Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

SA loob ng madilim na kuwarto, isang babae ang panay ang hagulgol. Malalim na ang gabi at walang ibang tunog ang maririnig bukod sa kaniyang pagtangis.

"Bakit mo nagawa sa akin 'to? Akala ko ba h-hindi mo ako sasaktan!" Marahas niyang pinahid ang walang tigil na pagtulo ng kaniyang mga luha habang patuloy pa ring gumuguhit.

Hindi niya inaasahang iiyak siya ngayong gabi. Kaninang umaga, ang saya-saya niya pa pero dahil sa ginawa ng kaniyang matalik na kaibigan, hindi na siya halos makahinga sa bigat ng nararamdaman niya.

"Ang sakit-sakit! Ang sakit ng ginawa mo--"

"Tumigil ka nga diyan." Isang marahang sapak ang natanggap niya sa ulo pero umakto siya na parang ang lakas nito at sinubsob ang mukha sa drawing tablet.

Inis niyang nilingon ang lalaking nakatayo ngayon sa kaniyang likuran. "Ano ba! Masakit iyon, ah!"

"Dami mong drama wala namang nanakit sa 'yo." Naglakad ito palayo sa kaniya at binuksan ang ilaw. Doon niya lang naaninag ang mukha nito at ang tattoo na nasa clavicle. "May papatay-patay ka pa ng ilaw na nalalaman diyan."

Inirapan naman niya ito. Dinuro niya ang lalaki at muling humagulgol. "Anong walang nanakit sa akin? Ikaw! Ikaw ang dumurog sa aking pusong walang ginawa kundi ang magmahal!"

Hindi niya kayang tanggapin na wala na ang kaniyang paboritong karakter. At ang walang pusong may gawa n'yon ay walang iba kundi ang lalaking nasa loob ng kaniyang kuwarto, si Logan.

"You promised me na hindi mo siya papatayin pero bakit?!" Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at sinugod ang kaibigang nakaupo ngayon sa kaniyang kama. Niyugyog niya ang magkabilang braso nito habang patuloy pa ring ngumangawa.

"Logan, bakit? Ang sakit mo sa heart."

He chuckled. "Stop acting as if I broke your heart."

"Because you did! Sabi mo 'di ba hindi mo siya papatayin? 'Di ba? Sabi mo 'yon? Pero ano 'to ngayon, ha?" Bumalik siya sa kaniyang table, hinablot ang manuscript at hinarap sa mukha ng lalaki.

Marahan namang kinuha iyon ni Logan. "It's necessary. If he will not die, there will be no growth for the main character."

"Alam ko naman iyon pero . . ." she groaned and threw herself on the bed. Niyakap niya ang kaniyang black cat plushie na si Button na nananahimik katabi ng unan. She mumbled gibberish things because she couldn't counter his words.

"I'm not going to draw that scene."

Hindi niya kayang iguhit ang pangyayari kung saan sinakripisyo ni Chamber, ang paborito niyang karakter, ang sarili para lang mailigtas si Lapel, ang main character ng Broken Trench.

Logan was a writer, and she drew for him. They were childhood friends both dreaming of getting big in the comic industry someday. And Botox was one of the witnesses of their dream.

"Have you eaten? Ako kasi hindi pa," pag-iiba nito.

"Edi bumili ka ng pagkain mo." Bumangon siya at bumalik na sa kaniyang swivel chair.

One foot on the chair, she started poking the cheek of the plushie with the stylus she was holding. Nag-iisip siya kung paano niya iguguhit ang pagsasakrispisyo ni Chamber kahit ayaw niya. Kahit salungat sa kalooban niya, nais niyang ihatid sa kaniyang guhit kung gaano kasakit ang naramdaman niya habang nagbabasa siya kanina.

"I'll buy food."

Tumango naman siya at hindi na nag-atubiling lingunin ang lalaki. "Sige, sana wala kang mabili. Sana wala nang bukas na tindahan nang magutom ka."

Tumawa lang ito bilang sagot bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Siya naman ay nagsimula nang simulan ang rough sketch ni Chamber. Ang sakit na ng likod niya. Kanina pa siyang umaga gumuguhit ngunit hanggang ngayon nasa kalahati pa lang siya ng kabanata na binigay ni Logan sa kaniya.

Kung bakit ba naman kasi ang sakit ng sinulat nito, hindi tuloy siya kaagad makausad. At hindi siya matutulog hangga't hindi niya ito matatapos.

Tahimik lang siyang gumuguhit nang biglang may kumalabog sa kaniyang likuran. Kaagad siyang napalingon upang tignan ito. Akala niya'y si Logan pero isang libro pala na nahulog sa bookshelf.

Naglakad siya papalapit doon at inabot ang makapal at hardbound na libro. It was the Odds of Tribes by Noa Green.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ito. Isa ang libro sa mga paborito niyang Fantasy novel.

The book revolved around two tribes which were once in harmony but destroyed by Azlan Riscarte from the Widow Tribe. He took the Gem of Treaty and pushed the Unmarried Tribe out of their place. The members of Unmarried Tribe had been scattered for a long time not until a hidden child from Unmarried Tribe who grew up in the Widow Tribe started to recognize his real identity. He wanted to take the Gem of Treaty and bring back all the members of Unmarried Tribe in their place.

Subalit hindi naging madali sa kaniya na kunin ang Gem of Treaty dahil ang nagbabantay roon ay ang anak ni Azlan, si Adamas Riscarte.

"Pogi." Mahina siyang napahagikgik nang maalala ang scene kung saan inalis ni Adamas ang kaniyang black veil. "Pero mas bet ko pa rin ang main character."

Kahit na maraming readers ang tumagilid, hindi siya nagpatinag at nanatiling paborito niyang karakter si Hamitherion.

Ibinalik na niya sa bookshelf ang libro. Kasabay rin n'yon ang pagdating ni Logan. May hawak itong supot at isang sigarilyo.

Ngumiti ito sa kaniya at tinaas ang dala nitong pagkain. "Paano ba 'yan? May nabili ako. Mukhang favorite talaga ako ng mundo. Ayaw na ayaw akong magutom."

Nag-make face lang siya at hindi sumagot.

Maglalakad na sana siya pabalik sa kaniyang swivel chair pero napaigtad siya dahil sa lakas ng kidlat na biglang dumaan sa bintana. Kaagad din itong sinundan ng kulog.

Napatakip siya sa kaniyang tainga at nagtatakang nilingon si Logan. "Bakit kumidlat bigla?"

"I don't know. Hindi naman makulimlim ang kalangitan kanina paglabas ko." Naglakad si Logan papalapit sa bintana na katapat lang ng kaniyang table. Sinilip nito ang labas. "Look, the sky looks fine."

Sumilip din siya. Hindi man lang umaambon. Maliwanag na maliwanag ang buwan at walang dark clouds na tumatakip.

"What was that then?" tanong niya habang napapakamot sa kaniyang ulo.

Imposible namang guni-guni niya lang iyon dahil pati mismo si Logan ay nakita ang kidlat at narinig ang kulog.

"Nabaliw na ang mundo. Sinabi mo kasi na favorite ka niya, ayan tuloy nag-alburoto," biro niya. Sinundot ang braso nito gamit ang stylus na hawak.

"Wow! Kasalanan ko pa?" natatawang sagot naman nito.

"Oo. Kasalanan mo lahat. Umalis ka r'yan, bilis! Magd-drawing na ako." Bahagya niyang tinulak si Logan dahil nakaharang ito sa swivel chair.

Umalis naman si Logan. Pero ilang saglit pa, bigla itong nagsalita.

"Gon."

"Oh?"

"Hindi ba kakabalik mo lang ng librong 'yon sa bookshelf?"

Inikot niya ang swivel chair. Sinundan niya ang tinuro nito at napakunot ang kaniyang noo nang makita ang Odds of Tribes na nasa sahig na naman.

"Pakibalik na lang ako sa shelf. 'Di ko alam ano trip ng libro na 'yan, baka bet niyang mag-scuba diving sa sahig." Muli na niyang tinuon ang atensyon sa drawing tablet.

Handa na siyang gumuhit pero muli na naman siyang nakarinig ng kalabog. Inis niyang nilingon si Logan. "Ano ba 'yan! Pakibalik lang ng libro, e, nagdadabog ka--"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang makita ang kaibigang nakasalampak sa sahig. Dali-dali siyang tumayo at nilapitan ito. Hinawakan niya ang braso nito. Hinila niya ito patayo pero ayaw gumalaw ni Logan. Nabato ang tingin nito sa libro kaya tiningnan niya rin ito.

"Ano bang--" Hindi niya natuloy ang sasabihin at nabitiwan ang braso ni Logan.

Just like him, she froze while staring at the book. Napanganga siya nang makita ang librong gumagalaw nang mag-isa. It was flipping the pages on its own as if someone was reading it.

"B-bakit gumagalaw 'yan? Minumulto ba tayo?" nauutal niyang sabi. Bahagya niyang niyugyog si Logan.

"I d-don't know." Bigla nitong hinila ang kaniyang braso dahilan para mapaupo din siya sa sahig. Nagtago ang lalaki sa likuran niya at bahagya siyang tinulak. "Tignan mo nga kung anong nangyayari d'yan."

Mabilis na namilog ang mga mata niya dahil sa ginawa nito. "Anong ako?! Ikaw na!"

Pilit niyang inaalis ang mga kamay nito sa kaniyang balikat pero ayaw siya nitong bitiwan.

"No! You do it!"

"Ikaw ang nag-suggest, ikaw ang gumawa!"

"I don't want to! What if may momo?" sigaw ni Logan na nasa likuran niya pa rin at nagtatago.

Napairap siya. Nilingon niya si Logan at hahablutin na sana ang buhok nito nang bigla silang matigilan dalawa. Napaupo siya nang matuwid nang makaramdam nang kakaibang init sa kaniyang likuran.

"H-hoy, anong mayroon sa likuran ko?" tanong niya. Napalunok siya nang makita ang namumutlang mukha ng kaibigan habang ang mga mata ay nanatili sa kaniyang likuran.

"Lumingon ka." Hinawakan nito ang kaniyang mukha at pinalingon.

Isang malakas na sigaw ang kaniyang pinakawalan nang makitang nagliliyab ang libro. Napahiyaw rin si Logan at dali-daling tumakbo papunta sa kama.

"Huwag mo 'kong iwan!" Kaagad siyang sumunod at tinapon ang sarili sa pinakasulok na bahagi ng kama habang hindi inaalis ang tingin libro. Napapalibutan ito ng kulay lila na apoy pero nakapagtataka dahil hindi nasusunog ang loob.

Dahan-dahan itong umangat sa ere. Ang apoy na nagmumula sa libro ay unti-unting lumalaki habang patuloy pa ring bumubuklat ang mga pahina. Habang pabilis nang pabilis ang pagbuklat, ang apoy ay napapalitan din ng mga maliliit na kidlat.

Nanginig ang labi ni Gon habang nakatitig sa librong hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Nananaginip ba siya? Epekto na ba ito ng ilang araw niyang pagpupuyat? Dapat ba natulog na lang siya kanina?

"Logan," tawag niya sa kaniyang katabi na hindi siya sigurado kung buhay pa ba dahil wala itong imik.

Biglang nawala ang mga kidlat sa libro at nagsara ang bawat pahina. Bumagsak ang makapal na libro sa sahig na para bang walang nangyaring kakaiba.

Nagkatinginan sila ni Logan.

Sinenyasahan niya ito gamit ang mga mata na lapitan ang libro pero umiling lang ito bilang sagot, halatang takot na takot din.

Mariin naman siyang napapikit bago binalik ang tingin sa libro. Hindi pa rin nawawala ang kaba na nararamdaman niya. Ramdam na ramdam pa rin niya ang tumutulong pawis sa kaniyang noo dulot ng takot at gulat kanina.

Hindi pa siya nakakahinga nang maluwag pero muli siyang napahiyaw at malutong na napamura. "Ah! Putangina!"

Bigla na namang bumukas ang libro ngunit sa pagkakataong ito, isang kamay na may matutulos na kuko ang lumabas. Gumagalaw ito na para bang pilit na kumakawala.

Parang isang pagsabog, muling nagliyab ang libro. Niluwa roon ang galit na mga kidlat na may kasama nang mga kakaibang sinulid. It was creeping like a spider web and filling all the corners of her room.

She gulped.

Black threads . . .

For a moment, she suddenly thought about the villain from the Odds of Tribes.

"Noa . . ." A deep, grumbling voice echoed inside the book, making her shiver in fear. The hand kept on moving; it was trying to get out. Without a second, it lit out a striking light that made the entire room shone and be enveloped by brightness.

Napapikit siya dahil sa silaw. Saka niya lang binuksan ang mga mata nang maramdaman ang malamig na kamay ni Logan sa kaniyang braso.

"Gon, look."

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata.

She expected a floating book, but a man lying unconscious on the floor greeted her instead.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro