Kabanata 19: Ang Mga Orakulo at Ang Sagradong Libro
Hindi na sana ako papasok sa klase nang dahil sa nangyari kagabi sa pagitan naming dalawa ni Aki. Nagdidilim pa rin ang paningin ko dahil sa sinabi niya. Wala siyang karapatang idamay ang ina ko sa pagiging desperada niya!
Hindi na niya kailangan pang maminsala ng ibang nilalang para lang makuha ang lalaking matagal na niyang gusto. At aanhin ko naman si Caspian? Hindi naman ako nagkakagusto sa kaniya. Mga siraulong babaeng nagkandarapa sa isang lalaking hindi naman sila ang gusto.
Iniling ko naman ang aking ulo bago pumasok sa loob ng silid-aralan.
Gaya ng aking nakagawian, araw-araw papasok ng klase. Palagi ko ng nakakasalamuha ang mga estudyanteng walang gawin sa umaga kun'di ang magchismisan. Sa limang araw na pamamalagi ko rito sa akademya, tila ba'y parang nasanay na ako sa mga panlalait nila.
Hindi na rin ako yumuyuko naglalakad, taas-noo ko itong tinanggap ang mga panlalait nila kahit na sobrang sakit sa damdamin. Mga panlalait na hindi naman makatotohanan at walang kabuluhan.
Nang makapasok ako sa loob ng silid-aralan ay nabigla naman ako nang makitang nasa harapan na si Ginang Sena. Nahuli na ba ako sa klase ko? Napatingin naman ang guro sa pagpasok ko at binaling ulit ang kaniyang atensyon sa ginagawa niya.
Pagkaupo ko'y kinalabit ko sa balikat si Collyn at nagtanong.
"Tapos na ba ang klase? Nahuli ba ako?" tanong ko sa kaniya.
Tiningnan niya naman ako bago ako sinagot.
"Hindi pa naman tapos ang oras ng klase natin. Nabigla nga rin kami na mas nauna pa sa atin si Ginang Sena na nakarating sa loob ng silid-aralan."
Napabuntong-hininga na lamang ako dahil akala ko na talaga huli na ako sa klase. Tinanguhan ko na lamang si Collyn bilang pagtugon at umupo na ng maayos.
Natahimik naman ang mga kaklase ko't natigil sa kanilang ginagawa nang biglang tumayo si Ginang Sena. Tiningnan niya naman kami isa-isa at ngumiti.
"Alam kong naguguluhan kayo kung bakit ang aga ko para sa klase natin ngayon. Ito ay dahil magkakaroon ulit kami ng biglaang pagpupulong lahat na guro rito sa akademya para sa paparating na araw ng pag-aalay. Kaya pagkatapos ng klase natin, maari na kayong magsiuwian sa inyong mga tahanan."
Naghiyawan naman ang iba dahil makakagala na sila sa labas ng akademya. Tiningnan ko naman sina Rony, Collyn, Crystal at Borin ang pagkasabik na umuwi sa kani-kanilang pinanggalingan.
"Uuwi ka rin ba kaagad sa inyo, Serephain?" biglaang tanong sa akin ni Rony.
"Hindi. Mamayang hapon pa siguro ako uuwi sa amin. Wala namang masyadong maganda sa amin. Puro katahimikan at kadiliman lang ang meron doon."
Napatingin naman ako sa kanilang lahat. Naguguluhan akong tumingin sa kanila dahil mukhang gulat na gulat pa sila sa sinabi ko. May mali ba akong nasabi?
"Ano?"
"Wala. Iyan na yata ang pinakamataas mong sinabi. Nanibago lang kami, Serephain." Natatawang sabi ni Borin dahilan para mahiya ako.
Napayuko naman ako at tinago ang namumula kong pisngi sa suot-suot kong talukbong.
"Pasensya na, Serephain. Nasaktan ko ba damdamin mo?" malungkot na tanong sa akin ni Borin.
"Hindi. 'Wag kang mag-aalala." Ngumiti naman siya sa sinabi ko at ibinalik ang kaniyang atensyon sa harapan.
Napatingin naman ako kay Collyn nang kalabitin niya ang braso ko.
"Pasensya ka na, ah, hindi kami makakasama sa 'yo mamaya. Kinagagalak kasi naming makita ulit ang mga pamilya namin at makauwi sa kinagisnang siyudad namin," panghihingi niya ng paumanhin.
"Naiintindihan ko."
"Salamat."
Humarap na kaagad si Collyn matapos niyang magpaalam sa akin na hindi ko sila makasama mamaya dahil uuwi sila sa siyudad nila.
Subalit, hindi ko maiwasang maiingit. Mabuti pa sila palaging nananabik na makauwi sa kani-kanilang pamilya, habang ako ay palagi namang nawawalan ng gana.
Hindi ko gustong umuwi. Pero alam ko rin namang mag-aalala sa akin si ina kapag gagawin ko 'yon.
"Handa na ba kayong makinig sa ituturo ko sa inyo?" Tanong sa amin ni Ginang Sena nang mapansin niyang tapos na kami sa pakikipag-usap sa isa't isa.
"Opo!"
Napangiti naman siya nang may sumagot.
"Sige, ang paksa ng leksyon natin ngayon ay ang mga orakulo at ang libro. Dito natin pag-usapan ang tungkol sa mga orakulong nagdaan, maging sa mga kasalukuyang orakulo ng Metanoia at ang tungkol sa sagradong libro ng Axphain. Para sa inyo, ano ang trabaho ng isang orakulo?"
Nagtaas naman ng kamay si Collyn dahilan para kaagad siyang pinili ni Ginang Sena para sumagot.
"Ang mga orakulo po ay sila ang mga anghel na binibiyayaan ng kapangyarihang makita ang hinaharap. Ang trabaho nila ay bigyan ng kaalaman o babala tungkol sa mangyayari sa hinaharap, tinatawag itong propesiya. Ang mga propesiya ay maaring maganda o hindi maganda at bawat tadhanang nakaatay ay dapat itong paghandaan at tanggapin. Ang mga nakikitang hinaharap ng mga orakulo ay lahat hindi nagkakamali at ito ay nakakatiyak na mangyayari."
Mataas na paliwanag niya dahilan para magpalakpakan kaming lahat.
"Tumpak ang iyong sagot, Binibini. Maari ka ng makakaupo," utos niya kay Collyn na kaagad din naman nitong sinunod. "Gaya nga ng sabi ni Binibining Collyn, ang mga nakikitang hinaharap ng mga orakulo ay lahat hindi nagkakamali at ito ay nakatitiyak na mangyayari. Ang ating lupain ay mayroon ng apat na orakulo. Ang naunang orakulo ay si Demidenson, siya ay isang Axphainian na manlalakbay sa mundo."
"At ang binibiyayaan ng Diyos ng kapalaran ng isang kapangyarihang makita ang hinaharap. Pagkatapos malaman ni Demidenson ang ibinigay na responsibilidad sa kaniya ay huminto siya sa paglalakbay at piniling manatili si Axphain para gampanan ang bagong papel niya sa buhay. Hanggang sa tumanda siya sa pagiging orakulo. Namatay si Demidenson sa sobrang katandaan at biglang lumabas ang kaniyang kapangyarihan sa katawan at naghanap ito ng magiging kapalit niya."
Huminto muna sa pagsasalita si Ginang Sena at naglakbay ang kanyang tingin sa aming lahat.
Nang mapansin niyang nakatuon ang aming atensyon sa kaniya ay pinili niyang ipagpapatuloy ang kaniyang kwento.
"Pangalawang naging orakulo ay si Primitivo. Siya ang ikalawang napili ng kapangyarihang makakita ng hinaharap. Siya ay binatikos ng maraming Axphainian dahil ito ay magnanakaw at mamamatay anghel. Siya ang kriminal na matagal ng hinahanap ng mga kabalyero mahiko, at hindi nila inaasahang makikita nila ito bilang orakulo."
"Ngunit, nahinto lamang ang matinding isyu nang magdesisyon ang mga Summa sa panahong 'yon na hayaang mamuhay si Primitivo bilang isang orakulo ng Axphain. Walang nagawa ang mga mamamayan dahil ang orakulo ay isa rin sa pinakamahalagang anghel sa lupain."
Ang mga kaklase ko naman ay napasinghap nang malaman nilang ang ikalawang orakulo ay ang kriminal na matagal ng hinahanap.
Subalit, wala naman akong narinig na mga salita mula sa kanila.
"Gaya ni Demidenson, namatay din si Primitivo dahil sa katandaan kaya gaya ng nakagawian ng kapangyarihan ay naghanap din siya ng magiging kasunod ni Primitivo. Sa hindi inaasahan ay napili nito ang anak ng isang Summa na maging ikatlong orakulo ng Axphain."
"Naging isyu din ito dahil tutol ang ama ni Alejandra na maging orakulo siya, dahil mas gusto nito na ipapasok siya sa akademya at isasali sa kabalyero mahiko. Dahil ayaw din naman ni Alejandra na maging kabalyero mahiko ay pinili niya ang kapalaran na nakaatang sa kaniya."
"Kinuwestyun si Alejandra sa kaniyang naging desisyon ngunit buo na ito at hindi na magbabago pa ang kaniyang isipan. Walang nagawa ang ama niya, sa halip ay tanggapin na lamang ang kagustuhan ng anak."
Lahat ay nagulat sa nalaman. Ang ikatlong orakulo ng Axphain ay isang anak pa ng Summa.
Saka lang nila napagtanto na ang kapangyarihang makakita ng hinaharap ay walang pinipiling maging kapalit sa naunang orakulo.
"Namatay din si Alejandra dahil sa sobrang katandaan. Kaya ang ikaapat na naging orakulo ng Axphain ay si Paciana. Siya ay buhay pa hanggang ngayon at ginagampanan pa rin ang responsibilidad niya bilang orakulo."
"Si Paciana ay isang ordinaryong mamamayan lang ng Luxa na nagmamay-ari ng tindahan ng tinapay. Subalit, siya ay matanda na sa panahong ito. Sina Demidenson, Primitivo, Alejandra at Paciana palang ang naging orakulo ng ating lupain."
Nang matapos nilang makilala ang apat na orakulo ng Axphain ay kitang-kita ko sa iba kong kaklase ang paghanga na namutawi sa kanilang mga mukha. At may iilan din namang mga mapanghusga.
"At ang kasalukyang orakulo ng Metanoia ay sina Schylfia, mula pa sa lupain ng Gwenore, Diana ay isang orakulo ng Auradon, Zaurac ng Mastromia, Tarus ng Adalea, Actaeon ng Cazadorian, Saga ng Cimmeria at si Paciana ng Axphain."
Pinakilala na rin ni Ginang Sena ang kasalukuyang mga orakulo ng Metanoia.
"Ano po ang tungkol sa sagradong libro ng Axphain?" rinig kong tanong ng isang lalaking anghel na kaklase ko.
"Ang tungkol naman sa sagradong libro ng Axphain, ito ay magsisilbing gabay sa kaniya upang makita ang hinaharap. Ang panibagong pangitain. Lahat ng mga orakulo ay may iba't ibang paraan ng kapangyarihan upang makita ang hinaharap."
"Kaya sa atin naman ay sa pamamagitan ng libro. Ang librong ito, dito rin mababasa ang nakasulat na propesiya na babasahin ng orakulo at ipaalam sa buong lupain. Ang librong ito ay sobrang sagrado, hindi ito mabubuksan ng iba maliban sa orakulo."
"Ngunit, may iilang sabi-sabi na ang librong ito ay mabubuksan din ng isang itinakda. Hindi pa naman ito napapatunayan kaya walang maibigay na ebidensya."
Pagkatapos ng pagsasalita ni Ginang Sena ay siyang tumunog naman ang kampana. Hudyat na oras na para sa meryenda.
Pero dahil magkakaroon ng biglaang pulong ang lahat ng mga guro sa akademya, ang mga estudyante naman ay pwede ng makauwi sa kaniya-kaniyang bahay.
"Dito na magtatapos ang ating klase. Sa susunod nating pagkikita ay pag-uusapan naman natin ang kasasaysayan ng Axphain. Paalam."
Nang marinig nila ang sinabi ni Ginang Sena ay bigla-bigla na lamang naglaho ang mga kaklase ko. Ang iba ay nag-teleport, habang 'yong iba naman ay gumawa ng lagusan para mapadali ang pagdating nila sa kanilang kuwarto sa dormitoryo.
Habang sina Borin, Collyn, Rony at Crystal ay nagpaalam na sa akin. Nagmamadali pa nga silang lumipad dahil sa sobrang pananabik. Habang ako ay naiwan mag-isa. Ginamit ko na lamang ang teleportation at sa isang iglap ay nandito na ako sa harapan sa gusali ng dormitoryo ng mga kababaihan.
Bago ko pa man ihakbang ang aking mga paa ay ngumiti muna ako ng mapait.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro