Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13: Ang Limang Siyudad

Nang makapasok sa kwarto ay laking gulat ko dahil sa sobrang laki. Pagpasok ko pa lang ay sumalubong na sa akin ang sobrang laking kusina at paglingon ko sa kanan ay mayroong maliit na veranda. Hindi na muna ako pumasok, sa halip ay pumasok ako sa isa pang kwarto.

Nang makapasok ako ay tumambad sa harapan ko ang malaking silid-tulugan. May dalawang malaking kama. Amoy na amoy ko pa ang baho ng bagong ayos. Kaagad naman akong humiga sa kama na malapit sa bintana.

Hindi ko na namalayan na dinadala na ako ng antok.

• • •

Kinabukasan ay nandito na ako sa harapan ng silid-aralan ko para sa unang asignatura. Hindi ko alam pero sobrang kinakabahan ako. Inihakbang ko na ang aking mga paa upang pumasok. Ingay kaagad ang bumungad sa akin nang makapasok ako.

May mga nagtatawanan, nag-aasaran at mga nilalang na nagtatalo.

Ang iba naman ay napatingin sa akin pagkapasok ko pa lang ng pintuan. At muli na namang nagbulong-bulongan ang iilan. Mukhang mayroon ding mga estudyante sa klase ko na hindi baguhan.

Sila ba 'yong mga nilalang na naiwan dahil mahihina sila't mga hindi nagsumikap para tumaas ang kanilang antas?

Naghanap ako ng mauupuan, at napatingin ako roon sa bakanteng upuan na malapit sa bintana. Pagkaupo'y napatingin naman ako sa mga nilalang na nasa harapan ko.

Hindi ko sila masyadong nakilala dahil nakatalikod sila. Ngunit, ang kanilang mga boses at pigura ay sobrang napaka-pamilyar.

Nanlaki naman ang aking mga mata nang makilala ko sila. Kaklase ko sila? Seryyoso?

"Borin, kailan mo ba tatanggapin ang alok ko sa isang duwelo?" rinig ko pang tanong ni Collyn.

Nakita ko namang natataranta si Borin sa naging tanong ni Collyn sa kaniya. Napabuntonghininga si Collyn at inalis ang tingin niya kay Borin. Hindi ko na lamang sila pinansin, sa halip ay tumingin ako sa labas.

Ramdam na ramdam ko ang napakasariwang hangin sa labas.

Nasa ikalawang palapag kasi ako ngayon, kaya medyo mahangin siya. Gusto ko na lang matulog at magbasa ng libro. Gusto kong umuwi sa dormitoryo. Ngunit, kahit na gusto ko man, hindi pwede dahil kailangan kong pumasok sa klase.

Natahimik naman ang lahat nang biglang pumasok ang isang matandang babaeng nilalang. Suot-suot nito ang kaniyang striktong mukha, dahilan para matakot sa kaniya ang iba.

"Ako si Sena, ang inyong magiging guro sa asignaturang kasaysayan. Dito natin pag-usapan ang tungkol sa ating nasyon at maging kasaysayan ng ating mundo, ang Metanoia," pagpapakilala nito.

Bigla naman akong nawalan ng gana dahil sa sinabi niya. Kasaysayan ng Axphain at Metanoia ang pag-uusapan? Alam ko na 'yon lahat dahil binibigyan ako ng mga libro ni ama patungkol sa kasaysayan noon. Ayos lang naman sigurong hindi makinig 'di ba?

"Bago tayo magsisimula, mayroon tayong limang baguhan. Ipapakilala niyo ang inyong sarili." Napantig naman ang aking tenga nang marinig ang sinabi ni Ginang Sena.

Nakita ko namang unang tumayo si Crystal, dahilan para mapagulong ang aking mga mata.

"Ako po si Crystal, nagmula pa po sa siyudad ng Terra."

Pagkatapos niya ay sumunod naman si Rony.

"Ako naman po si Rony, nagmula sa siyudad ng Ventus."

"Ang pangalan ko ay Collyn, nagmula sa siyudad ng Ignis."

"Ako naman si Borin, nagmula sa siyudad ng Aqua."

Matapos nilang apat ay napatingin sa akin ang lahat. At rinig na rinig namin ang ilang bulong-bulongan tungkol sa kanilang apat. Ngunit, wala akong pakialam. Tumayo ako ng matuwid at napalingon sa akin sina Borin, Collyn, Rony at Crystal.

Nakita ko pa kung paano magkunutan ang kanilang mga noo nang makita ako. Siguro ay naguguluhan sila kung bakit nakasuot ako ng itim na cloak at tinatago ang aking mga pakpak.

"Ako si Serephain, taga rito lang ako sa siyudad ng Luxa."

Nang marinig nila ang aking sinabi, namayani ang bulungan. Pero hindi ko alam kung bulungan pa ba ang tawag dito, dahil rinig na rinig ko naman. Mga masasakit na salita at mga kalokohan. Pinatahimik naman ang lahat sa sigaw ni Ginang Sena, at tumahimik nga naman ang buong klase.

"Tamang-tama sa magiging paksa ng ituturo ko ngayon. Ito ay ang limang siyudad ng Axphain." Bumuntonghininga na lamang ako at humalukipkip sa aking upuan.

Ayokong makinig.

Nagsimula ng magsalita ang guro sa harapan habang ako naman ay unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang may humampas sa aking upuan, dahilan para magising ang aking diwa.

Inis akong tumingin sa humampas at laking gulat ko nang makita si Ginang Sena pala ang gumawa. Napawi kaagad ang aking inis at napalitan ng kaba ang aking nararamdaman. Rinig na rinig ko rin ang mga tawanan ng aking mga kaklase.

Habang sina Borin, Collyn, Rony at Crystal ay seryosong nakatingin sa akin na parang naaawa. Hindi ba dapat pagtawanan din nila ako gaya ng ginawa ng iba kong kaklase?

"Unang araw mo pa lang sa klase, ganito na agad ang ipinakita mo, Serephain! Mukhang hindi ka interesado sa aking klase!" Sigaw sa akin ni Ginang Sena, habang ako ay nakayuko dahil sa kahihiyan.

"Ngayon, sabihin mo sa amin ang tungkol sa limang siyudad na 'to. Iyan ang parusa mo sa hindi pakikinig sa akin." Napabuntong-hininga na lamang ako at tumayo nang may kumpiyansa sa sarili.

"Ang limang siyudad ay nabuo simula noong mga panahong nagkaroon ng alitan ang mga kapwa Axphainian. Ang limang siyudad na ito ay ang Luxa, Ignis, Ventus, Aqua at Terra. Ang bawat siyudad ay may lider, maliban sa mga Summa. Ang mga lider na ito ay sila ang mga anghel na binigyan ng posisyon upang pangalagaan ang kanilang mga kinabibilangang siyudad. Ang kaibahan lamang ng mga Summa ay sila mismo ang nagpo-protekta, nangangalaga at nagpapanatili sa kapayapaan ng buong lupain ng Axphain. Kaagapay sa trabaho nila ang mga kabalyero mahiko, ang mga lider ng mga siyudad at maging ang mga miyembro ng kunseho mahiko."

Huminto muna ako sa pagsasalita at ginala ang aking mga mata. Ang mga kaklase ko ay napapanganga at hindi makapaniwala.

"Una, ang siyudad ng Luxa. Dito naninirahan ang mga anghel na may kakayahan bilang apat hanggang sampu. Sila ay hindi binibiyayaan ng kapangyarihan ng elemento, ngunit sila ay may mas maraming kapangyarihan ng isang pagiging divine. Itong siyudad ay nasa sentro ng Axphain. Dito rin naninirahan ang mga Summa. Ang mga divine powers ng Luxa ay ang massive strength, heat vision, controlling minds, mind reader, super senses, healing factor, levitation, speed at ang huli ay ang light magic. Ngunit hindi lahat ng mga taga-Luxa ay may sampung kapangyarihan dahil tanging si Suprema Celestia lamang ang biniyayaan lahat ng sampung kapangyarihan bilang isang Luxians. At ang huli, kasalukuyang lider ng Luxa ay walang iba kun'di si Binibining Zeli."

Napatingin naman ako kay Ginang Sena, prenteng nakaupo ito sa kaniyang upuan habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Pangalawa ay ang siyudad ng Ignis. Naninirahan sa siyudad na ito ang mga anghel na binibiyayaan ng kakayahang makamanipula ng apoy. Sila ay naninirahan malapit sa bulkan at ang mga anghel na binibiyayaan lamang ng tatlong divine powers. Ito ay ang controlling minds, invisibility in fire at shield manipulation. Ang kanilang mga mata ay kulay pula at sa iilang hibla ng kanilang buhok ay may kaunting kulay pula rin. Ang Ignis ay sumisimbolo ng pasyon, hangarin, muling pagsilang o muling pagkabuhay, kawalang-hanggan, pagkawasak, pag-asa, pagdalisay at sumisimbolo rin ang impyerno. Ang kanilang siyudad ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Axphain. Si Suprema Astra ay isang taga-Ignis na naging Summa. At ang kasalukuyang lider ng siyudad na ito ay si Ginoong Reinan."

"Pangatlo ay ang siyudad ng Ventus. Naninirahan rito ang mga anghel na binibiyayaan ng kakayahang makamanipula ng hangin. Sila ay naninirahan sa lambak na matatagpuan sa bahaging timog ng Axphian. Maliban sa kakayahang makamanipula ng hangin ay biniyayaan din sila ng tatlong divine powers. Ito ay ang speed, heat vision at saka duplication. Ang Ventus ay sumisimbolo ng pagiging aktibo, marahas, at kumakatawan sa kapangyarihan ng espiritu sa pagpapanatili ng buhay. Ang mga taga-Ventus ay mayroong puting mata at buhok, ngunit iba-iba naman ang kulay ng kanilang mga pakpak. Mayroong mga kulay puti at kulay ginto. Ngunit, kung sa mga mata at buhok, sila ay magkapareho. Si Supremo Plomyde ay ang Summa na taga-Ventus. At ang kasalukuyang lider ng siyudad nila ay si Ginoong Jonart."

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago magpatuloy.

"Pang-apat ay ang siyudad ng Aqua. Dito naninirahan ang mga anghel na binibiyayaan ng kakayahang makamanipula ng tubig. Ang kanilang siyudad ay matatagpuan sa tabing dagat sa kanlurang bahagi ng Axphain. Maliban sa kakayahang makamanipula ng tubig ay biniyayaan din sila ng tatlong divine powers. Ito ay ang hypokinesis, beauty o siren voices at saka super senses. Sila ay may kulay asul na mga mata at sa iilang hibla ng kanilang kulay gintong buhok ay may kaunting kulay asul din. Ang Aqua ay kumakatawan tungkol sa buhay, at pagdalisay ng kaluluwa. Si Suprema Drishti ay ang pinakabatang Summa na taga-Aqua. At ang kasalukuyang lider naman ng kanilang siyudad ay si Binibining Nicams."

"At ang pang-huli ay ang siyudad ng Terra. Ang mga anghel na naninirahan sa siyudad na ito ang may kakayahang makamanipula ng malalaking bato, solidong bato, buhangin at mga halaman. Maliban sa pagkakaroon ng kakayahang makamanipula ng earth element ay binibiyayaan sila ng tatlo ring divine powers. Ito ay ang summoning, petrification sa pamamagitan ng pagtingin o pagtitig, at invulnerability. Ang mga taga-Terra ay mayroong kulay berdeng mga mata at sa kulay puti o kulay gintong mga buhok nila ay nahahaluan din ang iilang hibla ng kulay berde. Ang Terra ay sumisimbolo sa pampalusog, pagkamayabong, walang katapusang pagkamalikhain at ang kahabaan ng buhay. Ito rin ay kumakatawan tungkol sa materya. Si Supremo Esma ay isa sa mga halimbawa ng isang pagiging taga-Terra. At ang kasalukuyang lider ng kanilang siyudad ay si Binibining Silver."

Tumingin naman ako kay Ginang Sena, at nakita ko ang malapad niyang mga ngiti sa labi.

Sobrang dali lang naman ipaliwanag ang limang siyudad, lalo na't alam ko naman ito simula noong sampung taong gulang ako.

"Ngunit, ang apat na siyudad, Ignis, Ventus, Aqua at Terra ay mahigpit na ipinagbabawal na pumasok sa siyudad ng Luxa na walang pahintulot mula kay Suprema Celestia. Ito ay dahil mapanatiling payapa at upang iwasan ang gulo sa pagitan ng limang siyudad. Mayroong taunang pagsusulit ang siyuad ng Luxa para sa mga kabataan ng apat na nasabing siyudad upang mabigyan ng pribilihiyong makapasok at makapag-aral sa Axphain Academy. At silang apat . . ."

Itinuro ko sina Borin, Collyn, Rony at Crystal dahilan para mapatingin sila sa akin. "Sila ang halimbawa sa taunang pagsusulit. Sila ay hinirang na panalo kahapon sa pagsusulit at nandito upang ipagmalaki ang kanilang siyudad na pinagmulan."

Matapos kong ipaliwanag sa kanilang lahat ang tungkol sa limang siyudad ay kitang-kita ko ang malalapad na ngiti ng aming guro.

May mga iilan akong kaklase na pumalakpak at humahanga. At meron din namang mga naiinggit o mga kaklaseng walang ibang gawin kun'di ang maminsala ng kapwa nilalang.

Sila ang mga nilalang na ayaw malamangan, iyan lamang ang aking mga napansin. Nagsasabi ako ng totoo.

Bakit pa ba ako magsisinungaling at magmaang-maangan kung alam ko na kung anong klaseng nilalang ang mga nakapaligid sa akin? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro