AH 21:Mistrust
As a came back from the DMB dorm. Rain, Nixie, Brenda, Pretzel and Empress was now sleeping. I taught I would not came into here shaking— But I'm wrong!
That Voice.
I knew from the start that it was the killer, but I can't tell through them that I knew something cause if I do it I knew that killer would be pleasure to kill me instead and I know the whole school would hatred me with anger and disgust cause they would know that I'm a fake.
That I'm not really Veronica. That I'm Venus. I'm so scared because that killer knew who really am I and I can't stand straight even to think how would I gave a solution through to this problem.
I'm so hopeless! A coward! And I hate myself being with it!
"Hoy bruha okay ka lang?"
Natauhan ako ng biglang na lamang magsalita si Rain.
"Buti hindi ka naabutan ng curfew"
Bahagya lamang akong tumawa.
"O-oo n-nga e-eh" Gosh! nanginginig ako "Ah sige magsha-shower muna ako, giniginaw kasi ako, sistah"
Kumunot naman ang noo niya tanda na naghihinala.
"O sige bahala ka" nagkibit balikat na lamang siya at tsaka humiga "Tulog na ko ah?"
Hindi ko na siya sinagot dahil nakapasok na ko sa loob ng banyo
"Sino ka ba talaga?" I whispered to myself.
Takot na takot na talaga ako at hindi ko alam kung sino ang pwedeng tumulong sa akin.
Bakit ganito?
Ang sakit sakit na para bang hihimatayin ako dahil sa pagkawala ng hangin, Hindi ko alam pero hindi talaga ako makahinga. Hanggang sa lumabo na ang aking paningin at sa hindi ko malamang dahilan ay bumaksak na lamang ako na wala sa wisyo.
•••
"Okay na ba siya?"
"God, Patay na ba siya?!"
"Wag ka ngang sira Nixie. Napaka-OA mo naman. Nahimatay lang siya hindi namatay"
"Ang sama-sama mo talaga sakin kahit na kelan Brenda, I hate you na"
"Aba sumasagot na ang bata!"
"Pwede ba wag kayong maingay, nasa clinic kayo hindi sa palengke!"
"Che!"
"Aba! Lumabas na nga kayo dito kung mamalditahin niyo lang ako dito!"
"Pwede ba Nurse Jess hindi na kami makahinga sa baho na hininga mo, Magtooth-brush ka nga!"
"Aba gusto mo ng sipa?!"
I wake up when I heard some voices, And there I saw THEM!
"Oh, gising ka na?" tanong sa akin ni Nurse Jess
"Natural na gising siya loka-loka" ani ni Nixie bago umirap rito "Kita mo namang gising di ba?"
"LUMAYAS KA NGA DITO!" mukhang napikon na si Nurse Jess "KANINA KA PA AH!"
"Tama na yan"
Isang napakalamig na boses ang nagpatigil sa bangayan nilang dalawa.
"Oo naman Mister Valliere" ngumiti pa si Nurse Jess ng alanganin "Ito Iche-check ko na yung BP niya. Waits lang" sabay takbo nito sa opisina. Natakot ata kay Darren
"Kayong lima naman pwede na kayong bumalik sa klase" biglang utos ni Darren sa mga kaibigan ko "Kami na ang bahala sa kalagayan niya"
Kahit na gustong tumutol ng tatlo ay sumunod na lamang ito sa utos ng binata. Isa-isa silang lumabas ng pinto na para bang pinagsakluban ng langit at lupa.
Hayy, Friendship goals talaga.
"Kamusta ka, Cutie?!"
Nagulat ako na may biglang yumakap sa akin mula sa likuran ko. Napangiwi ako.
"Cloud" natatawa kong sabi "Anong ginagawa mo dito?"
"Kinakamusta ka, Masama ba?" sabi nito sa akin sabay pang nagpout. Awww ang cute.
"Hindi naman ano ka ba?" Sagot ko naman sa kanya.
Magsasalita pa sana si Cloud ng umentra si Mister Sungit.
"Anong nangyari sayo?" mariing tanong nito na para bang nagbabanta. Creepy!
Nagkibit-balikat lamang ako sa kanya.
"Hindi ko rin alam eh"
"Liar!" masama ang tingin nito sa akin "Ang ayoko sa lahat ay yung nagsisinungaling sa akin Miss Vanvuich"
Nangilabot naman ako dahil dun. May nalalaman ba siya na alam ko na?
"Ano bang sinasabi mo diyan Pres?" takang tanong ni Cloud "Wag mo naman siyang takutin, Cutie ko yan eh"
"Hindi ikaw ang kinakausap ko Montgomery!" nanggigigil na sabi ni Darren "Sagutin mo ko Vanvuich, Anong nagyari sayo?"
Dahil sa kaba ay sinagot ko na lamang siya
"Okay okay" I said "Siguro napasma ako kagabi kasi naligo ako tapos nahilo na lamang ako at parang hindi makahinga kaya ayun nahimatay na lamang ako ng hindi ko inaasahan" paliwanag ko. Totoo naman eh.
Tinitigan ako nito ng isang mapanuring tingin yung tipon nagsasabi na 'Sigurado ka?'
"Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo, Leader"
"Anong ginagawa mo dito Huster?" takang tanong ni Darren
"Pres chill" sabi ni Darren at tsaka inakbayan si Keith. "Kasama ko siya hindi mo ba nakita?"
"Magtatanong ba ko Montgomery kung alam kong kasama mo siya ha?" galit nitong saad kay Cloud.
Biglang natahimik si Cloud. Nawala ang jolly nitong aura. Serious Mode na din.
"Alam mo Vanvuich simula ng mamatay si Jamville Hamugashi, kakaiba na ang mga kinilos mo" biglang akusa sa akin ni Darren. Nanlaki lang ang mata ko sa sinabi niya "May nalalaman ka ba na hindi namin alam?"
Bigla na lamang ay nanigas ang aking buong katawan. Shocks! Akala niya ba ako yung killer? Jusko! Wag naman sana.
"Dude Pres, pinaghihinalaan mo ba si Cutie?"
"Wala akong sinasabing ganyan Montgomery"
Napasinghap ako dahil dun— Lagot na! Mukha ngang pinaghihinalaan niya na ko! Jusko! Inosente ako. Wala akong pinapatay na kahit sino!
"Ngayon Miss Vanvuich magsalita ka"
Mula sa matinding tensyon ay bigla na lamang pumasok ang dalawang tao na nakasuot ng pormal na uniporme ng pulis at detective. Isang babae at isang lalaki.
"Nice to meet you Miss Vanvuich" sabi nung babaeng mukhang detective "Ako nga pala si Detective Chine Nagarashi, Tawagin mo na lamang akong Detective Nagarashi"
Iniabot nito ang kamay sa akin at akin naman itong tinanggap
"Ako naman si Police Inspector Junas Hyun" pakilala naman nito "Police Hyun na lang ang itawag mo sa akin"
Iniabot rin nito sa akin ang kanyang kamay at tinanggap ko rin ito.
"Siya nga pala si Veronica Cleo Vanvuich" buong pagkilala sa akin ni Darren
"Kinagagalak ka naming makilala" sabay na ngunit seryosong sabi nito
"Kung nagtataka ka kung bakit sila nandirito Miss Vanvuich ay sa kadahilanan na isa ka sa pinaghihinalaang suspect sa pagpatay kay Jamville Hamugashi"
Nanlaki ang aking mata dahil sa aking narinig, Sinasabi ko na nga ba.
"Pano naman ako naging suspect aber?" mariin kong tanong kahit sa loob loob ko. Natatakot na ko!
Jusko! Hindi ako mamamatay tao!
Naiiyak na ko sa hindi malamang dahilan, Pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ako.
"Dahil nakita namin ang finger print mo sa kutsilyo" sabat ni Police Hyun
"Pero hindi naman nakita ang bagay na yun dun sa krimen hindi ba?"
"Tama ka" sabi naman ni Darren "Pero kaninang madaling araw ay nakit iyon at bakas pa ron ang sariwang dugo at dahil siguro sa kapabayaan mo hindi mo nalalaman na may naiwan kang finger print mo sa hawakan nun"
Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko magawa dahil mayroon sa loob ko ang pumipigil sa akin na parang sinasabi na 'patibong yan'.
Umiling lamang ako at humagulgol.
"Hindi totoo yan!" Hiyaw ko "Wala akong kilaman diyan!"
"Anong nangyayari dito?" tanong ng kakarating na si Nurse Jess "Bakit umiiyak yang pasyente ko ah?"
"Nurse Jess umalis ka muna rito" utos ni—
GOSH BA'T NANDITO ANG PRINSIPAL?!
Umirap lang sa kanya si Nurse Jess at tsaka umalis sa silid.
"Alam naming ikaw iyon Miss Vanvuich" galit na akusa naman sa akin ni Mister Ylajos "Ipinatest ko ang finger print na naroon sa kutsilyo at lumabas ang numerong 5423"
"A-Ang a-ano?"
"5423, Student Number mo" maikling sagot ni Darren
Kumunot naman ang aking noo habang humuhikbi
"Lumabas sa screen ang buong profile mo na si 5423 ang bagong istudyante ng Axvy na si Veronica Cleo Vanvuich ang nagmamay-ari" mariin nitong sabi
"P-Pero w-wala a-akong g-ginagawang m-masama"
"Tatawagan ko na lang ang papa mo tungkol rito Miss Vanvuich sa ngayon dito ka muna kasama sila" sabi ni Mister Ylajos sabay alis ng klinika.
Humuhikbi lamang ako at nanginginig. Wala akong kasalanan pero ito nagigipit ako sa sitwasyon hindi ko naman ginawa.
"Cloud?" Naiiyak kong tawag sa kanya.
"Wag kang mag-alala hindi ako naniniwala sa mga binibintang nila sayo" pag-aalo nito sa akin
"Miss Vanvuich" tawag sa akin ni Detective Nagarashi "Hindi naman sa pinaghihinalaan kita iha, pero bakit kailangan mong maging kakaiba?" sabay tanong nito sa akin
"Pwede ba?!" inis na baling naman ni Cloud sa Detective "Pagpahingahin niyo muna siya sa mga tanong niyo sa kanya bago kayo magtanong uli, Nakakagago lang eh!"
"MONTGOMERY!" mariing sigaw naman ni Darren
"Tumigil ka Pres!" Hiyaw naman pabalik ni Cloud na ikinagitla ko. Tulad ni Darren, mukhang galit na rin ito "Walang kasalanan si Veronica dito, Tapat siya at hindi siya sinungaling!" sabi pa niya bago nagwala sa aming harapan.
Napaiyak na lamang ako dahil dun sa sinabi niya.
Mali ka Cloud dahil sinungaling ako at mapagpanggap. Hindi ako ito.
Ako si Venus!
"Bakit?"
Yun lamang ang naibulong ko sa hangin sabay hagulgol. Ni hindi ko na napigilan ang aking emosyon na aking nadarama.
Bakit kailangang mapunta ako sa ganitong sitwasyon?
Baaaaaaakit?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro