Kabanata 11
Ang lupa
•••
Anong oras na ako nakatulog, siguro mga alas singko tapos itong kuya ko ginising ako ng five-thirty, nag-aya na magkape raw kami pero ang totoo no'n inutusan niya ako bumili ng pandesal sa labas.
"Pambihira ka alam mo ba alaws pa ako tulog?" reklamo ko habang binababa 'yong pandesal sa mesa.
Nagsisimula na rin magtilaok ang mga bunsong anak ni tatay sa labas.
"Huwag ka na magalit, tinimplahan na nga rin kita ng kape, eh."
Inabot niya sa akin ang isang tasa na may lamang kape.
"Magkano na ipon mo?" tanong niya sa akin habang pinapalamanan 'yong pandesal niya ng reno liver spread.
"Forty bucks...ikaw?"
"Fifty bucks."
"Ayos na 'yon, may ninety bucks na tayo."
"Kung ipapaayos 'tong bahay saan tayo tutuloy?"
"Ako makikituloy ako kina ricky muna, kayo kina kuya steven na muna..."
"Ako na pala magbibigay ng pambayad sa tubig at kuryente next month, noh?" aniya habang hinahalo ang kaniyang inumin.
"Oo, ikaw na. Baka sabihin mo na naman sa akin na naubos mo pera mo kakabili ng damit?"
"Hahahaha pagbigyan mo na ako, ako nga rin gumastos sa'yo no'ng nag-aaral ka pa, eh?"
Sabagay, malaki ang utang na loob ko rin sakanya dahil isa rin siya sa mga gumastos sa pagpapa-aral sa akin...ilang libo rin ibinagsak niya no'n sa akin dahil sa pesteng capstone project na 'yon.
"Balak ko magpakabit ng internet na...'yong kapitbahay natin ang bagal nang net, eh! Madalas akong ma-lag sa COD!" reklamo ko.
"Gagu baka makahalata 'yon hahaha! Oo nga pala, saan mo naman nabingwit 'yong babaeng 'yon? Puwedeng pang miss universe ang itsura, eh, kabogera ang beauty!"
Si kuya sevestre ay isang miyembro ng LGBTQ pero nagladlad na siya sa amin na isa siyang bakla no'ng nakaraang taon lang. Mas naaattract siya sa lalaki kaysa babae, pinilit naman niya na maging ganap na lalaki kaso hindi niya talaga kaya. No'ng umpisa hindi matanggap ni tatay ang katauhan niya pero no'ng tumagal tinanggap na rin niya. Ayon talaga siya, eh, wala na kaming magagawa ro'n kundi ang tanggapin siya. Naaalala ko tuloy 'yong sinabi niya sa akin no'ng nag coffee session kami dati...alas singko rin ng umaga 'yon.
"Ayos lang sa akin na hindi ako tanggapin ng ibang tao, pero siguro mas masasaktan ako ng sobra kung hindi rin ako tinanggap ng pamilya ko sa kasarian ko..."
"Alam mo kasi kuya, ang pamilya dapat kasi nagmamahalan ang mga 'yan! Gano'n dapat! Kaya nga mahal kita kasi kapatid kita!"
"Pero mas masarap pakinggan ang salitang tanggap kita kaysa mahal kita, sebastian. Balang araw maiintindihan mo rin ako."
Ang lalim ng hugot niya sa buhay pero tanggap ko naman siya, eh, kahit ano pa siya. Kahit alam ko na naiiba siya no'ng highschool pa lang ako dahil napansin iyon ng iba kong kaklase no'ng nagkaroon kami ng balik para sa isang play at siya ang kinuha kong trainer.
"So saan mo nakilala 'yong chixx mo?" tanong niya ulit.
"Doon sa may park, sa may tinatrabahuhan ko malapit lang rin iyong kompanya niya ro'n. Unexpected love story kuya hahahaha!"
"Kompanya?"
"Co-CEO raw siya, eh."
Hinampas ako ng malakas ni kuya sa braso.
"Aray ko naman!" reklamo ko sa paghampas niya.
"Pota ka! Naka jackpot ka, tanga!"
"Jackpot kung sasagutin na ako!"
"Hindi ka pa sinasagot?"
Umiling iling ako, sabay inom ng kape.
"Bakit dinala mo rito kung hindi pa kayo?"
"Wala lang...para wala na siyang kawala sa akin. Nakilala na siya ng mga kapitbahay ko at pamilya ko, mahihiya na lang siyang hindi ako sagutin hahahaha!"
"Tanginang utak 'yan ang taba mag-isip talaga..."
"Nasa lahi kuya...nasa lahi."
Maaga nakauwi si nanay galing palengke at pinagluto kami ng almusal. Si tatay maaga naman namasada. Alas siete na nagising si daniel at ang cute niya lalo kapag bagong gising! Paano kaya kapag kami talaga nagkatuluyan hanggang huli? Gigising ako sa napaka gandang bare face niya tuwing umaga? Gusto ko 'yon!
"Mag co-commute ka ba pauwi, nak?" tanong ni nanay kay daniel.
Sinasandukan na naman niya si daniel ng pagkain samantala kaming dalawang tunay niyang anak dito ay hindi.
"No, I might get a taxi po."
"Taxi? May dumadaan bang taxi rito, nay?" ani kuya.
"Mayroon ba? 'di ba sebastian 'yong si ricky taxi driver?" sambit ni nanay.
"Hindi 'yon namamasada ng ganito kaaga..." tugon ko.
"So ano, ipagko-commute mo si daniel? Eh, tuwing sabado ng umaga kitang rush hour pa rin! Nako kung ako si daniel, hindi kita sasagutin!" saad ni kuya.
"Lul." mahina kong sabi kay kuya kasabay ng masamang tingin na kaniya lang tinawanan.
Pagkatapos kumain, una akong naligo at sumunod naman si daniel...hindi kami sabay, syempre. Sinugod ko rin ang bahay ni ricky, nakaparada sa tapat ng bahay nila ang taxi na namana niya pa sa yumao niyang ama.
"Ricky! Lumabas ka na r'yan napapalibutan ka na namin!" sigaw ko.
"Maybe his still asleep?" ani daniel na nakatayo sa tabi ko, suot suot na ang kaniyang corporate attire at heels.
"Tanghali na...ano siya prinsipe?"
Alas siete pa lang ng umaga at siguro anong oras na sila natapos sa inuman session kagabi kaya paniguradong bagsak pa 'yon ngayon.
Bumukas ang pinto nila ricky at bumungad sa amin ay si aling tessa, ang mama niya.
"Oh, sebastian!" bungad nitong bati.
"Si ricky aling tessa? Tulog pa ba?"
"Nako, oo! Madaling araw na 'yon umuwi, eh. May kailangan ka ba sakanya?"
"Meron, eh, hinanapan ko na siya ng pasahero." sabay turo ko kay daniel.
"Ahh, siya ba 'yong girlfriend mo? Aba! Maganda nga, ah!"
"Syempre naman aling tessa...ako pa ba, magaling ako pumili, eh!" natatawa ko pang sabi na may pagkamot sa batok.
"Sabagay...si ligaya rin maganda rin naman..."
Pasmadong bunganga nito ni aling tessa! Dapat dito itinatahi ang bunganga, eh, kahit nanay pa siya ng tropa ko!
"Hahahaha! Ako na lang po gigising kay ricky, aling tessa."
"Sige sige akyatin mo na lang sa taas."
Pumasok ako sa bahay nila aling tessa at narinig ko pa ang pakikipag usap niya kay daniel.
"Mayroon ka pa bang kaibigan na puwedeng ma-ireto sa anak ko? Nakilala mo na ba si ricky?"
"Yes, I have met him last night po."
"Baka may maireto ka sakanya, ha?"
Pambihirang aling tessa 'to ginawa pang taga booking si daniel, hay nako!
"Hoy ricky!" tinadyakan ko ng mahina ang tagiliran niya no'ng makaakyat ako sa kanilang maliit na second floor at bungad agad ang kanilang higaan.
"Hmmm..."
"Gising na kupal ka, kailangan kita!"
"Hmmm? pakyu ka...hindi ako pumapatol sa lalaki..." aniya na medyo antok pa.
"Gagu, bumangon ka na r'yan at ihahatid mo kami sa pasay!"
"Kingina sebastian mag mrt na lang kayo!"
"Tangina nito, babayaran ka naman!"
"Aga-aga pa, eh."
"Dalian mo na at iyong nanay mo baka magdaldal kay daniel tungkol kay ligaya! Hinayupak ka! Manang mana ka talaga sa mama mo, eh, noh?"
Natawa lang si ricky habang bumabangon.
"Bakit? Nakita na ba ni daniel si ligaya?" tanong niya habang nag-iinat.
"Oo no'ng bumili kami ng ihaw-ihaw sakanila kagabi. Hindi ko sinabing ex ko, sabi ko tropa ko."
"Hahahaha kapal din ng mukha mo, kinahiya mo pa si ligaya? Eh, siya nga yata magandang dalaga rito sa atin."
"Oo na kingina ka atsaka hindi ko siya kinakahiya! Nakakailang lang gagu, iyong nililigawan ko pinakilala ko sa ex ko? Respeto naman kay ligaya...ano pinapamukha ko na mas maganda si daniel sakanya?"
"Drama mo, tanga! Niloko mo nga 'yon si ligaya dati hahahaha!"
"Inamo past is past! Huwag mo ng halungkatin ang nakaraan! Atsaka hindi ko siya niloko!"
"Oo na tangina...hintayin niyo na lang ako sa baba, maliligo pa ako."
"Dalian mo, ah!"
"Oo boss."
Pagbaba ko ng hagdan, nasa sala na si daniel nakaupo sa upuan nila ricky na gawa sa kahoy.
"Nasaan si aling tessa?" tanong ko kay daniel.
"She went outside...she's talking to someone."
"Ahhh nakikipagchismisan..."
Tumabi ako kay daniel sa upuan. Ang bahay nila ricky ay gawang bato sa unang palapag at kahoy na sa ikalawa. Sa sala nila ay bungad agad ang kusina at hapagkainan. Iyong pinto ng cr nila ay makapal na kortina lamang.
Sigurado akong nailibot na ni daniel ang kaniyang paningin sa lugar. Buti na lang talaga at malinis kahit papaano ang bahay nila ricky kahit pa tambak ang mga gamit sa sala at masikip din.
"Alam mo ba dati no'ng mga bata kami, iyong mga bahay rito sa amin, napasok na namin."
"Really?"
"Oo! Bawat bahay nga rito dati open 'yan! Lalo na kapag may mga nanonood ng movie sa cd? Nagpapanood ang mga tao rito, eh, noon wala naman kaming dvd player kaya kapag may nanonood ng movie akala mo movie marathon palagi, eh!"
"I was really quite impressed...people here are very hospitable they even let me in even though they barely know me."
"Ayan pa...wala kang dapat ikabahala sa lugar na ito dahil malakas ang kapit mo! Sabihin mo lang na Alejandres Jimenez...boom! Safe ka na!"
"Your family is really well known here."
"Dati ngang kagawad si nanay sa baranggay atsaka si papa dating gangster daw 'yon dito noong mga kabataan days niya!"
"Wow! I could also tell by seeing his tattoos yesterday."
"Ahh, ayon ba? Tsss libre lang 'yon sakanya, eh! Tropa niya kasi tattoo artist!"
May tatoo kasi si tatay sa braso na superman na itinattoo ng isa niyang kaibigan na kakalaya lang noon sa kulungan.
"Do you plan on getting tattoos too?" tanong sa akin ni daniel.
"Gusto mo ba na may tattoo ako?"
"I don't know...it's up to you if you want one."
"Ayaw mo yata, eh, huwag ka mag-alala hindi ako magpapatattoo."
Iyong expression ng mukha ni daniel ay para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Oo nga! promise! peksman! mamatay man buong angkan ko!"
"Pfft, okay...if you say so."
Mga bente minutos ang tinagal ni ricky tapos nag almusal pa muna.
"Sabing huwag na mag almusal, eh!" reklamo ko kay ricky.
Binuksan ko ang pinto ng taxi at inalalayan si daniel sa pagpasok sa loob.
"Ligaya!" sigaw ni ricky.
Nakita namin si ligaya, naka suot ng uniporme niya sa trabaho at naglalakad sa gawi namin.
"Bakit?" aniya.
"Pasay ka rin 'di ba?" tanong ni ricky sakanya
"Tao ako, tanga." pamimilosopa niya.
"Sumabay ka na sa amin..." sambit ko sabay turo sa loob kung nasaan si daniel, nakangiti sakanya.
"Pasay rin ba kayo pupunta?" tanong niya.
"Ihahatid si daniel doon, sumabay ka na!" sabi ko.
"You can sit beside me, ligaya." nakangiting sabi ni daniel.
Asar! Ako sana katabi niya, eh! Bwisit! Magkatabi ngayon sina daniel at ligaya sa backseat. Nakaupo naman ako sa shotgun seat at syempre si ricky ang driver.
"Sebastian pare..." sambit ni ricky habang nagmamaneho.
"Oh?"
"Iyong tanlap namin biglang nagblack out marunong ka bang mag-ayos no'n? I.T ka 'di ba?"
"Pota naman ricky...I.T papaayusin mo ng sirang tanlap? May hang over ka pa ba?"
"Gagu malay ko ba?"
"Sa repairshop mo paayos 'yon huwag sa akin!"
"What's tanlap?" rinig kong tanong ni daniel.
"Tanaw diglap...TV, television. Ayon 'yon." pagsagot sakanya ni ligaya.
"Ohh, a deep filipino term?"
"Yeah something like that."
Napaligiran ng katahimikan ang loob ng taxi. Tumigil sandali si ricky dahil sa traffic.
"Alam mo ba daniel, magaling 'yan kumanta si ligaya!" sambit ni ricky habang tinitignan ang dalawang dalaga sa may rear-view mirror niya.
"Oh, really?"
"No, I'm not that great...siraulo ka ricky!" ani ligaya.
"Oo ang galing nga niyan, eh, hindi ba sebastian? Hahahaha!" sambit ni ricky sabay tingin naman sa akin. Tinignan ko lamang siya ng masama.
"Inamo." mahina kong wika sakanya.
"Sebastian has a nice voice too." ani daniel.
"Oo, magpartner nga sila dati sa kantahan, eh, hahahaha!" sabi ni ricky na hindi pa rin tumitigil sa pang-aasar.
"Hindi ka mananahimik diyan?" pagbabanta ko kay ricky.
"Really? Do you guys team up to compete?"
"Hindi...no...we just jammed together, parang gano'n sa school dati." tugon ni ligaya sa tanong ni daniel.
"Maganda ang boses ni ligaya kapag kumanta pero kapag nagsalita na? Nako po! parang kargador ang boses! Hindi naman ganiyan 'yan dati pero habang tumatanda kami...napapansin ko lang." sambit ko.
"Hahahaha gagu ka sebastian!" sabi ni ricky.
"Inamo sebastian! Siraulo ka! Mamatay ka na sana!" galit na saad ni ligaya sa akin.
"Kargador talaga, eh, hahahaha!" pang-aasar ko pa rin.
"Gagu ka sagad tanga!" galit pa rin na sabi ni ligaya sa akin.
Tinignan ko si ligaya sa rear-view mirror at nakatingin siya sa akin na naniningkit ang mata, nakahalukipkip din siya.
"Inis ka?" sambit ko kay ligaya.
"Inamo..." tugon nito.
"Alam mo nakakapangit talaga sa babae ang pagmumura...kapag ganiyan ka walang magkakagusto sa'yo!"
"Oh, talaga? potanginamo."
Naniningkit na rin ang mata ko dahil sa irita kay ligaya samantalang itong katabi ko ay parang tangang natatawa lang sa gilid.
"I kinda like your voice ligaya...I think its beautiful." sambit bigla ni daniel na nagpasinghap sa akin.
"You think so?" ani ligaya.
"Yes, I'm jealous with your voice too."
"Why?"
"Because it sound so tough and strong. It makes you a strong woman."
"Daniel, mas maganda kaya ang boses mo!" ani ko.
Tumango tango naman si ricky.
"Oo nga daniel...your voice sounds more beautiful than mine. Guys and men would find yours more attractive." sabi ni ligaya.
"Guys and men would find it attractive but I don't. It sound so soft, so kind, it feels like...it sounded so weak."
Hindi na lang ako napaimik. First time ko lang marinig na magseryoso si daniel. Atsaka hindi ko akalain na magseselos siya sa boses kargador ni ligaya, eh, mas gusto ko pa naman 'yong boses niya.
"You don't need to have a voice like mine to be a strong woman, daniel. You don't need to raise your voice, you just need to improve your argument." rinig kong sabi ni ligaya.
•••
Nahatid namin ang dalawang dalaga sa pasay. Hinintay ako ni ricky sa isang kanto para sabay kami makauwi dahil hinatid ko pa si daniel hanggang sa tapat ng condo building niya.
"Ito pala bayad ni daniel." pag-abot ko ng isang libo kay ricky na kaniya namang tinanggap.
"Nice! Eh, ikaw? Nasaan bayad mo?"
"Anong bayad? Magkaibigan naman tayo!"
"Mapapambayad ko ba sa gasolina ang pagkakaibigan natin?"
"Ina nito, oh, parang hindi tropa!"
"Alam mo, sebastian, ang hirap mo maging tropa taragis ka!" naiinis niyang saad. Tinawanan ko lang siya sa mga sumbat niya.
"Bakit pala napatameme ka kanina, ha?" tanong ni ricky habang nagmamaneho.
"Hay nako! Wala kong masabi kay daniel kanina. Isipin mo, ha, mala anghel at barbie na itsura tapos kargador 'yong boses? Hindi bagay kay daniel 'yon pare!"
"Mala anghel din naman itsura ni ligaya, ah? Bumagay naman sakaniya 'yong kargador niyang boses."
"Sakanya 'yon! Hindi ko lang maisip na bakit pagseselosan ni daniel si ligaya? Eh, nasa kaniya naman na lahat...pati ako nasa kaniya na!"
"Tangina, blessed naman pala siya kung nasa kaniya ka na! Hahahaha!"
Napuno lang ng tawanan ang loob ng taxi. Nagkantahan na lang din kami ng mga awitin ng Silent Sanctuary hanggang sa makauwi kami.
"Oh, bakit ang daming tao sa labas?" tanong ko pagkababa sa taxi.
Pinarada ni ricky ang taxi sa tapat ng bahay nila. Nagkukumpulan ang mga matatanda sa tapat ng bahay ni aling yoli.
"Meeting yata ng mga chismosa hahahaha!" pagbibiro pa ni ricky.
Pag-uwi ko ng bahay, nasa mesa si nanay may binabasang papel.
"Si kuya at esperanza? Pumasok na?" bungad kong tanong.
"Oo, kakaalis lang kani-kanina..."
"Nagkukumpulan iyong mga matatanda kina aling yoli, ah? Anong ganap?"
Umupo ako sa katabing upuan ni nanay. Hinablot ko ang binabasa niyang sulat.
Severiano Jimenez
23K Compound,
Makati City 1224
Dear Neighbor,
Pursuant to L Compound regulations, I am hereby informing you that Severiano Jimenez household located at 23K Compound, Makati City, will be demolished within three months (Jan.14, 2022).
Sincerely,
Rogelio Lopez Jr.
property owner
Makati City
property owner's address
*SN: This notice of demolition letter format is just an example. Might as well search in google for the correct and proper format.*
"Akala ko ba okay na 'to?" tanong ko kay nanay.
"Eh, akala rin ng mga taga rito, eh. Sampung taon ng hindi nagparamdam 'yang lopez na 'yan akala ko nga patay na 'yan!"
"Paano na 'to? 'di ba may sinisingil sila? Kanila ba talaga 'tong lupa? Akala ko ba sa gobyerno 'to?"
"Kingina kung alam ko lang na buhay pa pala 'yang animal na 'yan e di sana hinulugan ko na dati pa 'yong pesteng lupa na 'to!"
"Magkano ba?"
"One hundred K! Bwisit talaga! Kampon talaga ni satanas 'yan si lopez, eh!"
"One hundred K!?"
"One hundred k o gusto mo tumira doon sa baras?"
"Baras? Kingina ano mapapala ko ro'n? Nandito trabaho ko!"
"Magkano na ba naipon mo?" seryoso niyang tanong sabay kuha sa akin ng papel.
"Forty..." sagot ko.
"Tsk tsk tsk...kaya mo ba mag-ipon hanggang january? Oktubre pa lang naman ngayon..."
"Hay nako!"
Napabuntong hininga na lamang ako. Simula ng ipinanganak ako hanggang sa umabot ako ng bente-tres, dito na ako lumaki. Dito ko na rin nakuha ang street smart ko!
"Paano kapag hindi tayo nakabayad?" tanong ko kay nanay.
"Kailangan na natin maghanap ng ibang bahay..."
Hindi naman sa pinoproblema ko ang paghanap ng matitirhan na bahay, may natabi na kaming pera ni kuya at mas ayos siguro kung lumipat na kami sa mas maganda at maayos na lugar. Ang iniisip ko lang talaga ay iyong mga tao rito sa compound na walang mahahanapan ng malilipatan, kahit papaano gumastos din sila ng pera pampaayos sa mga tagpi-tagpi nilang bahay.
"Nabalitaan mo na ba?" tanong ni ricky sa akin.
Nakatambay kami sa lumang court dito sa compound, nakaupo lang kami sa may stage. Tamang cigarette session lang sa tanghaling tapat.
"Oo nga, eh, tangina gandang salubong ng new year 'yon." sagot ko.
"Pfftt, mukhang sa baras bagsak namin, kayo?"
"Ewan! Tangina! Iniisip ko pa lang na mangyayari 'yon nag-aalangan ako sa bahay! Sayang 'yon!"
"Iyong memories pa kamo! Hahahaha!"
"Bakas pa nga sa bahay 'yong inabot ng baha no'ng bagyong ondoy at habagat, eh!"
"Hahahaha gagu memories rin 'yon! Hindi kayo lumikas no'n 'di ba?"
"Hindi!"
Natawa lang si ricky sa sinabi ko. Patuloy lang kaming dalawa sa pag-alala sa mangyayari sa lugar namin. Simula no'ng mga rambulan dito sa court at ilang liga na napanalunan namin. Mga singing contest at dance contest tuwing christmas party sa compound noon.
"Bakit kaya gano'n ricky..." sambit ko.
"Ano?"
"Bakit pa kailangan i-demolish iyong lugar natin? Para ano? Ibenta sa mga negosyante at gawing subdivision? Ibenta sa gobyerno para gawing daanan na hindi rin naman makakaresulba sa traffic na mayroon ang pilipinas, o sadyang gusto lang nilang pahirapan ang mahihirap?" sambit ko sabay hithit ng yosi.
"Alam mo, sebastian, sakim kasi ang mga tao lalo na ang mga mayayaman. Ang mayayaman kasi gusto lang nila dumami ng dumami ang pera nila wala silang pake sa mga taong naaagrabiyado nila. Katotohanan na dapat natin tanggapin."
"Ayon din paniniwala ko, eh. Pero may mga mayayaman naman na hindi rin gano'n."
"Tama ka rin diyan, sebastian."
"Tawag sa mga 'yon ay rare species hahahaha!"
"Eh, ano tawag sa ating mga mahihirap sa squatters area?"
"Breathing kabote ano pa ba? Hahahaha!" pagbibiro ko. "Akala ko pa naman Diyos ang may gawa sa lupa..." dugtong ko na seryosong agam-agam.
"Ang Diyos nga..." tugon ni ricky.
"Kung ang Diyos pala ang may gawa bakit tayo sinisingil ng tao?"
"Anong plano sa January fourteen?" seryosong tanong ni ricky sa akin.
Kung lumaban kami, may posibilidad na matalo kami. Pero kung hindi naman kami lalaban ibig sabihin talo na agad kami.
"Tignan na lang natin, pre, kung ano mangyayari." sambit ko sabay hithit ng yosi.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro