Kabanata 15
Umusad na
•••
Maaga ako umalis sa condo ni daniel. Natulog siya sa kuwarto niya at ako naman sa sopa. Kung tutuusin mas ayos kung magkatabi kami, hindi ko naman siya gagalawin, hahagkan ko lang siya ng mahigpit.
Hindi ko na siya inabala pang gisingin at dahan-dahan na akong umalis. Dumiretso na ako kina niccolo no'n dahil nasa bahay niya ang gamit ko. Nakikape na rin ako sakanila at naki-ligo, nanghiram pa nga ako ng t-shirt at boxer sakanya. Baybayin t-shirt na kulay maroon ang sinuot ko.
Nagsimula ang araw ko sa trabaho ng masaya at makulay ang aking awra. Ang aking ngiti ay malapad na makikita sa aking mukha. Pangalawang beses na nangyari ito sa akin sa trabaho, unang beses ay no'ng unang araw ko sa trabaho.
"Anong kaluluwa ang sumapi sa'yo ngayon?" sambit ng katabi kong si erick.
"Huh? Bakit?" nakangiti kong saad sakanya.
"Gagu ang creepy mo! Ilang demonyo sumapi sa'yo ngayon? Tignan mo kino-code mo!" sabay turo niya sa screen ng pc ko.
from pynput.keyboard import key, Controller
import time
keyboard = Controller()
time.sleep(5)
messages = "I love you Daniel Sinta ko"
while (True):
for i in messages:
keyboard.press(i)
keyboard.release(i)
time.sleep(0.03)
keyboard.press(key.enter)
keyboard.release(key.enter)
time.sleep(0.04)
"Ano 'yan? Ultimate looping ng I love you daniel sinta ko? Non-stop?" sambit ni erick.
"Huwag mo ngang binabasa! Sinta ko siya, mahal ko siya, akin siya!"
"Hay nako, lance! Hindi naman sa tutol ako sa pagiging malandi at marupok mo atsaka hindi rin naman masama na kiligin habang nasa trabaho pero sana matuto kang magfocus. Madami pa tayong gagawin, tsaka ka na magdiwang sa umusad mong love life kapag natapos na natin 'to!"
May punto si erick doon, dapat matuto rin ako maging professional. Magaling naman ako mag multi-tasking! Umaga dapat trabaho lang at pagsapit ng gabi ay landian na kasama si daniel.
"Pasensya na erick, ha, masaya lang talaga ako ngayon." sabi ko habang binubura ang buong code na i love you daniel sinta ko.
"Halata nga, tanungin mo nga si daniel kung may ma-i-rereto siya sa akin? Halata naman madami siyang kaibigan. Baka lang naman, para tayong dalawa parehong nakangiti sa trabaho!"
Hinawakan ko ang isang balikat ni erick at tinapik-tapik ito.
"Ano ka ba pare, ang tadhana ang kusang magbibigay sa'yo ng taong para talaga sa iyo...maghintay ka lang kasi!" sambit ko.
"Sira! Hindi na gano'n ngayon! Dapat kinokontrol mo na ang sarili mong kapalaran kasi kung hindi, may ibang taong kukuha no'n sa'yo!"
"Alam mo kasi erick, mahina ka kay lord."
"Anong mahina?"
"Gumaya ka sa'kin, sabi ko, lord kung hindi mo siya ibibigay sa akin, ibigay mo na lang ako sakanya! O tignan mo ngayon sino hindi na single?"
Hinawi niya ang aking kamay na nakapatong sakanyang braso.
"E di ikaw na blessed, pota ka." inis niyang sabi.
Lumipas ang tatlong linggo, napagpasyahan ko na itigil ang pag-o-OT upang makipag street food date kay daniel dahil wala na kaming masyadong time sa isa't-isa puro lang kami messenger dinaig pa namin ang LDR kahit magkatapatan lang naman ang building ng trabaho ko at ng condo niya. Binalikan namin ang mga binilhan namin dati ng mga street food habang magka-ugnay ang aming mga kamay.
"Manong!" sigaw ko sa tindero ng fishball nang makita namin siyang naglalako sa may bangketa.
"Oh, kayo! Namumukhaan ko pa kayo! Kayo na ba?" tanong ni kuyang tindero.
Ipinakita ko sakanya ang magkahawak naming kamay.
"Hay! Congrats sainyo sana magtagal kayo, ah!" bati niya.
"Hahaha oo naman po kuya, hindi ko na pakakawalan ang isang 'to!" natatawang ko sabi ta's mahina akong siniko ni daniel...shy type siya.
Bumili ulit kami ng kwek-kwek at kikiam sakaniya.
"Alam mo kuya, sa tingin ko may talab ang sauce mo kaso mabagal lang ang epekto..." wika ko habang kumukuha ng fishball.
"Bakit hindi ka ba niya sinagot agad?" tanong nito sa akin habang inaayos ang mga plastic cups.
"Mga walong buwan pa tinagal pero ayos lang sinagot naman ako, eh, 'di ba sinta?" sabay tingin ko kay daniel. Hinampas ako ng mahina nito sa braso, ganiyan siya kapag nahihiya.
"Subukan niyo naman ang gulaman ko, ginamitan ko ng pagmamahal 'yan na siguradong pang matagalan ang bisa sa magsyotang iinom!" pagsales talk na naman ni kuya sa amin.
"Pota kuya, ano 'yan may motolite? May magic ka bang binudbod d'yan?"
"Pangmatagalan 'to...ayaw mo ba?"
"Sampung piso kuya, dalawa!"
•••
Sumapit ang nobyembre at lalong naging busy sa trabaho dahil nalalapit na naman ang buwan ng desyembre. Bihira na naman kaming magkita ni daniel dahil sa tuwing ako ang busy, siya hindi. At kapag siya naman ang busy, ako hindi. Hindi nagkakatyempuhan ang aming schedule!
"Lance, erick, OT kayo ulit hanggang ten kailangan maayos ang server ngayon para magamit agad bukas." sambit ng visor namin.
"Yes po, sir." tugon namin ni erick.
Lumabas ako ng server room at tinungo ang banyo. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng suot kong pantalon.
utak sebo: mga tol OT ulit dito...aayusin yung bagong server :'( pasensya na ha, godbless sa akin.
nico nico nii: nakakaiyak naman pala yan lance grabe #SOCO
jaq ass: buti nga sayo hahahahaha #KMJSGabiNgLagim
lucalucas: #RaffyTulfoInAction HAHAHAHA
utak sebo: hayup talaga kayong tatlo!
Hindi ko pa rin napapakilala sa tatlo si daniel. Wala kasing oras, hindi ko matyempuhan kahit weekends dahil si niccolo may pasok sa trabaho. Si lucas ay part time I.T instructor tuwing sabado. Si jaq naman panigurado nag ba-bonding sila ng anak niyang si art. Ang hirap sumegway sa mga busy nilang buhay! Dinaig pa nila artista!
"Hay nako! OT na naman!" bulyaw ko at pagkatapos ay naghilamos na ako ng mukha.
No'ng mga nakalipas na araw puro kami set up at buhatan ng mga PC set kaya hanggang ngayon ay masakit pa rin ang likod ko. Wala nga yatang talab ang salonpas, eh, nararamdaman ko pa rin ang hirap ng adulthood potek!
Pagbalik ko sa server room, nag-umpisa na kami ayusin ang server. Buti na lang pre-installed na ang OS ng network kaya kailangan na lang namin i-configure. No'ng college pa naman ako pinaka ayoko ang networking subject namin tapos ito pala magiging trabaho ko ngayon? Karma is yawa and it's real!
Pasado alas dose na kami natapos dahil nag-aya pa ng coffee break 'yong visor namin. Inutusan pa kaming i-check 'yong mga UPS dahil palagi itong problema ng ibang empleyado. Masakit pa naman sa tainga ang beep no'n.
"Aangkas ka na ba sa akin?" alok ni erick, nakabili na kasi siya ng motor niya samantala ako nag-iipon pa para sa bahay.
"Hindi, sige mauna ka na."
"Paano ka? Magko-commute ka? Anong oras na kaya!"
"Grabe erick, maraming salamat sa pag-aalala sa akin pero sana ma-isip mo na hindi mo ako syota at kaya ko na ang sarili ko."
"Bahala ka nga r'yan..." sinimulan niya ng paganahin ang makina ng motor niya. "Osya, una na ko pre. Ingat ka sa pag-uwi mo."
"Sige sige paalam, ingat sa pagdrive, iwasan ang katangahan sa kalsada."
"Sira!"
Pagka-alis ni erick sa harapan ko, kinuha ko ang cellphone ko at aking chi-nat si esperanza habang naglalakad, buti na lang online pa siya.
Lance Sebastian Jimenez: hindi ako uuwi dyan sabihin mo kay nanay baka magalala sa pinakamamahal niyang bunso
Esperanza Alejandres: ano ka baby? ang himbing nang tulog nila kaya bahala ka na sa buhay mo!
Lance Sebastian Jimenez: Oo baby nila ako! Peste kang bata ka! Bumagsak ka sana this sem!
Grade conscious kasi si esperanza, akala naman niya 'yong grades niya ay dadalhin siya sa langit...sabagay palagi siyang puyat sa pag-aaral, ayon yata magdadala sakanya sa kamatayan, kawawang bata.
Lance Sebastian Jimenez: Sinta, gising ka pa?
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng Room 707, sa condo unit ni daniel. Ngayon na lamang ulit ako nakapunta rito dahil sa busy schedule ko na feeling ko dinaig ko rin ang pagiging artista. Naging tropa ko na iyong guard ng building dahil hindi naman ito ang first time na pagpunta ko.
Daniel Elizabeth Valdez: yes why?
Lance Sebastian Jimenez: May lalaking gwapo na nakatayo sa tapat ng pinto mo. Tapos malakas ang kutob ko na mahal ka niya. ;)
Nag Ha-Ha react lang siya sa message ko. Maya-Maya pa ay bumukas na ang pinto at bumungad ang maganda niyang mukha na nakangiti. Nakasuot siya ng pantulog na kulay yellow, 'yong gawa sa silk ang tela kaya parang makinang tignan. Binuka ko ang aking mga braso para yakapin siya. Niyakap niya rin ako pabalik at dahan-dahan hinahaplos ang likod ko.
"Ang sarap siguro umuwi galing trabaho kapag ganito tatambad sa'yo pag-uwi mo, noh?" malambing kong sabi at niyakap siya ng mahigpit.
"Are you tired? Have you eaten dinner? Want me to cook for you?"
"Hmm, hindi pa pala ako kumakain." nakanguso kong sabi.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at tinignan ako. Umarte ako na nanghihina at nakanguso sakanya...baka sakali lang tumalab.
"Ang sama ng pakiramdam ko parang kailangan ko ng gamot...kahit isang kisspirin lang?"
"You need to eat and rest, that's all you need right now. I'll cook for you."
Pork chop! Pighati! Hindi ako napagbigyan doon, ah? Nagsimula na siyang maglakad patungo sa kusina, tinungo ko naman ang sala at napahiga sa malambot na sopa ni daniel.
"What do you want to eat?" tanong ni daniel mula sa kusina.
"Ikaw..." pabulong kong sagot para hindi niya marinig.
"I'll cook you chicken fried steak!" sigaw niya.
"Sige lang! Hintayin kong maluto 'yan, sinta!"
Nakadapa ako ngayon sa sopa at pakiramdam ko malapit na ako dapuan ng antok. Dapat pala hotdog at itlog na lang pinaluto ko para mabilis.
"Sinta!" sigaw ko.
"Yes?"
"Birthday pala ni nanay sa sabado..."
"Really? I'll go. What gift should I give her?"
"Nako huwag mo na regaluhan 'yon!"
Baka gustong regalo no'n ay apo mula sa akin handa ka na bang ibigay 'yon? Tsk tsk!
"Makita ka lang no'n masaya na siya!" dugtong ko.
"I still want to buy something for her."
"Bahala ka nga r'yan, okay na iyong simpleng regalo lang, hindi naman 'yon maarte si nanay."
"What time should I come? I'll use my car."
"Ayaw mo bang sunduin pa kita? Ayos lang naman sa akin..."
"No, It's too much of a hussle for you, I have a car and I can drive all the way to your place."
"Oh sige...sa sabado hintayin kita, mga hapon ka na pumunta para handa na lahat."
Nakakahiya kung papatulungin ko pa ro'n si daniel, kaya na nila nanay 'yong mga gawain doon.
"I think I will go there by the afternoon, after lunch, I'll help nanay prepare things."
"Nako huwag na! Nakakahiya! Kami na bahala ro'n, bisita kita, bisita ka namin!"
"I'm not your visitor mr. sebastian, I'm your girlfriend."
Napa-angat tuloy ako ng ulo at tinignan siya sa kusina, nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang expression ng mukha niya.
"Oh sige...hintayin kita ng tanghali, ihanda mo na rin ang pangmalakasan mong recipe, ha!"
"Okay."
Nakadapa pa rin ako sa sopa at naaamoy ko na rin ang luto ni daniel at dahil sa amoy lalo akong inantok, hindi ko na napigilan ang pagpikit ng aking mga mata.
Pagkagising ko nasa sopa pa rin ako pero may unan at kumot na. Gumamit ako ng banyo, naghilamos at nagmumog. Hindi ko na ginising si daniel pero kinain ko bago umalis ang iniluto niya sa akin kagabi.
•••
Sumapit ang sabado, dumating nga si daniel ng bandang tanghali at madaming pinamiling mga sangkap, gulay, at karne. Pinarada niya ang kaniyang kotse sa may lumang court dahil ang venue ng birthday ni nanay ay sa tapat lamang ng aming bahay. Nag rent kami ng videoke at ilang mesa at upuan. Nagkabit din kami ng trapal upang gawing bubong sa gitna upang hindi mainitan ang mga kakain. Nanghiram pa kami sa kapitbahay ng mahabang lamesa upang doon ipatong ang mga handa. Si esperanza at kuya sevestre ang nag-ayos at nag decorate sa venue. Dumating din si kuya steven, iyong panganay naming kapatid kasama ang asawa at dalawa niyang anak. Tumulong si kuya sa pag-iihaw ng barbeque, si ate melanie naman tumulong sa pagluluto.
"Anong oras pupunta iyong mga kaibigan mo no'ng college?" tanong ni tatay sa akin.
Kasama ko sina tatay at kuya steven, nandito kami sa may labas medyo malayo sa bahay. Pinapanood ko lang ang pag-iihaw nila.
"Mga gabi pa raw, inuman yata inaabangan ng mga 'yon."
"Hay nako wala pa rin bang nagbabago sainyo?"
"Tay, klima lang nagbabago, hindi tao." natatawa kong sabi.
"Isipan mo talaga sebastian wala pa rin kuwenta." sabi ni kuya sa akin.
"Luh! Coming from you kuya?"
Si kuya steven, hindi nakatapos ng college. Mga first year lang yata siya no'n kasi nabuntis niya si ate melanie kaya nagtrabaho na lamang siya agad para sa pamilya niya.
"Ano mo naman 'yong babaeng kasama mo?" tanong ni kuya sa akin.
"Hahahaha naloko ni sebastian!" natatawang sambit ni tatay.
"Naloko mo 'yon? Syota mo 'yon?"
"Girlfriend! Sinta! Future ko! Ang magiging mommy ng magiging anak ko!"
"Tangina! Hahahahaha! Paano mo naloko 'yon? Amoy yayamanin, eh!"
"Anong niloko? Nakatadhana kami!"
"Kaya pala pagdating namin nagtaka si melanie ta's sabi sa akin, bakit nakapang porma si sebastian? Eh, hindi naman mahilig magsuot ng pang-itaas 'yan kapag nasa bahay kahit anong okasyon..."
Nakasuot kasi ako ng pang porma kong t-shirt na bigay ni lucas, kaya may baybayin print na naman; ᜊᜓᜑᜌ᜔ ᜅ᜔ ᜄᜅ᜔ᜐ᜔ᜆᜒᜍ᜔ [buhay ng gangster] at kulay brown na cargo short. Sinuot ko na rin ang malupitan kong lambat outdoor sandal na kulay lumot.
"Alam mo dati kasi 'yon, nagbabago rin pala ang tao!" wika ko pambawi ro'n sa sinabi ko kanina.
"Kita mo na? Mga pag-iisip mo talaga sebastian..." sabi ni kuya at may pa-iling-iling pa.
"Kahit ano pa sabihin mo, ako pa rin ang paboritong anak, 'di ba tay?"
Tinignan ko si tatay na abala sa pagbabaliktad ng mga barbeque.
"Tay! Sinulatan pa nga kita ng tula dati 'di ba? Ikaw ay isang bayani sa aking puso't diwa!" bigkas ko nang malakas at confident pa nga.
"Tatay, gusto mo ba maging bayani namin? Hahahaha!" tanong ni kuya. Pareho na kaming nakatingin kay tatay na hindi kami iniimik.
"Gusto ko bang maging isang bayani sa mga anak ko? Hindi. Mas gugustuhin kong maging isang normal na tao na lang dahil mas mahirap iyon." tugon ni tatay.
Hindi ako nagtagal sa puwesto nila tatay at kuya dahil sa usok. Ayoko mag amoy usok lalo na nandito si daniel. Pumasok ako sa bahay at sinilip ang mga grupo ng kababaihan sa kusina.
"Kumusta ka naman?" tanong ko kay daniel, naghihiwa kasi siya ng carrots para siguro sa shanghai. Magluluto rin siya ng specialty niyang pork chop steak.
"I'm fine, nanay taught me how to cook her special menudo." sabi ni daniel.
"Nako, nak! Ayan si sebastian...hindi shanghai hinahanap niyan sa mga birthday-han, kundi menudo!" sambit ni nanay habang nagluluto.
"You like menudo?"
"Oo, ayon talaga hinahanap ko sa kahit anong handaan, ikaw?"
"Hmm, I don't know...we mostly hire caterers and cooks kasi..."
"Ang boring naman yata no'n daniel, Ibang tao naghahanda para sainyo?" sabi ni ate melanie.
"Ano ka ba, mayaman kasi sila." mahinang sabi ni nanay kay ate pero dinig pa rin namin.
Patuloy pa rin sa paghihiwa si daniel na para bang hindi niya narinig iyong sinabi ni nanay.
"Miranda!" sigaw ko sa batang lumabas ng cr na may hawak na tablet. Lumapit ito sa amin pero ang atensyon niya ay nasa nilalaro niyang roblox.
"Nakilala mo na si tita daniel?" tanong ko kay miranda.
"Hi, baby." bati ni daniel sakaniya.
Apat na taon pa lang si miranda, ang bunsong anak ni kuya steven. Panganay niyang anak ay si stephen na halos kaidaran lang ni esperanza. Parehong lalaki ang anak ni kuya steven at ate melanie.
"Hello po!" sambit ni miranda pero nakatingin pa rin sa tablet niya.
"Mamaya ka na maglaro, magpakilala ka kay tita daniel mo!"
Itinigil nito ang kaniyang paglalaro at tinignan si daniel.
"Hi, I'm Miranda Jimenez, I'm Por yursuld po!"
"What's your papa's name?" tanong ko.
"My papa's name is, Lorens istibin himenes!"
"Lorence Steven Jimenez, pangalan ni kuya 'yong panganay namin." sambit ko kay daniel.
"You're so cute!" hinaplos ni daniel ang mala-siopao nitong pisngi.
"Pa-kiss ka kay tita mo daniel dali miranda!" sambit ni ate melanie sa anak nito.
Nilapit ni miranda ang mataba nitong pisngi kay daniel at nakatanggap ito ng isang smack kiss sa pisngi.
"Ayiiiieeee!" pang-aasar namin kay miranda na nahiya kaya mabilis na tumakbo sa sala kung nasaan ang kuya niya.
"Ako? Alaws kiss?" sabi ko kay daniel.
Numipis lamang ang kaniyang labi at bumalik na sa paghihiwa.
"Kiss ka r'yan! Bumili ka nang isang case ng inumin niyo ro'n! Kiskisin kita ng kaldero, eh!" pagpapaepal ni nanay.
Hapon na nagsimula ang handaan. Nagpakain si nanay sa mga kapitbahay na akala mo, eh, piyesta sa looban. Mga nagpicture-picture rin sila sa may pa-photobooth na ginawa nila esperanza at kuya sevestre sa may gilid ng videokehan. Gabi naman dumating ang tatlo, sakto dahil nag-uumpisa na ang inuman.
"Gagu syota mo ba talaga 'yan?!" ani niccolo no'ng pinakilala ko na si daniel sakanila.
"Ayaw niyo kasi maniwala sa akin, eh! Ha!" pagmamayabang ko.
"Sigurado ka na ba talaga kay lance? Tignan mo iyong mukhang 'yan, mukhang walang gagawing mabuti!" pagdadrama ni niccolo kay daniel.
"He's a nice guy, a gentleman too."
"Pota!" napasinghap pa ang tatlo.
"Chivalry is not dead mga pre! Hahaha! Gen-tel-man! Lance Se-bas-chan hi-me-nez!" sambit ko sa tatlo na nakangiti pa nga.
"Hindi ka naman napainom ng gayuma ano?" tanong ni lucas kay daniel.
"Baka nablack mail ka ni seb, ha? sabihin mo sa amin ang totoo." sabi ni jaq.
Pota talaga ng mga 'to ayaw na lang tanggapin ang katotohanan na pinagpala ako sa lahat ni lord! Paborito ako ni lord!
"Alam niyo, kayong tatlo, mga pota talaga kayo." sabi ko sakanila.
"What's pota?" biglang tanong ni daniel. "I often hear you say that...what does it mean?" dagdag niyang tanong sa akin.
"Oh, ano ba kasi ibig sabihin no'n de puta ka! Hahahaha!" sambit ni niccolo.
"Pota is ano...parang expression! Word of expression!" sagot ko.
"Kapag masaya ka, you say pota! Kapag nagulat ka you say, ay pota ka! Kapag malungkot ka you say, pota namang buhay 'to. Kapag galit ka you say, Pota ninyong lahat!" dugtong ko.
"You can use it in any sentence, depends on what you feel." wika ni lucas.
"Ohh, I get it now...thanks for explaining." sabi ni daniel na nakangiti pa nga.
Nagpagalingan pa kami sa pagkanta, dinamay pa namin si ligaya no'ng napadaan siya kakauwi lang galing trabaho. Hindi rin nagtagal si daniel dahil kailangan niyang umuwi no'ng may tumawag sakanya, about work daw na dapat niyang gawin sa bahay agad.
"Mag-ingat sa pagda-drive, ha." sambit ko.
Pinaandar niya na ang makina ng kaniyang kotse. Nakatayo pa rin ako sa gilid, nakadungaw sakanyang bintana. Nakabukas pa kasi iyong bintana ng kotse niya sa may driver seat.
"Thank you for inviting me, I had lots of fun spending the day with your family and friends."
"Hahaha wala 'yon! Close mo na nga agad silang lahat, eh!"
"I'm looking forward for more moments like this in the future."
Matagal kaming nagkatinginan muli na parang nag-uusap na naman ang aming mata sa isa't-isa. Buti na lang at walang tao rito kundi kami lang dalawa sa lumang court na ito, dagdag pa na madilim at ang tanging liwanag ay ang flashlight sa cellphone ko at ang headlight ng kotse ni daniel.
Bigla niyang hinatak ang kuwelyo ng t-shirt ko para medyo yumuko ang ulo ko at para mahalikan niya ako. Para akong natutunaw sakanya habang ang daliri niya ay nakalawit sa aking ulo. Sumusunod sa ritmo ang aming mga labi, ang aking bibig ay bumubukas sakanya at ang aming dila ay nagtagpo sa maikling sandali bago siya bumitaw. Pota, bitin!
"Have a great night, love." aniya, malambing.
"Ingat ka, sinta."
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro