Kabanata 08: Ikalawang Antas: Ang Labanan [ii]
Malamig na simoy ng hangin ang humampas sa balat ko. Papalubog na ang araw, dahilan upang kasing kulay ng kahel ang kalangitan. Pero buhay na buhay ang bulwagan. Napupuno ito ng mga sigawan dahil sa pananabik.
Mga sumisigaw para sa kanilang paboritong kalahok. At mga sumisipol bilang pagsuporta. Sa totoo lang, unang beses ko ito't nalulula ako. Isang marahas na pagbuntonghininga ang aking pinakawalan bago muling tumingin sa sentro ng bulwagan.
Sa mga oras na 'to ay nasa gitna ng bulwagan sina Rony, kalahok na nagmula pa sa Ventus at Rosey, kalahok na nagmula sa Terra. Sila ang ikalawang mga kalahok na maglalaban.
Nang makita nilang sumenyas ang lalaking umawat kanina sa laban pagitan kina Collyn at Cedric ay bigla namang naging bato si Rony. Nagsinghapan ang lahat nang makita iyon at hindi makapaniwalang ganoon ito kabilis matalo.
Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mapupulang labi ni Rosey nang makita ang sitwasyon ng kalaban. Subalit, bigla naman siyang tumilapon kung saan-saan nang biglang may sumipa mula sa likuran niya.
Naghiyawan ang lahat nang makita nila si Rony na inakalang tuluyan na nga itong naging bato. Siya naman ang nakita kong sumilay ang nanghahamong ngiti sa labi.
Hindi na hinintay pa ni Rony na makitang tumayo ang kalaban ay ipinagkumpas na niya ang kaniyang mga kamay upang makapagmanipula na ng elementong meron siya. Sobrang bilis ng mga matutulis na hangin niya at mukhang alam na naming lahat kung sino ang mananalo.
Subalit, ang mga matutulis niyang hangin ay hinarangan ito ni Rosey ng kanyang mga matutulis at malalaking bato at doon nagtago para maiwasan niya ang mga atake nito.
Umasim naman ang mukha ni Rony, dahil kahit man lang isang daplis hindi natamaan ang kalaban. Itinutok niya ang kaniyang mga kamay sa lupa at nagpalabas ng malakas na enerhiya ng hangin dahilan para tangayin siya nito sa ere.
May pakpak naman siya, bakit 'di niya gamitin mga 'yon? Hindi na nga niya pinagaspas ang kaniyang mga pakpak dahil sa kakayahan niyang ilipad ang sarili kahit na hindi ginagamit ang mga 'yon.
Nang nasa ere na siya, kitang-kita niya sa baba si Rosey na nagtatago pa rin.
At tila ba'y parang hinihintay ang pag-atake niya. Bigla namang lumingon si Rosey sa kinaroroonan ni Rony dahilan para mapagaspas ang kaniyang mga pakpak palayo sa mga tingin nito. At nakita kong dahan-dahang naging bato ang kamukha ni Rony at bumagsak ito dahilan para magkapira-piraso.
Nakukuha ko na, ang mga Terra ay may kakayahan ng petrification sa pamamagitan ng isang tingin lang. Napatingin uli ako sa kinaroroonan ni Rosey dahil biglaang lumiwanag. Sa isang iglap, hawak-hawak na niya ang dalawang malaking gintong espada.
Kung may kakayahan sila ng petrification, meron din silang kakayahan ng summoning.
Biglang lumakas ang hangin sa buong bulwagan at hindi ko na tanaw si Rony dahil sa sobrang bilis niyang paikot-ikot sa ere. Ang mga taga Ventus ay mayroon din silang kakayahan na pabilisin ang sarili. Si Rosey naman ay hindi nagpapatinag at hinihintay ang maging mga atake ng kalaban.
Sa isang iglap naman ay umusok na ang katawan ni Rosey at naging visible sa paningin ko ang mga maliliit na bilog na tila ba'y parang napapaso. Subalit, si Rosey ay nakatayo lamang na parang hindi nasasaktan.
Kung hindi ako nagkakamali, 'yong mga bilog na nasa katawan ni Rosey ay 'yon 'yong kakayahan ng mga taga-Ventus. May kakayahan sila ng heat vision. Sa isang titig lang ng isang kalaban ay magkakaroon ito ng katulad kay Rosey o 'di kaya'y mapapaso.
Si Rosey naman, kaya siya nakatayo lamang na parang walang nangyari. Ito ay kakayahan din ng mga Terra ang invulnerability. Huminto naman ang bilis ni Rony kanina at nagsilakihan ang mata ng mga tao nang makakita kami ng mga kamukha niya.
Sobrang dami. Hindi ko mabilang. Sa pagkakataong 'to, nagsilakihan naman ang mga mata rin ni Rosey. Pero kaagad din naman siyang tumayo ng matuwid at inalerto ang sarili.
Nagsilabasan naman ang mga matutulis na hangin mula sa napakaraming Rony. Ang mga Ventus ay mayroon ding kakayahan ng duplication. Sa sobrang dami ng matutulis na hangin malabong maiiwasan pa 'to ni Rosey.
Gaya ng dati, sobrang bilis ng mga matutulis na hangin ni Rony. At nang makalapit ito ay iwinasiwas ni Rosey ang kaniyang dalawang malaking kulay gintong espada. Nahati ng espada niya ang hangin ni Rony.
Ibig sabihin mayroong anti-magic ang espada niya.
Kaya nitong hatiin o ilihis ang iba't ibang klaseng mahika. Subalit sa kabila na meron siyang anti-magic sword ay bigla siyang napabagsak sa sahig nang tumusok ang mga matutulis na hangin mula sa likuran niya. Kaagad naman siyang napabagsak sa sahig at napaubo ng dugo.
Hinawakan ni Rosey ang sahig at biglang nagsilabasan ang kaniyang matutulis na bato upang depensahan ang kaniyang sarili. Sa sobrang dami, at sa sobrang bilis ng mga atake ni Rony ay unting-unting nasira ang panangga niya.
Hanggang sa tuluyan na nga itong nasira at natatamaan na si Rosey sa likod.
Dami na niyang dugo at tila ba'y parang walang balak na tumigil si Rony. Ang mga nanonood ay napapasinghap at napapatakip ng mga mata dahil sa takot na baka mapatay na niya ang kalaban.
Ilang segundo ang nakalipas ay inawat na ng parehong lalaking umawat din sa labanan kanina nina Cedric at Collyn. Saka na lamang huminto si Rony at tahimik na umalis sa gitna ng bulwagan.
Inalalayan na rin si Rosey ng mga healers palabas ng bulwagan upang gamutin ito. Inayos naman ni Lady Celestia ang mga nasira at handa na ulit ang bulwagan sa susunod na labanan. Wala ng sinayang na oras at tinawag na sina Borin, mula pa sa syudad ng Aqua at Lenli, mula pa sa syudad ng Ignis.
Itong lalaking nagngangalang Borin, sobrang lakas nito basi sa pinapakita nito sa unang antas. Maging ang mga kapitan ng kabalyero mahiko at mga Summa ay nagsitayuan no'ng unang antas para bigyan siya ng papuri.
Naghanda na silang dalawa at pinakiramdaman ang isa't isa.
Nang makita ang hudyat ng taga-awat ay biglang nagbuga ng malalaking apoy si Lenli, dahilan para mapagaspas ni Borin ang kaniyang mga pakpak palayo. Nasa ere na si Borin at hinintay ang sunod na atake ng kaniyang kalaban.
Tila ba'y parang naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon. Nakita kong nagmanipula siya ng isang kalasag na nababalutan ng apoy katulad ng kay Collyn. Sunod-sunod ang kanyang pagmanipula. At sunod-sunod din niya itong itinapon kay Borin.
Subalit, ang mga iyon ay walang epekto.
Nakita ko namang tinitigan ni Lenli si Borin dahilan para mapatigil sa pagkilos si Borin. Napabuntong-hininga ako. Ang mga Ignis sobrang delikado nila. Muntik ko ng makalimutan, kaya nila palang kontrolin ang isip ng isang nilalang. Ngunit napalipad sa ere si Lenli nang atakehin siya gamit ang matutulis na yelo mula kay Borin.
Isang nakakalokong ngiti naman ang namutawi sa mga labi ni Borin. Habang si Lenli naman ay naguguluhan kung paano nakatakas sa kakayahan niya ang kalaban.
"Paano . . ." Hindi matapos-tapos ang mga salitang narinig ko mula kay Lenli dahil hindi pa rin siya makapaniwala.
"Baka nakalimutan mo, isa sa kakayahan namin ang hypnokenesis. Alam ko kung paano niyo kontrolin ang isip ng isang nilalang. Pinapatulog niyo ito sa panaginip. At tamang-tama sa kakayahan ko, kaya kong ma-kontrol at manipulahin ang panaginip ng isang nilalang." Rinig kong paliwanang ni Borin, pero hindi pa rin niya mai-alis ang nakakaloko niyang ngiti.
Napalayo sa kaniya si Lenli dahilan para tumawa siya ng malakas.
"Huwag kang mag-aalala, hindi ko gagamitin ang hypnokenesis laban sa 'yo dahil sasaktan lamang kita gamit ito." Biglang ibinuka ni Borin ang kaniyang mga bibig at umawit.
Rinig na rinig pa namin ang magagandang timbre ng boses nito. Nagsilakihan ang mga mata ni Lenli at sumigaw ng malakas na tila parang nasasaktan. Pilit niyang nilalabanan ang kakaibang atake ni Borin. Subalit hindi pa rin niya magawa dahil sa sobrang lakas nito.
Si Borin ay may kakayahan ng hypnokenesis, gaya nga ng sabi niya ay isa itong kakayahang kumuntrol at manipulahin ang panaginip ng isang nilalang. At mayroon din siyang kakayahan ng isang boses na parang sirena.
Taga-Aqua rin naman siya kaya hindi na kaduda-duda 'yon.
Nakita ko naman sa pagkakataong 'to ay unti-unting naging yelo na ang katawan ni Lenli. Teka, pwede ba 'yan? Maaring ikamatay 'yan ng kalaban ni Borin. Patuloy pa rin ang pagkanta ni Borin at patuloy pa ring pumipiglas si Lenli. Pilit niyang tinatakpan ang kaniyang mga tenga para hindi marinig ang mapanlinlang na mga boses ni Borin.
Nang magawa ni Lenli ang kaniyang plano ay bumuga siya ng apoy doon sa mga binti niya na unti-unting natunaw ang yelo. Nang tuluyan na nga siyang nakawala ay nagpalabas siya ng mga maliliit na bolang apoy at itinapon ang mga 'yon kay Borin.
Subalit, walang epekto pa rin 'yon sa kalaban.
Dahil sa inis ni Lenli at bigla siyang sumiklab. Sa isang iglap ay nawala siya. Natatandaan ko na, ito rin 'yong ginawa ni Collyn. Naging invisible siya dahil sa apoy. Ngunit, hindi pa rin nabasbasan ng kaunting takot at palagi lang nakangiti na tila ba'y parang alam na alam niya kung nasaan ito.
Nakalipad si Borin at pinakiramdaman lang niya ang kaniyang paligid.
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla-biglang may papuntang malaking bolang apoy mula sa likuran niya. Humarap kaagad si Borin nang malapit na ito sa kaniya at gumawa ng malaking dingding na gawa sa yelo para pigilan ang bolang apoy.
Medyo matagal nawala ang bolang apoy dahil sa laki nito. At matagal din namang natunaw ang ice wall ni Borin dahil sa sobrang kapal nito. Sa isang iglap ay biglang nagsilabasan ang isang matutulis na yelo ni Borin at laking gulat ko na lamang nang makitang matusok doon si Lenli.
Natusok nito ang kaniyang sentrong tiyan sa matulis na yelo. Dahilan para mag-agusan ang kanyang mga dugo roon sa yelo at napaubo. Inawat kaagad ng lalaking taga-awat ang labanan nang makita kung gaano kalala ang ayos ni Lenli.
Kahit papaano ay ibinaba naman ni Borin ng maayos si Lenli gamit ang kanyang kakayahan, at inilapag sa sahig nang dahan-dahan. Naghiyawan naman ang mga taong nanonood. Tulad ng dati ay nagsitayuan ang mga kapitan ng kabalyero mahiko at ang mga Summa.
Hindi ko pa rin alam kung paano nalaman ni Borin na nandoon sa lugar na 'yon si Lenli. Pwedeng-pwede rin naman siyang gumawa ng matutulis na yelo para siguradong-sigurado niyang matatamaan ito.
Pero hindi e, tanging isang matutulis na yelo lang ang kaniyang pinakawalan at diretso pa ito sa kalaban. Hindi kaya simula noong naging invisible si Lenli, alam na kaya niyang nasaan ito? Posible rin.
Hindi lang siya gwapo at matipuno kun'di ay sobrang galing niya rin sa pakikipaglaban. Isa na rin siguro 'yon sa katangian niya ang pagiging parang bata kung umasta. Pero itong Borin na 'to, paborito ng mga kabalyero mahiko at ng mga Summa.
Maging sa mga madla.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro