Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

I'm yours, wala ng bawian.

•••

At sa huli, sinugod namin ang daddy ni daniel sa bahay nila kasama ang mga tropa ng gabing iyon. Mga naka motorsiklo kami, puwera na lang kina ligaya at ricky na nakisakay sa kotse ni bryce. Para kaming motorcycle gang nung pumarada kami sa tapat ng mala-mansion nilang tahanan. Isang kasambahay ang nagbukas ng gate sa amin. Nanguna pumasok si daniel sa loob upang palabasin ang daddy niya sa lungga nito.

"Okay mga tol, ilang beses na natin 'to napagpraktisan sa gc, ha! Ako at si ligaya ang kakanta, si jaq ang mag gigitara at yung ibang hindi nabanggit ay taga palakpak." ani ko sa mga kasama ko.

"Naknampotsa 'yan! Taga-palakpak? Ako? Yung talent ko sasayangin mo lang?" reklamo ni niccolo.

"Ano ka ba niccolo, kitang no'ng bumagsak ng talento mula sa kalawakan papunta sa planeta natin nasa loob ka ng cr niyo, tumatae!"

"Gagu!"

"Sumaiyo rin!"

"Ano ba 'yan parang mga bata pa din! Malapit na kayo magtrenta, hoy! Kayo yung bata na tumatanda lang, eh." ani ni lucas sa amin.

"Ako bente-otso pa lang, si niccolo pa-trenta na!"

"Puwede ba! Walang banggitan ng edad!" pikon na sabi ni niccolo.

"Bakit anong masama kapag malapit ka na maging trenta na hindi pa kasal? Hindi ba, ligaya?" sabi ni ricky habang naka akbay kay ligaya na agad naman nitong hinawi.

"Manahimik ka diyan ricky." sambit ni ligaya.

Maya-maya ay lumabas na rin ang daddy ni daniel at kasama nito ang lola at mommy niya. Ni-ready na namin ang lahat...inawit ko ang Marry Your Daughter ni Brian McKnight second voice ko pa nga si ligaya. Ayos na sana ang lahat ngunit masama talaga ang katauhan ni niccolo at sumasapaw pa sa pagkanta namin.

"What's this supposed to mean?" tanong ng daddy ni daniel.

"Ahmm, sir," ani ko at huminga ng malalim. "I would like to ask for your approval...can I marry your daughter, make her my wife?" dugtong ko.

Pinakita ni daniel sa daddy niya yung engagement ring.

"You're asking me for approval when the ring was already on her finger?" sabi niya sa akin na medyo galit.

"Better luck next year, seb." pabulong na sabi ni jaq sa akin.

"Ahh, sorry po sir, uulitin ko na lang po yung pagpropose..."

"No need." ani niya.

Kinakabahan tuloy ako...ang bilis ng kabog ng aking dibdib parang gustong bulwakin ang balat ko para makalabas.

"If my daughter already said yes, then it's fine with me."

Ikinabigla ko ang sinabi ng daddy niya. Naghiyawan ang mga tropa sa likod ko na akala mo nanalo ako sa lotto. Napatakip na lamang ako ng aking bibig at parang naiiyak. Lumapit ako sa daddy ni daniel at hinawakan ang isang kamay nito.

"Daddy...?" ani ko na medyo teary eyed pa nga.

"Don't call me that, I'm not your father."

"Sorry po sir, pasensiya na po..."

Dinig ko yung mga tawanan ng mga kumag sa likod pero hindi ko na lang pinansin kasi ang importante ngayon ay tinanggap na ni daddy yung pagmamahal ko sa anak niya.

Dinala ko ang magulang ko sa bahay nila daniel upang mamanhikan. Ayos lang naman ang lahat...puwera lang sa daddy ni daniel at sa nanay ko. Halos silang dalawa lang ang nakikipagdebatehan sa mga bagay-bagay tungkol sa kasal...akala ko pa nga hindi pa matutuloy yung kasal, eh. Sa huli, ang naging desisyon nila ay church wedding na nais ni nanay ngunit sa bulacan gaganapin dahil ayon ang gusto ng daddy ni daniel.

Pag-uwi ko no'n sa bahay tinignan ko yung ipon ko at yung lahat ng pera ko. Habang tinitignan yung balance, ipinasadiyos ko na lang ang lahat. Buti na lang talaga hati kami ni daniel sa gastos, sa totoo lang sixty percent sakanya at forty percent lang sa akin. Sa bagay, mas malaki ang sahod at pera niya kaysa sa akin.

"Pasensya na tay, halatang hindi mo gusto ugali nila..." ani ko nung maupo ako sa tabi ni tatay sa may sopa.

"Ano ka ba, dapat hindi mo 'yon iniisip. Mas malala pa nga yata yung mga magulang ng nanay mo kaysa sakanila, hindi pa 'yon mga mayayaman, ah!"

"Pfft! Halata naman, eh! Tikom ka palagi sa mga 'yon, eh!"

Bigla na lamang tinapik-tapik ni tatay yung balikat ko.

"Lagi mo lang tatandaan na hindi ang pamilya niya ang pinakasalan mo kundi siya mismo. Ang pagkain nila at gastusin ay hindi mo responsibilidad."

"Salamat sa payo, tay, pero mayaman sila...mahiya naman sila kung gawin nila 'yon sa akin 'di ba? hahaha!"

Natawa na lang din si tatay sa sinabi ko. May dalawang buwan pa naman upang mag-ipon ulit.

Sa Bocaue, Bulacan, gaganapin ang kasal. Inimbitahan ko lang ang mga malalapit kong tropa at mga kamag-anak. Tapos yung iba si daniel naman nag imbita na halos puro business related na mga tao daw. Magkahiwalay na hotel ang nirenta namin na malapit lang sa simbahan. Hindi naman siya hotel...parang bahay lang ang design. Two storey house na may design na mala-classic film ang tema at estruktura. Iba ang tinutuluyan ko at ng mga abay kong lalaki sa mga babae, sa mga ibang bisita at gano'n din sa mga pamilya namin ni daniel. Ang reception ay malapit sa tinutuluyan ng magulang ni daniel.

Nasa pool side kaming lahat na mga lalaki, tipong parang bachelorette party. Lahat kami mga naka boxer shorts lang at walang pang-itaas na suot...puwera na lang kay bryce.

Naglabas si bryce ng isang Jose Cuervo Especial Gold at ayon ang naging panulak namin. Maya-maya naglabas din ng cake sina niccolo at jaq...mga busy kasi sila sa kusina kanina 'yon pala gumagawa na ng cake.

"Ito lance, kami pa nagbake nito, ah!" sambit ni niccolo.

At pinakita na nila yung cake sa akin. Isang minimalist cake na kulay white at yung font color na ginamit nila ay red.

"Alam niyo, kayong dalawa, pota kayo!" sambit ko pagkabasa sa nakasulat sa cake.


BAHALA KA NA LORD.


"Ipagpapasadiyos na lang namin ang kapalaran ni daniel sa piling mo." ani ni lucas.

"Siraulo!"

"Abangan mo na lang sebastian mga wedding gift namin sayo bukas!" sabi ni ismael.

"Oo nga, pare, kanina lang namin pinag-usapan 'yon...nagpustahan pa nga kami, eh!" wika ni ricky.

"Anong pusta?" tanong ko.

"Sino may pinaka maangas na regalo sayo sa kasal babayaran ng isang libo." sabi ni jaq.

"Ayon! Nako! Excited na ako!" masigla kong sambit.

Maya-maya pa ay may nagsubsob sa mukha ko sa hawak-hawak na cake nila niccolo. Paglingon ko nakita ko si kuya sevestre tawang-tawa. Tapos bigla naman hinawakan ni ricky yung mga paa ko tapos si ismael naman sa kamay ko.

"Ihagis na 'yan! Ihagis na 'yan! Ihagis na 'yan!" sigaw nila habang dinuduyan duyan ako ng dalawa papunta sa pool.

"Hoy, gagu! Huwag! Malamig!" sigaw ko ngunit hindi nila pinakinggan at inihagis pa rin ako sa pool.

"Alam niyo, mga buwisit talaga kayo! Paborito kong boxer 'tong suot ko, eh!" reklamo ko.

"Hahahaha! Leopard print pa nga! Rawr rawr rawr!" pang-aasar ni niccolo sa akin.

Sinenyasan ko sina jaq at lucas na itulak si niccolo sa pool at ginawa naman nila iyon. Hanggang sa naghagisan na lang kaming lahat sa pool. Huli naming biktima ay si bryce na tahimik lang sa gilid.

"Don't!" aniya.

"Ano 'yon ulit rich kid?" wika ni ricky na akala mo bully.

"Huwag! Suot ko na yung pantulog ko!" sambit niya dahil siya lang sa amin ang nakasuot ng t-shirt at short.

"Mga tol, alam niyo na, ha!" bulalas ko.

Hinawakan ko ang dalawang paa ni bryce at si ricky naman sa kamay nito. Bumilang pa kami ng tatlo bago ihagis si bryce sa pool. Naghiyawan pa nga kami nung tumilapon na siya.

Dumating na rin yung inorder namin na pizza...Big boys pa nga. Naupo kami sa isang tabi at tig-iisang paper cup na may laman na Jose Cuervo Especial Gold Tequila. Katabi ko sina jaq, lucas, ricky, at ismael. Sina bryce, kuya sevestre at niccolo ay nasa may mesa nagkukuwentuhan at lumalapang.

"May tanong ako sebastian..." ani ni ricky.

"Ano 'yon?"

"May nangyari na ba sainyo ni daniel?"

"Oo, naghiwalay dahil kay daddy hahahaha!"

"Daddy ampota! Hahahaha!" Natatawang sambit ni jaq.

"Ayieee daddy!" sabi nung tatlo kaya lalo akong natawa.

"Pero seryoso sebastian...may nangyari na sainyo?" tanong ulit ni ricky.

"Gagu wala pa!"

"OHHS?" pagreact nila na may pagdududa.

"Alam niyo, kayo, para kayong tanga! Wala pa nga! Halik-halik lang gano'n!"

"So, virgin ka pa?" ani ni ricky.

"Oo pare, virgin pa ako and I'm proud! Dahil naniniwala ako sa kasabihan na marriage first before sex!" confident kong sabi.

Kita pa din sa mga mukha nila ang bakas ng pagdududa.

"Totoo nga! Parang mga tanga 'to, tanungin niyo pa mga naging ex ko tapos si daniel!"

"Oo na, oo na! pagpapalain ka na niyan ng panginoon!" sambit ni jaq.

"Lumilitaw na ba yung halo ko?" tanong ko sakanila na natatawa pa nga.

"Sungay pa din tanga!" ani ni lucas.

"Virgin pa sa sex pero panay nood ng mahiwagang link!" sabi ni ismael.

"Sariling sikap hahahaha!" pang-aasar ni ricky.

"Gagu hahahaha!" natawa na lang rin ako kasi totoo naman.

"Eh, ikaw jaq? kayo ni xowie? nagawa niyo na din ba?" tanong ko sa katabi kong si jaq.

"Parang tanga 'to, oh...nandoon yung pinsan, oh!" aniya sabay turo kay niccolo sa may tabi ng mesa.

"Wala naman dito, eh!" tugon ko sakaniya sabay pagsiko pa.

"Oo nga, bulong mo lang." ani ni lucas.

"Parang mga ewan 'tong mga 'to..."

"Ano nga jaq, nagawa niyo na?" pabulong kong tanong.

"Alam mo seb, may mga bagay na dapat private lang at hindi pinagkakalat tulad ng gano'ng bagay."

"So ano nga?" pangungulit ko.

"Oo sa bahay, sa kuwarto ko." mahina niyang sagot tapos nakangiti pa nga ang gagu.

"Ilang beses na pre?" tanong ni ricky.

"Dami na din..." nahihiyang pagsagot ni jaq pero nakangiti pa din.

"Sumunod ka na sa akin! Pakasalan mo na siya para naman sumaya siya lalo!" sambit ko.

"Tsss adik...does happiness lie on a diamond ring?" ani ni jaq na may pag-iling-iling pa.

"Ano ka ba naman, jaq. Hindi si xowie yung tipo ng babae na pang live-in lang." sambit ni lucas.

Sa gitna ng seryosong usapan namin ay biglang itinulak ako ni niccolo sa pool ulit.

"Parang tanga 'to, oh!"reklamo ko.

"Guys! Hubaran natin ng boxer si lance sa pool!" sigaw niya at lahat sila nagbabaan sa pool...except kay bryce.

Nung maging successful ang kagaguhan nila, binato nila yung boxer ko sa lapag.

"Alam niyo, kayong lahat, gagu kayo!" galit kong sabi.

"Wait sebastian...are you done writing your wedding vow for tomorrow?" bulalas ni bryce sa gitna ng aming tawanan.

Napasinghap na lamang ako dahil tsaka ko lang naalala na wala pa pala akong nasusulat.

"Gusto mo tulungan ka na namin?" ani ni lucas.

"Utut niyo! Huwag na! Alam niyo kaduda-duda 'yang pagkatao niyo, eh, kaya no thanks na lang! I can handle it parang wedding vow lang 'yon! Panis 'yon sa akin! Abangan niyo bukas, akin na yata pinakamagandang wedding vow dito sa pinas!" pagmamayabang ko.

Buong gabi akong nag-isip ng magandang isusulat na wedding vow. Naka-ilang punit na rin ako ng papel dahil karamihan sa bisita namin ay mga spokening richness, eh, ako, spokening pogi lang with the accent of tambay.

"Kalma lang lance sebastian...magiging maayos lang ang lahat bukas! You are built to be epic! Be epic!" pag-chi-cheer ko sa aking sarili at nagsimula na ulit mag-isip ng magandang panimula para sa aking wedding vow.

•••

Church wedding ang tema at napakaganda ng pagkakaayos sa lugar. Simpleng deep blue suit lang ang suot ko. Tugtog ay Tagpuan ni Moira bilang wedding march. Unang pinaglakad sa gitna ng aisle sina nanay at tatay na sinundan ko naman at hinawakan sila sa braso palakad patungo sa may altar. Sinundan naman ng mga batang abay at by partner ang mga ito, gano'n rin ang bible bearer na pamangkin ni daniel at si miranda naman ang ring bearer.

Yung mga tropa ko naman ay simpleng black suit ang suot at yellow naman na dress ang suot ng kanilang partner na bridesmaid. Tuwang-tuwa pa nga sila dahil magaganda ang partner nila...sinuswerte ang mga kupal. Sina xowie at maki ang kinuha naming photographer kaya ang naging partner ni jaq ay si sining na palagi kong inuutangan sa coffee shop niya.

Ang best man ko naman ay si kuya sevestre at ang maid of honor naman ni daniel ay ang kaniyang ate eliza, na kamukha din niya at napakaganda din. Blessed family yata talaga sila...hope lahat!

Pagkatapos ng mga abay ay ang mga ninong at ninang naman na halos ay mga ka sosyo nila daniel sa business nila. Ayos lang naman at least bigatin para malaki ang bigayan. At sa tinagal tagal ng prosisyon...magulang naman ni daniel ang naglakad patungo sa gitna ng aisle upang hintayin ang kanilang anak.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni tatay sa akin.

"Medyo-medyo, fifty-fifty."

Tinapik-tapik ni tatay ang balikat ko.

"Huwag kang kabahan...mas malaki babayaran nila kaysa sa atin." ani niya na tinawanan ko ng palihim.

At oras na upang si daniel naman ang magpakita. Dahan-dahang binuksan ang malaking pinto ng simbahan at ipinakita nito ang maliwanag at napakagarang puting gown ni daniel na sinabi pa niya sa akin through tawag na siya mismo ang nagdesign. Lace wedding dress daw na puffy off shoulder.

Naglakad siya ng mabagal patungo sa magulang niya. Habang palapit ng palapit sila ay bumibilis ang tibok ng puso ko...the daniel effect, pota!

Nakapusod ang kaniyang buhok na may nakaiwan na side hair. Bagay sa suot niya ang golden brown nitong buhok at bagay din siya sa akin. Pero hindi ko talaga mapigilan na hindi siya titigan ngayon dahil yung ganda niya ay namumukod-tangi sa paningin ko. Napaka ganda niya talaga lalo na ngayong araw. At nung makalapit na sila sa amin, niyakap niya ang kaniyang magulang...kita ko si daddy naluha pa nga.

"Daddy, huwag po kayo mag-alala ako na po bahala sa anak niyo, 'di ko po siya sasaktan." sabi ko na nakangiti pa nga.

"As you should." ani niya at ibinigay na sa akin ang kamay ni daniel.

Magkahawak kami ng kamay ni daniel na tumayo sa harap ng pari.

Sa haba ng seremonyas, nagsimula na nga ang pagbasa ng wedding vows. Bilang lalaki ako ang nauna.

"Ahmm...hindi ko alam paano sisimulan ito pero sisimulan ko na dahil baka mangalay itong tagahawak ng mikropono..." ani ko sabay tingin sa naghahawak ng mic na isang sakristan.

Nagtawanan ang karamihan sa mga bisita.

"When I wake up in the morning, I am thinking of you. When I go to sleep at night, I am thinking of you. And all those hours in between, I think of us. 'cos right from the start, you were a thief you stole my heart and I, your willing victim." sambit ko na medyo napakanta pa nga sa huli.

Naririnig ko ang mahihinang tawanan ng mga tropa ko. Nagpatuloy ako sa pagbabasa sa aking wedding vow.

"Since I was a little cute kid, I envisioned the world in slow motion sequences. Saving everyone from jurassic dinosaurs, alien invasion, zombie apocalypse, thieves, akyat bahay gang, holdaper, and riding in tandem. But today is my greatest fantasy, as I'll be your prince and you'll be my disney princess that I would end up kissing in the end. Totoo nga na mahal mo ako, lalo na sa tuwing sinasabi mo na guwapo ako. Kasi yung nagmamahal lang sa akin ang nagsasabi no'n tulad ng nanay ko. Thank you for loving me and giving me another chance. Sayo lang ako babalik. Sayo lang ako uuwi. Saiyo lang ako. Promise, peksman, swear to god, cross my heart, hope to die, kain susi. I'm yours wala ng bawian period no erase. Pati pato buo na. Iyong iyo na ako, daniel. Iyong iyo lang."

Nagpalakpakan ang mga tao. Pinagpuyatan ko ang wedding vow na ito. Mas mahaba pa nga yata ito kaysa sa mga nasusulat ko sa essay na pinapagawa sa amin sa school dati.

Si daniel naman ang nagbasa ng kaniyang wedding vow.

"The first time I met you It wasn't love at first sight, my love for you formed gradually. Your personality, your voice, your hair, your eyes, your humor, the way you looked away and smiled, gradually it all came clear to me you were exactly what I was looking for. You're my favorite thing about everyday, you are my best day. Your all mine and I'm not sharing...except if we had our little ones, for that I'll share you. I love you, handsome. With you, I always see good days."

Madami pang sinabi ang pari, sa salitan na I do's namin ay sa wakas binanggit na din niya ang matagal ko ng hinihintay...

"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride."

Dahan-dahan kong inangat ang kaniyang vale. Pareho kaming nakangiti sa isa't isa. Hinawakan ko ang kaniyang dalawang pisngi at akin siyang hinalikan sa harap ng madaming tao, sa harap ng mga kaibigan namin, sa harap ng magulang namin, at sa harap ng Diyos.

Ang halik na sagrado.

•••

Sa reception, nagkaroon ng kasiyahan. Malaking cake na kasing taas ko yata ang nasa gitna. Pagkatapos ng munting salo-salo, pinaupo kami sa sopa na nasa gitna ng entablado. Isa-isa silang lumapit at inabot ang kani-kanilang regalo, hanggang oras na para sa mga tropa ko ang magbibigay.

"Nasaan na regalo mo?" tanong ko.

"Oh," ani ni niccolo sabay abot sa akin ng isang maliit na box na nakabalot ng maayos.

"Ano naman 'to? yayamanin ka tapos ito lang? akala ko ba paangasan kayo? rolex ba ito?"

Lumapit siya sa akin at bumulong sa aking tainga.

"Condom." aniya.

"Gagu!" pag-react ko at natawa naman siya.

"Congrats sainyo, goodluck sayo daniel...ipagdadasal kita palagi!"

"Thank you so much." saad ni daniel kay niccolo.

Natatawang bumalik sa puwesto niya si niccolo.

"What is it?" tanong ni daniel.

"Wala...ano lang...RAM." pagsisinungaling ko.

Sumunod naman na lumapit ay si jaq. Nag-abot naman siya ng isang maliit na box din, nakabalot.

"Ano 'to?"

"Paborito mo. Marlboro black isang kaha." aniya.

"Tanginang 'yan. Wedding gift, yosi?" reklamo ko.

"Ano ka ba, ikaw lang naman 'yan hahahaha! Ang ganda mo ngayon daniel."

"Thank you." nakangiting sambit ni daniel kay jaq.

Sumunod si ricky at halata sa balot nito na alak ang regalo niya.

"Kingina mo pre ano 'yan?" inis kong sabi agad sakaniya paglapit niya sa amin.

"Paborito mo tol...redhorse. Walwalan kayo ni daniel pag-uwi." natatawa niyang sabi.

"Pota ka talaga...tapos redhorse na maliit pa?"

"Pasensya na ito lang kinaya ng budget ko, eh?"

"Oo na hinayupak ka! umupo ka na!" pagtataboy ko sakaniya.

Napapakamot na lamang ako sa aking batok sa mga natatanggap ko. Buti pa yung mga babae maayos yung bigayan.

Sumunod naman si ismael, nag-abot siya ng maliit na box rin at maayos ang pagkabalot.

"Ano 'to? gaano kaangas 'to? kutsara't tinidor ba ito?"

"Hindi ahh...mas maganda pa."

"Ano?"

"Bottle opener...may alak ka na 'di ba? hahahaha!" aniya.

"Ayos na 'to kaysa sa mga natanggap kong iba...salamat pre."

Sumunod naman ay si erick na humabol sa araw mismo ng kasal. Nag-abot siya ng sobre.

"Cheque?" tanong ko.

"Magugulat ka..." wika niya.

Binuksan ko ito at kinuha ang laman...isang sulat.


Congratulations sainyong dalawa, hayaan niyo na...ito lang muna...mahal ko naman kayo!

-erick.


"Kingina mo erick hindi ka namin mahal!" bulalas ko pagkatapos ko mabasa ang sulat.

"Pasensya na, ha, bawi na lang ako sa magiging inaanak ko hahaha!"

"Bawi? ikaw bawian ko ng buhay, eh!" sambit ko at tinaboy na din si erick sa aking harapan.

Sumunod naman si lucas, nag-abot siya ng sobre.

"Ayon! Cheque ba laman nito boss lucas? President ng kompanya namin kaya dapat bigatin ang bigayan, ah!" masaya kong sabi.

Binuksan ko ang laman ng sobre at cheque nga ito na nagkakahalaga ng 10K.

"Ito ang maangas na regalo! Salamat pre!"

"Basahin mo yung sulat sa likod ng sobre..." ani niya kaya binaligtad ko ang sobre.


Bawas 'yan sa sahod mo.


Natatawa lang si daniel sa mga kalokohan nila samantala ako ay naiinis na.

Nagkaroon ng sweet dance at sinayaw ko si daniel sa gitna. Nagsayawan rin ang mga bisita. Sa huli, kinuha ko ang aking gitara at naupo sa sopa na nasa gitna ng entablado. Si daniel ay nakapuwesto sa table ng aming magulang.

Inawit ko ang isang pamilyar na awitin...ang awit na nakapukaw ng pansin kay daniel sa akin noon.

"they say that love is forever, your forever is all that I need...please stay as long as you need..." pag-awit ko sa harapan ng madaming tao.

Lumapit si daniel sa akin at sa aking binti ay nag-iwan siya ng singkwenta pesos.

Napangiti ako.

Sa seven hundred fifty pesos na nalikom ko sakanya noon, handa akong bayaran ito ng pang habang buhay.

•••

Wakas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro