Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AH 61: Back to Axvy High

I don't understand why.
Why people need to betrayed?
For what? For Money? For Fame? For Satisfaction? God! I really can't believe it was really happening.

Lord. Please guide me.

"Grrr" ano yun? "Grr. Mhhhm."

Napabangon ako sa aking mahimbing na tulog nang marinig ko ang kakaibang boses na iyon.

"Grrr"

Lumingon lingon ako upang hanapin iyon at halos mamutla ako ng makita si Veda.

Ang pusa Death!

"Grr, meow" malabing nitong sabi at lumapit pa sa akin "Grrr"

Namutla na lamang ako sa takot lalo na nang ikiniskis nito ang balahibo sa akin balat. Dahil sa takot na aking naramdaman ay agad ko itong itinaboy palayo.

Nagulat na lamang ako ng samaan ako nito ng tingin.

"Grrr meow!" Halos galit na ito sa akin.

Hindi naman ako nagpatalo.

"Shoo! Shoo! Alis! Masama kang pusa ka! Alis! Shoo!" Pagtataboy ko dito

Galit itong tumakbo palayo sa akin, tumayo naman ako at napatingin sa paligid. Namutla na ko ng tuluyan ng malaman kung asan ako.

Good God! Nasa Axvy High na ko! Pero hindi yun ang big deal dito!

Mukhang hindi pa tapos sa paglalaro ang pekeng Admin A na si Hades. Tuloy pa rin ang Dead End.

AT NASA LABAS AKO NG DEAD END!

Pinikit ko ang aking mga mata at laon ay bumuntong hininga, hindi dapat ako mag-panic sa ganitong sitwasyon dahil kapag ginawa ko yun matutunton ako ng mga istudyanteng naging cannibal na halimaw at panigurado!

KAKAININ NILA AKO NG BUHAY!

Isip Venus! Mag-isip kang maige!

"Raaaaaawr!" Nagitla naman ako sa umalulong na yun.

At dun! Sa malayuan nakita ko si Hellion! Ang malaki at dambuhalang halimaw na nag iikot ikot. Nahintakutan ako sa isiping makita ako nito at makain ng buhay.

"Kailangan kong makita ang kwarto ng DMB"

Pero ang tanong asan yun?

Tahimik kong tinignan ang paligid at inobserbahan. May ilang kwarto akong nakita sa paligid pero karamihan dito ay sira at mukhang napasok na.

Nanlulumo akong napaupo sa pwesto ko. Tama nga si Veronica. Napakahina kong babae.

Sa mga ganitong sitwasyon ko yun napatunayan. Napaluha na lamang ako sa aking mga naisip. Gulong gulo na ko at hindi ko malaman ang gagawin.

"Tuloooooong!" Hiyaw ng isang tao sa hindi kalayuan.

Naalerto ako at agad tumayo, napatingin tingin pa ako sa paligid para hanapin kung saan nanggaling ang boses na iyon.

Agad kong pinunasan ang munting luhang tumakas sa aking mga mata at naglakad sa pinatutunguhan ng boses.

"Diyos ko! Ayoko pang mamata---Aaaahhh!"

Napatakbo na ko ng marinig ko yun at halos manlaki ang aking dalawang mga mata sa nasaksihan. Agad akong napatago sa gilid ng sirang pader.

Bahagya kong sinilip ang aking nakita kanina at halos masuka ako dahil yung babaeng sigaw ng sigaw kanina ay ngayon ay kinakain na ng isa sa mga halimaw na kasing laki lamang namin.

Namutla pa ko nang makitang hiniwalay hiwalay niya ang bawat parte ng katawan ng kaawa awa at walang buhay na babae.

Nanlulumo akong napaupo sa gilid ng pader. Isang maling galaw ko lamang ay ganyan na ganyan ang mangyayari sa akin.

"Diyos ko po, panginoon ko tulungan niyo po akong makaalis sa impyernong ito." Bulong ko bago nagsign of the cross.

May isa akong napansin. Si Jill. At ang magkapatid na Ej at Joy. Kung tauhan sila ng Grave Mafia hindi ba dapat dinala nila ako kay Death o sa laboratoryo nila.

Hindi tama itong nararamdaman ko. Parang may mali. May hindi talaga tama sa nangyayari.

Nasa malalim akong pag iisip ng nagitla ako sa isang malakas na alulong. Alerto akong napasilip dun sa halimaw at napahinga naman ako ng maluwag ng makitang sa iba ito dumaan na para bang may hinahabol ito.

"Habulin niyo ko!" Tumatawang hiyaw ng maliit na boses "Dito mga panget!"

Napatingin ako sa boses na yun at halos mamutla akong makita ang isang batang babaeng tumatawa habang tumatakbong hinahabol ng mga maliliit na halimaw. Diyos ko po!

"Vixie!" Hiyaw ko sa takot at hinabol ito. "Diyos ko! Vrixchelle!"

Kumunot naman ang noo nitong napatingin sa aking direksyong habang tumatakbo, nanlaki ang kanyang mga mata ng madatnan akong tumatakbo papalapit sa akin.

"Vixie!"

Muntik na siyang mapahinto sa pagtakbo dahil sa akin ngunit nagpatuloy ito at sinenyasan ako nang direksyon.

Nag-aalala naman akong tumango sa kanya. Papaliko na sana ako ng routa nang harangin ako ng dalawang naglalaway na mga halimaw.

Namumutla akong napaatras.

Kakaatras ko nang may maapakan ako. Isang malaking bakal, agad ko itong kinuha at itinutok sa kanila.

"Sige! Lumapit kayo!" Ani ko "Hahampasin ko talaga kayo niyo! Sige!"

Ngunit hindi sila natinag sa salita at banta ko at dahan dahan pang nagsilapit sa akin. Nangilid ang luha sa aking mata, natatakot na ko.

"Wag kayong lumapit!" Banta ko, at sabay tutok sa kanila ng bakal "Ihahampas ko talaga sa inyo to! Sige!"

Hindi na naman natinag o natakot sa aking ang mga nakakatakot na halimaw at patuloy lamang sila paglapit sa akin habang naglalaway.

Mukhang handang handa na silang lapain ako para kainin. Napalunok ako ng sariling laway sa takot. Pakiramdam ko aatakin na din ako sa puso.

"Sabi ng wag lalapit eh!"

Papalapit na sila sa akin at ako naman ay hinanda na ang aking bakal na pamalo ng bigla ay may napaulan sa kanila ng sunod sunod na bala, agad silang namatay.

Napatingin ako sa itaas at dun ko nadatnan si Keith na may hawak na baril, napahikab pa ito na para bang inaantok.

"Sumama ka sa akin" aniya bago bumaba sa taas.

Sumunod naman ako.

"Thank you pala, Keith" sabi ko

Tumango lamang siya sa akin bago niya kinatok ang sira sirang bubong. Napakunot ako ng noo.

"Hindi na tayo sa door?"

Tumango naman ito bilang tugon. Ohh-okay?

Agad bumukas ang gilid nun at lumabas ang lumuluhang si Nixie. Napangiti naman ako at sinalubong ito ng yakap.

"Sistah" iyak niya sa akin

Naiyak na ko sa tuwa. Ang tagal na din mula ng makita ko siya, ang laki ng ipinayat niya. Namiss ko siya ng sibra sobra.

"Sistah Nixie" ani ko

Humiwalay naman siya sa akin at bumaling kay Keith.

"Hubby" aniya sa nobyo bago ito halikan sa labi.

Napalingon naman ako sa gilid sa eksena, pagkatapos nun ay nagsipasok na kami sa loob. Dun ko nadatnan sila Vixie, Darren, Troy pati na ang ibang istudyante ng Axvy na hindi ko kilala.

"Vanvuich" seryosong sabi ni Darren.

Lamlam ang itsura nito at ang laki rin ng pinayat gaya ng iba. Diyos ko!

"Darren" ani ko "Kamusta?"
"As you can see, hindi pa kami ayos" sagot niya "Looks like you change, I mean your hair"

Napahawak naman ako sa mahaba kong buhok na ngayon ay kulay ginto at pilak.

"Ah ito ba" ani ko "Wala ito, bunga lang ito ng experimento sa akin"

Napakunot noo naman siya sa akin.

"What?"
"Si Ate?" Biglang singit ni Vixie sa amin "Kamusta si Ate?"

Napatingin ako sa batang nagtanong sa akin, bakas sa itsura nito ang pag aalala sa nakakatandang kapatid, napabuntong hininga na lamang ako bago siya sagutin.

"Sorry Vixie, hindi ko alam kung anong nangyari kay Miss Blaire" ani ko, napayuko lamang siya "Huling kita ko sa kanya ay dun pa sa Dead Block"
"Dead Block?" Sabat naman ni Darren

Tumango lamang ako.

"Oo, ang lugar na yun ay parang ganito rin" sagot ko "Yun ang lugar nang mga halimaw na gustong hinahanap at tinatarget ang mga biktima nila bago kainin."

Napasinghap naman ang lahat sa nilahad ko.

"Mag-iisang taon na rin, Vanvuich" malungkot na sabi ni Darren "Hindi na kami makalaya sa impyernong ito"

Napahawak ako sa mga kamay niya.

"Darren may pag-asa pa" sabi ko

Napakunot noo naman siya sa sinabi ko.

"How?"
"Si Admin A"

Nakita ko ang galit na itsura niya ng banggitin ko ang alyas ni Axel. Alam kong hindi nila ako papakinggan dito ngunit mas mahubuhayan sila ng loob kapag sinabi ko ang lahat.

"Mali kayo ng pinararatangan" ani ko bago ako talikuran ni Darren.

Napaharap sa aking ang lahat ng istudyante.

"Hindi si Admin A ang namamahala ng Axvy" matapang kong sabi. "Dahil ako mismo, nakaharap ko siya, nakausap at dinamayan"

"... Ang lalaking Admin A na kinikilala niyo." Napapikit ako bago bumuntong hininga "ISA SIYANG PEKE!"

Muling napasinghap ang lahat.

"Pano mo naman nasabi?!"
"Matagal na namin alam na siya si Admin A!"
"Hindi siya peke!"
"Totoong si Admin A yun!"
"True ba?!"
"Manloloko ka!"
"Nababaliw na yan!"
"Kinulang sa sex!"
"Feeling leader amputek!"
"Nagmamagaling lang yan!"
"Hindi mo kami madadala diyan!"
"Manahimik ka na lang!"
"Dami mong alam!"
"Bitch please!"
"Feeling naman niya!"
"Jusme! Parang tanga!"
"Itulog mo na lang yan teh!"

Kanya kanyang react ng mga istudyante sa akin, napayuko na lamang ako sa lungkot.

Walang naniniwala sa akin.

"SHUT THE HELL UP!" Gigil na sigaw ni Darren.

Nagitla naman ako dahil dun, biglang natahimik ang lahat.

"Let's listen to her, siya pa lang ang nakalabas ng Axvy" sabi nito
"He's right" sabat naman ni Vixie "Sa ating lahat siya lang ang nakakaalam"
"Don't act immature guys" angil naman ni Nixie "Para kayong mga tanga"
"Speak up, Vanvuich" ani ni Troy

Napatingin naman ako kila Vixie nang tumango ang mga ito ay bumuntong hininga na ako at inilahad lahat lahat ng nangyari sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro