Kabanata 24: Ang Pagsasanay
Sa mga oras na ito ay papunta na kami sa bukas na bukas na bulwagan. 'Yong bulwagan na katulad ng disenyo roon sa ginanapan ng pagsusulit. Nakauwi kami ni Caspian kahapon malapit ng mag-gabi dahil naaliw talaga ako sa palabas.
Tinutukso pa nga ako nina Collyn at Crystal nang makita nila kaming dalawa ni Caspian na magkasama. Mas nauna kasi silang nauwi kaysa sa aming dalawa.
"Serephain," tawag sa akin ni Collyn dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Mukhang napapansin ko ng malapit na ang loob mo kay Caspian, ah." Sinusundot pa niya ang aking tagiliran.
"Kasi nga tinuturing ko na siyang kaibigan?" hindi siguradong sagot ko.
Kumunot naman ang kaniyang noo.
"Kung tinuturing mo siyang kaibigan. Bakit patanong sinagot mo?" Naguguluhan niyang tanong sa akin.
"Kasi hindi ako sigurado?"
Napabuntong-hininga naman siya sa naging sagot ko't tiningnan ako nang hindi makapaniwala.
"Linawin mo kaya kung anong meron sa inyo. Para hindi ka mailto." Tinapik niya pa ang aking balikat bago tumahimik.
Lilinawin?
Ayoko nga.
Siyempre, mas gustuhin ko na lamang na hindi malaman. Kahit na sasabihin kong sanay na akong masaktan. Pero hindi ko rin naman maipagkailang takot akong maranasan itong muli.
Nang marating na namin ang bulwagan ay nakita naman namin na naghihintay na pala sa amin si Ginoong Alexandrio, ang guro namin sa asignaturang ito. Prente itong nakaupo sa upuan habang kinalikot ang hawak-hawak niyang papel.
"Magandang umaga!" Nagulantang ang lahat sa sobrang lakas ng sigaw ni Ginoong Alexandrio. "Ngayon lang tayo ulit nagkaroon ng mas magandang pagkakataon sa klase natin. Kaya hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, sa araw na ito magkakaroon tayo ng pagsasanay. Sa isang duwelo."
Nagulat naman ako nang makita kong tumingin sa akin ang guro namin. Nananabik itong tumayo at lumapit sa akin.
Inilahad niya naman ang kaniyang mga kamay na tinitigan ko lamang. Pero tinanggap ko naman ito dahil ayoko rin namang magmukhang masama.
"Masaya akong makilala ka, Serephain. Usap-usapan ka ng mga iilang guro rito sa akademya bilang pagiging matalino mo sa klase. Sa kwento pa nga ni Ginang Sena, marami kang alam tungkol sa kasaysayan at tungkol sa ating nasyon." Puno ng paghanga na sabi ni Ginoong Alexandrio.
Napayuko ako sa aking ulo nang makita ko na naman ang mga titig ng aking mga mapanghusgang kaklase.
"Maari mo bang sabihin sa amin kung saan mo natutunan lahat ng iyon, Serephain?"
Napaangat bigla ang aking ulo nang marinig ko ang tanong ni Ginoong Alexandrio.
"Binabasa ko lang po sa libro. Binibigyan po kasi ako ng mga libro ni ama tungkol sa kasaysayan ng mundo, at maging ang sariling kasaysayan ng Axphain. At natutunan ko rin ang iilan mula sa aking mga magulang," mahina kong sagot, sapat na para marinig ng iba.
"Kaya naman pala. At inaasahan ko na magaling ka rin sa pakikipaglaban maliban sa pagiging matalino mo, Serephain."
Bigla akong kinabahan sa huling sinabi sa akin ng guro. Sana naman ay hindi ko aksidenteng magamit ang kapangyarihan ko na namana ko kay ina. Kailangan kong maging maingat. Dahil kapag masyado akong magpapa-apekto tungkol sa emosyon ko, saka lang lalabas ang itim kong kapangyarihan na hindi ko na kontrol.
Ilang minuto sa pagpapaliwanag ni Ginoong Alexandrio at pagpapares sa amin kung sino-sino ang maglaban-laban sa dwelong 'to. Tinawag na kaagad niya kung sino ang unang maglaban-laban.
"Serephain at Shasha ang unang maglaban. Maari na kayong pumunta sa sentro ng bulwagan." Matapos marinig ang sinabi ng guro ay bigla akong kinabahan.
Subalit, hindi ko naman pinapakita na kinakabahan ako. Tiningnan ko ang magiging kalaban ko sa duwelong 'to, nakangiti ito sa akin nang nakakaloko.
'Yong ngiting parang siya na ang mananalo. Hindi ako kinakabahan sa kalaban ko, kun'di ay sa maaring posibleng mangyari kapag aksidente kong magamit ang itim na mahika.
"Mukhang ako ang mananalo ngayon, Serephain." Mayabang na wika nito sa akin nang makapunta na kami sa sentro ng bulwagan.
Hindi ko siya sinagot sa halip ay mas pinakiramdaman ko ang mga kilos niya. Nang makita na namin ang senyales ni Ginoong Alexandrio, inalerto ko na ang aking sarili.
Napaangat ako sa aking ulo nang makita kong lumutang si Shasha sa ere na hindi ginagamit ang kaniyang mga pakpak. Ibig sabihin, may kakayahan siya ng levitation. Sa isang titig ng kaniyang mga mata ay biglang nagsilutangan naman ang mga sementadong sahig ng bulwagan.
Walang pag-alinlangan niya itong inihagis sa akin dahilan para pabilisin ko ang aking sarili, maiwasan lang ang mga ito. Nakita ko naman ang nagsilakihang mga mata niya at nababasa ko ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
Inakala ba niyang mahina ako?
Puwes, nagkakamali siya.
"Likuran mo!" mahina kong wika nang mapunta ako sa likuran niya, nakalutang.
Binigyan ko siya ng malakas na suntok dahilan para siya ay mapatilapon pabagsak sa sahig ng bulwagan. Sinubukan pa nga niyang i-balanse ang sarili upang hindi tuluyang bumagsak, subalit nagkakamali siya.
Mabilis ang kilos ko't sa isang iglap ay nasa likuran na ulit ako ni Shasha, binigyan ko ulit siya ng dalawang malakas na suntok.
Malakas ang pagkakabagsak niya sa sahig at napaubo ng maraming dugo. Bumiyak rin ang sahig dahil sa epekto ng pagkakabagsak niya. Nabigla naman ako nang mag-teleport si Shasha at sa mga oras na ito ay nasa harapan ko na siya.
Bibigyan niya sana ako ng isang suntok, pero naunahan ko na siya. Napasigaw siya sa sobrang hapdi sa balat nang gamitin ko ang heat vision laban sa kaniya. Saka kinontrol ang kaniyang isipan para wala ng kawala.
Nagulat na lamang ako nang makawala sa pagkontrol ko sa isip si Shasha nang makita ko siyang ngumisi nang nakakaloko. Ibig sabihin, nawalan ng bisa ang ginawa ko sa kaniya dahil may kakayahan din siyang kumuntrol ng isipan.
At ang kaninang napapaso niyang mga balat ay unti-unti ring gumagaling.
Wala akong ibang gawin kun'di ang tapusin na agad ang dwelong ito sa isang atake. Kaya wala akong ibang pagpipilian kun'di ang gamitin ang light magic ko na hindi ko gustong ipakita sa iba. Ibinuka ko ang dalawa kong kamay at naglitawan ang sobrang daming matutulis na liwanag na hugis espada.
Nakita ko namang nagsilakihan ang mga mata nilang lahat, at dahan-dahan kong itinaas ang aking mga kamay upang ihanda ang pag-atake ng kapangyarihan ko laban kay Shasha.
"Pinagpala ka man ng malakas na kapangyarihan. Mahina ka pa rin sa paningin ko, Serephain!" Sigaw niya sa akin dahilan para mapakuyom ang aking mga kamao.
Wala na akong ibang hinintay pang pagkakataon kun'di ang pakawalan ang mga matutulis na liwanag na hugis espada papunta kay Shasha. Sobrang bilis ng mga ito dahilan para halos lumuwa na ang mata niya. Ang matinding takot ay rumehistro sa mukha niya.
"'Yan ba ang hindi natatakot, Shasha? Puwes, kung hindi ka takot saluhin mo lahat ng galit ko!" sabi ko sa isipan ni Shasha.
Alam kong narinig niya ang sinabi ko dahil mas lalo lang siyang nagulat. Sarap palang makakita ng ganito, lalo na't doon sa mga nilalang na walang ibang gawin kun'di ang husgahan lang ako.
Ipinagkumpas ko ang aking mga kamay at sa isang iglap nagsilatawan ulit ang napakaraming mga liwanag na matutulis na hugis espada. Hindi rin ako nagdadalawang isip na pakawalan ang mga ito papunta kay Shasha.
Makakalapit na sana ang mga pinakawalan kong liwanag nang bigla na lamang lumitaw sa harapan si Ginoong Alexandrio ni Shasha.
Ipinagkumpas niya ang kaniyang dalawang kamay at gumawa ng barrier. Huminto doon lahat ang mga pinakawalan ko. Subalit bigla namang lumusot ang isa dahilan para matamaan ko siya sa kaliwang braso.
Napadaing si Ginoong Alexandrio pero kaagad din namang nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha. Mukhang masaya pa siyang napuruhan ko siya sa halip na si Shasha. Dahil sa sobrang bilis ko, nakalapit na kaagad ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang balikat.
Ginamit ko ang aking kapangyarihan na walang iba kun'di ang healing at hindi naman nagtagal ay unti-unting naghilom ang malalim na sugat niya.
Pagkatapos kong magamot si Ginoong Alexandrio ay tumayo na ako't tinalikuran silang lahat. Lahat pa ng nadadaanan kong mga kaklase ko ay umaalis sa daraanan ko.
"Serephain . . ."
Rinig kong tawag ni Rony sa pangalan ko. Sa halip na pansinin siya ay nilagpasan ko lang silang lahat. Maging si Ayleth ay kitang-kita ko sa mukha niya ang sobrang pag-aalala niya.
"Saan ka pupunta, Binibining Serephain?" Rinig kong tanong ng guro sa akin dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
"Uuwi na sa dormitoryo," malamig kong sagot.
"Hindi pa tapos ang klase natin."
"Kung inyong mararapatin, gusto ko ng umuwi."
Ihahakbang ko na sana ulit ang aking paa nang biglang lumitaw sa harapan ko si Ginoong Alenxadrio. Tiningnan ko siya nang walang ka-emosyon at umiwas ng tingin. Nahagilap ko pa ang nakangiti niyang labi.
"Kung ikaw ay na konsesya sa nagawa mo sa akin, ito lang ang masasabi ko. Wala kang dapat na ikabahala. Hindi ako galit o nadismaya. Subalit, palagi mong tatandaan na sa kabila ng galit at mga panghuhusga sa iba tungkol sa 'yo. Hindi 'yon kawalan ng pagiging ikaw. Wala silang karapatang ididikta sa pagiging ikaw. Ikaw ay ikaw."
Hinawakan naman niya ako sa magkabilang balikat at napakagat na naman sa ibabang labi.
"Pinigilan lamang kita ay dahil maari mong mapatay si Shasha. Ang pagsasanay na ito ay hindi tungkol sa patayan ng kalahi. Mapapatawan ka pa ng kamatayan sakaling ipagpapatuloy mo ang balak mo sa kaniya. At higit sa lahat, hindi maganda kung sa kaniya mo ibuhos lahat ng galit mo." Naglakad na siya pabalik sa kaniyang inuupuan habang ako ay nakatingin lamang sa likuran niya.
Huminto naman siya bigla at nagsalita na nakatalikod pa rin sa akin.
"Ayokong mawalan ng estudyanteng alam kong malaki ang posibleng maibigay na tulong 'pag nasa kapahamakan ang ating nasyon. At masaya akong nabibiyayaan ng bihirang kapangyarihan ang isang tulad mo."
Napakagat ulit ako sa aking ibabang labi matapos marinig ang huling sinabi ni Ginoong Alexandrio.
Pagkatapos ng senaryong 'yon ay binaling na ulit ng iba kong kaklase ang kanilang atensyon sa aming guro. Napaluhod na lamang ako bigla sa sahig. Dinamayan naman ako kaagad ng mga kaibigan ko't niyakap ng mahigpit.
Pinigilan ko namang ayaw maiyak sa harapan nila. Napatingin naman ako kay Ayleth nang marinig ko ang mga hikbi niya. Sa kabila ng nararamdaman kong kunsensya sa nagawa ko kay Ginoong Alexandrio, bigla na lamang napawi lahat ng iyon nang malaman kong nasa tabi ko lang sila.
Si Collyn naman ay minumura ako sa pagiging malakas ko raw. Si Crystal naman ay sinasabi niya sa akin kung gaano siya kaiinggit sa kapangyarihan ko. Si Rony naman ay nakangiti lamang ng matamis at hinahaplos ang aking ulo.
Habang suot-suot ko pa rin ang aking itim na cloak.
Si Borin naman ay sobrang nananabik kung kailan daw niya ako makakadwelo, dahilan para maiingit si Collyn. Sinisigaw pa nga ni Borin kung gaano ako kalakas at dapat na katakutan.
Siyempre, nahihiya ako sa mga pinagsasabi niya. Habang si Ayleth naman ay humihikbi sa mga bisig ko. Kumawala naman siya sa yakap niya sa akin at saka nagtawanan kaming anim.
Nahinto lamang kami nang tawagin na sila isa-isa. Sa mga oras na ito, nasilayan ko na naman kung gaano sila kalakas sa pakikipaglaban. Sina Borin, Rony, Crystal at Collyn ay inaasahan ko ng manalo ulit sila sa duwelo. Habang si Ayleth naman ay nagawa rin niyang manalo.
Subalit marami naman ang natamo niyang sugat.
Tinitingnan ko si Ayleth, siya 'yong babaeng anghel na walang pinipiling kaibiganin. Sobrang kakatuwa lang na sa amin pa niya napiling sumama. At kaagad na tinuring akong kaibigan. Pero sa klase namin ngayon, isa lang ang natutunan ko.
Natutunan kong meron din pala akong kahalagahan sa mundong 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro