Kabanata 43
GONIETTA rushed out of bed after she received a message from Logan. Nag-iwan siya ng mensahe kanina kung ano ang ginagawa nito. She was still trying to make it up to him because she was still unsure if they were now okay.
Thankfully, Logan replied and said he'd be going out for a grocery.
She quickly fixed herself and ran out of her room. Gusto niyang sumama kaya nagmamadali siya ngayon upang maabutan si Logan.
Saktong pagdating niya sa second floor, kalalabas lang din nito.
"Lolo!" Tumakbo siya papalapit.
Bahagya pa itong nagulat. "Gon? May kailangan ka ba?"
"Wala naman. Gusto ko lang sumama. Okay lang ba?" She tucked both hands on her back, hoping he'd say yes.
"Ah. Okay lang." Napakamot ito sa batok. Nauna itong naglakad sa kaniya at hindi siya nilingon.
He was still avoiding her. Though his avoidance wasn't totally not speaking to her, he was drawing a line. And she could perfectly say that.
Bigla namang sumagi sa isipan niya ang sinabi ni Adamas. Sa katunayan, gabi-gabi niya itong iniisip. Gusto niyang maintindihan kung ano ang nais nitong ipahayag sa kaniya subalit hindi niya talaga kayang mauunawaan kung ano iyon. Parang may isang bagay siyang hinihintay na kailangan niya munang malaman at saka niya lang maiintindihan ang lahat.
Susunod na sana siya sa lalaki ngunit may bigla siyang natanggap na mensahe.
It was from her mother.
Dali-dali niyang binuksan ito nang may ngiti sa mga labi pero kaagad ding nawala nang makita kung ano iyon.
She sent her a photo.
A family photo but without her.
Her mother, father and her little sister were on the beach. Mukhang kagagaling lang nila ro'n.
Mommy:
Ang ganda natin dito nak
Iyan ang mensahe ng kaniyang ina pero kaagad din nitong sinundan ng isa pang mensahe.
Mommy:
Ay wrong send. Sorry Gon
Ilang segundo niya itong tinitigan. She scrolled up a little and found her message about the contest that was totally ignored. Her mother didn't congratulate her. Pumunta siya sa chatbox ng kaniyang ama at ganoon din ang nangyari, isang seen lang ang natanggap niya.
She let out a sigh and typed.
Gonietta:
Did you go out again without inviting me?
Napakagat siya sa kaniyang labi. She hesitated for a moment before hitting the send button.
Mommy:
Galit ka ba Gon?
Nakapasa si Grace sa board exam kaya gusto namin magenjoy ang nurse namin
Busy ka sa drawing2 mo kaya di na kami nag-abala
Masaya ka naman diyan di ba?
Huwag kang magalit
Nagagawa mo naman lahat ng gusto mo dyan
'But I want to celebrate my sister's win too. I want to be with you all too.' She wanted to say that but she ended up deleting it instead. Memories of her childhood slipped through her head which made her shake her head in an attempt to remove her incoming thoughts.
Tama naman ang kaniyang ina. She had everything she wanted, so she had no right to complain just because she wasn't invited.
Pero . . .
"Gon!" Napaigtad siya nang may mga kamay na lumapit sa magkabila niyang balikat. Inangat niya ang tingin. Sumalubong sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng kaibigan.
"Are you okay? You're spacing out. Ilang beses kitang tinawag pero hindi ka nakikinig."
"Ay, sorry." Napakamot siya sa kaniyang pisngi. "Marami lang iniisip."
Logan just tilted his head in response before turning his back and started walking. Inangkla niya naman ang mga kamay sa braso nito upang sabayan sa paglalakad. Pansin niyang natigilan ang lalaki pero hindi naman nito inalis. Hinayaan lang siya nito hanggang sa makalabas sila ng building.
"Logan."
"Hmm?"
"Galit ka pa rin ba sa akin?"
"No. I'm not mad nor have I got mad at you."
Napabuntonghininga na lang siya. Ni hindi man lang siya sinulyapan ng lalaki kaya paano niya paniniwalaan ang mga katagang iyon?
Nang may paparating na taxi, pinara nila to. Titigil na sana sa harapan nila ang taxi subalit ang itim na van na nasa likuran nito ay biglang nag-overtake. Ito ang pumarada sa kanilang harapan kaya sabay silang napaatras. Bumukas ang pinto at may mga lalaking malalaki ang katawan na lumabas, natatakpan ang mga mukha nito kaya hindi nila makilala kung sino.
"Who are--" Hindi natapos ni Logan ang sasabihin nang sinuntok nito ang sikmura.
Lumapit din ang isa pa sa kaniya at hinila siya papasok ng van. Sumigaw siya at pilit na nagpumiglas pero dahil sa lakas nito nagawa siya nitong buhatin at itapon sa loob.
"Gon!"
Sunod ding naipasok si Logan. Hawak-hawak nito ang tiyan at mukhang namimilipit pa sa sakit.
"Sino ba kayo!" sigaw niya. Akmang hihilahin niya ang bonnet ng katabi subalit pinigilan siya nito at tinakpan ang kaniyang bibig.
Humarurot ang van na sakay-sakay silang dalawa.
Na-kidnap kami? Sa laki naming 'to ma-ki-kidnap pa kami?!
She started panicking. Nagsimula na rin siyang kabahan pero hindi iyon naging hadlang upang manahimik siya at tumigil sa paggalaw.
Kinagat niya ang palad na nakatakip sa kaniyang bibig at pinagsisipa ang lalaki.
"Puta!" Napamura ito.
Lumingon siya sa kabilang bahagi kung saan nakaupo si Logan. Niyakap niya ito upang abutin ang bonnet ng lalaking katabi nito. Pati ang buhok ay nahawakan niya kaya 'di rin natanggal ang bonnet.
"Sino ka? Sino kayo ha!" sigaw niya sa apat na lalaki. Muli niyang pinagsisipa ang lalaking tumakip ng bibig niya kanina nang mag-amba itong pigilan siya.
"Don't touch her!" Ginaya rin ni Logan ang ginawa niya at hinila ang bonnet sa lalaking nag-akmang hawakan ang kaniyang paa.
"Putangina! Patahimikin niyo nga 'yang dalawa!" saad ng driver.
Namilog ang mga mata niya nang may hawak na baseball bat ang lalaking katabi ng nasa driver's seat. Nilingon sila nito. Sa kaniya ito nakatitig at mukhang siya ang una nitong puntirya.
Napapikit siya. Handa na siyang tanggapin ito subalit may mga braso na yumakap sa kaniya at iyon ang sumalo sa bat.
"Logan!" Gon screamed when a loud thud hit Logan's head. Hinawakan niya ang ulo nito upang tingnan sana ang kalagayan ng lalaki subalit isang malapot na bagay ang naramdaman ng kaniyang mga kamay.
He was bleeding.
"Logan! Logan!" tawag niya sa lalaki pero hindi ito sumagot. Mabigat din ang katawan nitong nakayakap sa kaniya.
He was unconscious.
"Ayan ang napapala sa mga maiingay! Kaya ikaw, kapag may gagawin ka namang kahibangan, susunod ka r'yan sa kasama mo!" banta ng lalaki sa kaniya at dinuro ang baseball bat.
Hindi siya nakasagot at niyakap na lang ang kaibigan. Rinig na rinig niya ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. Sunod na tumulo ang kaniyang mga luha habang iniisip ang kalagayan nito. Kanina lang, nasa labas pa sila ng building, pero ngayon, nandito na sila sa isang van at dinadala sila sa lugar na hindi niya alam kung saan.
Nanginginig niyang pinikit ang mga mata habang mahinang tinatawag ang pangalan ni Logan. Hanggang sa tumigil ang van, hindi pa rin ito sumasagot.
Tumigil ang van sa harap ng isang abandonadong basement. Hinila siya ng isa sa mga lalaki dahilan para mabitiwan niya ang kaibigan.
"Ayusin mo pagkakahawak sa kaniya!" sigaw niya sa lalaki nang kinaladkad lang nito ang walang malay na si Logan.
"Huwag mo 'kong utusan!" Isang sampal ang natanggap niya.
Pinasok sila nito sa loob. Ang akala niya'y madilim, mabaho, at maduming basement ang sasalubong sa kanila ngunit mali. Kumikinang ito sa linis. Habang naglalakad sila sa hallway, wala man lang siyang mahagip na mga alikabok. Parang kakapinta lang din ng mga pader dahil wala pa itong kahit na isang dumi.
Dinala sila ng mga lalaki sa isang magarang kuwarto. Napasubsob sila papasok dahil sa lakas ng pagkakatulak ng mga lalaki bago isara ang pinto at iwan silang dalawa.
"Logan." Kaagad niyang nilapitan ang kaibigan. Hinila niya ito at sinandal ang katawan sa kaniya. "Logan, gumising ka please."
"You're Logan and Gonietta, yes?"
Natigilan si Gon nang may magsalita. Napaangat ang kaniyang tingin sa malaking kama na nasa harapan nila. At doon, may lalaking nakasandal sa kama at mapaglarong nakatingin sa kanila.
Kilala niya ito.
It was Azure Laurien.
May cast ang isa nitong kamay at may makapal na gauge ding nakatakip sa ilong. Sa pagkakaalam niya, nahulog ito sa hagdan no'ng araw na makikipag-meeting sana ito sa kanila patungkol sa gagawin nitong investment.
"Ikaw ang may pakana nito?" 'di makapaniwalang saad niya.
"Who else?"
May gumalaw sa katabi nito. Bumangon ang isang babae at dinungaw sila. It was Stacey.
"Oh. You brought the losers." She rolled her eyes and hugged Azure's waist.
"Anong kailangan niyo sa amin?"
Bumaba si Azure sa kama. Mabilis naman itong inalalayan ni Stacey dahil hirap itong maglakad papalapit sa kanila.
"I need you both to lure someone here." Ngumisi ito. "I want that monster to see what I am capable of doing."
Kumunot ang kaniyang noo.
Monster? Who's he referring to?
"Hon, why did you not include the guy I told you last time who slapped me?" Stacey pouted.
"How would I know him? You didn't give me any information except that he was good-looking."
"Well, because I don't know his name."
"Then shut up and just be contented with these two. I am seeking my revenge here, not yours," Azure coldly said.
Hindi naman sumagot si Stacey ngunit bakas sa mukha nito ang inis at pagkadismaya.
Kaagad na napasinghap si Gon nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy nito. May posibilidad na si Adamas ang hinahanap ng lalaki. Mukhang alam na ni Azure na si Adamas ang may kagagawan sa pagkawala ng mga kapatid nito at ang pagkamatay ng ina. At k-in-idnap sila nito bilang pain para sumunod si Adamas sa gusto nitong mangyari.
"Kung ako sa 'yo, itigil mo na 'tong ginagawa mo dahil hindi mo kakayanin ang halimaw na hinahanap mo!" sigaw niya at masama itong tiningnan.
But Azure just smirked. "I don't think so. If I have you two, I doubt he can still be unstoppable."
Nakaalalay pa rin si Stacey sa lalaki nang lampasan sila nito. Lumabas ang dalawa sa kuwarto at iniwan silang dalawa sa loob.
Kaagad naman siyang nag-isip kung paano sila makakatakas dito. Hindi sila puwedeng magtagal dahil hindi maganda ang kalagayan ni Logan ngayon.
Hinawakan niya ang ulo nito at patuloy pa rin ito sa pagdurugo.
Bahagya siyang napamura at inikot ang tingin sa paligid, nagbabakasakaling may makita siyang bagay na makakatulong sa kanila para makalabas.
Bigla niyang naalala ang sinulid na iniwan ni Adamas sa kaniya. Ang sinulid na magtuturo sa kanilang direksyon. Hindi niya pa ito nagagamit. Hindi siya sigurado kung gagana pa ba ito pero walang masama kung susubukan niya.
Kailangan nilang makaalis nang mabilis dito upang maipagamot si Logan.
Kinuyom niya ang kamao nang mahigpit gaya ng sinabi ni Adamas sa kaniya. She prayed in her mind as she waited for a thread to appear.
Laking pasasalamat niya nang may sinulid nga na nagpakita. Kaagad niya itong hinila upang bigyan si Adamas ng signal. The thread immediately disappeared after pulling it.
"G-Gon?" Gumalaw ang kasama niya.
Dali-dali niyang inangat ang mukha nito. Nagising ang lalaki. "Logan!"
"Where a-are we?"
"Hindi ko alam kung saan 'to pero si Azure ang nagdala sa atin dito." Pinahid niya ang dugong muntik nang tumulo sa mata ng lalaki. "But don't worry, papunta na rito si Adamas. Alam kong darating iyon. Binigyan ko na siya ng signal."
"Is that so?" Sumandal ito sa kaniyang balikat. Rinig niya ang malalim nitong hininga. "T-that's great then . . ."
"Huwag kang matulog." Natatakot siya na baka hindi na ito magising. "Kahit masakit ulo mo, huwag kang matulog."
Hindi ito sumagot. Sisilipin na sana niya ang kalagayan nito pero nagsalita ang lalaki.
"Gon."
"Bakit?"
"Napapagod na naman ako. Ang daming pinaggagagawa ng mundo sa akin ngayon. I just got m-myself back. But now . . . we're stuck somewhere."
"Huwag kang mag-alala, makakalabas din kaagad tayo rito. Si Adamas pa, malakas iyon." Niyakap niya nang mahigpit ang lalaki. He didn't like him saying those words. She was barely holding on right now and if she heard another word, she might break down.
She didn't need any magical words, but she also wasn't asking for negativity. Masiyado nang negative ang nangyari sa kanila at ayaw niya na pa itong dagdagan.
Natatakot din siya para sa lalaki. Alam niya kung ano ang iniinda nito dahil isa siya sa mga nakasaksi sa mga pinagdadaanan ng lalaki. Kakabangon lang nito at alam niyang kailangan pa nitong magpahinga. But look what happened now, his head was bleeding and he was enduring another pain.
"Hold on for a little while. Dadating din si Adamas." She reassured him while patting his back with her shaking hand.
"Yeah. I know he will. But . . ." Logan took a deep breath. "I couldn't help but think it's much better for him not to come."
Nagtaka siya. "Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"We will be rescued. But what comes after that? We will likely be facing the world again. It's so frustrating." He sighed. "I just want to curl up in my bed right now and disappear again for a while. It's so draining, Gon."
Hindi siya nakasagot. Naglaro sa isipan niya ang mensahe ng kaniyang ina habang hindi rin inaalis ang mga salita ni Logan.
And at that moment, she thought it would be nice to disappear too.
But not for a while.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro