Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

Ikaw ang anghel sa kalawakan

•••

Pagkarating namin sa venue, nangangalahati na ang awitin ng Buwan. Nasa entablado ang Juan Karlos na banda, lahat ng tao ay dinadamdam ang awitin. Halos mga magkakasintahan ang karamihan na nandito pero mas marami rin ang mga magbabarkada.

Nakatayo kami sa bandang dulo dahil huli na rin kaming nakarating. Kung alam ko lang na birthday niya ngayon e di sana maaga pa lang hiningi ko na kay niccolo ang ticket.

"Walang upuan dito...nakatayo lang talaga," sabi ko sa katabi kong si daniel. "Kaya kung nangangalay ka sabihin mo sa akin, bubuhatin kita sa likod ko." dugtong ko.

"Okay, noted." nakangiti niyang sambit.

"Kita mo ba 'yong harap?"

"Hmm it's okay, I can still see them on the stage."

Hindi naman siya maliit, halos magkasing tangkad nga lang kami, eh.

"Ang iyong ganda'y umaabot sa buwan, ang tibok ng puso'y rinig sa kalawakan...at bumabalik dito sa akin, ikaw ang mahal, ikaw lang ang mamahalin..." pag-awit ng banda at maririnig sa buong venue. Malakas ang tugtugan at marami rin ang sumasabay sa pag awit ni labajo.

"Alam mo ba na 'yong lyrics ng buwan ay walang letter e..." bulong ko kay daniel na nakatuon lang ang atensyon sa nagpeperform sa entablado.

"Really? I haven't noticed."

"Oo, hinanap ko kasi 'yong lyrics sa google tapos napansin ko lang no'ng binabasa ko, na wala palang letter e...angas nga, eh!"

"You're very observant mr. sebastian."

Hindi ko alam pero nakakaakit talaga sa tuwing tinatawag niya akong Mr. Sebastian. Napangisi na lamang ako at binalik ang aking atensyon sa nagtatanghal. Mahirap din pigilan ang hindi mapatingin kay daniel, kaya habang nagvi-video ako sinasama ko siya.

"I'll take a picture of you too..." sambit niya habang tinututok sa harap ko ang cellphone niyang iPhone.

"Hala camera shy ako!" ani ko, pilit kong tinatakpan ang mukha ko ng isa kong palad.

"No, look, your hand blocked your face...again." reklamo niya.

"Hahahaha nakakahiya kasi!"

"Just smile mr. sebastian, I actually like you when you smile."

Nagpantig ang aking tainga, malakas ang tugtugan sa venue pero 'yong sinabi ni daniel lang yata ang narinig kong malinaw.

"I like to see it because your teeth is so white." dugtong niya.

Pota napaasa ako ro'n, ah! Pork chop! Pighati!

"Alagang baking soda at kalamansi lang 'yan sa gabi..." sabi ko. "Akala ko pa naman you like me na." mahina kong dugtong na hindi niya na narinig.

Natapos na ang kanta at naghiyawan ang mga tao. Medyo kinagulat ko ang paghawak ni daniel sa kamay ko. Napatingin ako sa magkaugnay naming mga kamay. Tumingin ako sakanya pero nakatitig siya sa harap at nakangiti, hindi ko tuloy mapigilan na hindi ngumiti...iyong ngiti na halos numinipis na ang aking labi.

"Huling awit na aming itatanghal ay Demonyo...sabayan niyo ako, ha!" wika ni karlos labajo.

Nagsimula na ang intro ng kanta.

"Alam mo daniel, ito ang gusto kong kanta nila!"

"Really?"

Tumango tango ako.

"Then, sing it for me." aniya.

"Sige sabayan ko sila kaso boses ko pakinggan mo huwag kay juan karlos, ah! Baka sakanya ka ma-in-love hindi sa akin!" pagbibiro ko na tinawanan niya.

"I'll focus on you..."

"Alam mo ba na hindi kita magugustuhan kung pangit ang ugali mo. Kaya sinta, sana ay huwag ka nang magtaka kung ba't napa-ibig sayo..." pagsabay ko sa pagkanta ng bokalista sa entablado.

Iniharap ko si daniel sa akin, binitawan ko ang aking kamay na nakahawak sakanya. Kinuha ko ang dalawa niyang kamay at inilagay ito sa aking balikat, sinubukan ko naman siyang hawakan sa kaniyang baywang pero nilapat ko lamang ang aking pulsuhan...baka kasi mailang siya kung hahawakan ko talaga siya sa baywang.

"Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno. Ako ang demonyong gagabay sa iyo, pabalik sa langit habang tayo ay paakyat...Ako'y napa-ibig sa'yo..." patuloy kong pagsabay sa kanta.

Isinayaw ko rin siya ng mabagal at dahan-dahan kahit modern kundiman ang kanta at hindi pang slow dance. Umuugoy kasabay ang kundiman, sa aking paningin ay kami lamang dalawa ang tao sa venue at background music namin ang inaawit ni Karlos Labajo. Sa paningin ko si daniel lang ang hindi malabo.

Nakatingin lamang siya sa akin at ayon na naman siya sa nahihiya niyang ngiti na lalong nagpapangiti sa akin.

"Ikaw ay prinsesang napadpad sa malayo. Ako ang aliping gagabay saiyo, pabalik sa palasyo habang tayo'y naglalakbay...ako'y nahulog sa'yo..." sinasabayan ko sa pagkanta si karlos labajo pero sigurado akong mas nag-uumapaw pa rin ang boses ni karlos kaysa sa akin sa pandinig ni daniel dahil naka mic ito.

Magkatinginan lang kami ni daniel, sa tagal kong pagtitig sakanya mas lalo siyang gumaganda sa aking paningin.

"Alam mo daniel, para kang paro-paro..." bigla kong sambit.

"Why?"

"Pretty to see but hard to catch."

Natawa lang siya sa sinabi ko. Sa ingay ng tugtog dito subalit ang tawa niya ang malinaw sa pandinig ko.

"Ano ba ang tipo mong lalaki?" bigla ko na lang natanong.

"Why did you ask?"

"Alaws lang...gusto ko lang malaman."

Patuloy pa rin kami sa pagsayaw ng mabagal.

"I don't really have a type of guy...if I like you, I like you."

"Do you like me ba?"

"Of course, what's not to like about you, Mr. Sebastian?"

Pota seryoso ba siya? She likes me? Umuusad na ba ang relasyon namin na ito? Is this the right time, ha? Lord is this the moment of truth? Is this the right time? Jusko po! Medyo nakakakaba pala!

"Hahaha sabagay, what's not to like nga naman sa akin? Wala!"

Para kaming nasa sarili naming mundo. Mabagal na nagsasayawan pa rin habang papalapit nang matapos ang kundiman. Tinanggal ni daniel ang pagkakahawak niya sa aking balikat at kaniyang inayos ang aking pagkakahawak sakanyang baywang.

"That's the proper way to hold a lady while slow dancing." sambit niya at ipinalibot ang kaniyang dalawang kamay sa likod ng aking batok.

"Alam ko naman...pero kasi hindi naman pang slow dance 'yong kanta atsaka nahihiya ako."

"Then, let's make this song our slow music."

Malambing ang tingin niya sa akin na sinabayan pa ng matamis niyang ngiti. Itong gabi yata na ito ay puno ng mga salitan naming ngitian.

"Nailang lang talaga ako...shy type kasi ako hahahaha!"

"I doubt that your a shy guy, your more of uhmm..."

"Makapal ang mukha?"

"I was going to say extrovert but that too works well." natatawa niyang bigkas.

Natapos ang kanta. Bumitaw na kaming dalawa ni daniel at humarap sa entablado upang pumalakpak at makihiyaw.

Sumakay kami ng taxi para mahatid si daniel pauwi. Pinatigil namin 'yong taxi sa may park at doon kami naglakad na lang. Kung tutuusin mas gugustuhin ko pa nga maglakad na lang mula venue hanggang sa condo building niya basta kasama siya kaso anong oras na kasi...alas dose na ng madaling-araw. Baka maaga pa pasok nito sa trabaho bukas tapos sisihin niya pa ako kapag na-late siya.

"Ahhh, wait!" pagtigil ko sa gitna ng parke. Hindi naman kami magkahawak kamay habang naglalakad, eh, hinahawakan niya lang 'yong laylayan ng t-shirt ko ulit.

Kinuha ko ang cellphone ko, umupo sa may bench na nasa gilid at tumabi naman siya sa akin.

"Why?" tanong niya.

"Ahh, basta saglit lang, sandali lang 'to!"

Patuloy pa rin ako sa pagta-type. Habang naglo-loading 'yong page napapasulyap ako sakanya. Nakatingin lang siya sa itaas, sa mga bituin sa langit o 'di kaya sa buwan...malay ko kung saan do'n sa dalawa.

"Alam mo, mali kasi 'yong posisyon mo, eh!" sambit ko.

"Hmm?"

"Sasakit batok mo niyan, dapat ganito..."

Naglakad ako sa gitna at humiga sa malamig na semento. Ang aking dalawang kamay ay nakapatong sa aking tiyan.

"You're crazy." natatawa niyang sabi.

"Maganda kaya 'yong ganito...isipin mo na lang na nakahiga ka sa malambot na damuhan o 'di kaya'y sa isang bubong ng kotse, o 'di kaya sa bubong ng bahay..."

Tumingin ako sakanya at tinapik-tapik ang aking tabi. Senyales na pinapalapit ko siya at gayahin din ako.

"Tara subukan mo! Sayang kung hindi mo mararanasan 'to! Bihira lang ang ganitong moment sa buhay ng isang tao!"

Nag-alanganin pa siya no'ng umpisa pero dahan-dahan din siyang humiga sa aking tabi.

"Tignan mo 'yong sinend kong link sa'yo...buksan mo dali!" wika ko sa medyo excited na tono.

Kaniyang kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Si Ice bear pa nga ang wallpaper nito.

"What's this?" tanong niya no'ng pagkabukas niya sa message ko.

"Click mo."

At sinunod naman niya ako. Napangiti siya sa nakita niya.



The star has a magnitude of 14.94 mag. It is at coordinates -20.7489° (declination) and 17h 13m 48.25s (right ascension). Your star is in the constellation of Ophiucus (Snake Holder, read more on this constellation).

This star is named to: Daniel Elizabeth Valdez

It was named on: October 25

It was named by: Sebastian Jimenez

Dedication: I love you more than 3000! iyo lang ako.



"Pasensya na ha? Hanggang free name a star lang sa staracle ang kaya ko iregalo sa'yo."

"It's amazing, thank you." nakangiti niyang sabi sa akin na para bang kumikinang pa ang kaniyang mga mata. "Tonight, you gave me a perfect gift." dagdag niya.

"Teka lang...baka masaktan 'yong ulo mo."

Iniangat ko nang dahan-dahan ang ulo niya at ipinatong iyon sa nakalapat kong braso sa kaniyang uluhan.

"Your arm might get numb..." pag-aalala niya.

"Hindi 'yan, wala sa dugo ko maging manhid hahahaha!"

Kaming dalawa lang ngayon nakahiga sa gitna ng parke, sinusulyapan ang mga kumikinang na bituin sa langit at ang maliwanag na half quarter na buwan.

Gamit ang isa kong libreng kamay, sinimulan kong magpatugtog ng isang kundiman para dagdag sa magandang sandali na ito. Buti na lang talaga at nakapag-download ako ng mga kanta sa youtube at na-convert ko sa mp3 no'ng nasa office pa ako. Pinatugtog ko ang awitin ng Music Hero, ang Kalawakan.

[Dapat mayroong isang GIF o video rito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]

Tahimik lang kaming dalawa, dinadamdam ang awitin. Buti na lang at malakas ang speaker ng cellphone kong smart phone, halos ito lang kasi ang maririnig sa paligid.

"Where do you think my star could be?" Tanong ni daniel habang nakasulyap sa langit.

"Hindi mo na kailangan pang hanapin 'yon...ikaw mismo, isa ka nang bituin sa paningin ko."

"You always had the words and the guts, mr. sebastian."

"Syempre...masama ba 'yon?"

"No, it actually makes you more confident."

Nakatingin lang ako sakanya ngayon. Bilib talaga ako sa ganda ng side profile niya.

"What do you like about me?" biglaan niyang tanong.

"Hmm?"

"I just want to know."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung tama ba ang isasagot ko. Parang mas matindi pa ito sa isang surprise quiz, oral recitation, o kaya individual exams sa school. Naglabas ako ng isang buntong hininga. Nakasulyap na ako sa kalangitan.

"Bakit kita gusto? Hmm...wala akong sagot sa tanong na iyan." wika ko.

"Hmm..."

"Siguro kasi gusto ko iyong vibes na binibigay mo sa akin, iyong mga ngiti na nilalagay mo sa mukha ko, iyong mga tawa na nakukuha ko mula sa pakikipag-usap sa'yo, atsaka iyong katotohanan na palagi kitang iniisip kahit na hindi tayo palaging nag-uusap o nagkikita."

Naglabas muli ako ng isa pang buntong-hininga.

"Kaya totoo na hindi ko masasabi na may sagot sa tanong mo kung bakit kita gusto pero sasabihin ko na ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit ako masaya sa bawat araw." dagdag ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang nailabas ng pasmado kong bunganga kasi hindi siya sumagot, tumayo lang siya at pinagpagpagan ang kaniyang likod.

"It's getting late, mr. sebastian." aniya.

Napatayo rin tuloy ako at pinagpagan ang aking likuran.

"Hatid na kita hanggang sa tapat ng condo building mo?"

"Okay."

Naglakad kami patungo sa may tapat ng condo building niya na may kaunting distansya. Pota, may mali ba akong nasabi sakaniya kanina?

"Ano...may mali ba akong nasabi kanina?" tanong ko.

"No, none. Actually your answer were the one I wanted to hear."

"Ahh, so, all goods tayo? Akala ko kasi mali, eh."

"I'm just surprised. I thought that boys only think of girls like we're some kind of a book...if the cover doesn't catch their eyes, they won't even bother to read what's inside."

"Puwes, hindi lahat ng mga lalaki ay gano'n! Ibahin mo ako!"

Puwes...minsan gano'n ako pero sa ugali pa rin sa huli ang importante! Totoo naman kasi na unang mapapansin ang itsura tsaka lang ang ugali, kahit sino naman gano'n, kahit lalaki o babae, itsura pa rin ang unang napapansin.

"Osya, sige na, pumasok ka na sa loob dahil anong oras na baka maaga ka pa bukas...happy birthday, daniel." sabi ko habang hinahaplos ang ulo nito ng dahan-dahan.

"It's already late too...how will you go home?"

"Mag-aabang na lang ako ng taxi."

"It's hard to get a taxi this late here, you can stay in my condo...you can leave early."

"Sa condo mo?"

"Yes, I'll let you sleep in my sofa, I bet your tired too."

"Osige, kung ayos lang sa'yo na nandoon ako..."

"It's fine if it's you. Besides, I trust you, I don't think you'll do something to me without my consent."

"Hindi, hindi! Peksman! Mamatay man buong angkan ko! Wala akong gagawing masama sa'yo! Hindi ako gano'n klase ng lalaki! Promise, cross my heart! Hope to die! Kain susi! Check pati pato buo!"

"Okay then, follow me?"

Nanguna siya sa paglalakad at nakabuntot ako sakanyang likuran. Sumakay kami sa elevator, seventh floor, room 707. Pinapasok niya ako sa loob ng condo unit niya at napakalaki nito. Napakalinis at halatang mamahalin ang bawat gamit.

"Please feel at home." sabi niya.

Pero paano ko mararamdaman na nasa bahay lang ako? Eh, 'di hamak na napaka layo nito sa awra ng bahay namin!

•••

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro