Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AH 57: Woman Collection

"Aaaaaahhhhh!" Rinig kong tili at iyak ng isang babae kasabay ng paghampas ng isang bagay. "P-Please, please, plea— ahhh!"

Nagising ako at napabangon sa aking pagkakahiga ng marinig ko ang tiling iyon. Napatingin tingin ako sa hindi pamilyar na paligid, asan na kaya ako? I mean-- asan si Empress?!

"Aaahhh!" rinig kong muli tili at iyak ng isang babae, "Mast— ahh! S-Sorry! Sorry! Aaah! A-Ang s-sakit! Aaahhh! Please! Please, pleas— aahh!"

Tumayo ako lumabas ng kwarto ng buksan ko ito dun ko nakita ang numerong '8'.

Napakunot na lamang ako kung bakit may ganun ng mapansin ko ang ibang pintuan na may numero din kada pinto.

"Aah!" Muling tili ng babae, pinakinggan ko ang pinanggalingan, may nakita akong hagdan, mukhang sa baba nanggagaling iyon. "Aaah-raay! Aahh! Aah! T-Tama naaaaa!"

Akmang bababa na sana ako ng hagdan para puntahan at alamin kung ano yun ng may humawak sa aking braso, napalingon ako kung sino yun.

"Wag" bulong nito "Wag mo nang tangkain"

Napakunot ang noo ko sa kanya.

"Sino ka?"

Hindi na siya nagsalita at ngumiti na lamang sa akin at pagkatapos ay hinila ako sa kwartong may numerong '5'

Nakita ko ang kumpulan ng ilang kababaihan, mukhang nag uusap sila ng masinsinan.

"Sistah" nagulat ako sa yumakap sa akin

Agad itong lumayo sa akin at dun ko nakumpirma kung sino ito, ang matapang nitong mga mata, ang biloy nitong pisngi, ang mapupula nitong bibig at ang kanyang amoy, walang duda! Eto nga si...

"Pretzel" naiiyak kong yakap sa kanya.
"My god sistah" aniya "My god!"

Nag iiyakan lamang kaming yumakap sa isa't isa, god! It's been a long months nang huli ko siyang makita! Namiss ko siya ng sobra sobra!

"S-Sistah" umiiyak niyang tugon sa akin bago kami nagkahiwalay sa pagkakayakap.
"What happened, Pretzel?" Nag aalala kong tanong

Umiling iling lamang siya habang umiiyak.

"Nothing, n-nothing" aniya "Wag na n-nating pag usapan, a-ayoko ng m-maalala ang mga bagay na yun"

Tumango na lamang ako, naiintindihan ko siya.

"— Masaya ako na makita ka, Venus"

Nagulat naman ako sa itinawag niya sa akin, pero tumawa lamang siya sa akin habang naiiyak iyak pa.

"Don't be to shocked, Venus" sabat ng isang boses, Si Empress "I already tell her the truth"

Tumango tango naman si Pretzel.

"Tanggap ko" sabi niya sa akin "You been a good bitch since the very first day, Veronica I mean Venus pala"
"Pasensya na at naglihim ako, at salamat at naiintidihan mo ang sitwasyon ko, Pretzel"

Ngumiti lamang sa akin si Pretzel bilang tugon, napabuntong hininga naman ako at tinignan ang paligid.

"So dito pala tayo dinala nung Gojoki na yun, Empress" pag iiba ko ng usapan "Alam mo ba kung sang lugar to?"
"Actually hindi, sistah" sagot niya sa akin "Nung nakatulog ka sa byahe at nakita pa nila akong gising, hayun! Pinaamoy nila ako ng gamot, nakatulog na lang ako ng hindi nalalaman kung asan tayo. I check the whole area, puro bakal ang nakapaligid. Mahihirapan ang tatakas"

Nakita ko namang tumango tango ang mga kasama naming babae.

"Mahihirapan talaga makatakas sa lugar na ito, hindi lang dahil purong bakal ang paligid kung hindi dahil puno rin ng maraming bantay sa labas nito" sagot ng babaeng nanghila sa akin kani kanina lamang, tumingin naman siya sa akin at ngumiti "Ako nga pala si Helena, number three, you must be eight, right, Venus?"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"She doesn't know that" sabi naman ng isang babae na morena, tumingin naman ito sa akin "Hello"

Ngumiti na lang ako.

"Hi" bati ako "Venus nga pala"

Tumango naman ito.

"I'm Jill, number two" pakilala niya "Alam kong hindi mo maiintindihan ang sitwasyon kaya ipapaliwanag ko na lang para makilala mo kami."

Tumango naman ako.

"This is Suzie, she number one" turo nito sa isang babae na katabi niya.
"Hello" bati nito, ngumiti lamang ako bilang tugon
"Eto naman si Helena, number three. Kilala mo na siya, right?"

Tumango naman ako.

"And this is Kara, she's number four" pakilala naman nito sa isang babae na katabi ni Helana "Next is Kiela, number six, si Pretzel naman si number seven. Ikaw naman si eight" Sabay turo niya sa akin "So does her, number nine" tukoy niya kay Empress

Napangiwi naman ako.

"Para san ang mga numero?" Si Empress na ang nagtanong
"Slave number" sagot ni Helena, yung number three "We are Master Gojoki's woman collection."

Nanlaki naman ang aking mga mata sa sinabi niya. Jusko! Anong woman collection?!

"Nagbibiro ka lang, hindi ba?"

Nakangiwi lamang siyang umiling.

"Sorry dear but it's true" sagot naman ni Suzie, yung number one "Lahat tayo rito parausan niya, mga babaeng pupuno nang sex fantasies niya" naiiyak pa niyang sabi

Natahimik ang lahat. Jusko! Ang klase lugar itong napasok ko na naman?!

"Wait" may napansin lang ako.

Nagtataka naman silang napatingin sa akin, hindi ko pinansin. Isa isa ko silang tinignan at inobserbahan.

Si Suzie ay si one.
Si Jill naman ay si two.
Si Helena naman si three.
Si Kara si four
Si Kiela si six
Si Pretzel naman ay si seven
Ako naman yung eight
At lastly si Empress, siya ang nine

Binalik ko ang tingin ko sa kanila— My god?! ASAN YUNG FIVE?! Yun pala ang nawawala!

"M-Matanong ko lang" putol ko sa gitna ng katahimikan "Asan yung five?"

Dun sila natahimik lahat, naging seryoso sila sa tanong ko. Nagtataka naman kaming nagkatinginan ni Empress.

"Eight" tapik sa akin ni Helena "Si Five, siya si Emy"
"Asan siya?"

Nagkatinginan na lamang sila, napabuntong hininga na lamang si Helena.

"Venus, eight" aniya "S-Siya yung kanina. Siya yung narinig m-mong tumitili kanina sa baba"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Diyos ko!" Napasign of the cross pa ko sa sinabi niya "Tulungan n—"
"Walang magagawa yan" sabat naman ni Kiela "Ikaw lang din ang mapagbubuntungan ng galit ni master"
"Kawawang Emy" nalulungkot namang sambit ni Kara
"Kasalanan din naman niya" naiirita namang sabi ni Jill "Kung sumunod lang siya sa atin at nanatili na lamang dito at hindi na namang nagtangka tumakas edi sana hindi na naman siya naparusahan ni master"
"Naaawa lang naman ako sa kanya, two" nakalabi na sabi ni Kara kay Jill

Napabuntong hininga na lamang ako sa akin mga nalalaman.

"Kaya kayo" baling naman ni Helena sa amin ni Empress "Kung tatangkain niyong tumakas sa lugar na ito, siguraduhin niyo lang na hindi nila kayo mahuhuli, dahil kapag nahuli kayo kalapit na parusa ang abot niyo sa kamay ni master"

Napalunok na lamang ako sa takot sabay tingin kila Empress at Pretzel. Diyos ko!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro