Chapter Two
Dumeretso si Risha sa banyo ng club na iyon bago umalis. She removed all her make-up and jewelries, including the gold necklace her father just gave on her 30th birthday.
Pagkatanggal ng make-up niya, napatitig siya sa salamin. She looked androgynous and her eyes were big a bit wider that also always looked bored. Her thin lips were pale and wide as well. At halos hindi na makita ang kilay niya dahil sa nipis nito.
She absolutely hated herself. She hated how she looked like. Anak-mayaman siya pero kahit na ayaw na ayaw niya sa natural niyang hitsura, ni hindi niya magawa na magpa-cosmetic surgery. Takot siya sa dugo, takot siya sa kahit anumang uri ng violence at mga surgeries. Kaya naman, sa make-up na lang niya nakukuha ang assurance na maganda siya.
Hindi naman niya in-overdo ang pagme-make up, she just highlighted her features and concealed the bad ones. Gumagamit siya ng pencil para mas makita ang kilay niya, lipstick para maitago ang putlain niyang mga labi, at eyeliner para magmukhang mas maliit ang mga mata niya.
Make-up was giving her some magical source of self-confidence, backed up by fashionable clothes and powerful high heels.
Pagkasuksok ng mga gamit niya sa dalang clutch bag, nagmamadaling lumabas ng banyo si Risha. Pero hindi niya napaghandaan ang sorpresa na nag-aabang sa kanya sa roon.
"Frau," bungad sa kanya ng lalaki na sinungitan siya kanina sa bar counter.
Her eyes narrowed. "Anong ginagawa mo rito? At paano mo ako nakilala?"
Kanina lang kasi sila nagkita ng lalaki, pero impressive na nakilala siya nito kahit wala na siyang make-up sa mukha. Alam naman ni Risha sa sarili niya na ibang-iba ang hitsura niya kapag walang suot na make-up.
The man just uncrossed his arms. "Platinum hairdo, same tube dress..."
Risha just rolled her eyes and grinned back at him. "So? Bakit mo ako hinanap? You changed your mind?"
Bumaba ang paningin ng lalaki sa dibdib niya. Then he returned his eyes on her.
"Wala kang suot na necklace?"
Risha looked down. Naalala niya na hinubad na niya ang suot na kwintas. Nakipagtitigan siya muli rito.
"Oo, hindi ba obvious?"
Nasapo nito ang ulo ang napa-iling-iling. It was as if he was thinking, I probably drank too much for tonight, I am beginning to see things that I shouldn't see.
"Ano na?" mataray niyang usig sa lalaki na napapikit na. "Dalian mo at uuwi na ako!"
Ngumisi lang ito sa kanya. "Nothing, arrogant bitch.
Dinuro niya ito. "I don't want to see you ever again!"
"So do I!" talikod nito.
Inipit ni Risha ang buhok sa likod ng tainga niya. Suplado!
Samantala, napa-iling-iling na lang si Lukas habang naglalakad na ito papunta ng men's room.
That arrogant bitch!
***
"They don't have to be involved, Sir," sagot ni Lukas sa kausap sa cellphone.
May hang-over pa siya nang magising para sa daily morning routine niya. Tapos na siya mag-exercise at kumakain na ng almusal sa hotel na tinutuluyan niya nang tawagan siya ng kanilang heneral para sa importante nitong ibabalita sa kanya.
"That will make our search easier, Major. And besides, the Philippine's Bureau of Intelligence is willing to help."
He rolled his eyes. "Sir, I thought this is a top secret mission."
"It is a top secret mission, but we need help. We have a three-month ultimatum and it is our third month already, Major. "
"Fine," bulong ni Lukas sa sarili bago sinagot muli ang nakakataas dito. "Yes, Sir. I'll go coordinate with them today."
Inisa-isa munang tawagan ni Lukas ang mga subordinates niya kung may leads na ba kung saan makikita ang locket pero puro negative ang sagot ng mga ito. Nagsuot na lang ng simpleng cream-colored suit si Lukas nang walang neck tie at dumeretso sa NBI. Pagkatapos ng maayos na usapan, pagkalabas ni Lukas mula sa opisina ng direktor nito, nakasabay niya sa hallway ang isang pamilyar na lalaki.
"Jamer?" Lukas squinted, closing the distance between them.
Nung nagkaharap na sila, doon lang niya nakita ang nakalagay sa dibdib nito na nakatahing patch kung saan may nakasulat na Major Jamer G. Hermano.
Jamer used to be Lukas' elementary classmate in Munich. Pero hindi pa sila guma-graduate, nag-migrate na si Jamer sa Pilipinas. Hindi niya makakalimutan ito dahil naging matalik silang magkaibigan at gayundin ang mga nanay nila na parehong Pinay. After so many years, nagbalik ang komunikasyon nila sa pamamagitan ng Facebook at heto, nagkita pa sila.
Maluwag ang naging pag-ngiti ng kapwa Major niyang kaibigan.
"Oh, Lukas! You should have told me that you're coming to the Philippines!"
Napatawa lang ito ng mahina. "Come on, Jamer, I will tell you if I am here for a vacation."
"Oohh," Jamer crossed his arms. "Wait a minute. Ikaw ba yung binanggit na German Major? The one looking for this locket containing the memory card where the RFS files are stored?"
Naningkit ang mga mata ni Lukas. "That is a secret information, bakit alam mo iyan?"
Jamer shrugged his shoulders. "Well, they asked for my help regarding that. Marami naman daw akong tauhan under my own platoon. But I rejected it, sorry, Lukas."
"Our General?"
"Our General," sagot ni Jamer. "Gusto niya maging impressive ang Philippine Army sa mata ng mga German so... he asked for higher ranked officials to handle the cooperative search."
Naglakad na si Jamer kaya sinabayan ito ni Lukas.
"So, high ranked officials pa lang ang may alam tungkol dito, hindi ba?"
Jamer nodded. "Yup. And don't worry, man, alam namin na delikado ang pag-leak ng information na ito kaya naman hindi namin iyon ipagsasabi sa kung kani-kanino."
"Siguraduhin mo," irap nito sa kaibigan. "I know you, Jamer, you cannot hold the truth for a very long time. You tend to tell things to people who are close to you."
Tinawanan lang siya nito. "Yes, Lukas, I have that tendency, but I have a mission in Basilan this coming month, so I doubt I have the time to spill the beans to somebody."
"Just make sure--"
"Risha?" bulalas ni Jamer kaya napatingin si Lukas sa nagpahinto sa kaibigan niya sa paglakad.
She stood there in black high heels, white jeans and a cropped gray top. Nakalugay ang platinum blond nitong buhok, on fleek ang make-up at may malapad na ngiti.
"Hello, Major Kuya, sabi ni--" natigilan ito at nag-upside-down ang ngiti nito nung lumipat ang tingin ni Risha sa kanya.
They heard her audible whisper to herself. "That German guy! Anong ginagawa ng halimaw na ito rito!"
Mas pinili ni Lukas na isarili na lang ang pagkagulat, pero naningkit pa rin ang mga mata nito.
So she's here. Hindi ko matatanggap kapag nalaman ko na nagtatrabaho siya sa NBI.
"Well..." napatingin si Jamer sa kanila at sa weird na reaksyon ng mga ito. Being observant, mukhang naramdaman agad nito ang tension sa hangin. "Lukas, this is Risha, my cousin. Risha, this is Lukas, my friend..."
Risha handed a box to Jamer. "Major Kuya... I came to give you this... treats..."
Hindi pa rin napuputol ang eye contact nila Lukas at Risha. Kapwa naglalaban ng titigan, nagsusukatan ng tapang.
Awkward na tumawa si Jamer. "T-Thanks... Bakit ka naparito?"
Binalik na ni Risha ang mga mata kay Jamer. Lukas was satisfied for winning the staring contest, he just crossed his arms and looked at the ceiling.
"I just want to thank you," ngiti ni Risha sa paborito nitong pinsan. "Salamat kasi tinulungan mo ako makauwi kagabi. Tinawagan ko na yung car shop this morning, they said I can bring home my car next week."
"That's fast, imagine the damage it had..."
"Well, I paid them right, so they better do their job fast," Risha winked. Halata na inipilit nitong ignorahin ang maitim na aura sa tabi ng pinsan nito.
"Well, what a reckless driver," sarkastikong pakikisabad ni Lukas sa dalawa.
Natawa si Jamer sa sinabi nito. "Well, ganyan talaga itong pinsan ko... medyo reckless..."
"I am not a reckless driver!" Risha gritted. Pero nakangiti pa rin ito. Hindi si Jamer ang sinasabihan nito kundi si Lukas. Obvious naman dahil kay Lukas ito nakatitig ng masama at hindi sa pinsan nito.
Lukas shrugged. "Oh, well, tara na, Jamer, samahan mo muna ako palabas ng NBI at--"
Pero may ibang plano ang kaibigan niya at mabilis na pinutol ang mga sasabihin pa nito.
"Sorry. May mga ika-clarify pa ako sa NBI bago bumalik sa Philippine Army office. I guess, you better accompany Risha out of here. Lagi kasi iyan naliligaw dito sa NBI."
"Major Kuya!" Risha groaned.
Binigyan ni Lukas ng makahulugang tingin ang babae bago ito sumagot.
"Sure. I can accompany her," baling niya kay Jamer bago binalik ang paningin sa babae.
Nice meeting you again, arrogant bitch.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro