Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

STORY TITLE: AWAY

STARTED: 10/2/2012

ENDED:

GENRES: Fantasy,Romance,Slice of Life, School, Teen Fiction

-------

Chapter 1

Joshua's POV

"Francess! Dali!" Pag-tawag ko kay Francess, malapit na kasing magsimula ung palabas. Ung palabas na paboritong paborito niya sa TV.

"Bakit?" Tanong niya saka siya umupo katabi ko saka nagsalita, "Kyaaah! FairyTail!" Pag-tili niya. Kinuha niya ang remote at nilakasan ang volume. Tinago narin niya ang remote. "Bawal baguhin ang channel!" Sabi niya habang nakatingin saakin. Diretso siyang tumingin sa TV at pinanood ang FairyTail. Hindi ung Fairytales ah. Ung Anime. Si Natsu , Gray , Lucy , Happy , at iba pa.

"Francess?" Narinig kong pag-tawag sakanya ng mama niya. Oo nga pala, girlfriend ko siya. At... nandito mapagsamantala ako sa bahay nila dahil gusto ko rin siya makasama.

"Bakit Mama?" Tanong niya sa Mama niya at diretso siyang tumingin nung nag-commercial ung FairyTail.

"Bilan mo nga wuna ako ng gamot diyan sa labas" Pag-utos ng mama niya kay Francess , "Eh mama! may pinapanood pa ako! mabilis ung commercial eh!" Pag-tangi niya sa utos ng mama niya.

"Sige na, ngyon lang ako ulit magpapabili eh" Sabi ng Mama niya at ngumiti eto sakanya, "Sige na nga!" Sagot ni Francess. Kinuha ang pera galing sa palad ng mama niya saka lumabas at bumili. Naiwan ako dito na pinapanood ng commercial saka ko nakita ung Mama niya na humiga nalang sa loob ng kwarto niya.

Pakilala ko nga pala ung sarili ko. Isama narin natin si Francess.

Kami ni Francess ay nasa 1st year of highschool palang. Oo alam ko , parang mga bata pa kami para sa mga gantong relasyon. Pero mahal talaga namin ang isa't isa kaya hindi namin napigil at nagkaroon nga kami ng relasyon. Section 2 kami. Ibig-sabihin, Average section kami. Hindi masyadong matalino, Hindi masyadong mangmang. Matataas rin naman ang mga grades namin kahit paano. 8th Honor ako siya naman , 7th Honor. 21 kami lahat sa klase. Kaya yun nga, doon na nagtatapos ang pagpapakilala ko saamin dalawa. Basta , masaya talaga ako pag-nandyan siya sa buhay ko at pag-kasama ko siya palagi.

"Joshua!" Narinig kong pag-tawag saakin ng kapit-bahay. Na para bang, natatakot o kinakabahan. "O bakit?" Tanong ko at narandaman ko narin ung pag-tibok ng puso ko dahil sa kaba. "Si Francess, Nabundol!" Sabi niya.

Nalaglag ung plato doon sa kusina at agad-agad akong lumabas ng bahay. Narandaman ko ang sobrang kaba sa sarili ko. Ngyon lang ako kinabahan ng husto.

Napahinto ako sa pag-takbo, Dahil doon na ako nagsimula maging malungkot. Nakita ko si Francess na nakahiga sa daan, nakahinto ang mga sasakyan at tumatawag na sila ng ambulancya.

Dali dali akong lumapit sakanya at saktong dumarating na ang ambulancya. Sumabay narin ako papuntang hospital saka ako naiwan sa labas kung saan siya ginagamot.

Dinalahan ko narin ng mensahe gamit ang cellphone ang kapatid ni Francess. Kung saan, nasa bahay nina Francess at ng kanyang Mama.

Dali dali ring nag-reply ang kapatid niya na tinatanong kung saang hospital ginagamot si Francess. Agad agad kong nireplayan kung saang hospital ginagamot si Francess at sinarado at ni-off ko ang cellphone at umupo ako sa waiting area, malungkot at nagdudusa.

Ilang horas narin ang nakalipas dahil sa nakatulog ako, Nakita ko ang kapatid at ang mama ni Francess sa tabi ko na umiiyak at pinupunasan ang kanilang luha. Ng nalaman ko na , Namatay si Francess limang minuto bago ako magising...

Napa-iyak narin ako hanggang sa nilagay namin siya sa kabaong at nilibing sa sementaryo. Iniwan ko ng bulaklak ang burol niya, nagpaalam sa kapatid at mama niya at saka diretsong umuwi sa bahay ko ng malungkot at lumuluha.

"Nandito ka na pala!"

Hindi ako nagkakamali , Ang boses niya ang naririnig ko... Agad agad kong pinunasan ang mga luha ko at saka ko tinaas ang ulo ko at nakita ko siyang nakatayo sa harap ko , may hawak hawak na bagong lutong pagkain saka ngumingiti.

 Nakangiti eto. Na para bang, walang nangyaring masama, nakakaiyak, nakakaluha at nakakapang-dusa.

************

AWAY Chapter 1 / 25

************

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: