AH 60: True Motives
"Are we still at the same street?" Nag aalalang tanong ni Kiela sa nagmamanehong si Jill
"Wala na, ibang routa na ata to" sagot niya kay Kiela
"May word na ata meaning, hindi ka sure" sambit naman ni Kara
"Girls, girls, stop it" Helena interrupted "Let's focus to them" tukoy nito kila Pretzel at Empress na ngayon ay parehong walang malay "... Bago tayo magsuplong sa mga pulis, let's make sure na okay yang mga yan."
Tumango ang lahat bilang pagsang ayon.
"Gosh! Namumutla na si Pretzel" halos nagpapanic na pahayag sa amin ni Suzie
"Diyos ko! Si Empress din!" Ani naman ni Emy, sabay paypay sa walang malay na babae
"Jill, wala ka bang alam na malapit na ospital o clinic man lang?" Halos mataranta ko na ding tanong.
Natataranta namang umiling sa akin si Jill.
"Asan na ba talaga tayo?" Tanong naman ni Helena
"Ayun may post sign!" Biglang sabi ni Emy, itunuro pa nito ang post sign na nakita.
Agad namang napatingin ang aming mga mata sa tinuran niya.
"Saint Angelic" basa ni Kiela "Sang lupalop to Saint Angelic na to?!" Himutok pa niya.
"Saint Angelic" ani ni Jill, inihinto niya pa ang sinasakyan namin at napatitig dun na parang may inaalala. "Tama!"
Napatingin kami sa kanya. Nagtataka. Hindi naman niya kami sinagot kahit na nakita niya kaming lahat na nagtaka.
Agad niyang pinaandar ang aming sinasakyan. Ilang minuto din dumaan ang katahimikan ang kotse at hindi ko na nakayanan kaya tinanong ko na ang nagmamaneho.
"San tayo pupunta niyan, Jill?"
Ngumisi muna siya sa aking bago sumagot.
"I know this place" aniya
"Huh?" Napataas na kilay na sabi ni Kara
"May kakilala ako dito" sabi ni Jill sa akin habang nagmamaneho "Hope na dito pa siya nakatira"
"Sinong kakilala mo ba yan?" Takang tanong naman sa kanya ni Helena
"Mej" aniya "Mej ang pangalan niya, isa siya pinsan ko na alam ko nakatira lang banda dito"
Tumango tango na lamang ako.
"Eh Jill, alam mo pa ba kung san banda yung bahay niya?" Sabat ko
Tumango siya.
"Oo, siya lang ang bahay na may nakatanim na Cherry Blossom sa bakuran" sagot niya.
Agad napako ang tingin ko sa mga bahay na nadadaanan at patingin tingin kung may nakikitang cherry blossoms sa paligid.
"Hayun! Hayun!" Masayang sabi ni Emy habang tinuturo ang bahay na nakita
Nakangiti namang tumango si Jill at iniliko ang kotse papapunta sa direksyon ng bahay. Pagkarating naman sa bahay ay agad kaming nagsibaba, maliban na lamang kay Emy na binabantayan ang mga walang malay na sila Empress at Pretzel.
"Tao po! Tao po!" Sigaw ni Kiela
"Mej! Mej!" Sigaw naman ni Jill
"Hoy! May natutulog pa dito!" Sigaw ng tao sa kalakip na bahay "Kung ayaw niyo pang matulog, magpatulog kayo!" Sabay dabog pa nito.
Lahat kami ay napatulala sa sumigaw.
"Pambihirang yan" inis na sabi ni Kara "Parang tanga yung aleng yun ah"
"Hayaan niyo na" sabi ni Helena "Wag na lang tayo maingay"
"Anong wag magingay?!" Gigil namang sabat ni Jill "Hello?! Anong oras na kaya tapos may natutulog pa? Tangina! Tanghali pa lang kaya!"
Nakukunsumisyon namang umiling sa kanya si Helena bago lumapit sa gate at nag doorbell.
"May door bell?" Asar na sabi ni Jill
Marahan namang lumingon sa amin si Helena habang naka-krus ang mga braso.
"Bahay ng pinsan mo tapos hindi mo alam na may doorbell?" Helena said sarcastically
Napaikot lamang ng mga mata si Jill.
"Sorry nalimutan eh" balik sabi niya kay Helena.
Umiling iling lamang sa kanya si Helena.
"Sino yan?" Sabi ng isang mahinhin na boses.
Agad dumako ang tingin naming lahat sa nagsalita at dun namin nadatnan ang isang babae na may kasamang lalaki.
"Sino ho sila?" Tanong nung lalaki sa amin.
Agad dumako ang tingin namin lahat kay Jill. Mukha namang nakuha niya ang Ibig sabihin naming lahat akay agad siyang pumunta sa unahan para makipag usap sa dalawang tao.
"Hello ako Jillian Santos, pinsan ko si Mej Santos, dito ba siya nakatira?"
Nagkatinginan naman ang mag asawa sa amin bago ngumiti pareho sa aming lahat.
"Anak kami ni Mej Santos" sagot nung babae "Ako si Joy at siya namang si Ej" tukoy nito sa lalaki.
"Kung ganon pamangkin ko pala kayo" masayang sabi ni Jill
Naiiyak namang tumango ang babae. Agad silang nagsilapitan kay Jill at nagsimano. Teka?! Ilang taon na ba tong si Jill at mukhang matatanda na ang mga pamangkin niya ah.
"Pasok po kayo" yaya naman nung lalaki, yung Ej.
"Sige salamat" masayang tugon ni Jill "Pwede ba Ej tulungan mo kami, may dalawa kasi kaming kasama na walang malay"
Tumango naman yung Ej bago lumabas kasama si Helena. Habang kami ay sumunod naman kay Joy sa loob ng bahay.
"Gusto niyo po ba ng maiinom?" Tanong niya sa amin.
"Tubig na lang" sagot ko
Tumango naman siya.
"Sige po maupo na muna po muna kayo kukuha lang po ako ng tubig sa kusina" aniya
Agad kaming tumango sa kanya at umupo sa sofa ng sala.
"Ang weird noh" biglang sabi ni Kiela
"Bakit naman?" Tanong naman ni Jill
"Ang lalaki na kasi ng mga pamangkin mo parang kaedad mo lang" sagot ko
"True" segunda naman ni Kara
"Yung totoo ilang taon na yung pinsan mo, Jill?" Tanong ko.
Napabuntong hininga naman si Jill sa amin.
"Hmmm, twenty eight na ko ang alam ko sampung taong ang agwat ng edad namin eh"
"Thirty eight" sagot ko "Eh yung dalawa ilang taon na yun?"
"Fourteen po" biglang sagot ni Joy sabay lapag ng tubig "Same age lang po kami ni Ej, hindi po kami kambal. Inampon lang po siya ni mama"
Nahihiyang tumango naman kami sa kanya.
"Joy, matanong ko nga asan pala ang mama niyo?" Tanong ni Jill
Nakita naman naming biglang nalungkot si Joy sa itinanong ng tita niya.
"Dalawang taon na po siyang patay tita Jillian" sagot nito "Namatay po siya dahil sa drug overdose"
Nanlalaki naman ang mata namin sa gulat sa sinabi niya.
"Diyos ko!" Ani naming lahat.
"Papanong na drug overdose siya?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Jill
"Nabaliw po si mama" biglang sabi ng isang lalaki.
Si Ej. Kasama na nito sila Emy at Helena.
"Si Empress at Pretzel?" Tanong ko
"Nasa taas sila" sagot ni Ej "Wala naman kayong dapat ikabahala, ayos naman sila kailangan lang nila ng pahinga"
Panatag naman kaming napangiti si lalaki.
"Ej, anong nabaliw ang mama niyo?" Tanong muli ni Jill
"Hindi nabaliw si mama, na drepressed lang siya" sagot bigla ni Joy "Hindi niya nakayanan na iniwan siya ni papa kaya ginawa niya yun" malungkot pa nitong sabi.
'Mej Santos?!'
'Yes'
'Sino yun ah?!'
'Mama ko'
Bigla akong nanlamig at nanigas sa pagflash ng larawan sa isipan ko. Napatingin silang lahat sa akin. Nagtataka.
Nanlalaking mata akong napatalikod pahakbang sa kanilang lahat.
"Diyos ko!" Ani ko
"Venus, okay ka lang?" Nag aalalang sabi ni Jill
"Namumutla ka girl" ani naman ni Kiela.
Umiling iling lamang ako sa kanila habnag humahakbang papalabas.
"Hindi k-kayo ang mga anak ni M-Mej Santos" namumutla kong sabi ng bigla kong masagi ang kabinet na nasa likuran ko.
Napatili kaming lahat maliban kila Ej, Joy at Jill na nakayuko.
"Diyos ko!" Naiiyak na sabi ni Emy
Napatingin kami sa bangkay na lumabas sa kabinet, nilalanggam ito at inaamag na. Nahihintakutan kaming napatingin sa kanila na ngayon ay may hawak ng mga katana.
Ngumisi silang tatlo sa amin. Hindi ako makapaniwala!
"Our lady Venus" ani nila bago isuot ang maskang may dugo
Diyos ko! Mga tauhan ng Grave Mafia! Agad silang nagsilapitan nagsisugod sa mga kasamahan ko na ngayon ay patay na dahan dahan silang lumapit sa akin nang mapatay na nila ang mga kasama ko. Naiyak ako sa nadatnan.
Wala man lang akong nagawa. Diyos ko po!
"Lady Venus" ani nila
Nanghina na ko at napaluhod bago pa sila makalapit sa akin ay nawalan na ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro