sakanila. Naka polong puti lamang siya at pantalon. Sinilip ko rin ang suot niyang sapatos at halatang mumurahin na imitation lang ito na nabibili sa bangketa na kagaya sa akin. Kumbaga siya lang yata ang normal sa mga tao rito.

"Hi po." bati ko sakanya.

"Ganiyan talaga 'yang mga 'yan, mahirap ka kasi..." mahinang sabi nito sa akin 'yong tipong kaming dalawa lang ang nakakarinig.

"Tito ka po ba ni daniel?" tanong ko.

"Daniel? Si elizabeth ba tinutukoy mo?"

"Opo."

"Ahhh...oo kaso hindi naman kami close, mahirap lang kasi ako. Allergic tatay niya sa mahihirap hahahaha!" mahina niyang pagtawa.

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Tinignan ko si daniel sa kabilang dulo, napakalayo niya sa puwesto ko...napakalayo niya talaga!

"This is bryce, the man whose more worthy! Hahaha!" sambit ng daddy ni daniel sa lalaking katabi ng anak niya.

Nakasuot ito ng mala Jack Dawson na damitan sa titanic. Nakakatawa, out of style pota wala sa uso!

"Oh! Ivan! Mabuti naman at nakadalo ka! Nasaan na ang pamilya mo? Bakit hindi mo kasama?" sambit ng lola ni daniel sa katabi ko.

"Ahh, hindi ko na pinapunta, ma, ayos lang na ako lang ang pagtawanan dito. Atsaka sandali lang rin ako, naghanda 'yong pamilya ko sa bahay." sambit ng katabi ko sa matanda.

"I see...I hope their doing well. I wish you happiness, my son."

"Thank you, ma. Happy birthday...pasensya na wala akong regalo."

"Pffft! We don't expect you to give her any gift kasi wala ka naman pera." ani daddy ni daniel.

"It's okay, ivan. You being here is a great gift to receive."

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero bigla na lamang may naglapag ng pagkain sa harapan ko. Isang waiter pala at naglapag siya ng isang pagkain na para bang isang subuan lang ubos na.

"Ivan, baka gusto mo magtake-out after, ipatikim mo naman sa pamilya mo ang pagkain ng mga mayayaman hahahaha!" sambit ng daddy ni daniel.

"Nako huwag na, ayoko mag-uwi ng bakas ng kayabangan sa loob ng pamamahay ko." rebat ng katabi ko.

Gusto kong i-cheer 'yong tito ivan ni daniel pero ayoko makisawsaw sa away ng pamilya nila. Ngayon ko lang din napansin na kaya pala ako pinaupo sa dulo ng daddy ni daniel dahil siguro ito iyong side ng mga mahihirap, pero hindi niya alam na may dalawang dulo palagi. Dito, mahirap na walang pera. Doon, mahirap dahil walang puso.

Unang tikim ko sa pagkain, hindi ko na agad nagustuhan. Iba talaga ang panlasa ng mga mayayaman! Nakakahiya pang kumain dahil baka isipin ng mga 'to patay gutom ako.

"So, ikaw iho, nagustuhan mo ba ang pagkain?" tanong sa akin ng lola ni daniel na akin namang ikinabigla.

"Ahh, okay lang po." nakangiti kong sagot.

Mas masarap pa luto ng nanay ko rito, eh.

"Well, Elizabeth told me about you. I hope you take good care of her."

"Ahhh..." napatingin ako sa daddy ni daniel na masama ang titig sa akin. "Opo..." dugtong kong sagot.

Napagpasyahan kong mag cr at feeling ko naligaw pa nga ako pagkatapos ko, eh. Nakalimutan ko kasi kung saan ang daan pabalik...letchugas!

"Sebastian!" sigaw ng isang babae sa akin.

Paglingon ko nakita ko si daniel na papalapit sa akin.

"I thought you went home without saying goodbye..." malungkot nitong sambit.

"Nako, naligaw lang ako! Nakalimutan ko iyong daan pabalik." wika ko habang nagkakamot pa sa batok kahit hindi naman makati.

"Are you hungry?" tanong niya.

"Huh? Kakakain ko lang 'di ba?"

"You didn't eat, you just touched the food. You don't like it, right?"

"Oo, eh, hindi ko talaga bet, pasensya na..."

"It's okay, I don't like it either."

"Nagugutom ka rin ba?"

Tumango tango siya habang nakanguso.

"May nakita ako kanina sa labas may malapit na angel's burger, puwede na 'yon...gusto mo? Mas bet ko 'yon kaysa sa handa rito sa totoo lang hahahaha!"

"Okay, let's sneak out?"

Inilahad niya ang isa niyang kamay sa akin at akin itong kinuha. Dahan-dahan kaming lumabas sa venue ng walang nakapansin.

•••

Konting lakad lang ang ginawa namin upang marating ang isang stall ng Angel's burger. Buti nga bukas pa sila ngayong gabi. Bumili ako ng isang cheese burger tutal buy one take one naman ito kaya nakatipid din tapos isang coke mismo sa akin at mineral water kay daniel. Iyong tindera kanina pa sumusulyap sa aming dalawa, nagtataka yata sa amin kasi naman iyong suot namin pormadong-pormado tapos kakain lang pala ng angel's burger.

Pinatong ko sa hita ni daniel ang coat ko upang hindi ulit siya malamukan.

"Clothing brand pala business niyo..." sambit ko sakanya dahil hinihintay pa namin maluto 'yong burger.

"Yes, inherited...something like that."

"So, nagdedesign ka rin ba ng damit?"

"I do sometimes."

"Ano 'yon, saan ka kumukuha ng inspirasyon? Hindi ba mga nagdedesign naghahanap din ng inspirasyon?"

"Yeah, If I needed a design I always go to the museum for inspiration."

"National museum?"

"Yes, museum of fine arts mostly. I sometimes find inspiration in paintings there and I think I always wanted to see Juan Luna's works there."

"Ahh, very artisty, ha!"

Inabot na sa amin no'ng tindera iyong burger at drinks.

"May tanong pala ako sa'yo, daniel." seryoso kong sabi habang ngumunguya ng burger.

"What is it?"

"Iyong tito mo...iyong tito ivan mo...bakit parang hindi niyo siya close? Bakit parang galit 'yong daddy mo sakanya?"

"Ohh, tito ivan? Well, I don't really know what happened between them but daddy told me he betrayed him and the company almost got bankrupt...and later on, dad found out that tito ivan stole the money and started a family and a business but they ended up broke."

"Ahh, so, galit 'yong daddy mo sa tito ivan mo. Pero bakit hindi mo siya pinapansin?"

"Because if I do my dad would get mad at me and he even told me to never talk to them."

"Kapag galit ang daddy mo sa kamag-anak niya dapat siya lang iyong galit hindi iyong idadamay pa kayo...na dapat galit din kayo sakanila, kasi ang pangit no'n tignan."

Hindi siya kumibo kaya nagpatuloy na lamang ako sa pagkain ko ng burger at gano'n din siya.

"What did they say to you...when I was gone?" tanong niya.

"Ahhh..." napahinto ako sa pagkain at lumagok ng coke sandali. "Wala naman...ang babait nga nila, eh, grabe." pagpapatuloy ko.

"Are you sure? They didn't...nevermind." aniya sabay kumain nang burger.

Minsan hindi ko maintindihan si daniel. Maiintindihan niya kaya ako kapag sinabi ko 'yong totoo? Kanino kaya siya kakampi? Natural sa pamilya niya. Palagi naman inuuna ang pamilya sa kahit anong bagay...kahit minsan mali na.

Natapos ang pagkain namin sa Angel's burger. Nag-isang beses pa nga ako kasi namiss ko lang ang lasa atsaka mas masarap pa 'yon kaysa ro'n sa nakahain sa venue.

"Osya...kailangan ko na palang umuwi baka mahirapan na ako sa biyahe, baka sa daan ko pa maabutan ang new year."

Nakatayo kami sa labas ng venue. Isinaoli na rin ni daniel sa akin ang coat.

"Wouldn't you like to say goodbye to them before you leave?"

"Huh? Ahhh..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi wala naman silang pake sa akin kung aalis ako.

"Elizabeth! Where did you go? They're all worried! They thought you were..." biglang sulpot no'ng lalaki na pinagmamalaki ng pamilya nila daniel.

"They thought what? I have eloped with sebastian?" ani daniel.

"Nevermind that, let's get you inside. They're worried as hell! Your father mostly..."

Hinawakan no'ng bryce si daniel sa dalawang balikat nito.

"Wait bryce, I have to say goodbye to sebastian. I'll wait for him to catch a cab, you go inside first, okay?"

"Hindi, ayos lang daniel! Kaya ko mag-isa! Nag-aalala na iyong mga kamag-anak mo sa loob baka isipin talaga nila tinanan kita hahaha!"

"Are you sure?" tanong ni daniel sa akin na medyo nag aalanganin pa.

"Oo naman! Sige na pumasok ka na ro'n...sumama ka na sakanya. Happy new year na lang kamo sakanila!"

"Tell your family that I wished them a happy new year too."

"Noted!"

Pinanood ko lang ang pagpasok nila sa loob. Sa tuwing lilingon sa akin si daniel, kumakaway ako at nginingitian siya. Pero kapag hindi, nalulungot ako bigla.

Aalis na sana ako no'ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Sebastian! Wait!" boses ng lalaki kaya napalingon ako agad.

"Bakit?" irita kong tanong.

Hawak-hawak niya ang kaniyang pitaka na gawa sa leather at may kinuhang isang libo.

"You might need this. Elizabeth told me she drive you here and she's worried na baka wala kang pamasahe."

Tinignan ko lang ang lalaki sa aking harapan. Baka tama nga si nanay...dapat nag-ahit ako. Kasi napaka linis ng mukha niya! Ang ayos ng buhok niya at halatang naghair spray pa. Halata rin sa itsura niya na matalino siya at business minded at higit sa lahat amoy mayaman din siya. Siya ang lalaking version ni daniel...nasa kanya na rin ang lahat. Anong nga bang laban ko sa isang kagaya niya?

Pinagsikapan ko naman din mag-ayos at magmukhang presentable ngayong gabi...magmukhang gwapo gano'n...pero bakit parang ang pangit ko pa rin?

"Here, take this."

Inilagay niya sa kamay ko ang isang libo at bigla ng umalis.

Ginusot ko ang isang libo sa palad ko at binato ito sa sahig.

"Tsss! Anong akala nila...wala akong pera?!"

Isinabit ko ang coat ko sa aking balikat at tsaka umalis. Kaso no'ng natauhan ako ng kaunti ay bumalik ako ro'n upang kuhanin iyong isang libo.

"Sayang, baka makuha ng iba."

Mga 11:45 na ako nakauwi dahil pahirapan na agad ang biyahe mga alas nuebe pa lang. Pinagtitinginan pa nga ako sa jeep kanina kasi ang angas ng porma ko tapos sabay nagco-commute lang.

"Oh! Kumusta naman?" bungad na tanong ni nanay pagka-uwi ko.

"Hay! Ibang-iba pamilya nila, nay. Sabi nga pala ni daniel happy new year na lang daw."

"Bongga ba 'yong celebration nila?"

"Oo, puro mga rich people! Nakaka out of place! Ang daming porselas no'ng iba, nakakasilaw! Sakit sa mata!"

"Mayayaman kasi!"

"Pero sa tingin ko nasilaw rin sila ng kayamanan nila...osya! mag-aabang na ba tayo sa fireworks sa labas?"

"Nandoon 'yong tatay mo sa bandang kanto nila aling perla, inihanda na nila 'yong fountain doon!"

Lumabas ako ng bahay at tinungo ang kanto nila aling perla. Nakita ko sina tatay, kuya steven, at kuya sevestre sa gitna ng kalsada nakatayo sa tapat ng isang firework fountain.

"Baka makasunog kayo niyan, ah!" sambit ko no'ng makalapit ako sakanila.

"Tanga hindi 'yan, hindi naman gano'n kalakas 'to!" ani kuya sevestre.

"Kumusta pagiging legal?" tanong ni kuya steven.

"Hmm...ahmm...ayos lang." alanganin kong pagsagot.

"Bakit parang hindi?"

"Huh? Pinagsasabi mo...baliw!" pagsisinungaling ko.

Tinignan ko si tatay na seryosong nakatingin sa mga batang nagtotorotot.

"Tay, suotin niyo nga 'to!"

Sinuot ko sakanya ang coat na nakasabit sa balikat ko kanina pa.

"Hahaha! Ayan mukha ka ng semi-poor asian! Don sevi ng looban!" sigaw ko.

"Hahahaha! Bagay, tay! Bitbitin mo 'yong isa mong manok tapos picture-an ka namin!" ani kuya sevestre na ginawa naman ni tatay.

Maya-Maya pa, naglabasan na ang mga tao. Rinig ang sigaw ni ricky bilang countdown shouter sa lugar. At nang sumapit ang alas dose, nag gagandahang mga fireworks ang makikita sa langit. Nagsimula na rin sindihan ang fountain ni kuya steven. Sila miranda at esperanza naman parang mawawalan nang hangin dahil sa pagtotorotot nila. Kaniya-kaniyang source of kaingayan ang mga tao, bukod sa torotot may mga naghahampas din ng sandok sa kaldero. Sina kuya noy naman nagpaagaw pa ng barya sa tapat ng bahay nila. Iyong ibang mga bata tumatalon akala naman nila talagang tatangkad sila kapag ginawa nila iyon. Maingay at makulay ang bagong taon na ito.

"HAPPY NEW YEAR!" sigaw ng mga tao sa looban.

Panibagong taon, panibagong hamon na naman ang dadating sa bawat isa. At kung ano man ang dadating na hamon sa amin...sana ay kayanin naming lahat.

"HAPPY NEW YEAR SAINYONG LAHAT! INUMAN NA!" sigaw ko.

Sasalubungin ko ang taon nang lasing habang suot itong tux. Tama sebastian, gano'n dapat! You are built to be epic! be epic! Mahirap lang kayo pero masaya naman...ayon naman ang importante palagi!

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro