Kabanata 23
SEVEN days had passed. Nagising si Adamas dahil sa amoy ng Adobo na sumusuot sa kaniyang ilong. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Sinubukan niyang igalaw ang mga kamay at napangiti siya nang magtagumpay.
[Adamas Vondrov Riscarte has gained consciousness. Paralysis has been deactivated.]
Tiningnan niya ang system. Voice soar, he asked, "Why can't I still stand?"
Nanghihina pa rin ang buo niyang katawan at dahil doon, hindi niya maitayo ang sarili.
[Response System: The restoration of your magic power has not yet reached the maximum capacity.]
"I see. Show me the progress bar," utos niya sa system upang ipakita sa kaniya kung ilang pursiyento na ang Character Restoration.
When he casted the extent of his gift, he expected that he would lose his characterization. At kapag nangyari 'yon, hindi na siya makababalik pa sa Fictosa. Ayaw niya namang mangyari 'yon dahil ang tahanan niya ay ang Fictosa. Gusto niyang bumalik pero bago iyon, dapat niya munang mapagtagumpayan ang ganti niya sa mga Laurien.
Thankfully, he was able to stay in character. Dahil na rin siguro sa mga pangyayaring nakita niya na ilang beses na ipinamukha sa kaniya na isa lamang siyang karakter sa libro kaya hindi niya malimot-limot na hindi siya totoo.
He wasn't the Adamas his author loved.
[Character Restoration progress: 30%]
He hissed. "Shit."
It was almost half to reach one hundred. He needed to end this fast.
Sinubukan niyang gamitin ang kaniyang mga sinulid upang hanapin ang lokasyon ng mga natitirang Laurien. But the system put his power into a halt. Hindi niya ito magamit.
"Can you let me use it for once?"
[Response system: Not even once.]
Sinimangutan niya ito at iniwas ang tingin. Napunta ang mga mata niya sa bowl na nasa ibabaw ng drawer na nasa gilid ng kama. Nandoon nanggagaling ang amoy.
Napalunok siya. Tumunog ang kaniyang tiyan sa gutom.
Gumulong siya papalapit sa drawer at aabutin na sana ang Adobo subalit may kamay ro'n na kumuha. Kaagad na nagsalubong ang kaniyang kilay at sinigawan ito. "How dare you take my food?!"
"This is our food. Logan cooked this not just for you but for us," nakangising sagot ni Gon habang hawak-hawak ang bowl. "Good morning. Buti naman at nagising ka pa?"
"Who do you think I am?" Pinagkrus niya ang mga braso. "I am Adamas Vondrov Riscarte, the author's favorite and the undefeated villain! The extent of gift cannot end me!"
"You were defeated at the last chapter though." Mapaglaro siya nitong tiningnan bago binalik ang Adobo sa ibabaw ng drawer. Hinila nito ang study table ni Logan papalapit sa kama.
Doon nito nilagay ang Adobo kung saan naroroon din ang kanin at mga plato.
"Ako ang napagatasan ni Logan na bantayan ka. Busy siya ngayon sa university kaya ako muna bahala sa 'yo." Nakita siya ni Gon na nahihirapang bumangon kaya tinulungan siya nito at isinandal sa headboard.
"Thank you, my reddy readsy."
"Ano ba nangyari sa 'yo? Ba't para ka nang lantang sisiw?"
Adamas didn't quite get what she said but he replied. "I've used up my magic for my wordy Noa. Now, I know all of the people who harmed her. I have took out the two. There are only three left."
Napatigil ito sa pagtakos ng kanin at nanlalaki ang mga mata nitong nilingon siya. "Huwag mong sabihing ikaw rin ang dahilan ng pagkawala ni Asnael?"
"Ye--"
"Ay, huwag mong ituloy!" Pinigilan siya nito. "Ayoko pa lang malaman. Ayoko madagdagan konsensya ko."
"If that is what you want."
He watched her prepare his food. Nauna pa nitong tinikman ang Adobo at parang iniingit siya kaya bahagya siyang natawa.
"You like your boyfriend's cooking?"
Napatawa naman ito. "Isa ka pa assuming. Hindi ko boyfriend si Lolo. Magkaibigan lang kami."
"What do you think of him?"
"Huh?" Nilingon siya nito. "Like I said, he's a friend."
"What I mean is, how do you see him as a person."
"Chismoso ka pala?"
"Kind of." Ngumisi siya. "Now, tell me."
"Hmm." Naupo ito sa kaniyang tabi at inabot sa kaniya ang kaniyang plato na may laman ng pagkain. "Ayos lang. Pogi tapos responsible. Tapos magaling magluto at maglinis ng bahay. Perfect gawing asawa."
Tinanggap niya 'yon. Sumubo muna siya. "Why don't you marry him?"
"Why would I?" balik nitong tanong. "Kagaya nga ng sinabi ko, magkaibigan lang kami. Hindi ko makita ang sarili ko na magpapakasal sa kaniya."
"Is that so?" He let out a chuckle while looking at her emotion. "So it's fine for you if Logan will find himself a girlfriend?"
"Oo naman. Okay nga 'yon--huh?" Natigilan naman ito. "Girlfriend? I think okay lang."
"You think?" Napatawa siya nang malakas. Ang literal niyang 'haha' ay umalingawngaw sa buong kuwarto. "You can't be unsure, my reddy readsy. Both of you are in a marriageable age, and it won't be impossible for Logan to find someone. Who knows, it won't just be a girlfriend . . . but a wife."
"Ano naman?" Tinusok nito ang karne. "Support lang ako kung sakali mang piliin niyang magpakasal. Wala pa rin namang magbabago sa amin."
"You won't know, my reddy readsy. Everything can change in a blink of an eye." And he witnessed that through Noa's life.
He thought she was happy. When he saw her smiles, he thought she already moved on.
But no. The wounds were only covered by dirt and was only waiting to be discovered again. She wasn't healed. She was still healing.
"Adamas."
"What is it, my reddy readsy?"
"May favor pala akong gustong hingin sa 'yo. Puwede ba?" Pinagsaklop nito ang mga kamay.
"No one dares to ask me for favors." He took a piece meat. "But since you are one of my reddy readsy, I'll do you any. Go on and say it."
"Thank you." She smiled. "Saka ko sabihin kapag tapos ka nang kumain."
He heard her giggle before putting her attention back to the food. Tinapos niya na rin ang kaniya. Nakalimang plato siya ng kanin at halos siya lang din ang nag-ubos sa isang malaking bowl ng Adobo.
He burped after drinking water. "So what do you want to ask of me?"
"Ganito kasi 'yon. Kahapon may nagpa-commission sa akin as a gift for her friend. Iyong friend niya adik sa Odds of Tribes at ikaw ang favorite character niya kaya gusto niyang i-draw ko ang character mo. So . . ." Napakamot ito sa ulo at parang nahihiya sa kaniya.
"So?"
"So kung puwede kunan kita ng litrato? Since ikaw naman si Adamas Riscarte gusto kong ikaw mismo ang i-draw ko para accurate." Muli nitong pinagsaklop ang mga kamay. "Puwede ba?"
"Of course!" Kaagad siyang tumango. "I would do anything for my reddy readsy."
Malawak naman itong ngumiti. Bakas sa kulay ng emosyon nito ang saya. "Yes! Thank you, Adamas."
"What should I do? Should I just sit here?"
Tumango naman si Gonietta. "Since hindi ka naman nakakagalaw, ako na bahala."
Kinuha nito ang phone. Una nitong kinuhanan ng litrato ang kaniyang side profile bago ang mismo niyang mukha.
"Can you lift your head? Tapos ipatong mo sa unan ang siko mo," she instructed. Her eyes were in the camera.
Sinunod niya ito. Pinatong niya ang siko sa unan na nasa gilid niya. Inangat niya ang ulo. Dumikit ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa mga mata kaya napapikit siya. Bumakat ang linya ng kaniyang panga dahil sa ginawa niyang postura.
Biglang pumasok sa isip niya ang mga uhaw na comments ng kaniyang mga reddy readsy kaya bahagya siyang napangiti.
"Huwag kang ngumiti--ay, sige, ngumiti ka na lang pala para mas hot." Humagikhik si Gonietta at patuloy na kinuhanan siya ng litrato.
Tumagal ito ng ilang minuto bago matapos. Madami pa itong pinagawa sa kaniya at pati ang kaniyang mga kamay ay kinuhanan.
"Are you satisfied now?"
"Sobra pa sa satisfied!" Nag-thumbs up ito sa kaniya bago binalik ang mga tingin sa phone. Malawak ang mga ngiti nitong bina-browse ang mga nakuhang litrato.
"Can I have some more water, my reddy readsy?"
Kaagad naman nitong sinunod ang kaniyang utos. Kinuha nito ang baso niyang wala nang laman at lumabas ng kuwarto. Pagbalik, may dala na itong pitsel at may laman na rin ang kaniyang baso.
"Here." Inabot nito sa kaniya. Muli itong umupo sa kaniyang tabi. "Curious lang ako. 'Di ba fictional character ka na galing sa Odds of Tribes?"
He nodded.
"Nandoon din ba ang ibang characters? Nakasama mo rin ba sila?" sabik na sabik nitong tanong. Nagningning ang mga mata nito habang nagpatuloy. "Nakita mo rin ba si Hamitherion?"
He squinted his eyes while looking at how her emotion changed. When he figured who was her favorite, he hissed.
"Betrayer. How could you do this to me, my reddy readsy? Is Hamitherion better than me?" nakasimangot niyang sabi. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at umaktong nasaktan. "What a betrayal."
Hamitherion was the main character of Odds of Tribes. Ito ang tumalo sa kaniya sa dulo ng kuwento at nagwaging bawiin ang Gem of Treaty.
"OA talaga nito." She rolled her eyes. "I wasn't your fan to begin with. Loyal kaya ako kay Hamitherion my baby." Napahiyaw ito. Kinuha nito ang unan at doon nagpatuloy na humiyaw.
"You simped for me once though." He clicked his tongue. "Well, I guess if Hamitherion really is your favorite, then I can't do anything about it. And to answer your question, yes, I have seen him."
Muli itong humiyaw matapos niya iyong sabihin. "Lord, sana mapadpad din dito si Hamitherion."
"I hope not. I would hate it if I come across with him and make the House Spot activate," sagot niya naman. "Anyway, my reddy readsy, do you not have a work today?"
"Nope. Day-off ko."
"No sidelines?"
"I do freelancing."
"I don't get that but what else?"
"Iyon lang."
"Iyon lang?" balik niyang tanong. "Why do you only have two when Logan had three?"
Logan was a part-time instructor, service crew, and editor.
"Ay, 'di ako na-inform kailangan pala dapat same kami," sarkastiko nitong sagot. "But anyway, ang sipag kasi niyan ni Logan. Siya rin inaasahan ng pamilya niya kaya kumakayod araw-araw."
"How about you?" He slid his body down to sleep. He needed more time to rest. Ramdam niya pa ang panghihina niya.
"Hindi. Hindi sila nanghihingi sa akin kasi hindi naman kami nag-s-struggle financially. Mom and Dad owns a restaurant. Because of that restaurant kaya naging maunlad ang buhay namin. Suportado ako nila mama sa kong anong gusto kong gawin kaya chill lang ako."
"I see." Pinagmasdan niya ang maaliwalas na emosyong pumapalibot sa babae. It was the color of the sun. The same color of Noa's emotion when she still had her mother who supported her dream as a writer.
"Do not lose that, my reddy readsy."
"Ang alin?"
"That brightness." He let out a smile before closing his eyes. "Always shine, Gonietta."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro