Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 29: Ang Kaibigang Naghihinagpis

Nakatunganga lang ako sa tanawin sa labas. Malalim ang iniisip. Dali-dali kaming apat na lumabas ng silid-aralan nang ibalita sa amin ni Ayleth na nakipag-away si Crystal sa mga estudyanteng nanlalait sa kaniya.

Naabutan naman naming bugbug sarado na ang dalawang babae, habang ang isang lalaki naman ay halos mawalan na ng malay dahil walang tigil itong pinagsusuntok ni Crystal.

"Crystal . . ."

Iyan na lamang ang lumabas sa aking bibig nang masilayan ko kung gaano nasasaktan si Crystal sa nangyari sa pamilya niya. Dalawang araw na ang nakalipas simula noong nangyaring paglusob ng mga kalaban sa Terra.

Lahat ng mga taga-Terra ay nandito sa siyudad ng Luxa. Dahil hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin ng mga kabalyero mahiko ang nangyari.Kung paano nakapasok ang mga demonyo sa lupain ng Axphain.

At Terra pa nga ang unang nilusob nila.

Hangga't hindi pa namin nadakip ang mga kalaban, hindi namin masasabing ligtas na muli ang siyudad ng Terra. Todo ingat ang lahat dahil hindi namin alam kung kailan.

At saan na naman ang isusunod na lulusubin nila. Mas mabuting maging maingat upang maiwasan at kaagad na maagapan ang posibleng mangyayaring kapahamakan.

Nakita ko namang inawat ni Rony si Crystal at niyakap ito. Binitawan ni Crystal ang lalaki nang sapilitan siyang yakapin ni Rony. Subalit, nabigla kaming lahat nang itulak niya si Rony dahilan para mawalan ito ng balanse.

Kaagad namang natulungan ni Borin si Rony. Habang kami ay tiningnan ang likuran ni Crystal habang lumilipad papalayo sa amin. Napabuntong-hininga na lamang kaming tatlo nina Collyn at Ayleth.

"Balik na tayo sa silid-aralan," mahinang aya sa amin ni Collyn at nauna ng maglakad.

"Hindi ba natin susundan si Crystal?" rinig kong tanong ni Ayleth.

Napatigil si Collyn sa paglalakad at sinagot si Ayleth na hindi lumilingon.

"Hayaan na muna natin siya para makapagpalamig ng ulo. Naniniwala akong makakaya at matatanggap niya ang nangayari sa pamilya niya. Hindi man sa ngayon, pero sa tamang panahon," sagot ni Collyn.

At naglakad ng parang walang gana pabalik sa silid-aralan.

Sumunod naman sina Borin at Rony kay Collyn, habang nakabagsak ang kanilang mga balikat. Tiningnan ko si Ayleth at nginitian ng mapait. May tiwala rin ako kay Crystal na makakaya at matatangap din niya sa tamang panahon ang mga pinagdaanan niya ngayon.

Naramdaman ko namang sumunod na rin sa akin si Ayleth. Dumating kami sa silid-aralan nang walang gana. Kaming lahat ay hindi nakinig sa itinituro ni Ginang Sena dahil tanging nasa isipan lang namin ay si Crystal.

Kahit na hindi ako nakikinig sa itinituro ni Ginang Sena ay rinig na rinig ko pa rin naman ang sinasabi niya. Pero hindi ko nga lang alam kung paano ito tatanggapin ng sistema ko.

"Serephain!" Napaigtad ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Ginang Sena.

Narinig ko naman na nagtawanan ang ilang mga kaklase ko. Hindi ko na lamang sila pinansin pa't natatarantang tumayo.

"Borin, Collyn, Ayleth at Rony! Magsitayuan kayong lahat!" Nagulat din ang mga kaibigan ko ng marinig nila ang sigaw ni Ginang Sena.

Kita ko pang napayuko si Ayleth dahil sa hiya. Sobrang lakas na ng tawanan ng mga kaklase ko dahilan para ako'y mainis.

"Namatayan kasi ng pamilya isa sa kaibigan nila! Kaya sila parang mga baliw na nawawalan ng gana sa buhay. Sila ba ang namatayan?" rinig kong sabi ng isa sa kaklase ko.

Dahil sa pamamaraan ng pananalita niya ay sobrang nagalit ako. Kinuyom ko ang aking dalawang kamay at nagtitimpi, dahil ayokong gumawa ng eksena sa loob ng silid-aralan.

"Sinabi mo pa. Karapatdapat nga naman talagang masira ang siyudad ng Terra dahil isa rin naman sila sa mga walang kwentang siyudad," panghuhusga ng mga kaklase ko.

Nagtawanan pa ang lahat. Nakita ko namang pilit na pinapatahimik sila ni Ginang Sena. Pero hindi nila ito pinapansin kahit na guro na ang sumusuway sa kanila.

"Manahimi―"

Hindi na natapos ang sasabihin sana ni Ginang Sena nang bigla-bigla kong pinalutang ang dalawa kong kaklase gamit ang aking dalawang kamay. Lahat ay nagulat sa ginawa ko. Pinalutang ko rin ang kanilang upuan at walang sabing inihampas ko sa kanilang ulo.

Nagsigawan ang lahat sa ginawa ko. Tiningnan ako ng masama ang mga kaklase ko, pero mas binigyan ko sila ng nanlilisik na mga titig ko. Natutop nila ang kanilang mga labi't nanginig sa takot.

Ipinagkumpas ko ang aking dalawang kamay at lumitaw ang mga liwanag na hugis espada sa gilid ng aking katawan. Lahat ay napasigaw sa ipinakita ko't handang-handa na para bitawan ko ang mga ito.

"Serephain, huminahon ka . . ." rinig kong sabi ni Ginang Sena pero hindi ko siya pinansin.

Mas nag-uumapaw ang galit ko sa mga nilalang na katulad sa dalawang 'to. Mga anghel na pinagtatawanan ang kamatayan ng isang nilalang. Pinagtatawanan at hinuhusgahan ang pagiging kakaiba ng mga Terra.

"Nakakasuka kayo!" sigaw ko't hindi ko maiwasang mapaluha. "Banal na anghel? Mas masahol pa ang putanginang ugali niyo kaysa sa mga demonyo!"

Natahimik bigla ang mga kaklase ko nang makita nila akong umiyak at ang matinding galit sa mukha ko. May iilan din sa kanila na natatakot sa gilid.

"Nakakasuka kayo! Naririndi ako sa mga nilalang na katulad niyo. Mga mapanghusga na wala namang maibigay na mabuti sa kapwa nilalang! Mga anghel na walang kayang ibigay sa lipunan, kun'di ang magkalat ng itim niyong mga budhi! Kung makaasta kayo, para kayong hindi mga banal! Nakakarindi kayo!" Dumadagundong ang boses ko sa loob ng silid-aralan, dahilan para maramdaman ko ang pagyanig ng sementadong sahig.

"Nag-aaral sa prestihiyosong paaralan, pero kahit ni katiting walang natutunan!" Muling kong sigaw sa mga bulok nilang kukute. "Kasaysayan ba kamo? Syempre, magiging walang kabuluhan lahat ng 'yon dahil sa mga anghel na katulad ninyo!"

Pero wala akong pakialam. Nanginig ako sa sobrang galit, pero 'yong luha ko ay hindi kayang pigilan.

"Pasensya na . . . pasensya," rinig kong panghihingi ng paumanhin ng isang lalaking anghel na pinagtatawanan ang pagkamatay ng pamilya ni Crystal. "Huwag mo akong patayin. Patawad."

Mas lalo akong nanggagalaiti sa galit. Mas lalo lang nila dinagdagan ang kumukulo kong dugo. Dumating na sa punto na gusto ko silang patayin!

"Serephain, humanahon ka," rinig kong wika ni Ayleth.

Natataranta naman ang mga kaibigan ko't nilapitan ako. Hinawakan nila ako't napasigaw lamang sila.

"Ang init niya!" Napasigaw si Borin nang mahawakan niya ang mga braso ko.

Ganito talaga ako. Kapag sobrang galit na galit, maapektuhan ang buong katawan ko. Dumating sa punto na kung sino man ang magtatangkang humawak sa akin ay mapapaso. Hindi ko na kayang ma-kontrol ang ganitong klaseng emosyon.

Unti-unti akong nilalamon ng galit ko.

Nagsilakihan naman ang aking mga mata nang niyakap ako ng mga kaibigan ko. Nakisali rin si Ayleth. Kumawala na sana ako sa mga yakap nila upang maiwasan ko silang masaktan, pero dahil sa sobrang pagkakayakap nila sa akin hindi ko magawa.

Bigla namang tumaas ang aking mga kamay. 'Yong katawan ko ay tila parang ito na mismo ang kumikilos, na parang may sariling isip. Napasigaw naman si Ayleth dahil sa sobrang init. Nagwala ako pero hindi ko na natuloy nang makita kong umiiyak na si Collyn sa harapan ko.

Maging si Ayleth na rin.

"Huwag mong subukang kumawala sa yakap namin. Mas mabuti kung kami ang masasaktan mo, hindi ang iba. Pero Serephain, naisip mo bang matutuwa si Crystal sa gagawin mo?" Huminto sa pagsasalita si Collyn at napatingin sa mata ko. "Kaya pakiusap, huminahon ka muna." Tuluyan ng humahagulgol sa iyak si Collyn, habang ako naman ay biglang napaluhod sa sahig.

Humahagulgol na rin ako sa iyak. Nakita ko naman ang mga kaibigan ko na nakangiti sa akin. Isang pilit na ngiti. Nagyakapan kami ng mahigpit, habang nag-iiyakan. Dahil sa kanila ay napapakalma nila ako.

Nang makita ko ang mga paso sa kanilang katawan ay kaagad ko naman silang ginamot gamit ang aking kakayahan sa panggagamot.

Sakto namang natapos ako sa paggamot nila ay siyang pagdating naman ni Tita Ailia. Pinagsabihan niya kaming lahat tungkol sa nangyari at umaasa siyang hindi na raw mauulit ang nangyari.

Humingi rin ng paumanhin 'yong kaklase kong pinagtatawan ang pagkamatay ng pamilya ni Crystal.

Katatapos lang ang klase namin ni Ginoong Alexandrio at malapit ng dumilim ang paligid. Nauna na ring umuwi sina Collyn, Borin, Rony at Ayleth dahil sa pag-aalala kay Crystal. Hindi kasi siya pumasok sa klase ngayong araw.

Gusto sanang sumama sa akin ni Ayleth, pero sinabihan ko siyang gusto ko na munang makapag-isa. Hindi naman siya nangulit sa akin sa halip ay sumama siya kina Collyn, Rony at Borin na umuwi sa dormitoryo.

Gaya ng nakagawian ko ay pumunta ako sa hardin ng akademya.

Pagkarating ko roon ay hindi ko inaasahang nandoon din si Crystal. Nakahiga siya sa damuhan, nasa ulo ang dalawa niyang braso bilang unan at nakatingin sa kalangitan.

"Crystal . . ." sambit ko sa pangalan niya nang makalapit ako.

Hindi siya lumingon sa akin, sa halip ay diretso lang ang tingin niya sa kalangitan. Humiga rin ako sa tabi niya.

"Serephain, naisip mo ba na sana naging butuin ka na lang?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko't ngumiti naman ng mapait pagkatapos.

"Oo, ilang beses," maikli kong sagot.

"Bakit?" Sa pagkakataong 'to, alam kong nakatingin na sa akin si Crystal kaya mas pinili kong tumingin sa kalangitan.

"Kasi may kalayaan sila habang ako wala." Ngumiti ako ng mapait habang sunod-sunod ko ring narinig ang pagbuntonghininga niya.

Tumingin ako kay Crystal. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko siyang umiiyak.

"Ikaw, bakit gusto mong maging butuin?" pabalik kong tanong sa kaniya.

"K-kasi, kahit na nasa kabilang buhay na ang buong pamilya ko. Gusto ko silang masilayan sa kalangitan at tanungin kung pinagmamalaki ba nila ako bilang isang apo, anak at nakakatandang kapatid. Para kahit papaano ay mapapanatag ang loob ko."

Mga hikbi ang sunod-sunod kong narinig dahilan para mapakapit ako sa halaman nang mahigpit. Pinigilan kong ayaw maiyak, pero ako'y nabigo. Niyakap ko naman si Crystal at hinahaplos ang braso niya.

"Sigurado akong pinagmamalaki ka nila, Crystal," ang wika ko sa kaniya. "Alam kong makakaya mong lagpasan ang mga pagsubok sa buhay mo, Crystal. Nandito lang kami."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro