Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30: Ang Pagbubukas ng Libro

Tahimik akong nakaupo sa gintong upuan, habang nagbabasa ng libro. Nakalutang din sa harapan ko ang tsaa na palagi kong iniinum sa tuwing umuuwi ako ng bahay.

"Serephain . . ."

Napahinto ako sa pagbabasa nang marinig ko ang boses ni ina. Liningon ko naman siya't nakita ko sa mga mata niya ang sobrang pag-aalala. Kumuha siya ng upuan at umupo sa tabi ko.

"Ayos ka lang ba?"

Tanong niya sa akin dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

"Dalawang araw ka ng hindi nagsasalita, at hindi ako nasasanay na hindi mo 'ko kinakausap kahit sandali lang. Bagaman alam kong hindi ka palasalita, pero hindi ako sanay na hindi mo ako kinakausap halos dalawang araw na. Kaya gusto kong malaman kung ayos ka lang ba?"

Bumuntonghininga muna ako bago sumagot sa tanong ni ina.

"Ina, sa katunayan niyan hindi ako maayos," matipid kong sagot sa kaniya.

Hinawakan naman ni ina ang aking dalawang kamay, saka tiningnan ako sa mata.

"Bakit? Anong problema?"

"Naalala niyo po ba 'yong pagpunta ko sa siyudad ng Terra? 'Yong nilusob ng kalaban at maraming mga namatay sa insidenteng 'yon. May kaibigan kasi akong taga roon at lahat ng pamilya niya namatay, siya lang ang natira ngayon. Nasasaktan po ako para sa kaniya at nag-iisip ako na tulungan siya," sagot ko sa tanong ni ina.

Nabigla naman si ina sa naging kwento ko't naawa kay Crystal.

"Naisip ko na gamitin ko ang kapangyarihang namana ko sa 'yo. Bubuhayin ko ang namatay niyang mga magulang, lolo't lola at dalawa niyang kapatid. Gusto kong subukan ulit gamitin ang necromancy."

Dahil sa naging sagot ko kay ina, napatayo siya sa kaniyang kinauupuan at nanlaki ang mata. Bumalik siya sa pagkakaupo at tiningnan ako sa mata.

"Serephain, alam mo naman siguro kung gaano kadelikadako ang paggamit ng necromancy, hindi ba? Hindi mo pa nga kontrol ang itim na mahika na namana mo sa akin. Maraming mga kapalit ang paggamit ng kayayahang makapagbuhay ng patay, Serephain. Pwedeng maging ang buhay mo ang kapalit."

Napayuko ako sa sinabi ni ina. Alam ko naman 'yon, pero gusto ko lang makatulong kay Crystal. Hindi ko na kayang makita siyang nahihirapan. Hindi ko na kaya . . .

"Alam ko naman na gusto mo lang makatulong anak, pero malaki ang posibleng peligro na kakaharapin mo kapag tinawag mo ang kaluluwa ng isang patay. Hindi lang isa o anim na lalapit sa 'yo, kun'di maging iba't ibang klaseng mga kaluluwa."

Narinig ko siyang nagpakawala ng marahas na hininga.

"May mga halang na kaluluwa, mga mamamatay anghel sa totoong buhay, may mga mapanlinlang at kung ano-ano pa. Hindi ko kayang makita kang malagay sa alanganin. Pero, naisip mo ba na magugustuhan kaya ng kaibigan mo kung sakaling gagawin mo ang binabalak mo, Serephain?"

Mas lalo akong napayuko at napaisip ng malalim sa sinabi sa akin ni ina.

"Pero, ina . . ."

"Basta, makinig ka na lang, Serephain. Alam kong gusto mo lang makatulong, pero naisip mo rin ba ang mararamdam ko kung sakaling malagay ka sa peligro?!"

Bigla na lamang tumaas ang boses ni ina't padabog na iniwan ako. Mukhang nagalit ko pa nga si ina. Napayuko na lamang ako't nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago sinarado ang libro't inilagay sa lamesa ang baso ng tsaa.

Hawak-hawak ko ang aking leeg, habang naglalakad sa pasilyong 'to papunta sa opisina ni Tita Ailia. Kailangan kong malaman ang opinion niya tungkol sa plano kong buhayin ang buong pamilya ni Crystal.

Hapon na sa mga oras na ito at nauna na ang mga kaibigan kong umuwi sa kani-kanilang kwarto sa dormitoryo. Hindi naman gaano kalayo ang opisina ni Tita kaya narating ko na agad ito. Kumatok pa ako ng ikatlong beses para siguruhing nasa loob siya.

"Pasok."

Nang marinig ko ang sinabi ni Tita ay pinihit ko ang seraduhan ng pintuan. Nagulat pa nga siya na makitang ako ang bumisita sa opisina niya.

"Magandang hapon po, Tita," bati ko sa kanya.

"Magandang hapon, Serephain. Maupo ka." Itinuro niya naman ang upuan na nasa harapan ng kaniyang lamesa.

Pagkaupo ko'y tumingin ako sa mata ni Tita Ailia. Hinintay niya naman ang sasabihin ko't bumuntonghininga.

"Ano ang pakay mo, Serephain?"

Hindi na ako nag-atubili pang sabihin sa kaniya ang pakay ko.

"May plano po sana akong buhayin ang patay na pamilya ni Crystal gamit ang necromancy." Napapikit ako matapos sabihin iyon.

"Ano?"

Narinig ko naman ang pagtayo ni Tita Ailia dahil sa tunog ng kaniyang upuan. Inaasahan ko na ang reaksyon niya. Katulad lang sa naging reaksyon ni ina.

"Naririnig mo ba sinasabi mo, Serephain?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Tita Ailia. "Alam ba ito ni Ate Aella?"

"Alam niya na po. Hindi po siya sumang-ayon," mahina kong sabi, sapat na para marinig niya.

"Dapat lang. Dahil kailangan mong pumatay ng anim na anghel bilang sakripisyo upang mapagtagumpayan mo ang pinaplano mo, Serephain. Malaki ang posibilidad na ikaw ay mamatay dahil pwede ka ring malagay sa peligro. Alam ko, sinabi na rin ito ng ina mo pero gusto ko lang sabihin ulit. May mga iba't-ibang klaseng kaluluwa na makakasalamuha mo habang nasa kalagitnaan ka ng pagtawag sa kaluluwa ng pamilya ni Crystal."

Hinawakan naman ni Tita Ailia ang aking mga kamay at tiningnan ako ng masinsinan sa mata.

"Isa pa, hindi mo rin kontrol ang mahikang namana mo sa ina mo. Ang pagbuhay ng kaluluwa ng isang purong Axphainian ay isang seryosong kasalanan laban sa Diyosang si Divine. Handa ka bang salubungin ang matinding galit ng isang Diyosa, Serephain? Handa ka bang parusahan ni Divine ang buo mong pamilya? Kapag ginawa mo ang pinaplano mo, hindi lang si Divine ang magagalit sa 'yo, kun'di ay maging ang kaibigan mong si Crystal."

"Lahat ng mga kaluluwang namamatay ay diretso kaagad ito sa unang tarangkahan sa Rainbow of Light. Kung itutuloy mo ang pinaplano mo't mapagtagumpayan mo, maaring mabigyan mo sila ng pangalawang pagkakataong mabuhay, pero hindi mo maibabalik ang emosyon na meron sila noon. At malaki ang posibilidad na bawian sila ng buhay kapag nalaman ito ni Divine, at ilagay sila sa Field of Darkness. Kaya kung ako sa 'yo, huwag mo ng ituloy dahil marami kang makakalaban at malalagay pa sa peligro ang buhay mo, Serephain."

Dahil sa sinabi ni Tita Noelle ay kinabahan ako bigla't napayuko. Wala man lang akong magawang tulong para kay Crystal.

"Gusto ko lang naman makatulong. Tutulong na nga lang ako, bakit ang hirap pa?" Nauutal kong sabi dahil sa nagbabadya kong luha.

Tumayo naman si Tita Ailia. Nang makalapit na siya sa akin ay niyakap niya ako ng mahigpit at hinahaplos ang aking likuran.

"May tiwala ka ba kay Crystal na makakaya niya lahat ng pinagdaan niya ngayon?"

Tumango na lamang ako bilang pagtugon.

"Kung ganoon, isang malaking tulong na 'yon bilang kaibigan." Napakagat ako sa aking ibabang labi nang marinig ko ang sinabi ni Tita Ailia.

At hindi mapigilang mapaiyak sa mga bisig niya.

Nahinto naman kami sa pagyayakapan nang biglang may kumatok sa pintuan. Nang bumukas ang pintuan ay iniluwa roon si Caspian. Kasama niya ang isang matandang babae.

Nagkatinginan naman kami ni Caspian na kaagad ko rin namang pinunasan ang aking mga luha sa mata. Matapos niya akong tignan ay nagpaalam na siya kay Tita Ailia. Nang masarado ni Caspian ang pintuan ng opisina ay nabaling naman ang aking atensyon sa matandang kararating lang.

Nakasuot siya ng mataas na kulay gintong damit na gawa sa sutla. Ang mga pakpak niya ay kulay puti at ganoon din ang kaniyang buhok. Nagdadala siya ng tungkod at isang makapal na libro.

Pinaupo naman ni Tita Ailia ang matanda sa upuan kaharap ko. Nagkangitian naman silang dalawa na parang mag-ina na nagkahiwalay ng matagal.

"Kumusta na ang anak ko?" rinig kong tanong ng matanda.

"Ina, maayos naman ho ako. Pasensya na't hindi ko na kayo nabibisita madalas dahil sa sobrang abala sa trabaho," sagot naman ni Tita Ailia.

Inilagay naman ng matanda sa hita niya ang makapal na libro na dinadala niya. Bakit palagi niyang dala-dala ang librong 'yan, kung pwede namang iwan sa bahay at balikan na lamang ang binabasa kapag nakauwi?

"Serephain, ipakilala ko sa 'yo ang isa sa mga tumayong ina ko rito sa ating siyudad at ang kasalukuyang orakulo ng buong lupain ng Axphain. Siya si Paciana. Alam kong narinig mo ang pangalang Paciana sa isa mga tinuturo ni Ginang Sena sa klase ninyo."

Nanlaki naman ang aking mata nang marinig ang sinabi ni Tita Noelle.

Ibig bang sabihin, ang dala-dala niyang libro ay ang libro na sinasabing ito ang gumagabay sa lahat ng mga nakikitang pangitain ng isang orakulo.

Tumayo naman ako upang makipag-kamay sa kaniya, habang niyuko ang aking ulo bilang pagrespeto.

"Magandang hapon po, ako po si Serephain."

Hindi naman ako binigo ni Ginang Paciana at tinanggap ang aking kamay. Ngumiti naman siya sa akin at tumayo rin upang pantayan ako.

Nagulat na lamang ako nang biglang bumagsak sa sahig ang libro niya. Pinulot ko naman kaagad ito, subalit bigla itong lumiwanag at unti-unting bumukas.

"Ang libro . . ."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro