Kabanata 39
NAPADAING si Logan sa sakit ng kaniyang sugat sa labi at pasa sa ilong. Ginagamot siya ngayon ni Gon.
"I can do it, Gon." Sinubukan niyang agawain ang hawak nitong cotton pero iniwas lang nito.
"Ako na. Tingnan mo nga 'yang mukha mo." She pointed at his face. "Parang kaunti na lang magmumukha ka nang--"
"Corpse. You will look like a corpse," sabat ni Adamas na nakahiga sa sofa.
He sighed. "You should've just let that slide earlier, Mr. Adamas. What if he will come for us? Hindi pa man din natin siya kilala."
"Ano bang sinasabi mo, Lolo? Nakakalimutan mo na ba? Si Adamas 'yan. Kahit sino pang tao humarap diyan, hindi 'yan kakayanin," bulong ni Gon pero narinig naman ni Adamas.
"That is correct, my reddy readsy." Tango-tango pa nito.
Hindi na lang siya sumagot at hinayaang gamutin siya ni Gon. Maya't maya niyang sinusulyapan ang nag-aalala nitong mukha. Pokus na pokus itong naggagamot sa kaniya na animo'y ang laki ng tinamo niyang sugat.
Somehow, it made him smile. Seeing her worried about him, makes him forget the decision he made a week ago. He decided to move on and forget about his feelings. And to do that, he needed to distance himself in the meantime. Kasi kung palagi niya itong makikita, mahihirapan ang kaniyang puso.
Pero mukhang mas mahirap yata sa kaniya ang hindi ito makita araw-araw.
"Ayan, okay na." Ngumiti si Gon sa kaniya pagkatapos lagyan ng Betadine ang cut niya sa labi. "Kuha lang ako ng ice para sa pasa mo."
"Ako na. Thank you," pigil niya rito at tumayo. Nagtungo siya sa kusina para kumuha ng ice cube saka nilagay sa Ice Pack.
Naupo siya sa upuan ng lamesa bago bumuntonghininga. Ang bigat ng katawan niya. Gusto na ring pumikit ang talukap ng mga mata niya. Pagod na pagod siya.
Kinuha niya ang phone sa bulsa at tinawagan ang ina.
"Hello, Ma?" saad niya habang nilalagyan ng Ice Pack ang bridge ng kaniyang ilong.
"Oh, ano? Nahanap mo na ba kapatid mo?" sigaw ng kaniyang ina sa kabilang linya. May naririnig siyang mga ingay ng nagtatawanan.
"Yes pero hindi siya sumama sa akin. I found her in the club and I guess he was with his boyfriend." Judging from how the guy who punched him acted, he must be someone Hina knew.
"Ano?! Ito lang ang sasabihin mo sa akin?! Putangina! Wala ka talagang kuwenta, pati pag-uwi mo sa kapatid mo hindi mo pa magawa!"
Bahagya niyang nilayo ang phone sa tainga dahil sa malakas na boses ng kaniyang ina. Kumirot ang ulo niya dahil sa tinis ng boses nito.
"Putangina mo! Kasalanan mo 'to lahat! Kung hindi ka sana nagkukuwento tungkol sa buhay mo r'yan sa siyudad, hindi sana magkakaganiyan ang kapatid mo!"
Napakuyom ang kaniyang kamao. Lalong bumigay ang kaniyang nararamdaman dahil sa mga binitiwang salita ng ina. Bakit ba palagi na lang siya nitong sinisisi?
"Wala kang kuwenta. Ba't pa ikaw ang naging panganay? Wala kang silbi! Nang dahil sa 'yo naging ganito na tayo!"
"Paanong dahil sa akin? Kasalanan ko bang hindi mo binigyan ng pansin ang mga kapatid ko r'yan, Ma?" Hindi na niya napigilan ang sarili. Gusto niyang sumigaw subalit hininaan niya lang ang boses dahil ayaw niyang marinig siya nina Gon at Adamas. "Paanong napunta sa akin ang lahat? E hindi naman ako ang magulang sa pamilyang ito. Responsibilidad mo si Hina, Ma. Pati ako. Pero bakit sinisisi mo sa akin lahat?"
"Bastos ka! Wala kang karapatang sagut-sagutin ako! Porket nakakapagdala ka sa amin ng pera umaakto ka nang kung sino, ha?!"
Mariin siyang napapikit. "Of course not. I was just--"
"Manahimik ka! Simula no'ng mamatay ang ama mo, nagkadalitse-litse na ang buhay natin! At dahil iyon sa 'yo!"
"Papaanong ako?" Hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang siya ang pinagbubuntungan ng ina. Ano ba ang nagawa niyang mali? Dahil ba sa pangako niyang hindi niya pa natutupad?
"Kung ibang kurso sana ang kinuha mo, matiwasay sana buhay natin! Ba't ka pa kasi nagsusulat, wala naman 'yang silbi!"
"Kung ibang kurso ang kinuha ko, I doubt makakapagtapos ako. Ayokong kumuha ng kursong hindi ko handang pagdusahan ng ilang taon."
"Wala kang karapatang mag-inarte!" Isang kalabog ang narinig sa kabilang linya. "Sana pala hindi ka na namin pinayagan! Kung alam ko lang na mawawala ang ama mo, hindi na sana kita hinayaang magpakabaliw diyan sa pagsusulat mo! Putangina mo!"
"Can you stop cursing me? You're hurting me, Ma." Nagsimula nang mamuo ang luha niya sa mga mata. "Just like you, hindi ko ginusto ang pagkawala ni Papa. Kaya nga nagsisikap ako rito para mapakain kayo. Sobra-sobra pa nga binibigay ko sa inyo pero hindi ko alam kung bakit panay ang paghingi ng pera mo sa akin."
"Aba dapat lang! Sino ba sa tingin mo ang bumuhay sa 'yo? 'Di ba ako? Dapat lang na ibigay mo lahat ng mayroon ka! Wala kang karapatang magreklamo dahil wala ka pa namang naaabot. Responsibilidad mo kami!"
"Ikaw, Ma? Responsibilidad mo rin kami. Bakit wala kang ginagawa para tulungan ako?" pumiyok ang boses niya. "Hindi ba ina kita? Bakit parang ako ang naging magulang sa pamilyang ito?"
"Nasaktan ako sa pagkawala ng ama mo, Logan, kaya hindi mo ako masisisi na--"
"Na ano? Na wala kang trabaho ngayon? Ma naman, ilang taon nang patay si Papa. Pinagbigyan na kita. Sinalo ko na lahat pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin gumagalaw. Tulungan mo naman ako."
"Nasaktan nga ako!"
"Ako rin. Ako rin naman, Ma." Napakagat siya sa kaniyang labi upang pigilan ang sariling mapahikbi. "But I never used my pain to turn my back on you so stop blaming me for everything. Baka nakakalimutan mo, tao rin ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya kong saluhin lahat ng masasakit mong salita."
"Wala akong paki sa nararamdaman mo! Wala kang karapatang magreklamo! Kung pagod ka na, edi magpakamatay ka na lang. Iwan mo 'ko kagaya ng ginawa ng ama mo!"
Logan froze.
Nanginig ang mga kamay niya matapos iyong bitiwan ng ina. Tuluyang tumulo ang luha niya sa mga mata habang pinapakinggan pa rin ang mga masasakit nitong salita. His mother had always been sharp with her words, but this time, it was more than a knife. Tumagos sa puso niya ang mga salita nito.
Hindi niya inakalang aabot ang panahon na ang mismong ina niya ang magsasabi sa kaniyang bawiin ang sariling buhay.
Nilapag niya ang phone sa lamesa habang hindi pa rin pinapatay ang tawag. Tinakpan niya ang kaniyang bibig habang ang isang kamay ay nakahawak sa pulso niyang may mga peklat. Ayaw niyang marinig siya nina Gon at Adamas. Lalo lang siyang manghihina kapag nakita niya ang mga mukha nila.
Tahimik siyang umiyak habang patuloy pa ring umaalingawngaw ang boses ng ina. Ang malalaking butil ng mga luha niyang ilang linggo niya ring pinigilan ay isa-isang kumawala sa kaniyang mga mata.
Hindi na niya kaya. Hindi na niya kayang magpanggap na handa siyang pasanin lahat. Pagod na pagod na siya. Ubos na ubos na ang isip, katawan at pati damdamin niya.
I wish I could disappear . . . even for a bit.
He needed to stay away from everyone. He wanted to choose himself even just for a little while. Because if he tried to push himself again while not having anything left for himself, he might break and would never get a chance to be fixed.
He needed a moment to disappear.
ADAMAS couldn't count the times he walked back and forth in the salas. Hindi siya mapakali matapos kumuha ng seven-day leave si Logan. Nalilito siya kung matutuwa ba siya dahil pinili nitong magpahinga o mag-aalala dahil nakakulong lang ito sa kuwarto.
Lumalabas lang ito kapag magluluto at kakain at bumabalik na naman kaagad sa loob para magkulong.
Sinulyapan niya ang kaniyang progress bar bago napamura. Hanggang ngayon, hindi niya pa napupuntahan si Azure dahil kay Logan. Hindi niya ito kayang iwan. Hindi siya aalis hangga't hindi niya nasisiguro ang kaligtasan nito. Logan may not be physically in danger, but his mind is. The color of his emotion was the proof.
I'm sorry, my Noa. Wait for a moment. I will finish what you ordered me soon enough.
Nakarinig siya ng katok sa pinto kaya pinagbuksan niya kung sino iyon. It was Gonietta.
"Nag-hi-hibernate pa rin ba si Logan?" bungad nito bago pumasok.
"It seemed to me, he is." Umupo siya sa sofa. Pang-anim na araw na itong ginagawa ni Logan. Sinulyapan niya si Gonietta na umupo sa couch habang abalang magtipa sa phone. "Why do you look like you're not worried about him?"
"Anong hindi? Nag-aalala ako. Kaya nga ako pumupunta rito, e."
"But you're calm."
Tumigil ito sa pagtipa at maliit na ngumiti. "Hindi kasi 'to ang unang beses na ginawa ni Logan."
"What's with his family? I don't quite understand why his mother always curses him."
"Ganito kasi 'yon." Hinarap siya ng babae. "Okay naman sila ng pamilya niya pero no'ng hindi pa naaksidente papa niya. Sobrang laki ng nagastos nila para lang sa pagpapagamot. Napuno sila ng utang para lang may maipangbayad. Naging okay naman ang papa niya pero hindi na ito puwede magtrabaho dahil hindi na nakakalakad. Kaya sinagot ni Logan lahat ng responsibilidad."
"He started working?"
Gonietta nodded. "Oo. At okay pa sila no'n. Pero hindi nagtagal, namatay ang papa niya. Bigla itong nagka-stroke habang natutulog. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, doon na nagbago ang mama ni Logan. Palagi na lang itong galit at sa lahat ng anak, si Logan ang palagi nitong nakikita. Siya palagi ang pinagbubuntungan nito ng galit. Para bang kasalanan pa ni Logan na namatay ang asawa niya."
"Ah. So she's a worthless mother too. Why did she even become a parent if she will do that to her kid?" Napailing siya. Adamas thought that this society was really filled with terrible humans. No wonder why the negative emotion dominated this dimension.
"Dahil din diyan, natuto si Lolo na kumayod mag-isa at alagaan din ang sariling mag-isa. And his one way of coping is isolation. He isolates himself kapag napapagod na siya sa mundo." Tipid na ngumiti ang babae. "Ganiyan ang palagi niyang ginagawa para maibangon ulit ang sarili. 'Yan din ang rason kung bakit hindi ako masiyadong nag-aalala dahil alam kong kaya niyang malampasan kung ano man ang pinagdadaanan niya ngayon."
"Will he really be okay?"
"S'yempre! Matibay kaya si Lolo!"
"Hmm. I see." He smiled. Somehow, he felt a sense of relief after what Gonietta told him. He looked at her. "How about you? What do you do when you can't deal with the world anymore?"
Napaisip naman ito sa kaniyang sinabi. "Hindi ko alam? Wala akong maisip. Never pa akong nakaranas ng ganiyan kaya 'di ko alam."
Hindi siya sumagot at humiga sa sofa. Pinagmasdan niya ang babaeng panay ang tingin sa phone.
"Are you waiting for something?"
"'Di pa nag-reply sina mama. Binalita ko kasi na nakapasok kami ni Logan sa first round."
Kaagad siyang napabalikwas. "You won?!"
"Hindi pa naman. Nakapasok lang."
"Why didn't you tell me?" Sumilay ang malawak niyang ngiti. He walked toward her and patted her head. "I am more than proud. Continue to shine, Gonietta. Logan too. Make a noise in this world!"
Napangiti ito sa kaniyang sinabi. Isang sinsero at tuwang-tuwang ngiti ang pinakita nito bago tumango. "For sure 'yan!"
He slightly tapped her forehead while still smiling. Seeing her face reminded him of how his Noa reacts every time she received good news in line with her dreams. Even though it wasn't obvious, she loved smiling. She loved voicing out her thoughts. She loved telling him even the silliest thing she thought of his character.
It was his favorite routine in Fictosa--to wake up seeing Noa's dumps. But in just a blink of an eye, it was all gone. His Noa died. The Laurien took her smile away.
In return, he would take them all to the afterlife.
"Since you're here, I'll leave Logan to you. Don't leave the room until I came back. If something happens, don't forget to do what I told you before." Tinaas niya ang isang kamay at kinuyom ito. Pinaalala niya kay Gonietta ang tinuro niya dati tungkol sa kaniyang sinulid.
Naintindihan naman nito ang kaniyang sinabi at tumango. "Aalis ka ba?"
He nodded. "I have something I need to do."
Napababa ang tingin niya sa progress bar.
[Character Restoration progress: 93%]
Seven percent and he'd be transported back to Fictosa. But he wouldn't need to worry because he already thought of how he'd end Azure. He would make sure to execute everything he thought of within that seven percent.
Isang madilim na ngiti ang lumabas sa kaniyang bibig habang naglalakad siya palabas ng pintuan.
He went to Doctor McKinsron.
---
winty's note: hello! Sorry sa late update. Kakauwi ko lang galing univ. Thank you for waiting! 8 chapters na lang ang natitira (◍•ᴗ•◍)❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro