Prologue
Wo ist die?
Pilit na hinagilap ng lalaki ang babae mula sa makapal na dami ng tao sa airport na iyon. Hinahanap niya ang babaeng may dalang maleta at may suot na orange-brown na coat.
Nasabunutan na lang nito ang sarili sa sobrang frustration nang nawalan na ito ng pag-asa na mahahanap pa ang babae.
***
Bored na pinakinggan ni Major Verlin Lukas Mikhail ang umiinit na debate ng heneral nila at isa sa mga officers ng German army. Nawala kasi ang RFS-- Russian Secret File-- na nasa pangangalaga ng officer na iyon. Nagkaroon kasi ng relocation ng mga gamit ng retired general nila at aksidente nitong naisama sa mga gamit na inuwi nito ang memory card. Nai-turn over naman ito ni Retired General Heinz nung pinuntahan ito ng officer na inutusan, kaya lang nung papunta na ito sa headquarters, doon na nawala ang memory card.
Ang sabi naman ng officer, nasa locket lang niya iyon na in-snatch sa kanya. Pero hindi na niya nahabol pa ang snatcher na hindi na rin niya namukhaan dahil sa dami ng tao at sa bilis ng pangyayari. Ang tanda lang niya ay babae ito na naka-orange-brown na coat at naka-ponytail ang brown na buhok, at pumunta ito sa airport.
Stupidity at its finest, the Major rolled his eyes.
"We will track the pawnshops," suhestiyon ni Lukas, "also the online shops and jewelry stores. Just give us a picture of that locket."
Panigurado kasi na ganoon ang gagawin ng isang magnanakaw, ibebenta nito ang mananakaw para nga naman wala na sa mga ito ang ebidensya, nagka-pera pa sila.
Tumayo na siya at lumabas sa opisina ng general. Siya lang naman ang pinakabata sa kanila kaya siya ang ginagawang utusan ng mga higher ranked German army officers na parte ng NATO-- North Atlantic Treaty Organization. Ito ang organisasyon ng mga kanluraning bansa na may layunin na protektahan ang mga kamiyembro nila sa oras ng krisis. Sa ngayon, kahit hindi Eurepean ang bansa ay mga miyembro na katulad ng Russia at America.
At kapag hindi nila nahanap ang RFS, lagot sila.
Pinatago ito ng Russian army sa Germany dahil naga-update sila ng database system. Gumawa sila ng spare copy ng mga main files na naka-save sa memory card kung sakali na magka-aberya sa system update at upgrade nila.
At kung magtagumpay man ang system updating at upgrading, dapat na ibalik sa kanila ang memory card. Bakit nga ba sa German army ito pinagkatiwala ng mga Ruso? Hindi alam ni Lukas.
"Pasensya na, Major," habol sa kaniya ni General Gutenburg, ang pumalit sa puwesto ni General Heinz. "Pero alam ko naman na magaling ka sa mga ganyan."
"Don't get your hopes high. Ni wala pa tayong siguradong leads," Lukas answered with no trace of emotions on his face.
Paano nga ba nila hahanapin ang isang maliit na memory card na nasa loob ng isang locket? Sa airport pa ito nawala? In-snatch pa raw ito ng babaeng may dalang maleta? Ano ba ang sapak ng babaeng iyon? Maga-out of town na lang, mangi-snatch pa?
Sumaludo na ito. "Aalis na ako, Sir."
Sumaludo na rin ang heneral. "I-update niyo ako kaagad kung may nahanap kayong leads."
"Yes, Sir."
Sumakay na si Lukas sa itim niyang Volkswagen at umuwi na sa townhouse na tinitirahan. Sinalubong siya ng kanyang ina na si Martina, isang Pilipina. Nakasimpleng bestida lang ito na sleeved na napapatungan ng sleeveless na bestida na gawa sa cotton na brown. Nginitian siya ng nanay niya na nagdidilig ng halaman.
Sure, malaki-laki rin ang sahod ng isang military major, pero simple lang sila mamuhay ng nanay niya sa Germany kaya naman hindi na sila nag-attempt pa na lumipat sa isang mansyon. Para saan nga naman kung kadalasan mag-isa lang ang nanay niya sa bahay? Patay na ang tatay ni Lukas at siya lang ang nag-iisa anak ng mga ito. Madalang pa siya makauwi dahil sa klase ng kanyang trabaho.
"Buti naman at nakauwi ka na," iniwanan nito ang dinidiligang halaman para samahan si Lukas sa loob ng bahay.
Lukas was half-German, half-Filipino. Ang nanay nito na isang Pinay ay hands-on sa pagtuturo ng Tagalog sa kanya kaya nakakapag-usap sila ng Tagalog kapag magkasama sila.
"Opo, pero hindi rin ako magtatagal, Ma. May misyon na naman ako."
"Hay naku," sinara nito ang pinto at sinundan sa kusina si Lukas. "Kakatapos lang ng huli mong misyon ah? Ikaw ba eh, nakakapag-pahinga pa?"
Lukas let out a groan and made his own coffee. "Ma, I can handle myself."
"I know," pamewang nito. "Pero mabuhay ka naman, kleine Verlin, hindi yung puro trabaho na lang ang inaatupag mo."
Natawa na lang ito. "Ma, believe me, that's harder to do than my job."
Totoo naman iyon. Ayaw niya magbakasyon dahil parang sinilihan ang puwet niya at hindi siya mapakali kapag walang ginagawa.
"Kleine Verlin, sinasabi ko lang sa iyo, ayoko na magsisi ka na marami kang hindi na-enjoy kung kailan matanda ka na. Aba, thirty-eight ka na."
"So?" tawa nito. "Gwapo at mukhang bata pa naman ako, ah?"
"Pasalamat ka may minana ka sa akin, paano na lang pala kung wala?"
He laughed. It was only his mother who can do that to him-- induce emotions into his chest and make him express it in a very obvious manner.
"Eh 'di thank you, Ma," nagpakulo na si Lukas ng tubig.
"Thank you mo, mukha mo," simangot nito at nilapag na ang pandilig sa tabi ng lababo. "I am just telling you, kleine Verlin--"
He rolled his eyes. At the height of six feet and two inches, he wondered why his mother loved to call him her little Verlin.
Verlin was his father's suggestion, he was named after the Berlin wall because his father wanted him to be as tough as a wall. Sabi ng nanay niya, pagkapanganak na pagkapanganak pa lang nito sa kanya, matigas na yata ang loob ni Lukas; he did even not cry when he came out of her womb. Nakailang palo pa ang doktor bago ito ngumawa. It was his mother's choice to name him Lukas, dahil gusto niya na maging doktor siya paglaki. After all, Saint Luke was known as the beloved physician kahit hanapin mo pa sa Google. Pero nanaig ang pagiging Berlin wall niya. Nag-sundalo siya at kahit na mahal na mahal siya ng nanay niya, nagtatalo sila minsan at umaasa pa rin ito na may titibag sa pagiging Berlin wall niya.
But it seemed like he was born to grow up as a tough guy. Nung bata pa siya, kung sino-sino na ang nakakaaway ni Lukas sa playground. Ilang bata na ang inagawan niya ng laruan at pinaiyak sa suntok. Minsan nga nasisisi na ng nanay niya ang tatay niyang pulis dahil sa impluwensiya nito kay Lukas. Kahit nung high school lapitin na si Lukas ng gulo. He was not the type of guy who starts a fight, but he always finishes them. Tagapag-tanggol ng mga naaapi si Lukas noong high school, daig pa niya si Freddy Kruger dahil mas kinatatakutan pa siya kaysa sa fictional character na iyon.
Lukas had no regrets with being tough. He had no regrets being less expressive and less emotional. Those traits became his advantage. Hindi siya madaling maloko ng kung sino-sino, naa-accomplish niya ang mga misyon niya dahil hindi naiimpluwensiyahan ng emosyon ang decision-making skills niya.
Patuloy pa rin sa paglilitanya ang nanay niya.
"--at sabihin mo nga, kleine Verlin, paano na ako? Tumatanda na ako, kailan ba ako magkakaroon ng apo? Bigyan mo ako ng apo tapos bahala ka na magpakamatay sa giyera kung gusto mo. Bakit ba kasi nag-Major-Major ka pang bata ka? Ang titigas talaga ng ulo ninyong mag-ama eh! Paano na lang kung namatay ka nang walang asawa? Eh 'di forever na akong mag-isa dito? Sino na ang makakausap ko ng Tagalog dito?"
He just rolled his eyes. Ayaw niyang i-entertain ang panghihingi nito ng apo. Nakita na niya sa ina ang ehemplo ng isang asawang babae-- mabunganga, grabe mag-beastmode at lagi na lang nagpa-panic na para bang wala nang bukas. Por Diyos, por santo, ayaw na niya talaga magka-asawa kung katulad lang din ito ng nanay niya.
Mahal ni Lukas ang nanay niya, pero sapat na ito para pasakitin ang ulo niya. Ayaw na niya dagdagan pa.
Magandang ehemplo na rin sa kanya ang mga katrabaho niya sa German army. Kapag mga social gatherings, tadtad sa mga alahas ang mga asawa nito. Bukod pa sa mukhang gastador ang mga babae at walang iniintindi kundi ang pagsha-shopping, grabe pa ang mga ito kung makapulupot sa mga asawa nila. Minsan nga kapag nagkakayayaan din ng inuman, hindi na nakakasama ang ilan sa mga kaibigan niya sa army dahil sa maraming rason na sangkot ang mga asawa nila tulad ng panganganak nito, birthday ng anak nila o pinagbabawalan ng kanilang mga misis-- napapailing na lang si Lukas kapag naaalala kung bakit ayaw niya sa mga babae (pero laging exemption ang nanay niya).
So, no way, Jose. Sapat na ang nanay niya, ayaw na niyang ma-involve pa sa ibang babae.
In fact, kung hindi siya nagsundalo, baka nag-pari na si Lukas dahil sa paniniwala niyang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro