Kabanata 14
Ikaw at ako sa condo
•••
"Makikituloy..." mahina kong sambit habang pumapasok sa loob ng unit niya.
Nauna siyang tumuloy sa loob at naiwan ako sa may pintuan, tinatanggal ang aking sapatos. Pota, baka amoy paa 'yong medyas ko nakakahiya! Inamoy-amoy ko pa ang paa ko kung mabaho ba pero ayos lang naman ang amoy. Salamat talaga at hindi amoy paa! Maraming salamat talaga Milku!
Pagkapasok ko, bungad agad ang sala at kusina. Iyong sa sala niya ay tanaw ang view sa labas dahil glass wall ito at halata na 'yong makapal na kurtina sa gilid ang takip nito.
"Wow! Ang ganda naman pala ng bahay mo!" wika ko.
Nasa kusina si daniel, may hinahanap sa mga drawer.
"But yours's more like home, I like it there."
"Bakit naman?" tanong ko. "Puwede bang umupo rito?" tanong ko ulit habang tinatapik 'yong mahaba at malambot niyang sopa.
"You can sit on the airbag chair by the window, the view there is more nice. Do you like wine?"
"Ahh, sige lang..."
Umupo ako sa airbag chair na malapit sa glass wall. May dalawang airbag chair dito at sa gitna ay isang maliit na bilog na mesa at nakapatong dito ay isang JBL wireless speaker at may maliit na bonsai plant din. Sa totoo lang madaming house plant dito sa loob. Sa gilid ng bintana ng glass wall, sa may pintuan banda, at sa gilid ng tv table. Si nanay sa labas ang hardin, itong si daniel sa loob ang trip.
"It's red wine." sambit ni daniel habang nilalapag ang isang bote ng wine at dalawang glass wine sa maliit na round table.
"Ahh, salamat."
Umupo siya sa kabilang airbag chair at nagsalin ng wine sa dalawang glass. Gusto ko sana tanungin kung may redhorse ba siya r'yan o empi kasi feeling ko masyadong pang-rich 'yong wine niya, hindi bagay sa'kin.
"Here," pag-abot niya sa akin ng glass na may lamang wine. "Cheers?" tanong nito habang bahagyang nakaangat ang kaniyang kamay na may hawak na glass.
"Cheers."
Nagsimulang magpatugtog si daniel gamit ang speaker na nasa mesa gamit ang cellphone niya. Tugtog ng Cigarettes After Sex ang awitin, Heavenly ang title.
"Fan ka ng cigarettes after sex?" tanong ko sakanya.
"I just like their music, I'm not a fan."
"Ilang kanta nila ang alam mo?"
"More than five? I think It's six?"
"Alam mo mga lyrics? Tapos title?"
"Yes..."
"E di fan ka nga nila!"
"I'm not. I just love their songs...I'm not an avid fan, I'm an avid listener there's a difference."
"Okay okay sabi mo, eh." natatawa kong sabi at sabay inom ng wine. Feeling ko mayaman rin ako sa ganitong vibes.
Nakadungaw lang kami sa tahimik na view. Wala masyadong mga ilaw ng sasakyan at puro ilaw sa poste lamang ang nagbibigay liwanag sa labas. Naalala ko na naman 'yong pakiramdam ng katahimikan, kagaya no'ng nag o-ojt pa ako sa rain sales.
"Do you like music so much?" tanong bigla ni daniel.
Hawak-hawak niya ang glass sa kaniyang kaliwang kamay at naka cross legged pa nga siya. Tumungga muna ako ng kaunti sa aking inumin.
"Oo naman, music is life itself ika nga nila."
"Yeah...music is indeed life itself."
Tahimik lang kami habang tinitignan ang labas. Nakalahati na rin namin ang isang bote ng red wine. Nakakatikim lang ako ng red wine sa tuwing may inuuwi si kuya sevestre tuwing pasko at bagong taon pero syempre, empi at red horse yata ang paborito kong inumin.
"Mag kuwento ka naman ng tungkol sa buhay mo..." sambit ko.
"Hmm, okay, what do you want to know?"
"Lahat! Date of birth, place of birth, blood type, favorite color, favorite drink, favorite song, favorite food, who is your first love, who is your crush, naniniwala ka ba sa mga engkanto? Ano ang motto mo in life?"
Sunod-sunod kong pag tanong na para bang isa akong breathing form ng isang slambook sa mga tanong ko sakanya.
"Hmm, October 25, 1998 is my birth date. I was born at a private hospital in Quezon City. My blood type is B, my favorite color would be yellow. Song? hmm..."
"Oo anong paborito mong kanta? Puwede kong kantahin sa'yo iyon, I'm a singer!"
"Hmm, I love the song..."
Hinintay ko ang kaniyang sagot, seryoso siyang nag-iisip. Halata sa expression ng mukha niya.
"Can you sing that song again?"
"Iyong ano?"
"The last song in the concert, I want to hear it again."
"Iyong demonyo?"
Tumango-tango siya bilang tugon. Pinatay niya ang tugtog na kaniyang pinapatugtog. Inayos ko naman ang aking sarili, umubo-ubo pa ako ng peke para ihanda ang aking boses.
"Mula umpisa?"
"Yes."
"Alam mo ba na hindi kita magugustuhan kung pangit ang ugali mo. Kaya sinta, sana ay huwag ka nang magtaka kung ba't napa-ibig sa'yo..." pagkanta ko sakaniya.
Naiilang akong tumingin kay daniel dahil nakatitig siya sa akin. Baka mapiyok ako e di napahiya pa ako sa harap niya! Mas ayos na sa akin na mapiyok sa madaming tao basta ba huwag lang sa harap niya!
"Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno, ako ang demonyong gagabay sa iyo...pabalik sa langit, habang tayo ay paakyat. Ako'y napa-ibig sa'yo."
"Stop." bigkas niya kaya napatigil ako sa pag-kanta.
"That's my new favorite song." dugtong niya.
Napangisi ako sa sinabi niya hindi pala, natawa ako ng mahina.
"Isa rin 'yon sa mga paborito ko." wika ko.
Paborito niya kasi kinanta ko, aysus daniel! Ayaw pa kasi umamin sa akin! Mutual feelings naman 'to halata naman!
"What's your other question?" tanong niya.
"Who is your first love?"
"My first love, hmm..."
At kung buhay pa ba siya? Kasi ayoko ng may kaagaw! Ayoko ng may kontrabida sa kuwento ko! Gusto ko chill lang, smooth, mabagal pero chill. Hindi 'yong madaming ganap kagaya sa mga palabas sa T.V na halata naman na hindi mangyayari sa totoong buhay at sa mahihirap na kagaya ko. Mayayaman lang kasi madaming plot twist sa buhay, samantalang ang mahirap ay mataas na bayarin sa meralco, maynilad, gas, bigas at bilihin sa palengke ang plot twist palagi.
"My first love is now married." aniya at nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya.
"Ahh, mabuti naman kung gano'n." mahina kong sabi.
"How about you...who's your first love? You already had three exes right?"
"Ahh, oo tatlo nga."
"On those three girls, who do you love most?"
Naningkit ang aking mata at napahawak ako sa aking labi. Pota, mas mahirap na yatang tanong iyon na naitanong sa akin! Akala ko ang pinaka mahirap na tanong na naitanong sa akin ay; Anong oras ginawa ang orasan at anong petsa ginawa ang kalendaryo? Puwede kaya mag call a friend? Baka sakaling matulungan ako ni lucas o ni jaq dito...
"Hmm mahirap sagutin 'yang tanong mo, ah. Iyong sa tatlo kasi na 'yon iba-iba kasi sila ng katangian. Hindi ko puwede ikumpara iyong pagmamahal ko sa isa, doon sa isa, at mas lalo nang hindi ko kayang sabihin kung sino lumamang...kaya next question please?"
Natawa si daniel ng malakas at ito na yata ang unang beses na natawa siya ng malakas sa harap ko. Nakakabadtrip pa no'n, ang cute pa ng tawa niya! Mahinhin pa rin ang datingan na lalong nagpapahulog sa akin.
"May amats ka na ba daniel?" natatawa kong tanong.
"No, I just...you know...I was just joking when I asked that question and you seem so worked up!"
"Ikaw ha, niloloko mo na ako ngayon, ha!"
"I bet you loved them... the three of them."
Hmm, iba-iba ang kuwento ng pag-ibig ko sa mga 'yon. Si ligaya, high school sweet heart. Si Jalaika, summer fling. At si Bea, college love. Ngayon ko lang din napagtanto na puro letter A ang dulo ng mga pangalan nila...weird no'n! Ligtas si daniel kung sakali sumpa sa akin ang mga babaeng ang pangalan ay nagtatapos sa letrang A.
"Loved." mahina kong sabi.
"Can you tell me their names?"
"Huwag na!"
"Why won't you tell me?"
"Malay mo ma-imbita ko 'yong isa sakanila sa kasal natin tapos bigla mo akong i-divorce!"
"I'm not the jealous type. If you really don't want to, it's okay. I respect your decision."
Bakit ba napaka maunawain ng babaeng 'to? Nakokonsensya tuloy ako na maging akin siya! Ang sama-sama ng ugali ko, eh, tapos siya ang bait! Parang nakakapangduda naman yata itong set-up ni lord?
"Bakit ka pala mag-isa? Ayaw mo ba kasama magulang mo? may kapatid ka ba?" tanong ko.
"It's normal for us to be separated with our parents when we reach the adult age. And, I have an older sister...she's already married, she lives in the state."
Tumango-tango lang ako habang nakanguso.
"Eh, iyong magulang mo? Anong ugali nila?"
"My parents? They're fine. My mommy's nice but my daddy's very strict."
Pota, yari yata ako sa tatay nito ni daniel, ah? Pag nagpakilala kaya ako sa magulang niya ano kaya ipapagawa sa akin? Imposible namang pag-igibin ako at pagsibakin ng panggatong kasi naman mayaman sila. Atsaka hindi ko naman pina-igib si daniel at pinagsibak ng panggatong no'ng dinala ko siya sa bahay.
"Sa tingin mo ba, ito baka sakali lang naman, magugustuhan kaya ako ng magulang mo?"
"Pfft, of course! My Mommy's gonna like you that's for sure."
"Eh, 'yong daddy mo?"
"Let's work on that one together, alright?"
Wait...together? Luhh, baka pinapaasa lang ako nito ni daniel! Peste!
"Do you have any questions left?" tanong niya.
"Ahmm, motto mo?"
Ano ba naman 'tong tanong ko! What's your motto? Ano 'yon? Parang timang naman!
"My motto is; be loyal to the nightmare of your choice." patango-tango niyang sabi.
"Motto ko sa buhay, ano; It's not a dead end, it's just a plot twist!"
Nakaw ko lang na motto 'yan kay ligaya no'ng high school...ewan ko ba bakit ko naisip 'yon? Tunog seryoso kasi sa buhay.
"Atsaka, you are built to be epic, be epic ang pinaka gusto kong motto pa rin." dugtong ko.
"Wow that's a good motto."
"Hahaha syempre naman! A good boy needs a good motto!"
And a good girlfriend na magiging good wife at sana ikaw na iyon. Lord alam niyo na, ah, baka puwedeng advance christmas gift mo na itong babaeng kasama ko ngayon? Baka naman!
"Is there anything you want to ask me pa?" tanong niya.
"Hmm so naniniwala ka ba sa mga engkanto?"
Wala na akong maisip na tanong! Pambihira! Hindi naman ako prepared sa pa Q and A niya! Kung alam ko lang e di sana nakapag google na ako ng mga interesanteng tanong!
"I don't really believe in such things. That's just a myth, a made up story of our ancestors."
"Ako naniniwala ako sa mga engkanto kasi no'ng nakita kita naniwala na ako na totoo pala ang mga engkantada."
Natawa lang siya ulit sa sinabi ko pero mahina lang. Akala niya siguro nagbibiro na naman ako, eh, kahit na totoo naman 'yong sinasabi ko.
"And if I'm the engkantada, are you the engkantado?"
"Hindi, ako 'yong tao na nabighani mo. Ang binata na handang sumama sa'yo patungo sa agartha o biringan city o kahit saan ka pa uuwi...kasi sa'yo lang ako uuwi."
Napangiti na naman siya nang nahihiya sabay hampas sa binti ko ng may kaunting kalakasan. Ang paghampas sa binti ay isa ng sign na komportable na ang isang tao sa'yo o baka nga mahal niya na ako, eh, Yes! Basta I.T student kailangan advance mag-isip!
"Ikaw, ha, hinahampas mo na ako ngayon...komportable ka na sa existence ko?"
"With you, I'm comfortable Mr. Sebastian."
Pinagpatuloy niyang muli ang nahinto niyang pagtugtog sa kanta ng Cigarettes After Sex. Katahimikan na naman ang bumalot sa lugar, pareho lang kaming nakatitig sa kawalan. Naghihintay kung ano ang mangyayari pagkatapos, ano ang tamang ilalabas ng mga bunganga namin, sino ang mauuna magsalita at magbigay ng topic.
"Do you still have any questions to ask for me?"tanong niya.
Napatingin ako sakanya, nakatitig pa rin siya sa kawalan na seryoso ang mukha.
"Meron."
"What is it?"
Rinig ang awitin ng cigarettes after sex sa paligid, ang tanging ingay na maririnig dito. Kinagandahan no'n ay bumagay rin ang awitin sa vibes na mayroon ang malawak na condo niya at lalo na sa aming puwesto. Sa tingin ko ito na ang sign na hinihintay ko...
"Can I be your more than friend? Your more than your comfort zone? Your more than your street food date? Ano, puwede na ba malaman ang sagot mo? Tinatanggap mo ba ako bilang kasintahan mo? Iniirog mo? Iniibig mo? Ang itinitibok ng iyong puso? Ang iyong magiging kasintahan? Ang iyong adan?"
Dahan-dahan siyang napatingin sa akin sabay napangisi. Napatawa rin siya saglit ng mahina at mahinhin.
"Bakit? Anong nakakatawa sa tanong ko?" natatawa kong tanong.
"It's just...the way you ask me to be your girlfriend is so weird and new to me. You can just simply ask me, can you be my girlfriend, daniel?"
"Ahh, gano'n ba? Ikaw lang kasi una kong tinanong ng gano'n, eh,"
"What? But you already had three exes?"
"Oo nga tatlo! Kaso alam mo 'yon, 'yong mga nakasulat lang sa kartolina kasama 'yong tropa gano'n, tapos sa text lang gano'n..."
"Well, I guess that was very common on school days."
"Oo gano'n na nga...high school at college..."
Palibot-libot ang paningin ko sa aking paligid habang nakanguso.
"Why are you pouting?" tanong niya.
"Kasi dapat nag effort din lang sana ako sa'yo kung tatanungin kita ng gano'n, 'di ba? Marunong naman ako mag calligraphy, magkano lang naman ang kartolina at colored paper. Papatulong din ako sa mga tropa ko para hawakan 'yon tapos iyong isa sakanila magbabato ng confetti sa gitna habang nakaluhod ako sa harapan mo na may hawak na isang boquet ng hersheys chocolate."
"A boquet of hersheys chocolate?"
"Oo para kung hindi mo ako sagutin, at least may makakain akong hersheys chocolate habang nag e-emote ako sa bahay at iniisip kung saan ako nagkulang."
"Pffft, you're crazy." natatawa niyang sabi.
At ayon na naman siya sa mahinhin niyang pag-tawa. Nakatungo lamang siya at nakatingin sakanyang suot na dilaw na slippers habang nakangiti.
"Hindi mo pa sinasagot iyong tanong ko, daniel. Can I be your kasintahan? Tumatanggap lamang ako ng yes o oo bilang sagot."
Natawa siya lalo, iyong halakhak na. At this time naka tingin na siya sa akin. Gusto kong tingnan ang masaya niyang mukha dahil sa akin...fulfillment kasi na napasaya ko siya.
"'cause this is where I wanna be, where it's so sweet and heavenly..." eksena ng awitin sa aming moment.
"Give me your hand." aniya.
Inilapat ko naman ang aking kamay sa nakalahad niyang kamay sa aking harap. Kaniya itong kinuha at hinawakan. Dahan-dahan niya pa itong inilapit sakaniyang mukha at nabigla na lamang ako ng kaniyang idinampi ang malambot niyang labi sa buko ng aking mga daliri.
Pota, bakit sa mga buko ng daliri ko pa? Puwede naman sa lips!
"If it's you, it's always a yes, Mr. Sebastian." malambing niyang sabi habang nakangiti.
Patuloy ang simoy ng awitin na nagpapaganda ng mood sa mga sandaling ito. Magkatinginan lang kaming dalawa na para bang iyong mga mata namin ay nag-uusap sa isa't-isa. Iyong kabog ng puso ko ay umaapaw sa saya kaya hindi ko na lang din napigilan ang aking sarili.
Hindi din naman ako handa sa mangyayari ngayon. Pinaka-kakatwang bahagi ay nang mag-ugnay ang aming labi...dahan-dahan, nagdala ito ng pangangatog sa aking likuran. Ang nakakalasing na amoy ng aircon sa kaniyang unit at ang lasa ng red wine ay nagbigay ng ibang vibe. Akalain mo na pagkatapos ng lahat ng oras na ginugol ko kasama si daniel, pinapanood siyang magsalita, tumawa, mahiya, eh, malalaman ko rin ang pakiramdam ng kaniyang labi. Hindi ko ma-imagine kung gaano kainit ang pakiramdam na ito. Ang lasa ng kaniyang labi na yata ang hahanap-hanapin ko pagkatapos nito.
Sa ngayon, sakanya na ako.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro