AH 55: The Mafia Works
"Saan ba talaga tayo pupunta, Xavier?" nababagot kong sabi
Hindi naman siya sumagot sa akin at nanatili lamang na nagmamaneho ng kanyang sasakyan, meron ding limang itim na kotseng na mga nakasunod sa amin. Protesyon daw sabi nila Empress kanina.
It's been a week mula ng sabihin ko kay Xavier kung sino si BK at nakakagulat na mukhang inaasahan na nga niya na ang babaeng yun ang tatraydor sa AXVY. Matagal na daw niya kasi itong pinaghihinalaan, napakuyom na lamang ako dahil pati ako napasakamay niya. Naloko niya ko.
"Xavier naman eh" maktol ko "Sabihin mo na kasi!"
Bahagya itong tumitig sa akin pagkatapos ay umismid. Tignan mo tong lalaking to! Napaka sungit! Halatang pinaglihi sa sama ng loob.
"Xavier"
"Tsk!" Irap niya sa akin "Just be quiet, eat those chips there"
Napanguso naman na ako sa sinabi niya, pero mukhang nainis siya.
"Stop that, Venus" aniya
"Ang ano?"
"What did I tell you if you do that pout at me again?" He grinned.
Namula lamang ako sabay kuha ng potato chips sa gilid ng upuan, binuksan ko ang chichirya bago siya inirapan.
"Che!"
Natawa naman siya.
"Silly" he said, laughing "I'm inlove into the crazy girl"
Napaikot na lamang ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Crazy girl ka diyan" himutok ko "Ikaw Xavier ah, grabe ka sa kin"
Hindi naman siya sumagot bagkos ay tumawa lamang, napailing na lamang ako at napatawa na rin sa kanya.
"Ehem ehem" pekeng ubo ng kung sino
Napalingon naman ako sa likod at dun ko nakita ang nakabusangot na mukha nila L, PM, Empress at Rave.
"Ayoko talaga ng romance" busangot na sabi ni Rave.
"Stop flirting nga, Venus. Hindi bagay, like yuck lang" nakangiwi namang sabi ni Empress
Napangiti na lamang ako ng alanganin sa kanila sabay peace sign. Yes, alam na ng buong Nexus Mafia ang tunay kong katauhan at hindi ko alam kung pano nila nalaman basta kinabukasan nagulat na lamang ako ng ngumingisi sa akin sila Rave at Empress na mukhang alam kung anong ginawa namin ni Xavier.
Tatanongin ko na sana kung bakit ganun sila ng tawagin nila ako sa tunay kong pangalan. Akala ko nga magagalit sila sa akin pero hindi, tanggap nila at naiintindihan nila kung bakit ko ginawa yun. Na touch naman ako.
"Ano ka ba naman, Empress?" Natatawa kong sabi "Nagkakatuwaan lang kami ni Xavier dito noh"
Umirap naman sa akin si Empress.
"Porke mag boyfriend girlfriend na, ganyan ka na ah" nanguso nitong sabi. "Marunong nang lumande"
Napailing iling naman akong natawa habang si Xavier naman ay seryoso ng nagmamaneho.
"Narito po na tayo, Lord Vaughn" biglang sabi ni L.
Inihinto naman ni Xavier ang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang isa itong abandunadong bodega. Nagtataka akong tumingin kay Xavier, tumingin ito sa akin at ngumiti tapos ay hinalikan ako sa noo.
"A-Anong gagawin natin dito, Xavier?"
"Listen to me, baby" aniya "Kapag nasa loob na tayo, don't ever leave by my side, understood?"
Tumango naman ako.
"Good, slave" pangiti niya.
"Hey mauna na muna kami bumaba ng kotse ha?" Pagsingit ni Empress "Medyo umay na kasi ako eh"
Nakaikot na lamang ng mga mata si Xavier sa itinuran ng kapatid.
"Hayy, just call me if you need me" ani naman ni Craigh bago lumabas ng kotse "Tara na, Savannah"
Mukhang nairita naman si Empress, padabog itong lumabas ng kotse bago inismiran si Craigh.
"Don't command me around, Kuya Rave!" Naiiritang bulyaw ni Empress sa nakakatandang kapatid
"Tsk" iling ni Craigh "Such a brat!"
Sumunod namang lumabas ng kotse sila L at PM. Akmang lalabas na din ako ng kotse ng pigilan ako ni Xavier, nagtataka kong siyang tinignan.
"Let me"
"Huh?"
Napabuntong hininga naman siya bago bumaba ng kotse, lalabas na sana ako ng makita ko siyang naglalakad papunta sa pintuan ng kotse sa passenger seat, nanlaki ang mga mata ko ng binuksanan niya ko ng pinto.
Nangingiti siyang tumingin sa akin habang hawak ang pintuan ng kotse. Napatunganga ako sa kanya.
Kelan pa naging ganito ka-gentleman ang isang Vaughn Xavier Nexus?
"What are you waiting for, baby?" Aniya "Come with me" ako lang ba o parang may ibang meaning yung sinabi niya, kita ko kasi ang pagkapilyo nito sa mga mata.
Napailing na lamang ako ng maalala ko yung nangyari nung nakaraang make love namin---- kung make love man ang tawag dun ay! Oo nga pala make out pala ang tawag dun sabi ni Xavier. Wala naman kasing nangyari sa amin, nasa akin pa kasi ang pinaka-iingatan kong virginity ko.
Napanguso na lamang ako at bumaba ng kotse nagulat na lamang ako ng lumapat ang labi ni Xavier sa labi ko. Oh em! Ang landi niya! PDA TO!
Napalingon lingon ako sa paligid only to see such disgust on the face of Craigh, Empress and L.
"Wag ka ngang kiss nang kiss sa akin, Xavier" namumula kong sabi
Napataas naman ang kilay niya dahil roon.
"And why?"
Napabuntong hininga naman ako bago sumagot.
"Kasi nakakahiya" bulong ko sa kanya "Tsaka ayaw ko nun, ayaw ko ng public display of affection, nakakahiya lang sa makakakita. Alam mo na, privacy kasi yun"
Kumunot naman ang noo niya.
"The hell I care to them," aniya "Wala akong pakealam sa kanila, as long as I kiss you damn hard. I'm happy with it" he grinned.
Hindi naman ako makapaniwalang napailing iling sa kanya. Ibang klase talaga!
"Tama na ang landian!" Nakabusangot na sabi ni Empress "Tara na, baka tayo na lang ang wala"
Hindi naman sumagot si Xavier sa sinabi ng bunsong kapatid, hinila niya ang braso ko at inangkla sa kanya. Pumasok na kami sa loob habang nakasunod naman ang apa---hindi lima na pala. Kasama na kasi si M.
Naiwan sa labas ng bodega ang mga reapers at assasins nila.
Pagkapasok namin sa loob ay halos masuka pa ko sa mga nakita dahil sa dumi at baho nito, hindi naman inalintana ng mga kasama ko kaya hinayaan ko na lang din sila. For sure may secret passage din ito gaya nung sa motel nung auction.
Ilang minuto kaming naglakad lakad ng tumigil kami sa isang drum na punong puno ng lumot, lumapit dito si M at may kinapa sa paligid nito. Nang mahanap ay agad lumabas ang isang taong hologram. Naamaze naman ako. Ang galing kasi! Parang ganito yung mga napapanood ko sa mga spy movies!
"What's the password?" Agad na tanong taong hologram.
Tumingin muna si M kay Xavier, Craigh at Empress na parang humihingi nang permiso. Nang tumango ang magkakapatid na Nexus ay bumalik ang atensyon ni M sa taong hologram.
"This is the Nexus Mafia. Our password is Traitor" mariing sagot ni M.
Nanginig pa ata ang kalamnan ko sa lamig ng boses niya. Nakita kong ngumiti yung tao sa hologram na parang sinasabing tama nga yung sagot.
"Access Granted" ani nito sa amin "Welcome Nexus Mafia"
Pagkasabi nun nang hologram ay naramdaman na lamang namin ang pagyanig ng buong bodega, napahawak pa ko kay Xavier dahil sa takot, inalo alo naman niya ako kahit na busangot ang itsura nito gaya ng iba, parang wala nga lang sa kanila, nakita kong bumaba yung drum na nilulumot sa lupa at dun nga may secret passage. Ang galing!
"One minute to enter, guests" sabi ng hologram "Please straight to the hall, everyone was there please enjoy." At agad na nawala ang hologram.
Agad kaming bumaba sa malaking hagdan na lumabas, pagkaating ng isang minuto ay biglang sumara ang pinagpasukan naming lagusan, hindi ito pinansin ng mga kasama ko at nagpatuloy lamang sa pagbaba sa mahabang hagdan, kalahating oras din nang marating namin ang hall at halos mawalan na ko sa ulirat dahil sa pagod at uhaw.
Buti na lamang at nandyan si Xavier at inakay ako sa isang table para maupo, tinawag pa niya ang isang waiter na nag iikot ikot at hiningan ako ng isang basong tubig, at nang maibigay na sa akin ang tubig parang narinig ko na ang mga kantahan ng mga anghel.
"Salamat" ani ko
Tumango naman si Xavier at umupo sa tabi ko, napansin ko bigla na nawala sila M, PM, L, Empress at Craigh
"Asan silang lahat?" Tanong ko
"Minding their own business" sagot niya sa akin "So we need to mind our own to" sabi niya pa sabay lapit ng mukha nito sa mukha ko.
Agad ko namang nilayo ang mukha ko sa mukha niya. Grabe lang! Bahagya pa kong napatingin sa kanya at ganub na lamang ang pamumula ng pisngi ko sa aking mukha ng makita ang pagngisi nito sa akin. Sheeems!
"Umayos ka nga, Xavier" namumula kong sabi
"Maayos ako" pilyong sabi niya, nagitla pa ko ng hawakan ng isa niyang kamay ang hita ko.
Pinalo ko nga, kelan pa naging ganito kamanyak ang isang Vaughn Xavier Nexus? Nakaka-shock yung mga pagbabago niya ah.
"Hmm, your Vaughn Nexus, right?" May pagkamaarteng singit ng kung sino
Napatingin naman kami ni Xavier at nakita namin ang isang babaeng nakakulay pulang off shoulder dress, nakamake-up pa ito nang pagkakapal kapal.
"Hello" bati niya "I'm Urraya Sandalla, from the great family of Sandalla Mafia"
Tumango naman si Xavier at seryosong nakipagkamay sa babae.
"Nice to meet you, Miss Sandalla" bati naman ni Xavier bago pakawalan ang kamay ni Urraya "You know my name so I am not gonna introduce myself to you but I will introduce you to my accompany" sabay hawak niya sa kamay ko, napangiti naman ako "Urraya, this is Venus, my fiancè"
Agad naman akong napatingin ng diretso kay Xavier dahil sa sinabi nito sa babae. Ipakilala ba naman ako nitong fiancè daw niya? Luh! Nung nakaraang linggo kaya naging kami. Ang bilis naman ata niya!
"Hello" bati ko naman dito
"Your such a sweet lady" aniya
Ngumiti naman ako dahil sa puri niya.
"Salamat"
Bigla ay napakunot noo ito sa aking sinabi, bakit kaya?
"Is she insulting me?"
"No" busangot na sabi ni Xavier
"But what is she said?"
Ano ba yan?! Another kampon na naman ni M. Foreigner kaya to?
"Sorry" sabi ko "I taught your a filipina so I talk filipina to you, I didn't know that your a foreigner by the way I just said. Thank you"
"Oww" she said "Your really a sweet lady"
Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.
"If you excuse me, Vaughn Nexus. I have an proposal to Nexus Mafia, me and my husband need a new weapon that have league and strength of your Mafia" aniya
Tumango lang si Xavier. Ano ba ang pinag uusapan nila.
"And?"
"And we wanted to have great proposal, we have your want but exchance of alliance of your mafia to our mafia" Urraya grinned "Do we have a deal?"
Kumunot noo naman si Xavier sa sinabi niya.
"Can I asked what is that item?" Xavier asked Urraya "You said you had what we want, right?"
Napatingin tingin naman si Urraya sa paligid na para bang may nakikinig sa usapan nila ni Xavier maliban sa akin. Tumayo si Urraya.
"Come with me," she said "I'll show tou that thing"
At lumakad naman ito palayo, nagkatinginan pa kami ni Xavier, akala ko hindi niya ito susundan dahil malayo layo na ang nilakad ni Urraya ngunit nagulat na lamang ako ng hilahin niya ko at sinundan ang mga daang nilakad ni Urraya.
Ilang hakdan at kwarto din ang nadaanan namin nang huminto kami sa isang magara at malaking pinto. Kinatok ito ni Xavier at agad kaming pumasok only to see Urraya seating on the man's lap, this must be her husband.
Mariin kaming tinitigan ng asawa ni Urraya, sumisipsip ito ng sigarilyo not minding his wife na nakaupo sa hita nito.
"The great supremo of Axvy" ani ng asawa ni Urraya "Let me introduce myself to both of you" ngisi nito sa amin "I'm Georgian Sandalla, the Lord of Sandalla Mafia"
Tumango naman si Xavier.
"So, your here. Do we have a deal?"
Ngumisi naman si Xavier sa lalaki.
"No we don't"
Mukha namang nainis yung Georgian at tinutukan kam--si Xavier ng baril. Nanginig ako sa takot lalo na at may ilang lalaki itong kasama na nagtatago pala sa gilid.
Lahat sila tinutukan kami ng mga kanya kanya nilang baril, napakapit lamang ako kay Xavier dahil sa takot.
"Have an alliance to us and we will give it to you right away" gigil na sabi ni Mister Sandalla "If you don't. We will kill you"
Ngumisi lamang si Xavier, habang ako? Takot na takot na yumakap sa kanya, gusto ko na nga ding umiyak eh.
"Come on!" halata sa boses ni Xavier ang pang-iinsulto "You think I'm fucking afraid of that guns? Think again, Sandalla. I am not named Vaughn Xavier for nothing. My name brings death. So does our mafia"
Nakita ko namang biglang natigilan si Urraya at Georgian.
"... So if I were you, bring me what I want." He command "As a chance, I'll give our mafia's alliance. Choose"
Gigil na ikinasa ni Mister Georgian Sandalla ang baril niya at muling itinutok ang baril kay Xavier.
"Your not the one who's gonna control me. Damn!" Galit na galit na sabi niya kay Xavier "I'm the on---"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng biglang pinutol ito ni Xavier.
"I hear you had a daughter" biglang sabi ni Xavier.
Nakita ko namang namutla ang mag asawa.
"W-What t-the heck are you saying, boy?" nakita ko ang takot sa mata ng mag asawa.
"We don't have any---"
Agad nilabas ni Xavier ang cellphone nito at may idinayal. Maya maya lamang ay nakarinig kami ng sigaw sa cellphone ni Xavier. Nakaloud speak na ito.
"Aaaahhh!"
"Urile! My god!" Tili ni Urraya "My baby!"
"That's not her! Check her room!" Utos ni Georgian sa mga tauhan. "Check my daughter if she's safe!"
"Yes, Lord!"
Agad namang tumakbo ang ilang tauhan nito papunta sa isang kwarto na malapit sa amin, nakita kong namutla ang mga tauhan nila.
"Lord! Queen!" Sigaw nila "Lady Urile wasn't here!"
"Mommy! D-Daddy" tiling iyak ng babae sa cellphone "H-Help mee!"
"Oh my! My daughter! Urile!" Iyak naman ni Urraya "My god! My baby!"
"Mommy!" Iyak nang babae sa telepono "Help m-me huhuhu!"
Nanghihina namang naibaba ng Lord ang baril nito.
"Get the suitcase" utos nito sa mga tauhan.
"Yes, Lord" sabay sabay na sigaw ng mga tauhan niya bago tumakbo para kunin ang kailangan ni Xavier.
Ilang minuto lamang yun nang nasa harapan na namin ang suitcase, napangisi naman si Xavier bago buksan ang lagayan. So this is how the mafia works? Dirty, unmerciless, cruel! Nakakalungkot lang at ito ang nakagisnang mundo ng mahal ko.
Dahan dahan binuksan ni Xavier ang laman at ganun na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng bumungad sa amin ang supot na may lamang dugo pero kakaiba kasi kumikinang ito. Para san yun?
"At last, nasa akin na din" ngising sabi ni Xavier, humarap ito sa mag asawa "Thank you for giving me the The poison blood of onel, don't worry I didn't do anything to your lovely daughter, she is in her bathroom. Tied. The voice that you two heard earlier was just fake. And from the exchange. Your mafia is now our ally"
Nagkatinginan naman ang mag asawa sabay takbo papunta sa kwarto ng anak nila.
"Wala kang ginawa sa anak nila" sa wakas nakapagsalita rin ako
Busangot lamang itong humarap sa akin.
"Wala, tinatakot ko lang sila" aniya "That's how we work" kibit balikat pa niyang sabi
Napaikoy na lamang ako ng aking mga mata sabay krus ng aking mga braso.
"Alam mo bang natakot ako dun"
Hindi siya sumagot
"Lalaking to"
Papalabas na sana kami ng pinto ng makarinig kami ng isang malakas na pagsabog. Napatili pa ko at napayakap kay Xavier.
"A-Ano yun?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro