Kabanata 12
Ang Pag OT
•••
Isang buwan na ang lumipas simula nang ipakilala ko si daniel sa lugar namin. At isang buwan na rin akong nag o-Over time sa trabaho upang makadagdag sa ipon ko.
"Grabe lance, paano 'yan...kailan ka bibili ng motor?" tanong ni erick habang inaayos ang bag niya.
"Uunahin ko pa ba 'yan kung may mas malaki pa akong bagay na dapat gastusan?"
"Grabe ka lance, salitaan lang 'yan ng mga bread winner sa pamilya...bread winner ka ba sainyo?"
"Mukha ba akong nanalong tinapay para sa'yo?"
"Hindi...mukha kang trying hard na nanalong tinapay sa paningin ko!"
"Mag o-OT ako ngayon kaya kung wala kang balak na samahan ako, umuwi ka na!"
"Alam mo, 'yang kasipagan mong 'yan nakakawala ng bebe time niyo 'yan ni daniel, eh. Sige ka, baka sa sobrang busy mo, eh, may ibang lalaki na umeksena bigla tapos wala pa naman kayong label ni daniel."
"Sabing more than friends but less than lovers nga kami, eh! Atsaka may tiwala ako kay daniel, noh! Hindi niya ako ipagpapalit...hindi ako kapalit-palit!" Confident kong saad.
"Aysus confidence level kakaiba rin halos isang libong porsyento! Osya iwan na kita rito, ah!"
"Gege."
Bayad naman ang OT ko rito kaso mababang porsyento nga lang kaya mas pinili ko ito, ang problema lang ay halos hindi na kami nag street food date ni daniel dahil pagkatapos ko rito kailangan ko ng bumiyahe papunta kina niccolo. Pero umuusad naman ang aming relasyon sa pamamagitan ng messenger.
Gano'n naman sa pag-ibig, kahit may balakid dapat marunong kang sirain 'yon. Kapag gusto mo talaga ang isang tao, gumawa ka ng paraan. Kung ayaw mo naman, huwag ka nang mag dahilan pa.
Lance Sebastian Jimenez: OT ulit ako hahahahuhuhu :(
Lance Sebastian Jimenez: Ingat ka ha! Pag may nangyaring masama tawagan mo lang ako! Mas mabilis pa ako sa mga pulis! I'm faster than news flash!
Daniel Elizabeth Valdez: Noted mr. sebastian. Take care of yourself. :)
Lance Sebastian Jimenez: usto na kita makita! :(
Daniel Elizabeth Valdez: Actually today is...
Lance Sebastian Jimenez: Today is ano?
Daniel Elizabeth Valdez: nevermind...see you when ur not busy? :)
Hays...kailan ko kaya mapapalitan 'yong nickname niya sa messenger ng SINTA KO with heart emoji on the side? Tanungin ko na kaya siya? Kaso baka mailang...sinabi ko pa naman na willing to wait ako! Taragis! Halos anim na buwan na akong naghihintay! Ay nako bahala na nga!
Lance Sebastian Jimenez: Sana kapag hindi na ako busy ay hindi ka din busy :(
Sent
Naghintay ako sa reply niya ngunit hindi niya pa nasi-seen ang message ko at ilang minuto na rin siyang offline.
Dumiretso ako kina niccolo at as usual late ako. Timplado na rin ang kape ko sa mesita at ang tatlo ay seryoso na sakanilang ginagawa. Bihira na lang din kami mag inuman...more on kape session na kami habang nagcocode. Madaling araw na rin kami natatapos, puwera kay jaq dahil mga alas diyes siya umuuwi para maabutan na gising ang anak niyang si art na iniiwan niya sa mama niya.
"Mayroon pala akong dalawang ticket sa gig ngayon ng juan karlos..." sambit ni niccolo.
Nagpahinga muna kami at umiinom ng kape.
"Oh? Bakit hindi ka pumunta?" tanong ko.
"Iyong sinasabi kong babae na feeling ko may pagtingin sa akin sa office..."
"Oh?"
"Busy siya ngayon... Bwisit! Sayang pera!" reklamo ni niccolo.
"Sayang lang ang pera mo, umasang may ka-date, kung binigay na lamang sa amin, e di happy ang lahat..." pag-awit ko.
"Hay nako! Medyo napaasa ako ro'n potek!" inis na saad ni niccolo.
Tinawanan lang namin siya habang malungkot niyang tinititigan iyong dalawang ticket na nakapatong sa may mesita.
"Musta na pala iyong problema niyo sa lupa, lance?" tanong ni lucas sa akin.
"Bakit may mauutang ba ako sa'yo na hundred k?"
"Lul!"
"Bakit hindi ka mangutang kay daniel ng hundred k?" ani jaq sa akin.
"Luhh, gago! Kakahiya! Atsaka hindi pa nga kami tapos mangungutang na ako agad? Ano, makapal lang mukha?"
"Bakit hindi ba makapal mukha mo?" sabi ni niccolo.
"Sainyo lang makapal mukha ko, tanga! Pautangin niyo na kasi ako!"
"Tig-five k na nga kami, eh, may fifteen bucks ka na ngang nalikom sa amin!" sambit ni jaq.
"Alam ko...babayaran ko naman kayo kapag naka L-L na ako!"
"L-L? lap lap? Hahahaha!" natatawang banggit ni niccolo.
"Ikaw kasi walang kalaplapan...sad."
"Bakit? Ikaw nga wala tapos wala pang label, eh!"
"More than friends but less than lovers nga kasi kami ni daniel!"
"Sad naman hanggang doon lang hahahaha!" pang-iinsulto ni lucas sa akin.
Kinuha ko ang aking cellphone at pinakita sakanila ang litrato namin ni daniel, iyong hindi alam ni daniel na kinunan ko siya habang tulog.
"Kita niyo 'yan? Kahit mabagal, umuusad!" pagmamayabang ko.
Kinuha nila ang cellphone ko at tinignan ang picture.
"Ayy gagu saan mo nadali 'tong chixx?" sambit ni niccolo.
"Sabi sainyo, eh! Ayaw niyo maniwala sa akin! Palagi kayong nagdududa sa isang tulad ko! Hahahaha!"
"Kaduda-duda ka kasi!" sabi ni lucas sa akin.
"Grabe mas maganda pa 'to sa nilalandi ko ngayon, eh, landiin ko kaya 'to? Hahahaha!" sabi ni niccolo.
"Inamo niccolo!" wika ko at sabay batok sakanya.
"Panget mo niccolo, pumapatos ng babae ng tropa? 'wag gano'n!" ani jaq.
"Ikaw nga pinatos mo pinsan ko, eh, atsaka joke lang 'yon! Hindi na kayo mabiro?"
"Kaya nga sabi ko sainyo...she is worth the wait! Nasabi ko na ba sainyo na pinakilala ko na siya sa magulang ko?"
"Luhh? Hindi nga?" sambit nilang tatlo.
"Nilegal ko na siya mga tol! Wala na siyang kawala hahahaha!"
"Gagu..." mahinang sabi ni jaq.
"Paano kung hindi ka pa rin niya sagutin kahit pinakilala mo siya kina tita?" sabi ni lucas.
"Huwag naman gano'n! Pota! Siya kaya pinakamatagal kong niligawan!"
"Sagot ko alak kapag hindi siya sinagot, no'n!" ani niccolo kahit alam niyang mababa alcohol tolerance niya.
"G!" masiglang pagsang-ayon ng dalawa kay niccolo.
Mga tunay na kaibigan nga talaga 'tong mga ito, pota.
"Kung tinutulungan niyo ako para sagutin na niya ako e di natuwa pa ako sainyo!"
"Tutulungan ka naman namin, eh, tutulungan ka namin na ipa-realize sakanya na maling desisyon ka hahahaha!" pang-aasar ni niccolo.
"Pakyu ka talaga sagad."
"At sumaiyo rin!"
"Hindi na siguro kayo magbabagong dalawa, ano?" sambit ni lucas sa amin.
Umiling lang kaming dalawa ni niccolo sabay pa nga.
Hinablot ko sakanila ang cellphone ko. Pagtingin ko nakabukas na 'yong messenger nito.
"Kingina niyo talaga!" inis kong sigaw sakanila.
"Hahahaha si lucas 'yon!" sabi ni jaq habang tinuturo si lucas.
"Hahahaha ayan ha, tinulungan na kita!" natatawa pang sabi ni lucas.
Lance Sebastian Jimenez: Sagutin mo na kaya ako?
"Inamo!"
Buti na lang at may Unsent na sa messenger kaya agad ko itong pinindot ngunit bigla rin bumaba iyong icon niya.
"Pota na-seen niya! Gagu!" pagpa-panic ko.
Natawa lang iyong tatlo sa akin.
"Kabadong kabado? Hindi ka naman ganiyan dati, ah?" ani jaq.
"Dati 'yon, iba na ako ngayon!"
"Hulog na hulog na talaga ang isang 'yan sa isang babae tssss." rinig kong saad ni lucas.
"Alam mo, lucas, mahuhulog ka rin sa isang babae tapos kapag nangyari 'yon tatawanan lang kita non-stop!" sabi ko at may pagturo pa sakaniya.
"Hindi naman ako takot mahulog o magmahal, takot lang ako magmahal ng maling tao ulit." seryosong sabi ni lucas.
"Pfft! Drama ha?"
"Alam mo lucas, dapat matuto ka mag take ng risk! Gano'n kasi sa buhay at sa pag-ibig! You must know how to risk in order to know how it feels." saad ni niccolo kay lucas.
"Always choose to fall in love." sambit ni jaq.
"Its always strange to me how we describe the beginning of love as falling when in fact, it is the end that is the fall." saad ni lucas.
"Paano mo naman nasabi 'yon?"
"Kasi love raises us up, higher than we ever dreamed possible. And the higher you go, the greater the fall when it's over."
"Bakit nga ba napunta sa ganito ang usapan natin? Anong oras na ba?" ani jaq.
"Nine-forty-six..." sagot ni lucas habang nakatingin sa relo niya.
"Ahh, habang may oras pa, gagawin ko na muna ito." binuhat ni jaq ang laptop niya na nakapatong sa mesa, inilapag niya ito sakanyang binti at nagsimula na ulit magcode.
Tinignan ko ang cellphone ko, pinindot ang icon ng facebook. Nagscroll lang ako sa news feed ko. Hindi na yata mawawala rito ang mga political views ng dalawang panig. Napa-isip tuloy ako...ano kaya pananaw ni daniel tungkol sa politics? Hindi naman kasi siya nagkukuwento tungkol sa buhay niya. Maganda siya atsaka mayaman...mukha rin siyang matalino at halata rin na sa mamahaling university siya nag-aral. ADMU? DLSU? UST? NU? FEU? UE? o baka nga naging skolar pa siya ng bayan sa UP. Ngayon ko lang napagtanto na wala pala ako halos alam tungkol sa buhay niya...ano kaya 'yon?
Nagpatuloy ako sa pag scroll at ilang intellectual memes na yata ang na Ha-ha react ko. Hanggang sa may nakita akong post;
Daniel Elizabeth Valdez was tagged in a photo.
Isang picture sa isang office. Pinost ng hindi ko kilala pero baka isa sa mga kaibigan ni daniel.
Wingelyn Diaz
Happy birthday, Ma'am Daniel Elizabeth Valdez ! God bless your kind heart always!
"Huuuh?!" pag react ko ng malakas.
"Oh, bakit?" tanong ni niccolo.
"Gagu..."
"Bakit nga?"
"Birthday ni daniel ngayon?"
"Aba malay ko! Bakit ako tinatanong mo, close ba kami? Ako ba nanliligaw sakanya?"
"Hindi mo alam, seb?" tanong ni jaq sa akin.
"Hindi naman niya sinabi, eh, hindi rin naman niya tinanong 'yong birthday ko!"
"Hangal!" ani lucas sa akin.
Napakamot na lamang ako sa aking batok. Babatiin ko ba siya? Paano 'yon alaws ako regalo sakanya! Hindi rin naman niya sinabi, eh! E di sana napaghandaan ko siya ng regalo!
"Ahh! Hindi ko alam gagawin ko...bakit hindi niya kasi sinabi? Hindi naman ako manghuhula!" wika ko.
"Bakit kasi hindi mo tinanong? 'Di ba ayon naman iyong mga basic question sa pagkilala?" saad ni jaq.
"Ano ba 'yong unang convo niyong dalawa, ha?" tanong ni lucas sa akin.
Napahaplos ako sa aking baba.
"Hmm, ininuman ko 'yong starbucks coffee niya tapos sinabi kong bayad na siya sa utang niya sa akin..."
"Huuuh?" sabay na react ng tatlo.
"Basta gano'n! Atsaka bakit ko naman tatanungin 'yong birthday niya sa unang pagkilala? Ano ko slam book?"
"Ahh, nakalimutan ko nga pala...kakaiba ka nga palang lalaki hindi ka normal." ani jaq sa akin.
"Gagu."
Napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi. Weird habit ko 'yon kapag nag-iisip.
"Dala mo ba motor mo, jaq?" tanong ko.
Silang tatlo kasi may mga sarili ng motor ako na lang wala. Kaasar matagal ko na ring plano 'yon, eh!
"Oo, palagi naman, bakit?"
Tumingin ako kay niccolo at nginitian siya. Tinaasan lang ako nito ng isang kilay.
"Ano 'yang mga ngiti mong 'yan, ha, lance? Kilala kita inamo! Ano kailangan mo sa akin?" sambit nito sa akin.
Dahan dahan kong inilalapit sa akin ang dalawang ticket na naka patong sa mesita.
"Wala ka naman mapapala rito, eh, kaya baka puwedeng akin na lang?" malambing kong sabi.
"Binili ko 'yan, bilhin mo!"
"Luhh, parang hindi tropa?"
"Tropa pero hindi mo ako mauuto!"
"Grabe ka sa akin! Sa tuwing inaapi ka ni lucas at ni jaq, sino kumakampi sa'yo? 'di ba ako?"
Tinignan lang ako ni niccolo na nakasalubong ang kaniyang dalawang kilay sa gitna.
"Hindi pa kasi nakakaranas si daniel ng mga gig concert...gusto ko lang iparanas sakanya tapos sakto birthday niya pa!"
"Osige na nga...iyo na 'yan! Tutal wala naman akong mapapala r'yan!"
"Salamat, tunay ka talagang kaibigan, niccolo!" masigla kong sabi sakanya.
"Paano 'yon 'di ba taga pasay pa 'yong chixx mo? Ano pupunta ka ro'n?" ani niccolo.
"Papadrive ako papunta doon kay jaq..."
"Luhh? Wow ha! Ano ko driver mo?" reklamo ni jaq sa akin.
"Dali na, jaq! Sa pasay lang naman!"
"Mas lalong wow! Ano 'yan kabilang kalsada lang?"
"Uuwi ka naman na rin 'di ba? Tara na! Ngayon nga lang ako nanghingi sa'yo ng favor, eh!"
Lumapit ako kay jaq at may binulong sakanya.
"Sige ka kapag hindi mo ako pinaangkas ikukuwento ko 'yong usapan ninyo ni xowie at kung gaano ka kaseloso..."
Tinignan niya lang ako ng maypagtataka na nakabahid sakanyang mukha.
"Akala mo tulog ako no'n? Nagkakamali ka..." pagpapatuloy ko sa pangba-blackmail ko.
Nagbuntong hininga muna siya.
"Oo na, tara na! Ihahatid na kita ro'n, hayop ka." matamlay niyang sambit.
Nagpaalam ako sa dalawa. Plano nilang mag all nighter sa pagcocode. Nakaangkas ako sa motor ni jaq at syempre nakakapit ako sa may likurang hawakan. Ang awkward naman kung hahawak ako kay jaq...baka magselos si xowie...selosang supladang maarte pa naman ang isang 'yon!
"Saan mo siya hihintayin?" tanong ni jaq sa akin.
Wala naman traffic kaya tuloy-tuloy ang biyahe namin.
"Sa may tapat ng condo building niya."
Sa may park ko lang pinahinto si jaq at nangutang pa nga ako sakanya ng pangtaxi pauwi.
"Kakaiba ka talaga, seb. Hands down ako sa iyong animal ka!"
"Hahaha pasensya na, jaq, ha, hayaan mo ipagdadasal naman kita bago matulog."
"Ipagdasal mo na lang sarili mo. Osya mauna na ako, goodluck sa date niyo at sana pagkatapos no'n sagutin ka na niya."
"Sana madinig ng Diyos ang iyong dalangin para sa akin...Amen."
Tinakbo ko ang papunta sa tapat ng condo building ni daniel. Nagmessage na kasi ako sakanya bago pa lang umalis kina niccolo.
Lance Sebastian Jimenez: Puwede ka pa ba ngayon? May gusto lang akong ipakita sayo!
Daniel Elizabeth Valdez: What is it?
Lance Sebastian Jimenez: May ticket ako sa gig concert ng juan karlos! kaso kailangan natin dalian para maabutan pa natin sila!
Daniel Elizabeth Valdez: okay...where should we meet?
Lance Sebastian Jimenez: Huwag ka ng aalis diyan! Hintayin mo ako sa tapat ng condo building mo. kitakits!
Pagdating ko sa tapat ng condo building niya, nandoon na siya nakatayo at hinihintay ako. Nakasuot lamang siya ng jeans at plain white t-shirt at sneakers na may Givenchy na nakasulat. Kahit simple lang ang suot niya feeling ko ang mahal niyang tignan...dagdag pa na mahal ko siya kaya dumoble. Samantala ako, naka plain din naman akong puti na t-shirt, jeans, at iyong adidas ko na mumurahin na class A. Buti na lang pinaiwan ko muna kina niccolo iyong backpack ko kasi baka mag mukha akong gwapong ewan nito sa harap niya.
"Kanina ka pa rito?" tanong ko pagkalapit sakaniya. Umiling siya bilang tugon.
"Tara na? Mag abang na tayo ng taxi."
"Where are we going?" tanong niya sa akin.
Nginitian ko lamang siya at inilabas ang dalawang ticket na nakatago sa aking bulsa. Ipinakita ko ito sakaniya at medyo winagayway pa nga.
"Hindi ba nangako ako sa'yo nang tungkol dito? Tutuparin ko na siya ngayon."
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro