Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AH 63: The Prince's Slave (THE BLOODY WAR)

Agad bumaling ang tingin namin ni Cloud sa nagsalita at halos mangiti at maluha ako sa tuwa ng makita siya. Ang aking mahal.

Vaughn Xavier Nexus.

"Putangina!" Gigil na bungad ni Cloud bago umalis sa ibabaw ko "The fuck, Nexus?!"
"It's nice to meet you too, Death"

Ngumisi naman si Cloud sa sinabi ni Xavier.

"So knew all along huh?"
"Ofcourse, Who wouldn't?" Pang aasar ni Xavier "I'm not that fucking dumb like you"

Naasar naman si Cloud sa sinabi ni Xavier kaya agad niya itong sinugod ng suntok, napatili ako lalo na nang dumugo ang labi ni Xavier.

"Xavier!"
"I'm okay, my slave" aniya bago ngumiti.

Mas naasar pa si Cloud kaya agad niya muling sinuntok si Xavier pero this time nakailag na siya sa suntok nito, siya naman ang bumuwelo ng suntok at muntik pang matumba si Cloud dahil sa impact.

Ngising ngisi ang master ko dahil dun pero panandalian lamang yun ng sumugod na naman si Cloud ng suntok.

Nagpapalitan na silang dalawa ng mga kamao at halos walang gustong magpatalo.

Hanggang sa bumunot si Cloud ng baril at pinaputukan si Xavier, napatili na naman ako.

Napamaan ang master ko sa braso!

"Mandurugas ka, Cloud!" Hiyaw ko

Hindi naman ito ininda ni Xavier at naglabas na rin ng baril, palitan sila ng bala. Walang natamaan ni isang bala sa kanila.

Parehong magagaling sa baril, ilang minuto lamang ay wala na sila sa buong kwarto.

Napabuntong hininga na lamang ako sa takot, dahil sa kakabaril nila na punta na sila sa labas.

Sana. Sana makaligtas si Xavier.

Dali dali akong kumawala sa tali pero kahit anong kawala ko ay hindi ako makawala.

Kainis na Cloud yun! Talagang hinigpitan niya ang pagkakatali sa mga pala pulsuan ko.

"Aaah!"

Bigla akong napatili ng marinig ang malakas na pagsabog, dumagunggong ang malakas na pagtibok ng aking puso para sa aking mahal.

"XAVIER!" Hiyaw ko "Diyos ko!"

Napasinghap pa ako ng makarinig muli ng pagsabog, sana ligtas siya, sana ligtas si Xavier.

"Veronica"

Napatingin ako sa taong tumawag sa akin at ganun na lamang ang pagdidilim ng aking itsura ng makita si Sarah.

"Tutulungan kita" aniya bago ako kalagan.

Nang makalagan niya ako ay agad agad niya akong niyakap tsaka siya humagulgol ng napakalakas na iyak. Ngumiwi ako at agad siyang itinulak papalayo, takang taka naman siyang tumingin sa akin.

"V-Veronica"
"Kamusta Sarah" ngisi ko "Oh should I say, BK ng Grave Mafia"

Ang lumuluha niyang itsura ay napalitan ng pangisi sa labi at panunuyam na tingin.

Sinamaan ko lamang siya ng tingin.

"So it's true na alam mo na pala." Aniya "Hindi ko na kailangan pa magmaang maangan pa at magkunwari. Nakakasuka eh"
"Traydor ka!"

Lumapad lalo ang ngisi niya sa mga labi.

"Tama ang Lord Hades. Dapat noon ka pa namin pinatay!" Hiyaw niya bago ako sugurin ng sakal
"Argh!"

Hindi ko inaasahan na gagawin niya ito sa akin.

Sinubukan kong tanggalin ang pagkakasakal niya sa akin pero hindi ko nagawa lalo ng nang higpitan niya ito.

Nagkandaubo-ubo na ko at halos mawalan ng hininga.

"Mamatay ka naaaaa!" Hiyaw niya sa akin "Para mawala ka na sa buhay ko! Akin lang si Master Damon! Akin laaaaaang!"

Hindi naman ako makasagot sa kanya at naubo ubo na lamang.

"Sagal ka sa aming mga plano! Mamatay ka naaaaaaa"

Muli akong naubo dahil mas humigpit pa ang pagkakasakal niya sa akin, hindi ko na nakayanan kaya ginamit ko ang aking paa para sipain siya kahit alam kong injured ito sinubukan ko pa rin at sa wakas nagawa ko.

"Bitch!"

Agad niya akong sinamaan ng tingin.

"Same to you!"

Ngumisi siya sa akin at muling tumayo bago naglabas ng maliit ng kutsilyo, nagulantang ako lalo ng nang sugurin niya ako nito.

Agad akong umiwas.

"Bwisit kang babae ka!"
"Tama na Sarah!" Sigaw ko "Alam kong hindi ka masama"
"Pwe! Kainin mo na lang yang salita mo! Hindi ko kailangan niyan!"

Mas nagulat ako ng bigla niya akong hinagisan ng apat na dagger, nailagan ko naman yung tatlo pero hindi ang isa.

Natamaan ako nito sa may gilid ng aking tiyan. Ang sakit!

"Such a weakling! A loser" pang aasar niya sa akin "Five percent pa lang yan ng lakas ko ah! Hindi ko pa tinotodo yan, talo ka na agad"

Tumawa siya ng nakakainsulto. Napayuko na lamang ako habang hawak hawak ang natamaan bahagi ng aking katawan.

"... Ano kaya mo pa ba? I mean kaya mo ba ko?"
"Hindi ka niya kaya, pero kami kaya ka namin"

Napatingin naman kami pareho ni Sarah sa nagsalita at dun namin nadatnan sila Pretzel, Nixie, Brenda, Rain, Empress, at Blaire.

Nakita ko namang namutla at bahagyang natakot si Sarah.

"Kami ang kalabanin mo" ani ni Blaire
"Miss Blaire" sabi ni Sarah
"Don't fucking say my name you traitor!" Gigil na sabi ni Blaire kay Sarah "Hindi ako makapaniwala na nag alaga kami ng ahas sa Axvy!"

Nagdilim naman ang mukha ni Sarah sa narinig.

"Hindi ko na kasalanang mga uto uto kayong lahat!" Sigaw niya

Sa sinabi niyang yun ay sabay sabay nagsisugod sa kanya silang lahat maliban kay Empress na alalang alala sa aking dumalo.

"Ayos ka lang?" Tanong niya, sasagot na sana ako ng unahan niya ko "Ofcourse your not! Injured ang paa mo at may tama ka sa bandang tiyan mo. Kailangan kitang madala kay Nurse Jess"

Napatingin ako sa kanya.

"Paanong?"

Ngumisi siya sa akin.

"Wag ka nang magtanong kung bakit nandito kaming lahat. It's all because of kuya Xavier"

Napailing na lamang ako, wag daw itanong pero sinabi naman niya ahad ang dahilan kung bakit.

Tumalikod siya sa akin.

"Sakay" utos niya

Namula naman ako sa hiya.

"Luh, wag na! Mabigat ako" pagtanggi ko
"Tsk. Tigas ng ulo! Sige na!"

Umiling ako kahit hindi niya nakikita.

"Wag na!"
"Tsk. Sige na kasi"
"Kung ayaw niya ako na lang!" Sabi ng isang boses kasabay ng pag buhat niya sa akin.

Napatili ako sa gulat at nang tignan ko ang mukha nitong nakangisi, napangiwi na lamang ako.

"Craigh"
"Oh, Nice to meet you too, Vanvuich"

Nanggigigil namang bumaling ng tingin si Empress sa kuya niya.

"Kuya Rave ha!"

Tumawa lamang si Craigh sa bungad sa kanya ng kanyang kapatid.

"Mga walang hiya kayo!" Narinig kong sigaw ni Sarah

Napatingin naman ako dun at napasinghap na lamang ako nang makitang dumudugo ang isa nito mata, hawak hawak niya ito habang tinututukan ng kutsilyo ang nakapaligid sa kanya.

"Suko na kasi" ngising asong sabi ni Rain
"Gago!" Sarah cursed "Mamamatay muna ako bago magawa yun!"
"Then die, you bitch!" Blaire hissed bago sumugod dito.

Hindi pa naman natatapos ang panonood ko ng biglang tumakbo si Craigh papalayo, kasunod nito si Empress sa likod.

"Nu bayaan?" Singhal ko

Ngumisi lang sa akin ang loko.

"Striktong patnubay ang gabay. Bawal manood nun, rated spg" aniya

Inismiran ko nga ang loko. Habang tumatakbo si Craigh ay napatingin ako sa paligid at halos manlaki ang aking mga mata ng makitang naglalabanan ang mga istudyante laban sa maliliit na halimaw.

Namangha na naman ako.

"World War five na ba to?" Biro ko, natawa lamang si Craigh sa akin.
"Tingin mo?" Natatawa niyang tugon

Umiling na lamang ako, ilang minuto din siyang tumatakbo ng makarating kami sa court, halos manlaki ang aking mga mata sa nadatnan.

Mga istudyante naiiyakan at sugatan. Napakarami nila, mukhang nandito ang mga naligtas sa Dead End.

"Nurse Jess" tawag ni Empress "Asan kang matanda ka! Nurse Jess!"

Nagikot ikot kami sa buong Court at nadatnan namin si Nurse Jess na ginagamot ang isang istudyanteng may mga gasgas.

"Salamat po"

Ngumiti lamang si Nurse Jess bilang tugon.

"Nurse Jess"

Agad itong napatingin sa amin at agad dumalo, inilapag naman ako ni Craigh sa may bakanteng upuan bago ako sinuri ay ginamot ni Nurse Jess.

"Salamat, Nurse Jess"
"Walang problema, nu ka ba?" She giggles.

Nakita ko namang ngumiwi sila Empress at Craigh sa kanya.

"Creepy" rinig ko pang bulong ni Empress, natawa ako.
"Buti at nakaligtas kayong lahat"

Tumango lamang si Nurse Jess at ngumiti ng malapad.

"All thanks to Mister Nexus" aniya "Napakagaling talaga ng boyfriend mo"

Naramdaman ko naman ang pamumula ng aking pisngi dahil sa sinabi niya.

"His name says it all po" ani ko "His name is Xavier, he was born to save lives" I proudly said

Ngumiti naman sila sa aking tatlo.

"Nakakunekta na ako sa labas!"

Napatingin kaming lahat sa malaking TV na nakakabit sa taas.

PANO NAGKAROON NG TV DITO?!

"Hello, may nakakarinig ba sa akin?!" Seryosong sabi ng isang munting boses at dun lumabas ang nakabusangot na itsura ni Vixie.

Ang Axvy's Prodigy.

"Hello?!"

Agad lumapit si Empress sa may operator bago sumagot ka Vixie.

"Si Empress to Vixie" sagot niya
"Bakit ang tagal niyo sumagot?!" Inis nitong sabi.

Natawa ang lahat ng istudyante dito sa court.

"Hehe"
"I can't see all of you there" aniya
"Walang camera dito" simpleng sagot ni Empress

Mas nairita naman ang itsura ni Vixie sa sinabi ni Empress.

"Bakit hindi man lang kayo naglagay?!" Singhal niya "Naglagay kayo ng operator, TV at CCTVs dito sa labas at nalimutan niyo man lang maglagay diyan sa loob?"
"Cut the crap, kid." Sumeryoso na si Empress "Anong nangyayari diyan sa labas?"

Bumuntong hininga naman si Vixie bago sumagot.

"Well nandito na kami sa hideout ng pekeng admin A ngayon, as usual wala siya. Hindi naman siya nahuli"

Nakita ko ang panlulumo sa mga itsura ng mga istudyante.

"Then?"
"Nandito ang totoong Admin A"

Agad lumabas si Axel sa TV kasama si Rainel, kita ang mangha sa itsura ng mga istudyante ng Axvy.

"Greeting my fellow lovely students" ngising sabi ni Axel
"Admin A!"
"Ang gwafu!"
"Aah!"
"Ligtas na tayoooo!"
"Here that moron?" Ani naman ni Empress "They are crave to meet you"
"Hello my Axvy's students" muling bati ni Axel

Muling nagsigawan ang lahat sa tuwa.

"I'm glad, I'm finally back." Aniya "Listen guys" biglang naging seryoso ang kanyang itsura pati na ang mga istudyanteng nanonood at nakikinig sa kaniya sa malaking TV. "Wala na ang pekeng Admin A and we don't know kung sino siya but let me tell ypu something,"

Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"... Hindi na biro ang mga nangyayari so I want all of you to be strong, your not an Axvy Student if your not, malaki ang tiwala ko sa inyong lahat. Matatalo natin ang mga halimaw na yun! At mababalik sa atin ang iskwelahang ito! Laban! Axvenians!"
"Labaaaan!" Sabay sabay hiyaw ng lahat sa buong court.

Napangiti naman ako ng dahil dun.

"Ano ba ang kailangan natin gawin, Admin A?" Tanong ni Empress
"As now I need all those students na walang tinamong kahit anong tama sa katawan, leave the others kay Nurse Jess siya na ang bahala sa kanila, Vixie will take all the plan"

Nakita ko namang tumango tango ang iba sa plano.

"Then?" Empress asked "How about you?"
"Tutulong ako sa laban, I will also lead the others." Sagot niya kay Empress "I will just leave this kid diyan sa court kasama ng iba."
"Okay sige"
"Tama na yan!" Singit ni Vixie "Let me handle it now"

Tumatango namang umalis sa pwesto si Axel at pumalit ang nakabusangot na mukha ni Vixie.

May kinalikot ito at lahat kami ay nakaabang lamang dun.

"Hoy death squad! Over! Death squad!" Inis niyang tawag

Natawa lamang ang lahat, mukha namang narinig niya kaya sinamaan niya kami ng tingin ang camera.

"Stop laughing!" Saway niya "Hoy death squad!"
"Chill hindi kami death squad!" Mukha ni Brenda kasama si Drake ang bumungad sa parte ng TV
"What's the commotion where busy here" ani naman ni Drake
"Where's Sarah?" Singit ni Empress
"Is that you sissy, Empress?" Takang tanong ni Brenda "Bakit hindi kita makita?"
"Walang camera dito" simpleng sagot niya "Answer me! Asan yung bruhildang yun?"

Nangiwi naman si Brenda.

"Dead." Sagot niya

Nawala si Drake at nakita sa background na nakikipaglaban na ito, napatakbo pa si Brenda at nagtago kung san man.

"Nga putangina niyo! Hindi ako ready!" Hiyaw niya

Natawa kaming lahat na nandito.

"Gago! Laban nga eh!" Sabat ni Empress.
"Shut up!" Inis na baling ni Brenda.

Natawa na naman ang lahat dito sa court.

"Tama na nga yan kagaguhan niyong dalawa" saway naman ni Vixie "Daig ko pa kayo! Parang kayong mga bata! Magseryoso nga kayo!"

Natahimik naman sila Empress at Brenda.

"Brenda, can you please put that phone of yours diyan. Para makita ng lahat ang nangyayari. Then go! Fight again"

Agad namang tumango si Brenda at tinutok ang phone niya, dun namin nakita ang lahat nang nangyayari sa labas.

Halos mapanganga ako dahil parang nanonood lamang ako ng action in live! Grabe lang!

"Empress"
"Yes?" Tugon niya kay Vixie
"Tipunin niyo na ang mga istudyanteng kailangan para sa gyera" utos niya
"And?"
"Lead them"

At nawala ang parte ni Vixie at tanging ang part na lang ni Brenda ang nakikita namin.

Tumakbo kaagad si Empress papunta sa mataas na bahagi at tinignan ang bawat isa.

"Axvenians!" Seryosong sigaw niya "Alam niyo na ang mga mangyayari sa labas, napakatagal din ng makulong tayo sa putanginang hawlang ito! At ngayon, ngayon ang tamang oras para makalaya tayo! Alam niyo na ang plano! Kill them! Atin ang iskwelahang ito! Atin! Raise our fist guys! We are Axvenians!"
"Axveniaaaaans!"
"Labaaaan!"

Agad lumabas si Empress at Craigh sa court kasama ang mga ilang istudyanteng lalaban, habang kami namang mga may tama ay nagpapagaling dito at ginagamot ni Nurse Jess.

May ilan pang iniwan dito sila Empress at Craigh na reapers at assasins nila na pinamumunuan ni M.

For protection daw dahil wala kaming laban kapag sumugod dito ang mga kalabang halimaw.

Napabuntong hininga naman ako at napatingin sa malaking TV.

"Ate! Ateeeee"

Napatingin ako sa batang humahangos na lumapit sa akin.

"Rainel!"

Ibinuka ko ang aking mga braso para masalubong niya ito ng yakap, hindi kasi ako makatayo dahil sa injured kong mga binti.

Nang makalapit sa akin si Rainel ay lubos lubusan ko itong niyakap ng buong pagmamahal.

"Ate alam ko na po, Si Axel ko papa ko di ba?"

Lumayo ako sa kanya at pinagmasdan ang maamo nitong mukha, naiyak na lamang ako.

"Oo, Rainel, oo"

Napalabi naman siya sa akin.

"Yung mama ko p-po" bigla itong pumalahaw ng iyak "S-San p-po si mama?"

Pinunasan ko ang mga luhang tumakas sa kaniyang mga mata.

"Mamaya nandito siya, antayin mo lang ah?"

Tumango siya.

"Veroni---ay! Venus nga pala"

Napatingin ako sa taong nagsalita.

"Princes na isa lang ang Es"

Natawa naman siya sa akin, nakita kong may malaking benda siya sa ulo.

"Pano mo nalaman ang totoo kong pangalan?"
"Si Supremo nagsabi ng lahat"

Ngumiti naman ako ng dahil dun.

"Rainel baby"
"Ate"

Nagyakapan naman silang dalawa.

"Miss po kita" ani sa kanya ng bata.
"Namiss din kita"

Muling bumalik ang tingin ko sa malaking TV at napasinghap ako ng makitang sugatang nakalupaypay si Xavier sa sahig habang tapak tapak ni Cloud ang dibdib nito.

"Ano gago?! Wala ka pala eh" sabi ni Cloud sa kanya bago nito duraan si Xavier

Nagkandaubo ubo naman si Xavier sa ibaba.

"D-Damn you!"

Hindi ko na nakayanan ang mga eksena kaya kahit hirap na hirap akong lumakad ay ginawa ko para sa mahal ko.

Mabuti na lamang at hindi ako napansin nila Princes at Rainel sa hindi kalayuan baka kasi pigilan nila ako.

Ilang minuto din ng makalabas ako ng court, nilabas ko ang buong lakas ko at tumakbo ako, hindi ko akalaing magagawa ko kahit masakit na ito.

Mamaya siguro ay matutumba ako hindi nga ako nagkamali! Nasubsub ako sa lupa!

Muli akong tumayo at iika ikang lumakad papunta sa sentro, buti na lamang at walang umaatake sa aking halimaw dahil lahat halos sa kanila ay napatay na ng mga istudyante.

Napanatag ako.

Ilang minuto din akong naglakad lakad hanggang sa makarating ako sa may dorm na pinanggalingan namin kanina ni Cloud, hindi ako nagkamali ng pinuntahan dahil hindi kalayuan ay nakita ko sila dalawa.

Napasinghap pa ako kasabay ng pagluha ng makitang sinisipa sipa ni Cloud ang mahal ko.

"Wag! Cloud Wag!"

Tumakbo ako palapit sa kanila kahit hirap ako sa paglakad ay nakarating ako pero natigil iyon ng yapusin ako ng yakap ni Cloud.

Napahagulgol ako ng hindi ko siya naabot.

"Mine" Cloud whispered through my ears "Sa akin ka lang"
"V-Venus, m-my s-slave" ani naman ni Xavier

Napaiyak ako lalo sa kalagayan niya.

"M-Master ko" I cried "Wag kang b-bibitaw mahal ko! Wag!"

Sinubukan ko muli siyang abutin ng ilayo ako ni Cloud dito, mas napaiyak ako dahil dun at galit siyang pinaghahahampas pero sampal sa pisngi ang naging kapalit nun.

"Damn!" Xavier cursed "Papatayin kita!"

Biglang nagdilim ang itsura ni Xavier kasabay ng pagtayo nito sa sahig. At sa hindi inaasahan, sinugod niya ng sunod sunod na suntok at sipa si Cloud.

Nabitawan naman niya ako kaya napasubsob ako sa sahig habang pinapanood silang nagpapalitan ng kamao.

Nangilig ang luha ko hindi sa sakit kung hindi sa galit! Galit sa sarili ko!

Bakit hindi ko magawang makatulong?! Bakit?!

Napakuyom ang aking mga kamao nang may naramdaman akong matigas na bagay sa aking mga palad. Tinignan ko kung ano ito at halos manlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kung ano ito.

Ang Tartarus' Hell.

Pero ang alam ko naiwala ko ang bagay na to, how come na bigla na lang itong sumulpot sa mga kamay ko.

Nailing na lamang ako sa aking mga naisip, kung pano man ito napunta dito, hindi na yun mahalaga!

Ikinasa ko ito at seryosong itinutok kay Cloud pero dahil nagbubuno sila ni Xavier ay papalit palit ang tutok ko nito.

Nanlulumo ako habang itinututok ito, parang hindi ko kaya!

"Slave! Come on! Shoot it!" Sigaw ni Xavier na nagpagitla sa akin

Muli na namang tumulo ang aking luha sa aking mga mata, napailing pa ako.

"Hindi! Tatamaan ka!" Iyak ko
"Damn! Do it!"

Tumawa naman si Cloud sa gitna ng kanilang laban ni Xavier.

"Go, Venus! Nang mamatay na ang gagong to!" Giit naman niya

Mas nanghina ako dahil dun.

"Go shoot it!" Sigaw ni Xavier sa gitna ng laba "I trust you slave! I trust you!"

Dun na ako nabuhayan ng aking loob, bumuntong hininga ako bago ko itinutok ang baril at pinaputok ito.

Napasinghap ako ng natigil silang dalawa, akala ko si Xavier ang natamaan dahil nakangisi si Cloud ngunit hindi!

Si Cloud pala ang natamaan.

Napaluhod naman si Xavier habang ngising ngisi sa akin, lumuha ako.

Pagapang kaming lumapit sa isa't isa pero hindi natuloy iyon na may isang malakas na alulong ng halimaw ang nagpatigil hindi lang sa amin kung hindi sa buong istudyante ng Axvy.

Napatingala ang lahat.

Ang Halimaw ng Axvy.

SI HELLION!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro