Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16


Normal na usapan

•••

Lumipas ang pasko, nakisalo rin sa amin si daniel noong noche buena. Nalalapit na naman ang media noche at ang buwan ng enero, bagong taon na naman at sa bawat pagsapit ng taon palagi na lamang may nangyayari sa mundo na nagpapabigla sa mga tao.

At hindi ko pa alam kung anong plano ni daniel sa nalalapit na media noche, gusto kasi siyang imbitahan ni nanay na sa bahay na lang siya magcelebrate...gano'n na siya kalapit sa pamilya ko at kilala na rin siya sa looban namin.

"Hindi ka pa rin ba bibili ng motor mo?" tanong ni erick.

Pababa kami ng hagdan dahil tapos na naman ang trabaho namin sa araw na ito.

"Mukha bang nakapag-ipon na ako ng madami? Atsaka nagbago na plano ko...hindi na ako magpapatayo ng bahay..."

"Oh, ano na?"

"Bibili na lang ako ng bahay para sa pamilya ko."

"Ano ba 'yan lance, unahin mo kaya muna sarili mo, ano? Hindi naman masama kung unahin mo ang sarili mo...hindi masama maging makasarili minsan!"

Hinawakan ko ang isang braso ni erick habang nagpapatuloy sa pagbaba sa hagdan.

"Erick, ibabahagi ko sa'yo iyong sinabi ng tatay ko sa akin noong bata pa ako..."

"Ano naman 'yon?"

"Ang buhay ay tungkol sa prayoridad.  Taon taon, araw-araw, at kahit minu-minuto, kailangan mong yakapin kung ano ang mas mahalaga at mahalaga para sa iyo...at huwag kang lumingon. Kapag hindi naiintindihan o pinayuhan ka ng iba para sa iyong pagpipilian, huwag mo itong pansinin dahil parang sinasabi nila sa iyo na ang gusto nila ay mas makabuluhan kaysa ro'n sa iyo!"

Hinawakan naman ni erick ang isa kong balikat.

"Ito naman sabi ng tatay ko sa akin, iyon ang problema kapag inuuna mo palagi ang iba kaysa sarili mo, itinuturo mo sakanila na pangalawa ka lang palagi!"

"Kingina, pre, hindi yata puwede sa isang inuman session ang mga erpat natin, ah?"

"I second the motion, lance. I second the motion."

"Motion carried."

Pagdating namin sa may fountain nakaupo na ro'n si daniel, kinukuyakoy ang kaniyang mga paa na parang bata at syempre para sa akin napaka cute niya tignan!

"Kanina ka pa rito?" tanong ko sakanya no'ng makalapit.

Napatayo siya at pinagpagan ang likuran ng kaniyang suot na palda. Hindi ko alam kung anong tawag sa suot niya pero kulay light pink na long sleeves ito na may ribbon na nakatuck-in sa palda niyang parang checkered na hanggang tuhod. Naka heels na naman siyang black at may bitbit na maliit na bag.

"Hi, erick." bati niya kay erick na nakatayo sa tabi ko.

"Hello daniel, osya maiwan ko na kayong dalawa ayoko maging third wheel niyo...masyadong masakit sa damdamin at sa mata."

"Umalis ka na ngayon, istorbo ka!" pagtataboy ko sakaniya.

Nagpaalam sa amin si erick at tumungo na sa parking lot para kunin ang motor niya.

"So, kanina ka pa ba?" tanong ko ulit kay daniel.

"No, I'm just a minute early."

Kinuha ko ang isa niyang kamay at hinawakan 'yon. Napakalambot talaga ng kamay niya...siguro tamad siya? Gano'n daw kasi 'yon. Sabagay mayaman siya, may taga-laba at taga-hugas sila sa bahay nila panigurado.

"Kumusta naman ang araw mo ngayon?" tanong ko sakanya.

"Busy but it's fine. How was yours?"

"Hmm mala-mala, fifty-fifty, pero no'ng nakita na kita nawala na 'yong pagod ko."

Napangisi siya at hinampas ako ng mahina sa braso.

"Tara street food date?" pag-aya ko.

"Well, actually I was gonna tell you something important."

Pota, ano naman kaya iyong importante niyang sasabihin? Buntis siya? Pero imposible 'yon! Wala pa ngang nangyayari sa amin! Halikan pa nga lang, eh, hindi naman nakakabuntis ang laway!

"Ano naman 'yong sasabihin mong importante?"

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Kay nanay lang ako kinakabahan ng ganito kapag kailangan ko siyang papuntahin sa school dahil na-guidance ako pero si daniel ito...bihira lang siya magsabi ng mga importanteng bagay!

"We're having a family gathering to celebrate the new year's eve and I want you to be there so that I can introduce you to my family."

"Sa thirty-one? Hmmm...kailangan ba hanggang countdown nandoon ako? Importante kasi sa pamilya ko na kumpleto dapat ang pamilya kapag sasapit ang new year, eh,"

"No, you don't have to stay longer. I just want you to meet them, you can go home as you please after that."

"Sige, saan ba? Sa bahay niyo?"

"The venue will be in a private event hall here in pasay."

"Hindi ako pamilyar sa mga lugar dito sa pasay..."

"It's okay, I'll fetch you."

"Susunduin mo ako? Mula sa amin?"

"Yes, I'll drive."

Buti naman kasi medyo low on budget ako dahil no'ng nagdaang pasko. Pesteng mga inaanak! Hindi man lang ako natutuwa tuwing pasko! Dapat iyong mga inaanak 'yong nagdadala ng regalo sa mga ninong at ninang, eh, kami na nga napilit kami pa magbibigay? What kind of sorcery is that? Hay buhay!

"But first, let's go to the mall." aniya na parang boss.

"Bakit? Ayaw mo ba mag street food date ngayon?"

"We'll have to find you a tux or a suit."

"Bakit? May js prom ba? Grad ball? Debut?"

"No silly, that's the dress code for the party. Come on!"

Hinatak niya ako at nagsimula na kaming sumakay sa isang taxi papuntang MOA. Pagkarating namin sa loob ng mall, may pinasukan kaming isang shop.

"I think this will look good on you!" masayang sabi ni daniel habang hinaharap sa akin ang isang set ng tux. "Try it!" utos niya kaya sinunod ko naman.

Kinuha ko ang damit at tinungo ang fitting room. Hindi talaga ako sanay sa mga ganito, madalas bumibili lang  ako ng damit online, sa ukay-ukay, sa bangketa, minsan iyong mga bigay pa ni lucas na printed niyang baybayin t-shirt.

Humarap ako sa salamin dito sa loob ng fitting room.

"Ano bang mali sa suot ko? Alaws naman, ah?" wika ko sa sarili ko.

Naka suot ako ng pantalon, low-cut vans, itim na plain t-shirt na napapatungan ng long sleeves na checkered na kulay red at black.

"Simple lang, napaka perpektong nilalang pa rin." pagyayabang ko sa harap ng salamin bago sukatin ang tux.

Paglabas ko ng fitting room, bumungad agad sa akin si daniel  na nakahalukipkip at tinititigan ako mula buhok hanggang sa dulo ng suot kong low-cut vans.

"Sa tingin mo?" tanong ko.

Katabi rin niya ang isang babaeng sales clerk na tinititigan rin ako mula buhok hanggang sa dulo ng suot kong low-cut vans.

"What do you think, ms. valdez?" tanong no'ng sales clerk.

Umikot-ikot pa ako para makita ni daniel ang sukat.

"Hmmm...I think our grey black high-end suit vest, suits him well." ani daniel sa katabi niyang babae.

"But I think there's something missing..." nagsimula ulit maglibot si daniel sa store.

Napatingin ako sa sales clerk.

"Bagay ba talaga? Hindi naman ako mukhang may pupuntahan na js prom, noh?"

"Hahaha hindi po sir, bagay po talaga sa inyo. Bago ka po bang model sa company namin?"

"Company niyo?"

"VZ Co. hindi po ba kayo ang bagong model na pinasok ni ms. valdez?"

Napa-iling lang ako sakanya.

"Pagmamay-ari nila 'to?" tanong ko.

"Hindi niyo po ba alam? Isa po ito sa mga branch nila."

"Ahhh..."

So, ang company pala nila daniel ay isang clothing brand. Ngayon ko lang nalaman...hindi kasi sinasabi ni daniel sa akin. Sabagay hindi ko rin naman kasi tinatanong. Si daniel kasi iyong tipo ng babae na hindi niya sasabihin hanggat hindi mo tinatanong sakanya.

"This will complete your outfit." ani daniel no'ng makabalik siya at may bitbit na itim na coat.

"De-aircon ba 'yong venue?" tanong ko sakaniya.

"I think so..."

Nakalong sleeves na, naka vest na, tapos may coat pa? Hindi kaya mangamoy ako ro'n kapag sobrang init? Hay nako para kay daniel at sa magiging future pamilya ko alaws angalan!

Hinubad ko na 'yong sinukat ko at si daniel ang nagbayad para ro'n...ewan ko kung nagbayad ba siya? Kanila naman 'yon, eh?

"Next, we need to buy you a pair of black shoes. I'm sorry sinta, but I don't think a low-cut sneakers is perfect on those outfit."

Hindi ko na lang pinansin 'yong iba niyang sinabi kasi pagkatapos niya akong tawaging sinta, nabingi ako bigla.

"Ayos lang sinta, ikaw bahala sa akin, ikaw boss ko, eh!"

Kinuha ko ang paper bag na pinamili niya at magkahawak kamay kaming lumabas ng shop nila at naghanap ng store para sa black shoes.

•••

"Ayos ba, nay?" tanong ko kay nanay na busy sa pagluluto sa kusina.

Desperas nang bagong taon at ngayon ang gabi ng family gathering nila daniel na aking pupuntahan upang maging legal na kami in both families para ang susunod na hakbang na ay ang kasal. I.T graduate ako kaya advance thinker talaga!

"Aba sebastian...ikaw ba talaga 'yan?" ani ate melanie.

Kumpleto ang pamilya sa bahay ulit at nangako ako sakanila na uuwi ako bago mag alas dose.

"Chillax ate melanie, ako lang 'to! Baka makalimutan mong may asawa ka na dahil sa nakakaakit kong itsura, karisma, at porma, ha?" pagmamayabang ko.

Natawa lang si ate melanie sa sinabi ko at hinampas ako ng hawak niyang bimpo.

"Anak ng tinapa ka naman, sebastian! Hindi ka man lang nag-ahit!" sita ni nanay sa tumutubo kong bigote.

"Nay, kasama 'to sa paglaki at pagtanda ng mga lalaki! Atsaka hindi ako anak ng tinapa, anak mo ako! Pero sabagay, minsan amoy tinapa ka rin..." pinalo ako ni nanay dahil sa biro kong iyon.

Suot ko ang binili sa akin ni daniel na tux. Nakasabit sa balikat ko ang coat. Naligo rin ako sa pabango ni kuya sevestre na Victoria's Secret Pure Seduction. Syempre hindi ko sinabi sakanya kasi baka suntukin ako no'n...atsaka mas mabango kasi 'yon kaysa sa Axe at downy passion.

"Oh, saan sagala?" sambit ni kuya steven pagkapasok sa kusina.

"Makikisalo si bunso sa pamilya ni daniel." ani nanay.

"Siya lang? Hindi tayo imbitado?"

"Bakit? Kayo ba boyfriend ni daniel?" sambit ko.

Bigla naman pumasok si kuya sevestre sa kusina kasama si esperanza.

"Bakit amoy mabango?" wika ni esperanza habang sumisinghot singhot sa ere.

"Nasa kusina ka, baka 'yong luto nila nanay naaamoy mo?" wika ko.

"Hindi amoy luto...parang amoy pabango?"

"Parang pamilyar iyong amoy..." sambit ni kuya sevestre.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking suot na pants.

"Oh, tignan mo nga naman...nasa labas na raw si daniel! Osya, puntahan ko na siya ro'n. Paalam, kitakits na lang mamaya!"

Nagmadali akong umalis sa kusina at lumabas ng bahay. Mahirap na kung mabuking ni kuya na ginamit ko iyong victoria's secret niyang pabango...mahal pa naman yata 'yon.

Habang naglalakad sa looban, tinitignan ako ng mga kapitbahay namin. Ngayon lang yata nakakita ng guwapo na mas lalong gumuwapo!

"Hoy sebastian! Pangmayaman pormahan mo, ah?!" sambit ni ricky, na nakatambay na naman kasama sila kuya nonoy at kuya pedring.

"Aga niyo mag-inuman, ah? Aabot kaya kayo ng bagong taon niyan?" wika ko, sabay turo sa isang case ng alak sakanilang tabi.

"Ano ka ba, decoration lang 'yan! Mamaya pa namin reresbakan 'yang isang case hahaha!" sabi ni kuya pedring.

"Lumayo-layo ka lang pre baka masalo mo 'yong usok..." wika ni ricky na nag-iihaw ng bangus.

"Osya, larga na ko, makikisalo na lang ako sainyo mamaya. Makikilala ko na kasi ang future mommy at daddy ko, eh, hahahaha!"

"Bakit i-le-legal ka na ng syota mo?" tanong ni kuya noy sa akin.

"Ngayong gabi nakatingin kayo sa isang binata na pinagpala sa lahat...wish me luck mga kuys!"

"Goodluck, pre!" ani ricky.

"Goodluck sebastian, sana suwertehin ka sa magiging biyenan mo!" sambit ni kuya pedring.

"Isa pa naman hamon sa buhay ay ang pagkakaroon ng biyenan. Lagi mong tatandaan sebastian, bihira lang magkasundo ang biyenan at manugang!" saad ni kuya noy.

Hindi ko na lamang pinansin iyong sinabi ni kuya noy dahil nakatanggap ako ng message mula kay daniel na nakarating na siya para sunduin ako.

Agad kong tinungo ang labasan ng eskinita at sumakay sa kotse niyang kulay itim na BMW X1.

Magpaturo kaya ako kay ricky magmaneho ng kotse? Nakakahiya naman kasi na si daniel pa nagda-drive para sa akin, pota. Kaso usapan namin ng F4 dapat lahat kami riders...ako na lang pala walang motor...hay nako!

"You okay?" tanong ni daniel dahil hindi ko namalayan na nakatulala pala ako sa kawalan.

"Ha? Oo naman! Hindi lang ako makapaniwala na girlfriend kita, eh, ang ganda-ganda mo! Lalo na sa suot mo ngayong gabi...ano nga pala ang tawag diyan sa suot mo?"

Makinang ang kaniyang suot na para bang may glitters ito at maikli rin halos hanggang hita niya...kita rin sa suot niya ang kaniyang cleavage.

Pota, napupuno siya ng pagmamahal...sinalo na niya yata lahat ng blessing sa mundo! Ang suwerte mo talaga lance sebastian, ang suwerte mo!

"Oh, this? It's a rose gold bindy sequin mini dress."

Ipinatong ko sa hita niya ang coat ko. Baka kasi malamukan siya tapos magkaroon ng pantal 'yong makinis niyang hita.

"Why? You don't like my outfit? Is it too revealing? Should I change it?" nag-aalala niyang tanong.

"Huh? Nako! Hindi mo na kailangan magpalit bagay nga sa'yo, eh, napaka sexy mong tignan!"

"Are you sure you're okay with what I'm wearing right now?"

"Oo naman, atsaka hindi kita pagbabawalan sa mga gano'ng bagay tulad sa pananamit mo. Suotin mo kung anong gusto mong suotin sinta, pero lagi mong tatandaan na lahat ng bagay may limitasyon. Atsaka may tiwala ako sa iyo kaya ayos lang...basta mag-ingat ka lang palagi."

"Did tatay say those words to you?"

"Oo sinabi sa akin ni tatay 'yon no'ng bata ako...mga tatay sayings."

"What if...I got...raped...by wearing this clothes? What---"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil sumagot na agad ako.

"Una sa lahat, hindi ako papayag na mangyari 'yon sa iyo, poprotektahan kita! Just call my name and I shall be there! At kung mangyari man iyon sa iyo na sana hindi talaga..." pagkasabi ko no'n napakatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kotse. "Huwag mong sisisihin ang sarili mo kung bakit ka nagsuot ng ganiyang klase ng damit. Hindi mo kasalanan ang lahat at hindi kasalanan ng pananamit mo iyon. Lasing o hindi ka lasing, hindi mo kasalanan iyon!" dagdag ko.

"Then whose fault was it?"

"At diyan papasok ang pangatlo. Huwag gawing kongklusyon na lahat ng lalaki ay rapist."

"What?" kumunot ang noo ni daniel. "Why?"pagtataka niyang tanong sa akin.

"Dahil hindi porket lalaki, eh, rapist na. Hindi lahat ng lalaki ay rapist, potentially...may kakayahan ang lalaki na gawin iyon but rapist rapes people. Ma babae, lalaki, matanda o bata. The rapist should be blame, hindi lahat ng lalaki...dapat iyong involved lang. Some men knows how to control their sexual urges naman." pagkasabi ko.

"Kaya dapat mag-ingat palagi. Magulo ang tao, hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa mga isip ng kapwa natin, lalaki man o babae o kahit anong gender. Dapat mag-ingat palagi kasi hindi na tayo kayang protektahan ng batas o kahit na ano o kahit na sino kundi ang sarili lang natin. Lalo na kapag mahirap ka, wala talagang tutulong sa'yo, kalaban mo lahat ng tao." dugtong ko.

"Well, you're making one of my beliefs a little blurry now." nakangiti  niyang sabi.

"Anong belief?"

"That all men are potential rapist..."

Napahinto siya dahil sa traffic, tumingin siya sa puwesto ko at nagtama ang aming mga tinginan.

"...but with you, I feel safe."

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro