AH 65: Back to Normal
It's finished. Sa wakas! Tapos na ang bangungot, Patay na si Death, patay na ang mga halimaw, at patay na si Hellion.
Nakakalungkot lamang dahil maraming nagbwisit nang kanilang buhay para lamang bumalik ang Axvy sa tunay na nagmamay-ari at kami yun!
Ang AXVENIANS.
It's been two months since that incident happens, napakabilis nga naman nang panahon, parang kahapon lang siya nangyari, ni hindi nga ako maka-move on dun eh.
Halos lahat na nakamove on, ako na lang ata ang hindi.
Masaya kong pinagmasdan ang bagong gawang mga building sa Axvy, lahat ito ay pinaayos na ni Axel bago niya ipagpatuloy ang klase. Hindi nga naman magandang mag klase na ganito ang estado ng paaralan.
Glad his back on his throne bilang Admin A, bonus na lang si Rainel at Rain na mag-ina niya.
Napailing ako bigla ng maalala na nagpropose ito nung makalawa, nakakakilig na nakakainis, hindi kasi sweet ang wedding proposal niya para kay Rain buti na lang hindi choosy ang kaibigan namin at sapak lang ang natikim niya.
Natawa na lamang kaming lahat dahil dun.
Nag aaral na nga pala si Veronica dito and I still wouldn't believe na nagdedate sila ni Troy at ang mas nakakagulat lang sila na! Kahapon lang!
Sumakit ata ang ulo ko nang maalala ang tagpong nahuli ko nung nakaraang linggo lamang na pareho nakahiga sa iisang kama sa dorm suite ng kambal ko, sa gulat ko pinaghahahampas ko pa nga si Troy ng walis, buti na lang at walang nangyari sa kanila at nagtabi lamang daw sila.
Pero binalaan ko si Troy, tinawanan lamang ako ng loko.
Si Kuya Vince naman at si Princes hayun! Live in na sa bahay, hindi na dito nag aaral ang babae kasi natrauma ng matindi dahil sa mga nangyari, wala na rin itong kamag anak kaya nung maging sila ni Kuya Vince, itinira na niya ito sa bahay. Pumayag naman si Daddy. He's the man daw. Pambihira!
Anyway, speaking of daddy, nacomatose pala ito ng almost half a year nang bugbugin siya ng mga nanloob sa mansyon, yun yung araw na kinuha si Kuya at si Veronica. Okay na siya at alam na niya ang lahat nang nangyari sa akin, he want us to study abroad kaso hindi kami pumayag ni Veronica.
Naintindihan naman yun ni daddy.
As for Drake and Brenda hayun! Aso't pusa pa rin ang dalawa, parang tanga! Mahal daw nila ang isa't isa pero ilang segundo lang mag aaway na! Nakakahilo siya sa totoo lang pero ang sweet din.
Sila Nixie at si Keith, sweetness overload pa rin ang dalawa ang nakakatuwa pa diyan ay nagpakasal na sila, you read it right! Totoo! Sa loob pa mismo ng Axvy! Hindi naman tumutol si Axel, wala daw problema sa kanya as long as wala ng susunod! Baka daw kasi may gumaya at lahat ng istudyante ay maging mag asawa. He has a point naman.
Happy married na ang dalawa! At ang nakakatakot!
IISA NA SILA NG KWARTO!
As of Pretzel and Spade, nakakakilabot ang relasyon nila, parang ayaw ko na nga pumunta sa dorm namin dahil lagi ko silang natatagpuan sa aktong hindi kanais-nais. Hayy! Ayoko nang maalala.
Si Craigh at Blaire? Nevermind, parang ayaw ko nang maalala kung pano naging sila. Nakakakilabot din!
About Vixie, isa na siya sa mga top nocher sa Axvy, isa siya sa inaatasan ni Admin A na maging leader for operations na mangyayari sa buong Axvy, ang nakakatuwa pa diyan ay panlaban na siya sa susunod na taon para sa international quiz bee. Galing di ba?
Si Nurse Jess naman ganun pa rin, walang love life, pero masaya naman daw siya sa pagiging Nurse niya, through na takot pa rin magpagamot ang mga istudyante sa kanya, siya na gumagawa ng paraan para mapapunta ang mga pasyente niya sa clinic.
Si Empress, single pa din. Natatawa na nga lang ako eh, ayaw kasi ng mga kuya niya na magkaroon siya ng nobyo. Wala namang magawa si Empress kung hindi sumunod.
Si Darren, over strict president ang peg! Halos lahat nga napapasunod niya sa utos, pareho silang nagtutulungan nila Blaire at Axel para mas madisiplina ang mga istudyante.
Ang nakakalungkot lang, single pa din ito.
Napabuntong hininga na lamang ako sa flashbacks na naiisip ko at napalabi nang may maalala ako.
Hindi ako natuloy sa susunod na year dahil ang nakaregistered sa Axvy ay si Veronica, nagawan ko naman ng paraan sa tulong ni Axel, muntik na nga akong mawalan nun ng pag-asa dahil kapag walang records, papalayasin ka na dito.
No more Axvy for you kapag nagkataon.
Nag-enrolled ako para magkaroon ng record sa Axvy, kaso nga lang back to zero ako. Pero okay na yun atleast dito pa din ako mag aaral.
As of supremo, ang aking over sungit na master. Naging busy na din ito sa mafia works niya, hindi nga ako sinasama kasi daw mapanganib. Pero kapag uuwi naman ito super duper lambing niya sa akin. Ang sweet lang ng boyfriend ko.
Natatawa pa nga ako kapag nahuhuli ko siyang tititigan ko tapos biglang manunungit. Parang tanga.
"Oy! Tulala ka na naman sistah Venus" bumalik ako sa kasalukuyan ng bigla akong kalabitin ni Pretzel.
Ngumiti lamang ako sa kanila. Nandito kaming mga babae sa canteen plus mo na lang si Baby Rainel, siya lang boy dito.
"Mag aaply ata yan for hiring sa secretary ng SSG" ani ni Nixie na ngumunguya ng burger "Lutang eh"
Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.
"Oy hindi ah!" Iling ko "Sa dami kong sasabulin sa school works may gana pa ba kong magganyan"
"Mama, gusto ko po ng Milk" narinig kong sabi ni Baby Rainel
Nginitian naman ito ni Rain bago inabutan ng gatas na nasa baso, nangiwi ako. Ayaw ko talaga ng gatas.
"Anyway, ikaw ba sistah Veronica?" tukoy ni Brenda sa kakambal ko "Hindi ka ba maga-apply?"
"You should try it" sabat naman ni Blaire "Pwede ka sa pwesto"
Tumango tango naman kaming lahat bilang pagsang ayon.
"Pero wala naman akong alam sa mga ganyan" ngiwi ng kambal ko sa amin "For sure baka magkalat lang ako"
"Hindi yan" gantong ni Rain "Try mo lang"
"Tsaka it's for the best para sa mga tulad mong baguhan, atlest hindi mo naranasan ang invitation" ani naman ni Nixie.
Napalabi ako nang maalala ko ang invitation sa akin nun. May humawak sa pwer ko non at binuhusan ako ng malagkit na likido. Yuck!
"Anong invitation?" Takang tanong ng kakambal ko
Ngumisi naman sila sa kakambal ko.
"So you didn't new?" ngising asong sabi ni Vixie "Good"
Nanigas naman ang kakambal ko sa kaba.
"Ano ba yun?"
Akmang sasagutin ko siya ng unahan ako ni Empress.
"You know it, when you feel it. Wag kang kabahan, lahat ng istudyante, naranasan yan dito. Alangan namang exemption ka? Nu-uh" sabay iling nito "Not a chance, baby."
"Mama, gusto ko po ng ice cream"
Nabaling lahat ng tingin namin kay Baby Rainel, pinunasan naman ni Rain ang bibig ng anak.
"Hindi pwede, eat your food, Rainel" utos nito sa anak
Nakangusong umiling ang anak sa kanya.
"Rainel, isa!"
"Mama please?"
Mariing umiling si Rain sa anak.
"Hindi pwede! Eat your rice and veggies!"
"Mama, ayaw ko po niyan" maktol pa ng anak niya.
"Sige na naman, anak" pakiusap ni Rain sa bata "Kainin mo na yan, sige ka, magagalit sayo si mama"
Napanguso namang tumitig si Baby Rainel sa platong niya na may lamang kanin at gulay. Napabuntong hininga si Rain bago niya subuan ang anak, hindi naman nagreklamo ang bata kaya napanatag na si Rain.
"Teka! Ngayon lang nagsink in sa akin to" ngising sabi ni Nixie
Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Ano nga ulit buong pangalan ni Baby Rainel, Rain?"
Napataas naman ng isang kilay si Rain dahil sa tanong ni Nixie.
"Why?"
"Just answer it!"
Napaikot naman ng mata si Rain.
"Rainel Axvy Hettrey-Hertzelm"
Nagulat naman kaming lahat ng biglang tumili si Nixie, napatingin pa ang ibang istudyante dahil aa kaingayan niya, sinuway naman siya ng mga kasama namin.
"Sowie" aniya
"Ano ba kasi yun?" Halos may pagkainis na tanong ni Brenda "Parang bata kahit kelan, may asawa na't lahat"
Natawa naman kami lahat, inismiran naman siya ni Nixie.
"Inggit ka lang sistah!" Pang aasar pa ni Nixie kay Brenda "Wala pa kasi kayo ni Drake babe mo."
"Kami na noh! Matagal na! Ayaw lang kami lagi nung gago!" Singhal naman niya kay Nixie
"Hoy may bata! Umayos kayo!" Rain hissed, nakatakip pa ang dalawang kamay nito sa tenga ng anak.
Sabay naman humingi ng tawad ang dalawa.
"So ano ba yung sasabihin mo, Ate Nixie?" Tanong ni Vixie
"Don't you think na pinagsamang pangalan nila Axel at Rain ang Axvy? Like yung sa name ni Baby Rainel?"
Napataas naman kaming lahat ng isang kilay dahil sa sinabi niya.
"— Axvy." Bigkas niya "Means Axel and Ivory, then yung Rainel means Rain and Axel. Kinuha yung Rain at yung el ni Axel, galing noh?"
Umirap kaming lahat sa kanya, halata naman kasi noh, nung nakaraang buwan pa alam ng lahat. Dun na din nila kasi nalaman na kaya pala Axvy ang name ng iskwelahan namin ay dahil sa mahal niyang si Rain. Sweet.
"Alam na yan teh" pambabara ni Empress "Cut it out"
Ngumuso naman si Nixie nang dahil dun.
"Ikain na lang natin yan" ani ni Pretzel
Tumango naman kaming lahat bilang pag sang ayon, ilang minuto lamang yun nang makarinig kami ng tilian.
Agad nadako ang tingin namin sa mga nagsusuntukan, sa takot ni Baby Rainel ay niyakap ito ng ina.
Nagulat ako ng biglang lumapit si Blaire sa eksena. Namewang pa ito sa harap nang mga nagsusuntukan.
"Vice President, Blaire Sovelity" pakilala niya "Ipagpatuloy niyo lang yan at ipapatapon ko kayo sa detention cell!"
Agad natigil ang dalawang lalaki at parang maamong tupang nagmakaawa kay Miss Blaire.
May pinag usapan pa ang dalawang lalaki kasama si Blaire ng dumating ang galit na galit na presidente ng SSG na si Darren.
Bahagya silang nag usap ni Blaire sa kung ano hanggang sa sumunod ang dalawang lalaking nag away sa kanya habang si Miss Blaire naman ay bumalik na dito sa aming pwesto.
"What happened?" Tanong ng kakambal ko.
"Weeds" bulong niya
Napasinghap naman ang kakambal ko.
"Pano nakapasok yun sa campus?" Takang tanong ni Rain.
Nagkibit balikat naman si Blaire bago sumubo ng piraso nang nachos.
"May naglusot na naman" aniya bago umiling "Mga hindi nadadala, alam mo naman ang ibang istudyante dito. Si Darren na ang bahala sa dalawang yun"
"Ay!"
Napatingin kaming lahat muli kay Nixie nang bigla itong pumitik ng daliri.
"Bakit na naman?" Iritang tanong ni Pretzel
"Oh em sistahs" aniya sa amin "Hindi ba nasa kalagitnaan na ng february. Prom night na next week! Gosh!"
Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi niya.
"Oo nga pala!" Biglang bigkas ni Rain, napakalma na niya ang bata at tuloy ulit ito sa kain "Every year nga palang ginaganap yun at saktong next week na din. Kailangan kong masabihan si Axel"
"Na excite ako bigla" sabi ng kakambal ko "Paghahandaan ko na si Troy"
Natawa naman kaming lahat.
"Mas nakaka excite ang pagkokorona sa Queen and King of the Night" ngising sabi ni Blaire.
"Wag niyo rin kalimutan ang Prince and Princess of the Night" gantong naman ni Vixie.
"Wish ko lang na sana, may mga drinks na pure na may alcohol content" pagpaparinig ni Empress kay Rain
Inismiran lang siya ni Rain.
"Baka hindi pumayag niyan si Axel" aniya
"Pilitin mo!" Gantong naman ni Brenda "Para namang hindi hulog sa charms mo yang si Admin A"
"Tama!" Sabi naman ni Blaire
Nagapiran pa ang dalawa bago tumawa.
"Sige try ko" halos mamulang sabi ni Rain
Nagngisian lamang ang mga kasama ko.
"Wait Cr lang guys" paalam naman ng kakambal ko
Nang makaalis ito ay ngising ngisi ang mga kasama ko, nagtaka na lamang ako kung bakit.
"One, two" ngising bilang ni Vixie "Three"
Nagitla ako kasabay nang tawanan ng mga kasamahan ko nang marinig ang isang matinis na tili nang kakambal ko, akmang tatayo ako para puntahan siya ng pigilan nila ako.
"Wag kang KJ, sistah" ani ni Empress "It's just an invitation"
Napasinghap naman ako ng dahil dun— NATANGGAP NA NI VERONICA ANG IMBITASYON.
Hango hango namang tumakbo ang kakambal ko parating sa amin at halos magulang ako ng gulo gulo na ang suot nito pati na ang damit nito.
"Your all won't fucking believe what happened" gigil na sabi ng kakambal ko sa aming lahat "May naghagis sa akin ng isang timba ng ipis!"
Nagtawanan naman ang mga kasama namin na ipinagtaka ni Veronica.
"Chill" natatawang sabi ni Brenda "You just receive the invitation"
Dun naman narealize ni Veronica ang sitwasyon at iling iling na natawa.
"Let's get you dressed" aya sa kanya ni Nixie "Ang panget mo na kasing tignan"
"Mabuti pa nga" pagsang ayon ng kambal ko
Sabay naman silang tumayo at umalis.
"So speaking of dress may naisip na ba kayong susuotin?" Tanong ni Blaire
Iling iling kaming lahat sa kanya. Ngumisi naman siya sa amin na para bang may naisip na kung ano.
"Tara shopping tayo"
Nagkatinginan naman ang lahat sabay ngiti, hindi ko gusto yun.
"Tara!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro