Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

Normal na pamilya

•••

Nakahiga si tatay sa sopa habang nagkakamot ng tiyan.

"Ehem!" bulyaw ko at siya'y nagulat. Napabalikwas sa pagkakahiga.

"Good evening po." bati ni daniel sakaniya.

"May bisita ka pala sebastian, bakit hindi mo sinabi?" tanong nito sa akin habang papatayo.

"Hindi ba sinabi ni esperanza?"

Nakita ko naman si nanay na nagraragasa sa pagbaba ng hagdan at kasunod nito ay si esperanza. Naka open arms si nanay na dahan-dahan na palapit sa akin kaya ibinuklat ko ang aking kamay upang mayakap din siya ngunit tumaliwas siya ng direksyon at niyakap si daniel kaya niyakap ko na lamang ang sarili ko.

Pambihirang nanay 'to.

"Nako po, napaka marilag na dalaga! Balingkinitan pa!" masiglang sambit ni nanay habang nakahawak sa dalawang balikat ni daniel.

"Sabi sa'yo nay, eh!" ani esperanza.

"Nay, ako anak niyo hindi mo ba ako yayakapin?" pagse-segway ko.

"Nako seviriano! Umakyat ka nga sa taas at magsuot ka ng damit! Mahiya ka naman sa maganda at mabangong bisita natin!" sigaw ni nanay kay tatay sabay tingin ulit kay daniel. "Nako kumain ka naman na ba? Nagugutom ka ba?" tanong nito.

"Ako nay hindi mo tatanungin?" wika ko rito sa tabi lang nila. Hindi ako pinansin ni nanay, nakatingin lang siya kay daniel. Para akong isang kabute sa gilid.

"I haven't eaten yet but we bought ihaw-ihaw po."

"Ihaw-ihaw?"

Tumango tango si daniel kay nanay, pinakita ko naman ang bibit kong plastic na may ihaw-ihaw. Tapos si nanay tinignan ako ng masama sabay hampas ng malakas sa braso ko.

"Aray! Bakit?" bulyaw ko.

"Papakainin mo ang girlfriend mo ng ihaw-ihaw!?" galit nitong saad.

"Bakit? Ayon 'yong gusto niya, eh!"

"Iha, ano bang pangalan mo?" tanong ni nanay kay daniel.

"Daniel Elizabeth Valdez...sorry for the late introduction po."

"Puwedeng anak na lang ang itawag ko sa'yo? masyadong mahaba kasi ang pangalan mo, iha."

"Nay, naaalala niyo ba na pangalan ko ay Lance Sebastian? Mahaba rin?"

"Pake ko sa nararamdaman mo?" ani ng nanay ko sa'kin habang abala na nakahawak pa rin kay daniel. "May niluto akong ginataang talbos ng kamoteng kahoy magugustuhan mo 'yon!" saad pa nito.

Ganiyan naman si nanay sa mga babaeng pinakilala ko.

"Favorite kong luto 'yon...sahog ba no'n, nay, baboy?" wika ko.

"Wala akong pake sa nararamdaman mo, sebastian! Maligo ka nga! Amoy usok ka! Mahiya ka naman dito sa magandang mabango mong bisita!"

Inamoy amoy ko ang sarili ko, Oo nga amoy usok nga ako! Bwisit na ligaya 'yon! Amoy usok tuloy ako! Pambihira, bawas pogi points 'to, eh!

"Ikaw hindi ka ba naiinitan sa suot mo, iha?" tanong ni nanay kay daniel. "Esperanza pahiramin mo nga muna ng t-shirt at shorts itong ate mo..."

"No, it's okay...you don't have to po. I'm fine."

"Nako! Sige na sumama ka r'yan kay esperanza at halata sa'yo na naiinitan ka!"

Hinila naman ni esperanza si daniel paakyat sa kuwarto nito.

"Nako! Sebastian!" ani nanay sabay hampas na naman sa aking braso.

"Aray! Bakit ba?"

"Saan mo naman nakilala 'yong babaeng 'yon? Mukha at amoy mayaman!"

"Pansin ko rin anak na panay ingles no'n...foreigner ba 'yon?" tanong ni tatay na ngayon ay may suot ng pang itaas.

"Inglesera si daniel pero nakakaintindi naman ng tagalog atsaka mayaman nga siya."

"Aba! Sebastian!" hinampas ako ni nanay ng malakas na naman.

"Aray ko naman, nay! Kitang ang bigat ng kamay niyo, eh!"

"Nakajackpot ka! Huwag mo ng hihiwalayan 'yan, ah!" sabi niya habang dinuduro 'yong hintuturo niya sa mukha ko.

Umakyat ako sa kuwarto, napadaan sa tapat ng kuwarto ni esperanza na dating kuwarto ng panganay kong kuya. Ang ingay nga ni esperanza, eh, feeling ko sinisiraan ako ng isang 'yon kay daniel.

Kumuha ako ng damit pamalit dahil maliligo ako...ayoko naman na mag amoy usok sa piling ni daniel. Mga thirty minutes ang tinagal ko sa banyo at paglabas ko, nakasabit ang tuwalya sa aking batok. Suot kong t-shirt ay kulay itim na may print na;

KAKAYANIN ();
// pahinga lang, pero walang susuko.

Tapos kulay gray na short. Dahil malapit lang ang banyo sa kusina at hapag kainan, nakatingin sila sa akin pagkalabas ko. Mga nakaupo na sila sa mesa at nakahain na rin ang pagkain. Tumabi ako kay daniel na nakasuot ng plain white t-shirt at bulaklakin na short ni esperanza.

Pota bagay sakanya 'yong short...ang cute niya tignan! Kainis!

"Daniel, anak, tikman mo 'tong luto ko! Masarap ito! Hahanap hanapin mo 'to panigurado!" ani nanay habang pinagsasandukan si daniel.

"Thank you po."

"Oh ayan...kumain ka ng marami."

Nilapagan ko naman si daniel ng dalawang isaw sa plato niya at inilapit ang sawsawan tapos biglang hinampas ni nanay 'yong kamay ko.

"Aray! Bakit?"

"Nako sebastian, paano kapag sumakit ang tiyan niyan ni daniel, ha?"

"Ayan nga 'yong pinunta niya rito, eh! Iyong ihaw-ihaw!"

"It's alright...I really wanted to taste this." sambit ni daniel habang hawak-hawak ang isang stick ng isaw at sinawsaw ito. "Hmm! It's very delicious...I like it po."

"Kitams?" pang-aasar ko kay nanay.

Nagsandok na rin ako ng pagkain kasi 'yong nanay ko hindi ako pinagsandukan...ako na tunay na anak hindi pinagsandukan. Nagsalok si daniel ng kanin na may ginataang talbos ng kamoteng kahoy. Nakatingin lamang kami sakanya, sabik sa kung ano man ang magiging reaksyon niya sa pagkain no'n.

"Masarap ba, iha?" tanong ni tatay.

Nanlaki ang mata ni daniel habang ngumunguya.

"Hmm! Wow! This taste good po!" masaya nitong sabi dahil nakangiti pa nga.

"Specialty niya 'yan..." sabi ni tatay habang nakaturo kay nanay.

"I like it very much."

"Nako, mabuti naman at nagustuhan mo...huwag ka mag-alala ituturo ko sa'yo ang pagluto niyan para naman kapag naging mag-asawa na kayo ni sebastian---"

Bigla akong napaubo ng malakas sa sinabi ni nanay.

"Ano ba naman 'yan, sebastian!" inis na bigkas ni nanay.

"Asawa agad? 'di ba nga sabi mo sa akin huwag muna mag-asawa?"

"Pambihira ka sebastian, kung wala ka palang balak siyang pakasalan hindi mo na dapat siya niligawan!"

"Lagi mo 'tong tatandaan sebastian..." panimula ni tatay.

Tumingin ako kay esperanza na nakaupo sa tapat ko...nagbehlat lang siya sa akin.

"Ang babae ay parang bulaklak, huwag mo na lang pitasin kung itatapon mo lang din." sambit ni tatay na kalmado lang at patuloy sa pagkain.

Pota naman, sila nga nagsabi sa akin na huwag muna mag-asawa...ano 'to? Kulang na lang magpropose na ako ngayon mismo kay daniel sa harap nila, eh! Kaso lang hindi pa pala ako sinasagot ni daniel...kainis!

"Nandito na ako!" isang sigaw mula sa pinto.

"Oh! Akala ko hindi ka uuwi ngayon?" sigaw ni nanay.

"Akala ko rin kaso wala pala akong pamalit---" napatigil si kuya no'ng marating niya ang kusina at makita si daniel. "Sino 'yan? Ang barbie, ha?" tanong nito habang nakaturo pa kay daniel.

"Syota ni tito sebastian." sagot ni esperanza.

"Luhh, gagu hindi nga?" pagdududa ni kuya.

"Who's he?" bulong ni daniel sa akin.

"Kapatid ko...si kuya sevestre."

Ginulo ni kuya ang buhok ko at sabay kurot nito sa isa kong pisngi.

"Jackpot sebastian, ah! Nice one!" pang-iinis niya sa akin.

Lumapit siya kay daniel, nakahawak siya sa may sandalan ng upuan nito. Halata kay daniel ang pagka-ilang dahil numinipis ang kaniyang labi.

"Hi, ano pangalan mo?" tanong ni kuya sakaniya.

"Daniel Elizabeth Valdez po."

"I'm Leopoldo Sevestre Jimenez...your future bayaw hahaha!" pagbibiro ni kuya sa huli.

"Nice to meet you po, kuya."

"Cute mo!" aniya at umalis na siya sa puwesto namin.

"Hindi ka ba kakain?" tanong ni nanay.

"Hindi na, inaantok na po ako. Maaga pa ako bukas, eh, pagising na lang ho ako, nay!" wika niya habang paakyat sa taas.

Tahimik na ulit kaming kumain. Nilalapagan ko ng ihaw ang plato ni daniel at dahil doon masamang tingin ang ibinibigay sa akin ni nanay na akala mo, eh, may laser beam siyang ilalabas tapos ititira sa akin.

"Ano na naman 'yon, nay? Ano 'yang masamang tingin na 'yan?" sambit ko.

"Sabing huwag mo ng pakainin si daniel niyan, eh!"

"Ano gusto mo? Binili niya nga 'to, eh! masasayang kung hindi niya matitikman!"

"E di sana ikaw na lang kumain!"

"It's really okay po. I'm still not full yet, I can still manage to eat more." ani daniel sa gitna ng bardagulan namin ni nanay.

"Nako, don't...don't ano..."

"Don't ano, nay?" sabi ko na medyo natatawa pa.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo, anak." sabi ni nanay.

"Hahahaha! 'di ka naman pala fluent sa ingles, nay, eh!" pang-aasar ko.

"Ingles ingles...mabubuhay ako kahit hindi ako fluent do'n!"

"Nay, alam mo ba ang ingles ng balang araw ipaghihiganti kita?" tanong bigla ni tatay.

"Balang araw ipaghihiganti kita?" mahina kong ulit.

"Someday I'll avenge you?" sagot ni esperanza.

"Oh, tama si esperanza!" sabi ni nanay na nakaturo pa nga kay esperanza.

"Mali..." umiiling na sambit ni tatay.

"Eh, ano?" tanong namin nila nanay at esperanza.

"Bulleting day I will giant you." sagot ni tatay.

"Bulleting day I will giant you?" sabay naming bigkas ni esperanza.

"Oo, ano english ng bala?"

"Bullet."

"Araw?"

"Day." sagot ni esperanza.

"Sun." sagot ko ngunit hindi nila pinansin...sad.

"Higante?"

"Giant."

"Oh, e di bulleting day I will giant you! Balang araw ipaghihiganti kita. Hindi siguro 'yan naituro sa mga school niyo, noh?" ani tatay na nakangiti pa nga.

Natawa na lang kami sa sinabi ni tatay kasi baka masundan na naman ang sasabihin niya...hindi naman kasi nakakatawa talaga 'yon.

"Naaalala ko tuloy 'yong elementary ako dati..." panimula ni tatay.

Nagkatinginan kami ni esperanza at kita sa mukha namin ang pagkairita.

"Why? What's wrong?" palihim na bulong ni daniel sa akin, nakita niya yata ang reaksyon namin ni esperanza.

"Wala...sawa lang kami sa ikukuwento ni tatay tungkol sa paglaki niya sa probinsya, paulit-ulit niya na kasi nakukwento sa amin 'yon, kabisado na nga namin." pabulong kong tugon sakanya.

"Ohh...I see."

"Palagi akong top one no'n sa klase, e di laging may medal na isasabit sa stage tuwing recognition, eh, ang top one dati kailangan may sagot na manok at ibibigay sa school para pang-celebrate. Si ama at apa galit na galit sa akin noon kasi palagi akong nasa top, mababawasan na naman daw 'yong manok niya hahahaha pambihira." kuwento ni tatay.

"Kaya hindi siya dumadalo sa recognition mo noon?" tanong ni nanay sakanya na palagi na lang interesado sa paulit-ulit na kuwento ni tatay.

"Hindi, para walang manok na ibigay. Tapos si manoy no'n pinarangalan ng most industrious tuwang tuwa sila, eh, tapos ako na honors inis na inis sila."

"Gano'n talaga 'yon tay, sige nga, kung si sebastian laging nasa honors tapos kailangan may handog na manok ibibigay mo ba 'yong manok mo?" sabi ni nanay.

"Ohh ayan tay, ano ibibigay mo ba?" sabi ko habang nakahalukipkip pa nga at tinitignan si tatay ng seryoso.

"Siyempre hindi! Ibagsak na lang nila si sebastian ayos lang sa akin!"

"Salamat tay, isa kang tunay na ama. Grabe."

"Buti hindi puro palakol grado nito ni tito sebastian...'di ba palagi siyang naga-guidance no'ng high school?" ani esperanza, palihim ko siyang isinipa sa ilalim ng mesa kasi naman bawas pogi points 'yong sinabi niya.

"Ouch!" angal niya.

"Bakit esperanza? Anong nangyari sa'yo, ha? ayos ka lang ba?" pamamalastik ko, tinignan lamang niya ako ng masama habang hinahaplos ang binti niya.

"Buti na lang kamo hindi bagsak kundi matatagalan 'yan sa college! Baka nga walang mapasukan na university 'to si sebastian tapos kahit no'ng college siya naga-guidance pa rin! Buti na lang nakagraduate! Kung hindi baka magkano lang ngayon sinusweldo niya! Hindi sapat sa amin 'yon!" sambit ni nanay habang dinuduro duro pa ako kahit may kalayuan ang kaniyang puwesto sa akin, tinignan ko lang siya ng masama.

"Si nanay ang daming alam, ah." sambit ko.

"Totoo naman!"

"Alam mo, lolita, ang tao mas marami pa 'yang alam kaysa kung ano man ang nakasulat sa transcript of records niyan, mas madami rin 'yang kayang gawin kaysa kung anong nakasulat sa résumé niyan at mas mataas ang halaga ng tao kaysa ano mang presyo ang nakasulat sa payslip niyan...halimbawa na lang si ligaya." seryosong sabi ni tatay bilang pangangaral kay nanay.

Bilib rin ako dito kay tatay kasi si nanay buga lang ng buga ng mga words tapos dinadaan sa katapangan niya ang lahat ng bagay pero si tatay kalmado lang palagi at talagang nag-iisip muna bago magsalita. Minsan nga iniisip ko na kapag ako nagkaroon nang sariling pamilya, gusto ko maging kagaya ni tatay...kaso kasi mukhang mas madami pa ang dugo na dumadaloy sa buong circulatory system ko na nagmula kay nanay kaysa kay tatay, banas!

"That was actually a wise word to live by sir, I will keep that in mind." saad ni daniel habang nakangiti kay tatay.

Tumango lang si tatay ng isang beses at nagpatuloy na sa pagkain ulit.

Dahil walang toothbrush si daniel, pinabili pa ako ni nanay sa mercury drugs sa may bayan. Buti na lang at nakikipag inuman pa rin si ismael kina kuya nonoy sa labas, sakto dahil pinahiram niya ako ng motor niya.

"Mamats pare." sambit ko kay ismael habang iniaabot ang susi ng motor niya.

Ipinarada ko ang motor niya sa tapat ng bahay nila at binalikan siya kina kuya noy para isauli ang susi niya. Inabutan ulit ako ni kuya pedring ng isang shot na akin namang tinanggap.

"Hindi pa rin kayo tapos mag-inom?" tanong ko, habang ibinabalik ang shot glass kay kuya pedring.

"Ano ba kasi pinamili mo at madaling madali ka kanina?" tanong ni ismael sa akin.

"Tanga! tinatanong mo pa talaga 'yan, mael? E di condom!" ani ricky.

"Gagu!"

"Nako po, Sebastian! Hinay hinay ka lang! Hindi masaya magkaanak agad hahahaha!" saad ni kuya noy.

"Langhapin mo muna ang buhay binata!" sabi ni kuya pedring.

"Oo nga sebastian, mag enjoy ka muna ro'n sa mga pinapasa ko sa iyong link hahahaha!" sabi ni ricky.

"Gagu ka, ricky! Tigil tigilan mo nga ako sa mga bad links na 'yan...wala bang bago? Hahahaha!"

"Akala ko ba sebastian mga gusto mo 'yong blurred? Iyong made in japan?" sabi ni ismael na natatawa pa.

"Pakyu hahahaha!"

"Nako kayong mga bata! Mga kahiligan niyo, ano, puro gawang ibang bansa na! Tssss!" sambit ni kuya noy sabay tungga sa shot glass.

"Tangina noy, dati nga nagpaparenta ka pa ng mga CD na pinoy bomba 'di ba? Hahahaha!" ani kuya pedring.

"Mabuti pa 'yon noon, gawang pinoy 'yon! Tangkilikin ang sariling gawang pinas dapat hahahaha!"

"Sabagay, totoo naman 'yon, noy. Akalain mo 'yon, unti-unti nang nawawala ang mga porn star sa industriya ng movie...kung tutuusin mahirap nga naman na trabaho 'yon sa industriya nila! Palakasan ng laman-loob 'yon tapos 'yong sasabihin sa'yo ng ibang tao, mamaliitin ka ta's sisiraan? Tangina hahaha! Naalala ko tuloy iyong ex ko dati, panahon ng 90's, entertainer sa bar sa may guada...ta's ayon laging nagrereklamo sa akin kung bakit daw iba pananaw ng mga tao sa trabaho niya, kesyo ang laswa raw tignan at pakinggan. Ang dumi raw sa paningin, hindi raw dapat ginagawang trabaho, hindi raw marangal 'yong gano'ng gawain para sakanila...nakakapanliit ng pagkababae raw. Hindi nila alam na mahirap lang naman 'yong ex ko na 'yon, hindi pa nakapagtapos ng highschool at may pinapalamon na pamilya. Ta's malala pa ro'n kapwa babae lang din naman nagsasabi no'n sakaniya...gulo ng mundo boy!" reklamo ng lasing na si kuya pedring.

"Totoo, peds! Imbis na magkaintindihan, magtulungan, at magka-isa ang kababaihan, baligtad sila palagi. Gulo ng tao talaga tapos dadagdag pa ang bulok na sistema ng bansa na mula umpisa ay hindi na nagbago hahahaha!"

"Usaping rants ba 'to? Hahahaha!" sabi ni ismael na tumatagay ulit.

"Magulo at madumi ang ilang lugar dito sa pinas, puro basura at mapapanghing ihi! Ayon ang rant ko hahahaha!" sabi ni kuya noy.

"Alam niyo isa lang solusyon para maging malinis ang pinas..." sambit ko.

"Ano naman 'yon, sebastian?" tanong ni kuya pedring.

"Hindi ba't relihiyoso ang mga pinoy? E di bawat pader drowingan nang mukha ng mga santo o 'di kaya ni papa jesus? Bawat kasuluksukan ng mga kanto at pader dapat. Tignan na lang natin kung may magtatangka pang magtapon ng basura at umihi sa kung saan-saan! Ginawa naman na ng india 'yon, malay natin effective rin sa pinas? Hahahaha!"

"Eh, paano naman ang mga squatter na 'gaya natin? Hindi ba't tayo ang basura sabi ng i-ilang negosyante?" sabi ni kuya noy.

"Lul nila! Utak nila 'yong basura! Mga utak nila nabubulok na dahil sa pera! Ayoko talaga sa mga mayayaman na matapobre, eh, tingin sa atin palagi magnanakaw!" naiinis kong saad sabay tagay ng alak sa shot glass.

"Alam niyo nakakapagtaka lang 'din minsan ang bansa natin, eh!" sambit ng may amats na si ricky, "Napapanood ko sa T.V at napapakinggan ko sa radyo tuwing umaga, madaming mga foundation at charities na tumutulong sa mahihirap pero bakit madami pa rin naghihirap? Madaming feeding programs at komersyal na mga pagkain sa T.V pero bakit ang dami pa rin nagugutom? May mga pa-libreng pa-bahay pero bakit madami pa rin ang natutulog sa kalye? At ang malupitan na madami na rin ang catholic school sa bansa na bukod sa karamihan ay suwail na estudyante, eh, bakit pangmayaman lang? Bakit hindi afford ng mahihirap? Eh, 'di ba sa simbahan 'yon?"

"Hahahaha tama ka riyan, pre!" pagsang-ayon ko kay ricky.

Nag-iisip din pala ang isang 'to.

"Pero nakakapagtaka lang, ricky, na may napanood ka pa sa T.V? Eh, sinakop na 'yon ng mga komersyal! Komersyal 'yon na may kaunting palabas palagi! Atsaka hindi na gano'n kauso ang radyo ngayon...'yong drama na lang sa tanghali ang gusto mapakinggan doon. Alam mo naman ang pinoy, mahilig sa himala at drama!" natatawang sambit ni ismael na sinang-ayunan ng lahat.

"Una na ako, nag-aaringit na siguro 'yon si nanay kitang pinabili lang ako ng toothbrush ni daniel no'n kahit puwede naman siyang mag mouth wash na lang..."

"Mukhang tanggap agad si daniel, ah?" ani kuya noy. "Tanggap ka naman ba ng magulang no'n?" dugtong nito.

"Tsaka ko na 'yan poproblemahin. Osya, una na ako. Salamat ulit ismael, ha!"

"Sige sige pare."

•••

Pinilit ni nanay na rito na muna matulog si daniel dahil gabi na at delikado na sa daan kahit na ihahatid ko naman siya pabalik sa pasay. Nagulat pa nga sila na ang distansya namin dalawa ay Makati City to Pasay City. Sa pag-ibig naman, hindi hadlang kung gaano kalayo ang tirahan ng bawat isa, eh, basta ba may mode of transportation ay ayos tayo ro'n! pero sa pagmamahalan hindi nawawala ang mga balakid at isa na ro'n ay ang matinding traffic.

Sa kuwarto ko pinatulog ni nanay si daniel at ako raw ay dito na lang sa sopa. Kinakabahan rin ako kasi paano kung hindi kaaya-aya ang amoy ng kuwarto ko para kay daniel? Pota, hindi pa naman ako naglilinis ng kuwarto! Jusmiyo!


utak sebo: mga tol pasensya na hindi ako nakapunta dyan ha! bawi ako sa lunes!

nico nico nii: puro ka ganyan! inamo!

utak sebo: inamo tinder boy!

nico nico nii: pakyu ka sagad!

jaq ass: ingay naman!

lucalucas: sa lunes hanggang madaling araw ka dito lance!

utak sebo: grabe ka naman sa akin?

lucalucas: sige sagot mo na lang kape namin!

utak sebo: sige ba! yun lang pala eh!

lucalucas: SB

utak sebo: Apaka hayuuuup!!



Nakahiga ako ngayon sa sopa, nakasabit sa may sandalan ang t-shirt ko dahil ang init. May electricfan naman pero ang init pa rin. Nakasuot din sa aking tainga ang aking earphone dahil hindi ako makatulog naisipan ko na lamang manood ng slam dunk ulit kahit ilang beses ko na ito napanood hindi pa rin ako nagsasawa.

Sinasabayan ko ang paborito kong OST ng palabas na Kimi ga suki da to sakebitai, kahit ilang taon na ako ngayon ay hindi pa rin nakakasawa, nakakapangbalik loob sa childhood days!

"AHH POTA!" pagkabigla ko no'ng pagtingala ko dahil may nakatingin pala sa akin.

"I'm sorry...I didn't meant to scare you!" ani daniel.

Napabalikwas tuloy ako ng upo. Agad na tinanggal ang suot kong earphone.

"Nagulat ako ro'n, pasensya na hindi kita napansin malakas kasi iyong volume ng pinapanood ko."

Tinititigan niya ako, kapansin pansin ang pag galaw ng mata niya na pataas at pababa.

"Bakit?" tanong ko.

"Nothing..." nakangisi niyang sabi. "Nice baby fats?"

Napatingin ako sa bilbil ko na ngumingiti pala sakaniya! Pota, kahiya! Walang abs, tabs lang! Dali-dali kong kinuha ang t-shirt ko na nakapatong sa sopa at sinuot ito.

"Bakit gising ka pa?" tanong ko sakaniya.

Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa pader na nasa taas ng TV. Alas onse na pala.

"I can't sleep."

"Mabaho ba sa kwarto ko? Hindi ka ba komportable ro'n?"

"No it's fine...it actually smells like teen spirit."

Smells like teen spirit? Kanta 'yon ng nirvana, ah? Ibigsabihin ba no'n mabaho ang kwarto ko? Amoy mandirigma ba?

"What are you watching?" tumabi si daniel sa akin at sumilip sa aking cellphone.

"Slam dunk...mahilig ka ba sa anime?"

Umiling siya sa akin bilang sagot. Napaupo na kaming dalawa sa may sopa.

"Maganda 'to! favorite anime ko 'to, nakakatawa rin! Gusto mo panoorin?" tanong ko sakaniya at tumango naman siya bilang sagot.

Isinuot ko sa kanan niyang tainga ang isang earphone at iyong kabila ay sinuot ko sa kaliwa kong tainga.

"Episode 96 na ako...gusto mo ba simulan?"

"No, it's okay. Let's continue where you left off."

Pinanood namin iyong episode kung saan bumili ulit si sakuragi ng sapatos sa manong na binilhan niya sa episode 20.

"Iyong pulang buhok Hanamichi Sakuragi iyong pangalan niya tapos 'yong babaeng kasama niya pangalan naman ay Akagi Haruko..."

"Are they in a relationship?"

Nakahalukipkip siya at iyong siko niya ay nakadikit sa braso ko. Hindi niya lang alam na ang simpleng skinship namin ay kinikilig na ako!

"Hindi, ah. Parang tayong dalawa lang sila, eh."

"How?"

"Crush ni sakuragi si haruko tapos crush kita. Oh, 'di ba parang gano'n lang din?"

Kaso manhid si haruko, ewan ko na lang sa'yo daniel...kailan mo ba ako sasagutin? Huwag ka naman sana maging manhid.

Nagpokus kami sa panonood. Hindi ko sinasadya na maging madaldal sa bawat eksena. Pinakilala ko na yata lahat ng character sakaniya, sinabi ko na rin yata mga mangyayari pati yata spoiler sa manga nabanggit ko na rin.

"Binase sa Chicago Bulls ang Shohoku, tapos sabi-sabi ang reference raw ni sakuragi ay ang NBA player na si Dennis Rodman...pareho pa sila ng jersey number! Number ten!"

Tumatango tango lang si daniel sa akin...senyales na siguro nakikinig siya at sana nga lang ay nasusundan niya ang aking mga sinasabi dahil kapag hindi, sayang sa laway at hininga.

"Tapos para sa akin si Sendoh ang pinaka mahusay na player sa slam dunk!"

"Who's sendoh?"

"All around player ng Ryonan. Magaling siya mag PG, Defense, tapos nakakascore rin siya minsan ng tres kaya niya pang buhatin ang buong team niya!"

"And in shohoku? Who do you like?"

"Rukawa talaga kahit lodikeyks ko si sakuragi."

"Is he the quiet one? The enemy to sakuragi's eyes?"

"Oo siya nga 'yon!"

"I like him too." nakangiti niyang sabi.

Ginawa ko 'yong chant ng mga fan girls ni rukawa sa harap niya... Rukawa, Rukawa, L-O-V-E Rukawa!

"Napakahusay rib ni rukawa! Napaka offensive threat niya! Hindi mo masasabi kung ano ang susunod niyang gagawin! Kaya rin niyang buhatin ang team niya! Tapos opponent niya talaga dito si sendoh eh, gusto niyang higitan pa si sendoh!"

"You're really a die hard fan of this show aren't you?"

"Oo grabe! No'ng bata pa nga ako, marinig ko lang iyong ost niyan sa labas tatakbo na ako pauwi para manood sa GMA!"

"Cute."

Hala...ang cute ko raw? HAHAHAHAHA! Small thing, daniel! Maliit na bagay!

"Ikaw? May kinabaliwan ka na ba na palabas simula bata ka?" tanong ko sakaniya.

"Hmm, I don't quite remember. I used to watch cartoons on cable channel...I think I liked barbie back then."

Sabagay, babae siya...barbie talaga unang magugustuhan nila pero bakit si ligaya ayaw niya sa barbie? Pitchi pitchi pitch nga yata kinakabaliwan no'n dati...nagmamadali manood sa QTV.

"I like the haircut of sakuragi here." aniya habang tinuturo ang buhok ni sakuragi na shaved.

"Kapag ba nagpagupit ako ng kagaya kay sakuragi babagay ba sa akin?"

"Do you want to shave your hair?"

"Kung bet mo lang..."

"Why ask me? You can decide for yourself."

"Hahahaha siguro hindi bagay, noh? Kaya ayaw mo?"

Nagkibit balikat lang siya habang nakangiti. Ang cute niya talaga! Kainis! Lord, salamat sa lahat ng blessing mo sa akin! Totoo ka talaga!

Natapos ang palabas, 101 episodes. Tinignan ko ang orasan at pasado alas tres na pala at hindi pa rin ako tulog. Napatingin ako sa katabi ko, nakapatong na ang ulo niya sa balikat ko. Kanina pa ako daldal ng daldal sakanya bawat scene ng bawat episode ayon pala tulog na siya sa tabi ko.

"Hay nako...tinulugan ako." mahina kong sambit.

Sinulyapan ko ang mahimbing na natutulog niyang mukha. Pinindot ko ang camera icon ng aking cellphone at bumukas ang front camera nito. Sinet ko ito sa auto flash at kinuhanan ko siya ng picture.

"Ang cute mo, kainis ka!" mahina kong sambit.

Ipinatong ko ang aking kaliwang pisngi sa nakapatong niyang ulo sa aking balikat atsaka ko kinuhanan ng litrato kaming dalawa...at isa pa, iyong nakapikit na rin ako para kunwari kaming dalawa ang tulog.

"Ang cute...bagay talaga tayo daniel."

Zinoom ko pa ang litrato namin. Ayos na ito, ito muna ang panghahawakan ko kasi sa susunod sigurado ako hindi na palihim ang pagkuha ko ng litrato naming dalawa.

"Maikli lang ang buhay, piliin mo na kasi ako." mahina kong sambit pero alam ko naman na hindi niya narinig kasi nga tulog siya.

Nakita ko si esperanza na kakababa lang sa hagdan. Tinignan niya kami at ang peste nakangiti ng mapang-asar.

"Ayieee gusto rin!" aniya.

"Shhhhh! Huwag ka maingay..."

Pagkatapos uminom ni esperanza ng tubig ay bumalik na siya sa kuwarto niya. Dahan-dahan kong binuhat si daniel ng pa-bridal style...nakikita ko na yata ang future namin hahahaha! Ang himbing ng tulog niya, halatang pagod siya dahil hindi siya nagising. Binuhat ko siya papunta sa kuwarto ko at dahan-dahan ko siyang inilapag sa kama. Kinumutan ko rin siya at inayos ang mga unan sa gilid niya, itinapat ang electricfan at tinignan kung may sindi pa nga ang katol...meron pa naman.

Bumalik ako sopa at humiga. Pinilit kong matulog kaso sobrang natutuwa ang puso ko at hindi ako pinatulog. Pota, pag-ibig nga naman!

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro