Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AH 49: Dreams into Nightmares

"Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" tanong nung duktor
"Kami po! Ako ang asawa" Nag-aalalang sabi ni dad, lumapit naman siya sa doktor at sumuno kaming tatlo.
"Pasensya na po! Ginawa na namin ang lahat pero di na kinaya ng pasyente. Nalaman din namin na may record na dito ang asawa niyo nung mga nakaraang buwan" sabi ng doktor "Mrs. Venice Samarah Diarez-Vanvuich was have a brain cancer and the car crash affect more of her brain and it been damage that cause to her death. Pasensya na po talaga Mr. Vanvuich at di siya nakaligtas at tumagal pa"

"NO!" I said while crying "MOMMY'S ALIVE, YOU'RE LYING!" I shouted, umiyak na k—hindi humahagulgol na.

Pumasok ako sa loob ng Emergency Room at nakakita ko yung mga nurse na tinatakpan si mommy ng puting kumot, tumakbo ako at niyakap siya habang umiiyak.

NO! THERE LYING YOUR ALIVE!
MY MOMMY'S ALIVE!

"M-Mommy g-gumising k-ka. S-Sorry p-po. P-Promise p-po d-di na po ako s-susuway s-sa u-utos." sabi ko sa umiiyak habang nakayakap sa malamig nitong bangkay.
"Mommy!" sigaw ng kakambal ko sabay yakap din kay mommy "P-Please w-wake u-up" dagdag niya pa habnag umiiyak din.

Umiyak lang kami ng umiyak ng kakambal ko habang sinusubukan naming gisingin si mommy pero di pa rin siya gumising. Sila kuya naman at daddy umiyak rin pero di sila nagsasalita. Tahimik lang sila umiiyak habang nakatingin sa amin.

"MOMMY! " me and my twin said in chorus while crying

But mom didn't wake up...

Napabalikwas ako nang bangon— nanlalaki ang aking mga mata kasabay nun ang pagbuhos ko nang aking samu't saring emosyon.

"Mommy!" hagulgol ko.
"Iha"

Napatingin ako sa tao--- mga taong tumawag sa akin, at dun ko nakita ang dalawang matandang mukhang mag-asawa.

"S-Sino po k-kayo?" kahit tumatangis ay nagawa ko pa rin makapagtanong.
"Ako nga pala si Adelia at ito naman ang asawa ko si Roman" pagpapakilala ng matandang babae "Naku iha, mabuti naman at nagising ka na. Alam mo bang halos pitong buwan ka ng natutulog? Akala nga ng anak namin nung nakita ka niya sa may sapa eh patay ka na. Salamat sa panginoon at buhay ka pa." ani pa nito "Ano nga pala ang iyong pangalan, iha"
"Po?" gosh! Seven months? Ganun katagal akong natulog? "N-Nasaan po ba a-ako?"

Nagkatinginan naman ang mag-asawa.

"Nasa ilalim tayo ng bangin, iha" sagot ng matandang lalaki ng nagngangalang Roman "Nakatira na kami noon pa man dito."
"Iha, may masakit ba sayo?"

Umiling lamang po ako.

"Sigurado ka?" paninigurado nito. Tumango lamang ako
"Ahm, lo—sorry po Aleng Adelia"
"Naku iha, nanay Adelia na lang at tatay Roman naman ang itawag mo sa asawa ko ah?"

Ngumiti naman ako at tumango.

"Ikaw, iha? Ano nga uli ang pangalan mo?"
"Venus po" sagot ko.
"Venus, nagugutom ka ba o nauuhaw?. May niluto akong adobo at sinigang diyan. Kumain ka na muna, ihahanda ko na rin yun gamot mo"
"Naku, nanay Adelia, wag na po. Nakakahiya" pagtanggi ko, namula pa ako.

Natawa naman sila nanay Adelia at tatay Roman sa pagtanggi at pagkahiya ko.

"Naku, anak. Wag ka ng mahiya pa. Mabuti pa ay maupo ka na lamang diyan at hayaan mo ang nanay mo na maghanda para sayo. Ganyan talaga yan" natatawang sabi naman ni tatay Roman.

Napakamot naman ako sa aking buhok at bahagyang napayuko. Nakakahiya naman kasi eh. Lumabas na ng silid si nanay Adelia at naiwan kaming dalawa ni tatay Roman dito.

"Base sa kalagayan mo, iha. Mukhang malubha ang mga pinagdaanan mo" ani tatay Roman.
"Opo" naiiyak kong sagot. "Matindi nga po"

Hinawakan naman ni tatay Roman ang kanang balikat ko.

"Alam mo Venus, anak. Ang problema ay hindi lamang yan ginawa para maging problema. Ginawa yan para matuto tayong maging resposable at maging matatag kasi ang problema ay pader lamang yan. Kaya ang dapat gawin tibagin" ngumisi pa ito na ikinatawa ko.

Ilang sandal pa ay pumasok na si nanay Adelia at may kasama pa itong bintilyo.

"Oh Venus anak, ito nga pala si Delio anak namin ni Roman, siya din ang nakakita sayo sa may sapa, pitong buwan na ang nakakaraan."

Tumango naman ako at pagkuwan at ngumiti dito.

"Salamat pala, Delio, kung hindi dahil sayo baka kung anong nangyari sa akin. I almost give up ng malaglag ako sa may bangin pero dahil kay mommy nabuhayan akong mabuhay. Salamat sa pagligtas."
"Walang anuman," sabi nito.
"Ito na Venus, kumain ka na" sabi ni nanay Adelia pagkalapag nito ng mga pagkain.

Isang mangkok ng adobo, sinangag, at sinigang. Meron ding pitchel sa tabi ng mesa at baso at maliit na tableta na gamot.

"Maraming-marami pong salamat" ani ko. "Matanong ko nga po pala, alam niyo po ba ang palabas dito sa bangin?"
"Oo naman anak" sagot ni tatay Roman."Sa may gilid ng talon, may labasan dun"
"Talaga po?" tanong ko "Kailangan ko na din po kasi umalis, gaya nang sabi niyo po sa tagal ko ng nawawala paniguradong nag-aalala na ang pamilya at mga kaibigan ko sa labas"

Nagkatinginan naman ang tatlo na parang nag-aalala. Bakit? May nasabi ba kong mali. Muling bumalik ang mga tingin nito sa akin at pagkuwan ay nawala ang mga ngiti nito sa mukha, naging seryoso ang mga ito.

"Sorry, Venus. Pero hindi ka pwede umalis dito. Delikado" mariing sa—hindi utos yun.
"P-Pero bakit?"
"Mula ng  makatakas ka sa Grave Mafia, naging mabangis na sila Hades at Death" ani muli ni Delio "At Axvy? Naging alipin na sila nila Death at Hades, sa katunayan niyan ay binubuhay na nila ang Dead Brain Lux sa pamamagitan ng page-experimento ng mga estudyante. Hinahanap na nila ang huling formula."
"Diyos ko!" nanlaki ang aking mga mata sa nalaman "Pano mo naman nalaman ang mga iyan, Delio?"
"Mag-aaral ako sa Axvy, kilala kita. At isa ako sa nakatakas sa iskwelahang yun. Delikado, Venus. Delikado."
"Anong nangyayari ngayon sa Axvy"
"Sa ngayon? Worst than you though" sagot nito "Ang mga kaibigan mo nasa isang kulungan at nakikipagpatayan sa mga halimaw, ang DeadBlood? Ayun! Nasa kamay na ng Mafia Nexus. Ligtas na sila pero ang ilan hindi, ang pinakamalala ang Dark Demons, Balita ko na si Darren ang gagawin specimen dahil type AB negative to. At ang pinakamalala sa lahat---" napabuntong hininga pa ito bago tumingin sa akin.
"Alam na niya"

Tumaas lamang ang isang kilay ko sa sinabi nito. Pabitin!

"Ang ano?"
"Ang pinakatatagong alas ni Light. Ang bagay na hindi matutumbasan ng kayamanan at kapangyarihan"
"ANO?!" dyusko!
"Alam na niya at ang bagay na yun ay hawak mo mismo, Venus"

Muli ay kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

"At ano naman yun?"
"Ikaw mismo, Venus"

I frowned.

"Di kita gets" sabi ko "At for your information, kaming tatlo ang treasure ni mommy noh. Me kuya, and my twin"
"Ang alam nang lahat patay ka na base sa nakikita ko sa buhok mo, nagtagumpay nga sila. Malapit na Venus. Malapit na malapit ka na sa katapusan kaya wag mong hayaan na mapunta ka sa kamay ni Hades. Delikado, hindi lamang para sayo kung hindi para sa lahat ng mag-aaral sa Axvy" ani nito "Pati na rin ng mga tao sa labas ng Axvy"
"Hindi ko pa rin gets, Puntuhin mo na"
"May nakita sila sa may puso mo na isang maliit na gem, yan ang nawawalang Venus Crest"
"Venus Crest?" tanong ko "Ang bagay na yun ang bagay na hindi matutumbasan ng kahit na anong kapangyarihan at kayamanan?"

Tumango lamang si Delio.

"Sa ngayon ako at ang mga scientist pa lamang ang nakakaalam niyan pero dahil sa CCTV na nakakabit sa lab nalaman nila bago mamatay ang mga scientist na yun, pinakita nila sa buong istudyante ang nangyari at halos patayin ni Supremo ang mga tao ng Grave Mafia. Pero wala na ring magawa ito kahit ang mga kaibigan mo kasi ang akala nila patay ka na. Sa ngayon tinutunton pa rin nila ang katawan mo sa ilog o sapa at mabuti na lamang ako ang nakakita sayo kung hindi" hindi na nito itinuloy ang sasabihin dahil alam ko na.
"Pero paano na na sa akin ang Venus Crest?"
"Yan kasi ang puso mo" sagot ni Delio. "At sa pagkakaalam ko inimbento yan ni Light ang nanay mo para mabuhay ka dahil may sakit ka nun sa puso."

Naguguluhan ako, pero kung Venus Crest nga ang puso ko eh ano yung Venus Crest na ibinigay ko kay Zayne noon? Peke ba yun?

"Ibig sabihin nakakapagpabigay to ng buhay?" tanong ko sabay hawak sa may dibdib ko.
"Hindi ko rin alam" sagot nito "Honestly speaking Venus wala akong kaalam-alam kung anong pakinabang niyan."

Napayuko naman ako sa sinabi nito.

"Maiwan na muna namin kayo mga anak: pagbabasag sa katahimikan ni tatay Roman. Sabay silang umalis ni nanay Adelia at naiwan naman kami ni Delio
"Venus pala ang pangalan mo" ani ni Delio kaya napatingin ako dito "Kung yan ang pangalan mo bakit ang pagkilala sayo sa Axvy ay Veronica?"

Muli akong napayuko sa itinanong nito.

"Honestly, kambal ko si Veronica, Delio. Siya dapat ang nasa Axvy hindi ak pero nagsakripisyo ako para sa mahal kong kakambal kasi ayaw ko siyang mapunta sa mala-impyernong eskwelahang yun. Hindi ako nagsisisi kasi marami akong natutunan at naranasan, kung hindi ako napunta sa Axvy hindi makikilala ang DMB, Dark Demons, ang SSG, SSB, DeadBlood at ang iba pa. Isa pa kasalanan ko din kung bakit napariwala ang kakambal ko, kasalanan ko"

Naramdaman ko na ang kamay ni Delio sa mga braso ko, hinahaplos. Para bang pinapagaan nito ang loob ko.

"Alam mo ba kung bakit itinayo ni Axel o ni Admin A sa katauhan nito ang Axvy, Venus?"

Umiling lamang ako.

"Itinayo ang Axvy para sa mga kabataang napariwala sa sarili, ito mismo ang tutulong sa sarili nila kung papaano nila haharapin ang mga bagay na nagpapadanas sa kanila ng depresyon, tesyon at problema sa buhay. Hinahayaan ng Axvy ang mga istudyante na magpasya sa kinakaharap na problema at hayaan na sila mismo ang magbago. Sila lamang ang gagabay at magdi-disiplina. Ngayon sa tingin mo ba ay tama ang ginawa mong pag-ako kay Veronica?"

Napaisip ako.

"Delio" humarap ako "Gaya nga ng sinabi mo mali ako sa desisyon kong iyon pero hinding-hindi ko pa rin pagsisisihan ang pagpasok sa Axvy. Dahil kung walang Axvy, walang Brenda, Blaire, Sarah, Darren, Keith, Spade, Nurse Jess, Axel, Rain, Empress, Rave, Pretzel, Vixie, Drake, Nixie, Cloud, at walang Xavier, Wala silang lahat. Kaya hinding-hindi ako magsisisi."

Ngumiti naman sa akin si Delio.

"Mabuti" ani nito, nagsimula naman na akong kumain "Kung gayon ba ay pano mo sila haharapin kung sakali mang malaman nila ang totoo?"

Napatigil naman ako sa pagsubo at nilunok ang pagkaing nginunguya.

"Haharapin ko sila ng buong tapang at sasabihin ang totoo." ani ko "Hindi naman ako santo, Delio. Hindi rin ako perpekto kaya kung ano mang gawin o sabihin nila ay haharapin ko yun ng buong tapang."

Ngumiti naman ito sa akin at agad ginulo ang buhok ko.

"Para kang si Vrixchelle kung magsalita" sabi nito kaya napaharap ako dito.
"Kilala mo pala si Vixie?" tanong ko.
"Oo naman" pagtango nito. "The Axvy's Prodigy? Sino bang hindi? Pambihira ang batang yun sa edad niyang yun ay nakatungtong na agad siya sa High school at sa pinakakinatatakutan pang eskwelahan"
"Malay mo para kay Miss Blaire pala kaya niya sinubukan mag-aral dun, like me. Nakapag-aral ako sa eskwelahang yan para sa kakambal ko"

Hinawakan niya ang buhok ko.

"Gold and Silver?" ani nito.

Tumango lamang ako at muling sumubo ng pagkain.

"Sabihin mo nga Venus, anong klaseng gamot ang itinurok nila sa iyo?"

Napakibit-balikat lamang ako.

"Hindi ko rin alam eh." Sagot ko. "Basta ang alam ko epekto daw yun. Hindi ko naman alam ang tinutukoy nila kasi nakapikit ako nun at nagpapanggap na tulog lang."
"DNA and RNA" biglang sabi nito.
"OH!" nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang bagay na yun. "Naaalala ko ang bagay na yan"

Tumaas naman ang isang kilay nito.

"Ang pagkakasabi ni Miss Angel may nailagay daw sila sa akin nun. Hindi ko lang alam basta related diyan sa DNA at RNA"
"Wala akong alam sa science, Venus. Wag mong pasakitin ang ulo ko pupwede ba?!" inis nitong sabi
"May kung ano ano ka pang theoring sinabi tapos wala ka palang alam?" nakataas kilay kong tanong. "Yung totoo?"

Natawa naman ito.

"Pinanood nga sa amin sa Axvy" sabi nito.

Tumango na lamang ako sabay kain. Nakakagutom naman.

"Sa ngayon, Delio. Nanganganib ang Axvy, ano ba ang dapat gawin?" tanong ko.
"Kung ako ang tatanungin, hindi ko rin alam. Hindi ka rin naman kasi pupwedeng bumalik sa Axvy dahil delikado" sabi nito "Hindi ka rin naman pwede umuwi dahi ipapahamak mo naman ang pamilya mo kapag umuwi ka"
"Tama ka"
"May isa akong naiisip pero delikado rin, pero sa tingin ko hindi delikado sayo, babae ka naman ni Supremo, hindi ba?"

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nito.

"ANONG BABAE KA DIYAN?! HINDI AH!" bulyaw ko dito. Aba! Kung chismis yan, hindi yan totoo.

Ngumisi naman ito.

"Alam ng buong istudyante sa Axvy na babae ka ni Supremo Nexus, alam kong alam mo rin yun sa sarili mo, ayaw mo lang aminin"

Inismiran ko lamang ito.

"Hindi totoo yang chismis nila, Naku! Ang mga tao nga naman ngayon?"

'Venus!'

Nanlaki ang aking mga mata ng marinig yun. Boses ni DEATH?!

'I knew it, love. Buhay ka'

"Delio" ani ko.

Kumunot naman ang noo nito.

"Bakit?"
"S-Si Death" ani ko. "Naririnig ko sa isip"

Nanlaki naman ang mata nito.

'Hindi kita nakikita o naririnig, love, pero alam kong naririnig mo ako. Magtago ka lang hanggang sa gusto mo pero ito ang tatandaan mo. Babalik at babalik ka rin sa bisig ko' sabi pa nito at tumawa ng nakakatakot.

"Hindi! Hindi ako sasama sayo!"

Bangungot lamang ito! Hindi to totoo! Nakalaya na ako sa kanya. AYOKO NG BUMALIK!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro