Kabanata 05: Mga Kapitan ng Kabalyero Mahiko
Itinaas naman ni Suprema Celestia ang kaniyang kamay, isang senyas para patahimikin ang lahat. Tumahimik naman ang bulwagan at naghintay sa sasabihin ng kataas-taasang pinuno ng Axphain.
Ang mga Summa ay sila 'yong mga divine angels na nagpapanatili sa kapayapaan, at nagpo-protekta sa buong lupain. Si Suprema Celestia ang tinaguriang kataas-taasang Summa habang 'yong mga natitirang Summa ay sila 'yong mga kanang kamay niya.
Lahat ng mga napagplanuhan ay dadaan muna kay Suprema Celestia bago ito aprubahan. Sa mga nababasa kong libro ay inilathala na halos apat na pung taon na siyang nagsisilbi sa buong lupain ng Axphain.
At magpasahanggang ngayon ay nanatili pa rin siyang nasa posisyon niyang bilang kataas-taasang pinuno. Inilathala na rin sa libro na ang pagiging Summa ay malaking responsibilidad.
Sa mga oras na 'to ay nandito pa rin ako sa lugar na walang nilalang. Nakatingin ako sa sentro ng bulwagan kung saan nakatayo si Suprema Celestia, habang 'yong taga-anunsyo naman ay nasa likuran lamang niya. Ang mga manonood ay tahimik na naghihintay sa sasabihin niya.
"Magandang hapon, mga mamamayan ng Luxa at sa mga kalahok sa pagsusulit na 'to na nanggaling pa sa ibang syudad!" Masiglang bati ni Suprema Celestia dahilan para matuwa sa kaniya ang mga nakarinig.
May mga nagsisigawan, sumagot sa sinabi niya, sumipol at may mga pumalakpak lang. Napangiti naman siya sa naging sagot ng mga iilang anghel sa kaniya.
"Bago ang lahat ay gusto kong magpasalamat sa punong mahistrado, na talaga nga namang binigyan niya ang kahilingan kong siya ang maghahanda para sa gaganaping pagsusulit ngayong taon. At paalala, makakasama natin siya upang siguraduhing magkakaroon tayo ng patas at malinis na labanan. Masigarbong palakpakan para sa punong mahistrado ng kunseho mahiko, siya ay apat na dekada ng nagsisilbi sa katarungan, Ginoong Percival!"
Isang malakas na palakpakan naman ang namayani sa buong bulwagan nang makita nila si ama.
Nakasuot siya ng puting mahabang damit na panlalaki na gawa sa sutla. Nakabitbit siya ng timbangan ng hustisya sa kaliwa niyang kamay habang ang kanang kamay niya naman ay may dala-dalang kulay gintong espada.
Sa pagkakaalam ko, ang timbangan ng hustisya ay kumakatawan sa balanse ng indibidwal laban sa mga pangangailangan sa lipunan. At isang patas na balanse sa pagitan ng mga interes ng bawat indibidwal.
Nang makalapit na si ama sa kinaroroonan ni Suprema Celestia ay nakita kong niyuko niya ang kanyang ulo bilang paggalang. Pagkatapos niyang batiin ang Suprema ay humarap siya sa nakalutang na orb habang suot-suot pa rin niya ang napakaseryosong ekspresyon.
"Nandito ako sa harapan niyo para ipaalam na nandito ako't tumayo sa harapan niyo sa katotohanan at sa patas na laban. Itong timbang ng hustisya ang siyang huhusga sa lahat ng mga kalahok!" Nagulat ako sa naging timbre ng boses ni ama.
Sobra siyang nakakatakot sa totoo lang.
Nakinig lang sa kaniya ang mga nanonood at parang takot na takot. Matapos sabihin 'yon ni ama ay umaatras siya at nagpaalam kay Suprema Celestia. Pinagaspas niya ang kaniyang pakpak pataas at pumunta sa upuan niya.
Nakita ko rin na nandoon na ang ilang miyembro ng kunseho mahiko.
"Bago tayo dumiretso sa pagsusulit ay gusto ko lamang ipapakilala sa lahat ang ating mga kapitan ng kabalyero mahiko na isa ring naging dahilan kung bakit nasa kapayapaan ang ating nasyon. Ang anim na mga kapitan na 'to ay siyang magiging hukom din sa pagsusulit na magaganap mayamaya lang." Naging masigla bigla ang mga mukha ng mga nanonood matapos marinig ang sinabi ni Suprema Celestia.
Nakita ko naman na ang lahat ay mukhang nananabik na masilayan ang mga kapitan.
Hindi ko maipagkaila, pero ganoon din ang nararamdaman ko. Kahit papaano ay may kaunting kaalaman ako tungkol sa kanila lalo na't hindi ko pa nabubuksan at nababasa ang bagong librong ibinigay sa akin ni ama.
Nabalik ako sa realidad nang biglang tumikhim si Suprema Celestia sa harapan ng mikropono.
"Masigarbong palakpakan para kay Kapitana Anil, siya ang kapitana ng mga kabalyerong mahiko mula sa Ventus, makikita sa timog ng Axphain!" Masiglang pakilala ni Suprema Celestia.
Matapos tawagin ni Suprema Celestia si Kapatina Anil ay nakita naming lumipad siya patungo sa gitna ng bulwagan. Nakangiti itong kumakaway sa mga nanonood at bigla itong nilagay ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang dibdib.
Sa pisikal niyang kaanyuan ay puti ang kaniyang buhok, puti rin ang kaniyang mga pakpak at ang kaniyang mga mata. Ang ganitong kaanyuan ay talaga nga namang nagpapatunay na siya ay taga Ventus. Subalit, nakasuot siya ng armor dahilan para mas lalong lumitaw ang kagandahan niya. Sobrang astig niyang tignan.
Tumingin muna siya sa baba kung nasaan naroroon si Surprema Celestia.
Isang tango lamang niya ay bumalik na sa upuan si Kapitana Nozel. Nakita kong nakaupo na pala roon ang lahat ng mga kapitan ng kabalyero mahiko dahilan para manabik akong kilalanin sila isa-isa.
"Masigarbong palakpakan para kay Kapitan Nile, siya ang kapitan ng mga kabalyerong mahiko mula sa Aqua, kung saan nasa kanlurang bahagi ng Axphain!"
Tumingin uli ako sa ikalawang palapag ng bulwagan kung saan makikita ko lang sa 'di kalayuan, lalo na't nasa harapan ko lang ang kinaroroonan ng mga kabalyero.
Ibig kong sabihin, nasa kaliwang bahagi ng ikalawang palapag ang kinaroroonan ng mga kapitan habang ako naman ay nasa kanang bahagi ng bulwagan.
Nakita ko namang lumipad papuntang sentro ng bulwagan ang isang lalaking anghel na may suot ding armor. Karaniwang kaanyuan ng mga taga Aqua ay mayroong kulay asul silang mga mata at may iilang kulay asul sa mga hibla ng mga buhok nila.
Si Kapitan Nile ay mayroon siyang kulay gintong pakpak at gintong buhok. Pero sa mga napapansin ko sa mga taga-Aqua ay hindi sila magkapareho ng mga kulay ng buhok, at kulay ng pakpak maliban sa mga kulay ng kanilang mata at kulay ng suot nilang mga damit.
Naiiba lang talaga ang mga taga-Ventus dahil lahat sila ay pareho ng kulay mula sa mata, suot na damit at maging sa kulay ng kanilang mga pakpak.
Gaya ng ginawa ni Kapitana Anil kanina ay niyuko niya ang kaniyang ulo at nilagay sa dibdib niya ang kaniyang kaliwang kamay habang nakakuyom. Umalis naman siya sa roon at muling bumalik sa kinauupuan niya kanina.
Tumigil naman ang palakpakan matapos maka-upo siya. Rinig ko pa rito sa ikalawang palapag ng bulwagan ang mahihinang buntonghininga ni Suprema Celestia bago ipapakilala ang susunod na kapitan.
"Masigarbong palakpakan para kay Kapitan Kiran, ang kapitan ng kabalyero mahiko mula rito mismo sa syudad ng Luxa!"
Tumayo sa kinauupuan si Kapitan Kiran at pinagaspas niya ang kaniyang pakpak papunta sa sentro ng bulwagan. Isang malakas na palakpakan naman ang namayani, dahilan para mapaayos siya ng paglipad at nilagay ang kaniyang nakakuyom na kamay sa dibdib.
Gaya ng mga karaniwang pisikal na kaanyuan ng pagiging mga taga-Luxa ay mayroon siyang kulay gintong mga pakpak, habang 'yong buhok niya ay puti at kulay itim ang mga mata. Nakasuot din siya sa kaniyang armor.
Matapos ni Kapitan Kiran ay bumalik siya sa kaniyang upuan.
"Masigarbong palakpakan para kay Kapitana Soliel, ang kapitana ng kabalyero mahiko mula pa sa hilagang bahagi ng Axphain, ang syudad ng Ignis!"
Nang marinig ko ang pangalang 'yon ay kinabahan ako bigla. Hindi ko alam pero siya si Kapitana Soliel, ang matagal ko ng gustong makilala at masilayan siya.
Tumayo naman siya sa kaniyang upuan at pumunta sa sentro ng bulwagan. Ginawa niya rin ang ginawa ng ibang mga kapitan at bahagyang niyuko ang kaniyang ulo. Mayroon siyang kulay puting mga pakpak at ang armor na talaga nga namang nagpadagdag kaseksihan niya.
Mayroon din siyang kulay puting buhok na may kaunting nahaluang kulay pula. Subalit, kapansin-pansin ang kaniyang nagbabagang mga mata.
Gaya nga ng kwento sa akin ni ina ay hindi nga ito palasalita, pero masasabi mo talagang napakabait niyang nilalang. Ilang segundo niya roon sa kinaroroonan niya ay bumalik na ulit siya sa upuan.
"At ang huling kapitan ay ang kapitan ng mga kabalyero mahiko mula sa syudad ng Terra, kung saan matatagpuan sa silangang bahagi ng Axphain. Masigarbong palakpakan para kay Kapitan Tellus, na talaga nga namang nangunguna sa lahat ng mga kapitan." Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga nanonood nang makita nilang pumunta sa sentro ng bulwagan si Kapitan Tellus.
Ginawa niya rin katulad ng ginawa ng mga iba pang kapitan at ngumiti sa mga nanonood. Si Kapitan Tellus ay brusko at isang gwapong lalaki. Ang buhok niyang kulay ginto ay hanggang sa leeg niya ang haba.
Kapansin-pansin din ang kulay berde niyang mga mata at maging pilik-mata.
Ilang segundo ay bumalik na rin siya upuan niya. Nang tumigil na ang palakpakan ay binalik na ng lahat ang kanilang atensyon kay Suprema Celestia na parang may hinihintay na mensahe.
"Ang mga kapitan ng kabalyero mahiko at mga miyembro ay ang mga matapat, palaban at walang pag-alinlangang ibigay ang kanilang buong buhay upang protektahan ang ating lupain laban sa mga may gustong manakop. Sila ay isa sa pundasyon ng ating kapayapaang natatamasa ngayon, at ang isa sa pangunahing dahilan. Malaki ang pasasalamat ng mga Summa na nandiyaan sila parati sa aming tabi at sa buong lupain ng Axphian upang tayo'y ilayo sa kapahamakan."
Napahinto sa pagsasalita si Suprema Celestia nang biglang maghiyawan ang mga nanonood.
Sumenyas naman ang taga-anunsyo para patahimikin ang mga ito. "Maraming salamat. Ngayon, muling magbubukas ang pagsusulit para sa mga kabataan ng Ignis, Ventus, Terra at Aqua para mabigyan ng pribilihiyong makapasok sa syudad ng Luxa at makapag-aral sa Axphain Academy. Ang pagsusulit na 'to ay idadaan sa matinding labanan gamit ang kakayahan. Sa lahat ng mga kalahok, binabati ko kayo!"
Naghiyawan muli ang mga nanonood habang ako ay tahimik na napapangiti sa magandang mensahe ni Suprema Celestia.
Nakita ko namang pinagaspas niya ang kaniyang kulay gintong mga pakpak at pumunta sa upuan niya kasama ang iba pang mga Summa. Habang hinihintay kung kailan mag-uumpisa ang pagsusulit. Bigla naman akong napatanong sa sarili:
Gaano kaya kalakas ang mga kapitan ng kabalyero mahiko at ang mga Summa?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro