Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 36: Ang Pagtakas ng Mag-ina

Sa isang iglap ay narating ko na ang mansyon. Wala akong pakialam kung makikita ako ng ibang Axphainian dahil ang mahalaga ay masabihan ko sina ina at ama na umalis na kaagad kami sa Axphain. Kailangan naming magtago.

Kailangan naming lumayo sa mga anghel na mapanghusga.

Pakapihit ko ng seraduhan ay laking gulat ko nang madatnan sina ina at ama kasama sina Kapitan Kiran at Kapitan Nile. Nang makita ako ni ina ay lumipad siya papalapit sa akin. Tinulak niya ako papunta sa likuran niya para protektahan.

Ibig sabihin, mas nauna sina Kapitan Kiran at Kapitan Nile sa pagdating ko rito. Napaluhod ako sa sahig, dahilan para magulat na lamang si ina. Hinawakan niya ang aking dalawang mukha. Sumalubong kaagad sa akin ang nag-aalala niyang mukha.

"Kasalan ko lahat . . ." Umiiyak kong wika.

Nakita ko namang iniling-iling ni ina ang kanyang ulo, habang umiiyak din.

"Hindi. Hindi mo kasalanan lahat. Dahil sa amin . . ." Lumunok ng laway si ina, ". . . dahil sa amin nagdurusa ka ng ganiyan, Serephain. Dahil sa amin . . ." Ramdam na ramdam ko ang pagsisisi sa timbre ng boses ni ina.

Tiningnan ko siya ng seryoso.

"Ina, nagsisisi ka bang minahal si ama? Nagsisisi ka bang ako ang naging bunga ng pagmamahalan niyo?" Seryoso kong tanong dahilan para magulat si ina. Hindi rin nakaligtas sa aking mata ang pagkagulat din ni ama. "Kasi ako hindi. Hindi ako nagsisising ganito ang lahi ko, na ganito ako. Kasi sa wakas nakita ko na ang halaga ng buhay ko. Kasi naiintindihan ko na lahat."

Sa pagkakataong 'to, nakita ko ng umiyak si ama. Dahilan para mabalot ang buong mansyon ng iyakan naming tatlo.

"Serephain . . ."

"Gusto ko pang mabuhay, ina. Gusto ko pang mabuhay dahil ayokong sayangin at sakripisyo niyo at ng mga kaibigan ko. Ayokong sayangin . . ."

Nahinto lamang kami sa pag-iiyakan nang biglang hawakan ni Kapitan Kiran si ama sa damit niya upang patayuin siya nang sapilitan. Nakita ko namang papalapit din sa amin si Kapitan Nile, pero tiningnan naman ako ni ina ng seryoso.

'Yong tingin na puno ng kumpiyansa sa sarili. At parang sinasabing po-protektahan nila ako sa huling hininga.

Nakita ko namang ikinumpas ni ina ang kanyang dalawang kamay. Habang nakaharap sa akin at papalapit naman si Kapitan Nile. Nang hinawakan ng kapitan si ina sa balikat ay hinawakan naman siya ni ina ng mahigpit sa braso.

Nanlaki pa ang mata ni Kapitan Nile nang makita niya ang hawak-hawak ni ina sa kaliwang kamay niya. Mas mabilis ang kilos ni ina kaya binitawan niya ang itim na mahika at napuruhan naman si Kapitan Magna sa sentro ng tiyan, dahilan para mapatilapon siya.

Subalit, nabigla na lamang ako nang makita kong paparating na sa amin ang mga matutulis na tubig ni Kapitan Nile. Sumilay naman ang kaniyang nakakalokong ngiti sa labi.

"Kung maayos lang kayo sasama sa amin, walang masasaktan ngayon," maootoridad na sabi niya.

Tumingin naman siya kay ama at kitang-kita ko ang pagkadismaya niya.

"Hindi ko akalaing ang punong mahistrado mismo ang magsisimula ng ganitong klaseng gulo. Nasaan na ang sinasabi mong kapayapaan at patas na pamumuhay, Ginoong Percival?" pang-iinsultong sabi ni Kapitan Kiran.

Napakuyom naman ako ng kamao sa narinig. Sobrang nakakarindi sila sa pagiging mapanghusga. Nilalamon sila sa walang kwentang paniniwala. Tinatali nila ang kanilang sarili at sinasakripisyo ang sariling kalayaan, masunod lang ang mga paniniwala't batas ng Axphain.

"Nagmahal lang ang mga magulang ko." Napatingin silang lahat sa akin nang marinig ang sinabi ko. "Nagmahal lang sila! At walang mali roon. Hindi niyo kasi maiintindihan ang sitwasyon namin dahil hindi niyo alam ang magmahal. Tinatali niyo ang sarili niyong kalayaan masunod lang ang mga batas ng Axphain. Anong pinagkaiba ng mga anghel na nagmahal sa mga magulang ko?!" Sinigaw ko na lahat ng hinanakit ko sa dalawang kapitan ng kabalyero mahiko.

Sobrang nadidismaya ako sa mga kabalyero mahiko.

"Akala ko ba matalino ka, Serephain? Alam mo na siguro ang sagot kung ano ang pinagkaiba ng mga magulang mo sa ibang Axphainian na nagmahal. Isang malaking kasalanan ang magmahal ng ibang lahi, akala ko ba alam mo na lahat ang tungkol sa Axphain, hindi pa pala." Rinig kong natatawang wika ni Kapitan Kiran.

Mas lalong napahigpit ang pagkuyom ng mga kamao ko matapos marinig ang sinabi niya.

"Sino ba kayo para husgahan ang pagmamahal ng mga magulang ko? Kayo ba ang Diyos na si Akwan?!" Natigilan sila sa naging tanong ko at napaiwas ng tingin.

Subalit, biglang sumulpot si Kapitan Nile sa harapan ko. Tiningnan niya ako ng puno ng pandidiri. Kumunot ang kaniyang noo habang nakakuyom.

"Huwag mong idamay ang kataas-taasang Diyos sa karindihan na ginawa ng mga magulang mo, Serephain! Alam mo, nakakasakit ka sa mata dahil sa mga pakpak mo. Ang salot mo sa lupain ng Axphain!" Napakagat ako sa aking ibabang labi.

Napatapon ako bigla nang maramdaman ko ang malakas na pwersa ng suntok ni Kapitan Nile. Rinig na rinig ko ang mga sigaw nina ina at ama. Puno ng pag-aalala. Napabuga naman ako ng dugo sa aking bibig. Pero tumayo pa rin ako nang may kumpiyansa sa sarili.

Nag-summon naman ako ng paborito kong kulay gintong sibat. Pinalutang ko ito't binalutan ito gamit ang light magic. Walang pag-alinlangang binitawan ko ito papunta sa dalawang Kapitan.

Si Kapitan Nile ay iniilagan niya ito't binabangga gamit ang kaniyang minapulang tubig. Sa kabilang banda ay si Kapitan Kiran naman ay tila ba'y parang hinihintay niya ang paglapit ng aking sibat.

Nang makalapit na ito sa kaniya ay yumuko ito, dahilan para lumagpas ang sibat sa ibabaw ng kaniyang ulo. Mas mabilis ang kaniyang kilos at sinuntok ng malakas ang sahig. Nagsilutangan naman ang mga bumiyak na sementadong sahig.

At walang pag-alinlangan niya itong sinuntok papunta sa akin.

Napatakbo si ina sa akin at maging ang aking ama. Napasigaw ako nang makita kong natamaan si ina sa kabilang braso niya, dahilan para mapabagsak siya sa sahig. Pinabilis ko ang aking sarili para mailigtas ko si ina, habang iniilagan ang mga tinatapong sementong sahig ni Kapitan Kiran.

Nakalapit naman ako kay ina na hindi natatamaan. Tutulungan ko na sanang makatayo si ina pero napatilapon ulit ako nang matamaan ako sa isa sa pinakalaking bato.

"Serephain!" Rinig kong sigaw ni ama.

Halos hindi na ako makagalaw sa sobrang sakit, pero hindi ko na lamang iniinda 'yon. Marami akong natamong sugat sa aking katawan, pero unti-unti rin naman silang naghihilom dahil ginamit ko ang aking healing ability.

Napahinga naman ako ng malalim nang makita kong nasa harapan na ni ina si ama, nakatayo. Nakatayo habang nakakumpas ang dalawang kamay.

Pilit na sinisira ng dalawang kapitan ang barrier na ginawa ni ama. Nilapitan ko naman si ina at inalalayang makatayo. Ginamot ko na muna siya bago kami tumakas tatlo.

"Ama, tara n―" Naputol ang gusto ko sanang sabihin nang magsidatingan sina Kapitana Anil at Kapitana Soliel, kasama ang iba pang kabalyero.

Lumingon naman si ama sa amin at nginitian kaming dalawa ni ina. Nakuha ko kaagad kung ano ang ibig sabihin ng ngiting 'yon, dahilan para mapakagat ako sa aking ibabang labi. Kinuha naman ni ina ang aking kaliwang kamay upang tumakas.

Subalit, nakatayo pa rin ako at tumutulo na ang aking luha sa mata.

"Ama . . ."

"Percival . . ."

"Serephain, umalis na kayo! Iligtas niyo ang sarili niyo! Tumakas na kayo!" Napaangat ako sa aking ulo nang sumigaw si ama.

Napakuyom ako sa aking kamao nang makita ko siyang umiyak.

Napatakbo ako papunta kay ama't niyakap siya ng mahigpit. Nakita ko naman si ina na ganoon din ang ginawa. Matapos namin yakapin si ama ay tumalikod na kami sa kaniya.

"Serephain, pinagmamalaki kita." Napahinto kami sa paglalakad ni ina't napaiyak ako bigla sa sinabi niya. "Matagal na kitang pinagmamalaki. Sobrang humahanga ako sa katatagan ng kalooban mo. Palagi mong tatandaan, mahal na mahal ko kayo ng ina mo."

Napahagulgol kaming dalawa ni ina at hindi kami lumingon kay ama. Dahil alam din naman namin na ganoon din siya.

"Kung pinagmamalaki mo ako, ama. Pakiusap, huwag kang mamatay. Magkikita pa tayo, 'di ba?" Sagot ko kay ama, pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya.

Nakita ko namang gumawa ng portal si ina. Ang liit nito at hindi ito mapapasukan ng isang kagaya namin. Tiningnan ko naman si ina nang naguguluhan, pero hindi niya ako pinansin.

Pinasok naman ang kaniyang kamay sa lagusan na ginawa niya. Sa isang iglap ay may hawak na siyang dalawang invisibility cloak. Laking gulat ko nang makitang nasa bulsa ang aking libro.

Binigay niya naman sa akin ang isa na kaagad ko rin namang tinanggap. Itinago namin ni ina ang aming mga pakpak saka na isinuot ang cloak. Hinawakan ko naman siya upang sabay kaming mag-teleport doon sa gubat ng Luxa.

Nandoon ang tarangkahan papalabas ng Axphain.

Sa isang iglap ay nandito na kami. Akala namin ni ina na walang kabalyero mahiko, pero nagkakamali kami. Pati hanggang dito, nagkakalat sila upang masigurong hindi kami makakalabas.

"Dito, malapit lang dito. Nakaramdam ako ng dalawang presensya!" Natataranta kaming dalawa ni ina nang marinig namin nang sumigaw ang isang kabalyero.

Nagtago naman kami sa malaking kahoy. Kinontrol namin ang aming paghinga at kinalma rin namin pareho ang aming mga tibok sa puso upang maiwasang matunton kami ng mga kabalyero mahiko na taga-Aqua. Dahil kaya nilang makiramdam sa paligid.

Tinatawag itong super senses, isa ito sa mga divine powers nila.

Bigla namang sumulpot ang dalawang taga-Aqua na kabalyero at palinga-linga ito. Habang ang kanilang tenga ay kumikilos na parang pinapakinggan ang bawat ingay na maririnig nila sa loob ng gubat na 'to.

Nang masiguro namin ni ina ang pag-alis nila, nagpakawala kami ng isang malalim na pagbuntonghininga. Bigla namang tinanggal ni ina ang kaniyang cloak at kinuha rin niya ang akin.

Tiningnan ko siya nang naguguluhan, subalit hindi niya ako binigyan ng sagot. Sa halip, naglakad siya. Napahinto siya nang maramdaman niyang hindi ako sumusunod.

"Serephain, halika na." Kinuha ko ang libro na nasa bulsa ng cloak at hinawakan ito nang mahigpit.

Nang marinig ko ang sinabi niya ay natataranta akong lumabas sa pinagtataguan at sumunod kay ina.

"Ina, bakit niyo tinanggal ang suot-suot nating cloak? Makikita tayo niyan," reklamo ko sa kaniya.

"Serephain, mas lalo lang tayo masundan nila kapag nakasuot tayo niyan. Kahit na nakasuot tayo ng invisibility cloak, mahahanap at mahahanap din nila tayo. Kapag nagkataon, hindi na tayo mabigyan ng pag-asang makatakas. Mas mabuting gagamitin natin ang mga pakpak, upang mas madali nating mapuntahan ang lagusan papalabas ng Axphain bago pa mahuli ang lahat."

Tumango na lamang ako't pinagaspas ang aking mga pakpak kasunod kay ina.

"Ayon sila!"

Humarap ako sa mga kabalyerong papalapit sa akin.

At ikinumpas ang aking dalawang kamay. Walang pag-alinlangang inatake ko sila gamit ang aking light magic. Nagsibagsakan ang karamihan sa kanila dahilan para mapakagat ako sa aking ibabang labi.

"Hindi ko ginustong kalabanin kayo. Paumanhin."

"Serephain!" Napatingin ako kay ina.

Nanlaki ang aking mga mata nang matanaw na naming pareho ang lagusan papalabas. Mas pinabilis ko ang aking sarili at kaagad na hinawakan si ina sa kamay nang mapadaan ako sa kaniya.

Nang mapagtagumpayan namin ni ina na makalabas ng lagusan ay nagyakapan kaming dalawa. Ang pagkakaalam ko, hindi makakalabas ang mga kabalyero kapag walang permiso mula kay Suprema Celestia.

Kaya ginamit na namin ni ina ang pagkakataong makalayo.

Nang masiguro naming malayo na kami ay tinanong ko si ina.

"Ina, saan tayo pupunta?"

Tumingin naman siya sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay.

"Sa Cimmeria," sagot niya.

"Ano? Babalik ka sa Cimmeria kahit na alam mong pinag-iinitan ka rin nila?" Gulat na gulat kong tanong sa kaniya.

"Serephain, 'yon lang ang naisip kong paraan. Ang Ate ko lang ang pwede kong hingan ng tulong kahit na ang laki ng galit niya sa akin." Seryosong-seryosong wika niya dahilan para piliin kong manahimik na lamang.

Sobrang layo ng Cimmeria sa Axphain dahil ito ay matatagpuan sa timog ng Metanoia. Habang kami naman ay matatagpuan sa hilaga. Ibig sabihin, makakarating kami roon ng umaga. Pero hindi pwede iyon dahil baka maabutan pa kami ng mga kabalyero.

Isa lamang ang aking dapat gawin. Ang subukang gumawa ng lagusan papunta sa Cimmeria upang mas mapadali ang aming pagdating. Subalit, nabigla na lamang ako nang bigla kong makita si ina na pinagkumpas ang kaniyang dalawang kamay at biglang lumitaw sa harapan namin ang isang lagusan gamit ang itim na mahika.

"Halika ka na, Serephain," aya ni ina sa akin.

Tinanguhan ko naman si ina at sabay kaming pumasok sa portal na ginawa niya.

Sa isang iglap ay nandito kami sa isang—libingan?!

Nandito pa kami mismo sa Field of the Dead ng Cimmeria? Sa mismong kinatatayuan namin ni ina ay rinig na rinig ko naman sa hindi kalayuan ang alon ng dagat.

Ang karagatang Ataraxia.

Hinawakan naman ni ina ang aking kamay at napaalerto nang makita naming dalawa na mayroong isang Cimmerian sa harapan ng kinaroroonan namin. Hindi niya kami nakikita dahil sa sobrang dilim at natatabunan kami sa mga naglalakihang damo.

"Sino 'yan?"

Nanlaki naman ang aking mga mata nang lumabas si ina habang hawak-hawak ako sa kamay. Binitawan naman kaagad ni ina ang aking kamay at napaalerto nang ituon nitong babae ang kaniyang espada sa amin.

Napansin niya kaagad kami at pinasadahan kami ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngunit, napakunot ang kaniyang noo nang makita niya ang hitsura ko.

"Sino kayo? Ano'ng ginagawa niyo rito?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro